"He's Dylan Villarosa." pagpapakilala ni Macy kay Dylan kina mommy at daddy.
Now what?
Fiancé? Talaga ba?
Wow naman. Hindi man lang nila kami ininvite sa engagement party nila.
HAHAHAHAHAHA
Pagkatapos non ay umupo na silang dalawa sa harap ko.
Nahuli ko ang mga titig sa akin ni Dylan pero umiwas din siya ng tingin nang kausapin siya ni Macy.
"Hindi masungit si daddy." bulong nito kay Dylan pero dinig ko naman.
Tsk.
"Kwentuhan niyo naman kami. How long you've been in a relationship? Wala ka ngang pinapakilala sa amin na boyfriend tapos ngayon gugulatin mo kami na may fiancé ka na, Macy?" sabi ko at sinamaan naman ako ng tingin ni Macy.
Hindi pa siya naglelegal kina mommy at daddy. Hindi niya nga pinakilala sa amin si Dylan na siyang boyfriend niya pala nung high school kami eh.
"Magi's right. Parang ang bilis naman yata, Macy? I mean, you're still young to be engaged. If I were you, finish your studies first." sabi naman ni daddy.
Napangisi ako.
Kaya gusto kong nandito si daddy kasi feeling ko hindi ko mag-isang nilalabanan si Macy.
"Dad! Bakit mo naman sinasang-ayunan 'yan si Magi eh halata namang inggit lang 'yan sa akin palibhasa siya eh mukhang tatandang dalaga!"
"Where's your manner, Macy? You can't talk back to me.. I'm your father."
Ops.
"Kumain na lang po tayo, sir." pagsingit ni Dylan sa malapit nang magliyab sa galit na si daddy.
Hindi ko naman intensyon na mag-away sila eh.
"I am not allowing this engagement to happen. Walang engage, walang ikakasal until both of you graduated." sabi ni daddy sa kalagitnaan ng pag kain..
"Dad--"
"Tumigil ka na nga, Macy! Babae ka tapos ikaw pa 'tong gustong magpatali agad sa lalaki?!" sabi ni daddy at tumingin kay Dylan. "Ikaw ba iho, pabor ka ba sa engagement na 'to? Talaga bang gusto niyo nang makasal ng anak ko?"
Halata sa mukha ni Dylan na hindi niya alam ang isasagot sa tanong ni daddy..
Baka naman kasi hindi niya din gusto na ma engage kay Macy?
Hays. Sorry na, umaasa na naman ako sa wala.
"We're not rushing things naman po. Yes, engage kami pero hindi naman po kami nagmamadali na ikasal." aniya.
"Hon, hayaan mo na si Macy. Malaki na siya. Hindi na niya kailangan pang dumepende ang desisyon niya sa atin.." sabi naman ni mommy.
"If that so.." sabi ni daddy at bumalik na sa pag kain.
"Anyway, we're going to Baguio tomorrow." pag-anunsyo ni mommy.
Huh?
"Ininvite kasi ako ni Wendy na sumama sa Youth Camp ng church nila. Sumama na kayong tatlo kasi para naman talaga sa inyo yun eh. Bagay kayo dun." dagdag pa niya.
Pwede ah?
Kasi tamang-tama at wala kaming pasok ng isang linggo kaya kaysa tumunganga sa kwarto eh mas mabuting sumama na lang kami dun.
"Pwede mag-aya, mi?" tanong ko.
"Ininvite na nga lang si mommy tapos mag-aaya ka? Mahiya ka nga, Magi." pagsingit naman ni Macy.
"Go ahead, Magi. This camp is for all youth so sa tingin ko naman eh mas matutuwa pa si Wendy sa gagawin mo." sabi naman ni daddy.
HAHAHAHAHAHA
Ang sarap pala sa feeling kapag may tagapagtanggol ka.
-
Pagkatapos din non ay dumiretsyo na ako pauwi kina Dylan. Hindi talaga ako magsestay dun sa bahay kasi baka bungangaan lang ako ni mommy kahit pa nandun si daddy.
And isa pa, balita ko dun daw matutulog si Dylan.
Tsk.
May sarili naman siyang bahay tapos makikitulog siya sa bahay namin? Wow.
Bago matulog ay ibinalita ko na kina Julia at Delancy ang about sa Youth Camp and go na go ang dalawa. Gustong-gusto din makagala kaya niremind ko na sila na mag alarm sila dahil maaga kaming gogora bukas.
Yieeeee.
I'm so excited.
-
Alas singko ng umaga nang matapos akong gumayak at ready na din ang bag ko na may lamang mga gamit.
Two days kasi yung camp kaya kailangan marami akong baunin na mga damit pampalit.
Today, I'm wearing a simple white tshirt topped by green utility jacket and a ripped jeans paired with white sneakers.
Sabay na kami ni Julia na nagpunta sa bahay habang si Delancy ay nagchat sa akin at sinabing nandun na daw silang lahat at kami na lang ni Julia ang hinihintay.
Oo nga..
Pagdating namin ay nandun na silang lahat maliban sa amin.
Hindi na ako nagulat na kasama ang DWEIYAH dahil malamang hinakot yan ni Alec lahat.
Dalawa ang van na nakaparada sa bahay.. Dalawang eight seater daw yun which is sakto lang naman sa amin dahil all in all 15 kami dito kasama yung parents ni Alec which is yung nag-invite sa amin.
Sa isang van sina mommy at daddy, parents ni Alec, si Alec, Delancy at si Harris..
Habang sa isang van naman ay syempre kaming mga natira..
Si Dylan ang driver habang sa passenger's seat nakaupo si Macy. Nasa likod naman kami nina Eli at Yuwi at sa likod namin sina Julia, Israel, at Warren.
Okay, ang awkward ata nito kasi napapagitnaan ako nina Eli at Yuwi at tanaw na tanaw ko si Dylan sa salamin ng kotse..
'Wala kang pake, Magi.'
"Okay, wala akong pake." bulong ko sa sarili.
"Ano yun?" tanong ni Eli na mukhang narinig pa ang binulong ko.
"Wala." sabi ko at sumandal na lang sa back rest at saka pumikit.
Puyat ako kaya matutulog ako. Partida ang aga ko pa gumising para dito.
"Napakadamot mo naman, Warren! Hihiram lang ng air pods eh! Karmahin ka sana, kala mo!" dinig kong sabi ni Julia mula sa likod.
Tangina naman ng mga 'to! Kitang gusto kong matulog tapos mag-iingay sila ng ganyan!?
"Bakit ba kasi hindi ka bumili ng sayo? May pera ka naman tapos nagtatyaga ka manghiram?!" sagot naman ni Warren na nasa kabilang gilid.
Nasa gitna nilang dalawa si Israel na mukhang hindi din makatulog dahil dun sa dalawa.
"Hindi mo naman kasi diba ginagamit yung air pods mo so bakit ayaw mong ipahiram sa akin? Hindi ko naman sisirain, wag ka mag-alala!"
"Ayoko nga eh! Bakit ba ang kulit ng lola mo? Manahimik ka na lang nang matuwa ako sayo."
"Gusto kong matulog kaya manahimik kayo dyan." dinig kong sabi naman ni Israel sa kanila.
"Hindi ako tatahimik dito hangga't hindi ako pinapahiram ni Warren ng air pods." sagot naman ni Julia.
"Tangina mo, Julia. Napakaingay mo! Dapat dun ka na lang sa isang van sumakay eh. Punyetang buhay 'to, kulang na nga ako sa tulog tapos mag-iingay ka pa." sabi naman nitong katabi ko na si Yuwi.
Tama ka dyan, pre.
"Oh bakit may nakikisabat? Hanggang dito lang yung usapan oh?" sabi ni Julia at sigurado akong kahit hindi ako tumingin sa likod ay nagdrawing siya ng linya na parang ginawa ni Yuwi noon.
"Ang ingay naman." dinig kong sabi ni Macy sa harap.
"Narinig ko yon." sabi naman ni Julia. "Wala kang karapatang magreklamo, Macy. Kung naiingayan ka sa akin, buksan mo yung pinto ng kotse at bumaba ka!"
"Gusto mong ikaw ang pababain ko?!" sagot naman sa kaniya ni Macy.
"Hindi mo ko kaya Macy. Marami ka pang kakaining bigas para matalo mo ko. Duh? Sino ka ba? Di hamak na isang sampid na bobo ka lang sa university, nakalimutan mo na?"
Kita ko namang gumalaw sa inuupuan niya si Macy at tumalikod para makipagsagutan siya dito kay Julia nang maayos.
"Gaano ka ba katalino, Julia para sabihan ako ng bobo nang paulit-ulit? One on one na lang sa Calculus?" paghahamon pa nito.
Pft.
Math wizard 'yang si Julia kaya good luck sayo.
"Hinahamon mo ba ako? Hindi kita uurungan. Gusto mo ngayon pa eh. Walang review review oh. Para pati si Dylan masaksihan kung gaano ka kabobo. Kilala mo ba father of Calculus? Oh baka hindi? Palibhasa sa discussion non ng prof mo na kay Dylan ka at lumalandi diba?"
"Si Albert Einstein." confident na sagot ni Macy.
Pft.
Nakita ko namang tumawa ng malakas si Julia.. Yung tipong mabibingi kami sa lakas non.
"Si Einstein daw mga math major!" natatawang sabi pa din ni Julia sa amin nina Eli, Israel at Dylan. "Putanginang 'yan. Lantad na lantad na ang kabobohan mo, girl. Tapos ang lakas pa ng loob mo na hamunin ako ng one on one sa Calculus pero yung Father of Calculus hindi mo kilala?
Ayus-ayusin mo desisyon mo sa buhay, Macy. Kung makikipag one on one ka sa akin, siguraduhin mo naman na hindi ka magpapakabobo. Baka pati sina Newton at Leibniz sapakin ka sa mukha kasi hindi mo sila kilala."
Namumula naman sa galit na bumalik sa pagkakaayos ng upo si Macy saka humawak sa braso ni Dylan na nagmamaneho.
Ayan na naman siya.
"Pagsabihan mo nga 'yang kapatid mo, Dion. Napakasama ng ugali niya. Masama bang magkamali, ha?"
"Hina-hinaan mo naman ang pagsusumbong mo, Macy. Siguraduhin mo naman na hindi ko maririnig." sabi pa ni Julia.
"Tama na, Julia." inaantok kong sabi.
Legit bhiE, inaantok ako sa away nila.. Grabe sila eh.
"Papahiramin ko na nga ng air pods 'yan si Julia para manahimik na." sabi naman ni Warren.
Mabuti naman.
Nakaramdam ako ng ngalay sa batok ko kaya naman napatayo ako sa pagkakasandal ko sa back rest saka humawak sa batok ko.
Ang sakit.
Ewan ko kung assuming lang ako pero nang mapatingin ako sa pwesto ni Dylan ay agad niyang kinuha ng isa niyang kamay yung pillow neck na nakapatong sa hita niya—
"Here." nagulat ako sa sinabi ni Eli at sa susunod niyang ginawa.
Isinuot niya sa leeg ko yung pillow neck na kulay yellow..
Habang yung kamay naman ni Dylan na may hawak na pillow neck kanina ay nabalik na sa manibela.
"Matulog ka na." nakangiting sabi niya sa akin kaya naman sinuklian ko siya ng ngiti at bumalik na sa pagkakasandal sa back rest.
Pahimbing na talaga ang pagtulog ko nang maramdaman ko ang kamay ni Eli na umakbay sa akin at saka niya marahang ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.
Hindi na lang ako nag-abala pang gumising dahil sa naging komportable na din ako sa posisyon ko ngayon.
"Kung nandito lang si Delancy eh kilig na kilig siya sa nakikita ngayon." dinig kong sabi ni Julia.
"Nandito ako, Julia. MaLi shippers ako." singit naman ni Yuwi.
Okay, mukhang hindi na talaga ako makakatulog dito kaya magpapanggap na lang akong tulog.
"Sinong nagtanong?"
"Bakit? Bawal ba sumagot kahit walang tanong?"
"Hindi mo alam, Yuwi? Kawawa ka naman. Hindi ba 'yan tinuro sa inyo ng GMRC teacher niyo? Kaya ka pala ganyan eh. Lumaki kang walang manners."
"Ssshhh!" sabi naman ni Israel senyales na manahimik na sila.
Buti naman at payapa na din sa wakas at makakatulog na din.
Malayo-layo din kasi ang ibabyahe namin.
-
Alas nuebe ng umaga kami nakarating sa Camp John Hay at sakto namang nandito na din pala lahat ng kasali sa Youth Camp ng GSRW or yung Good Shepherd and Right Witnesses.
Dumiretsyo muna kami sa Manor hotel kung saan kami nag check-in. At ang kasama ko sa room ay sina Eli, Julia, at Dylan.
Hindi pumayag si daddy na sa iisang room lang sina Macy at Dylan since aware siya na magjowa yung dalawa..
Sa isip ni daddy, ang pagsasamahin niya daw sa mga rooms ay yung mga walang love and affection sa isa't isa.
Well, hindi alam ni daddy na nanligaw sa akin dati sina Dylan at Eli kaya ayun.
Hindi din naman nagsalita pa si Macy about dun kasi malamang nakalimot na din dahil pinuno ng kalandian niya ang utak niya.
Pagkatapos na pagkatapos naming mailagay yung mga gamit namin sa rooms namin ay agad din naman kaming bumaba at nagpuntang conference center na malapit dun sa main gate..
Nang makarating dun ay naabutan naming nagsasalita yung pasimuno ng Youth Camp na ito; yung camp leader. Basta kung anuman ang tawag sa kanya, yun na yon.
"Magandang umaga, mga kapatid. Nagpapasalamat ako dahil malugod kayong nag participate sa two day camping natin at hangad ko na mag enjoy kayong lahat..
We've prepared activities that will challenge all of you, especially the teenagers who've participated, to a closer, deeper relationship with Jesus Christ.
This Youth Camp designed to build relationships; with God, with counselors who model what it means to be a follower of God and with the other campers.
At wala ng patumpik-tumpik pa, uumpisahan na natin ang ating programa sa isang maikling panalangin that will sing by sister Mia."
Nakita ko naman na naghawak-hawak kamay ang iba kaya naman nakigaya na lang din kami..
Hinawakan ko ang kamay ni Eli habang sa kabila naman..
Nagkatinginan pa muna kami ni Dylan bago niya kuhanin ang kamay ko at umiwas ng tingin pagkatapos non.
Pft.
Pumunta na nga sa gitna si sister Mia at nagsimula na.
You were the Word at the beginning
One with God the Lord Most High
Your hidden glory in creation
Now revealed in You our Christ
What a beautiful Name it is
What a beautiful Name it is
The Name of Jesus Christ my King
What a beautiful Name it is
Nothing compares to this
What a beautiful Name it is
The Name of Jesus
You didn't want heaven without us
So Jesus, You brought heaven down
My sin was great, Your love was greater
What could separate us now
What a wonderful Name it is
What a wonderful Name it is
The Name of Jesus Christ my King
What a wonderful Name it is
Nothing compares to this
What a wonderful Name it is
The Name of Jesus
What a wonderful Name it is
The Name of Jesus
Death could not hold You, the veil tore before You
You silenced the boast of sin and grave
The heavens are roaring the praise of Your glory
For You are raised to life again
You have no rival, You have no equal
Now and forever, God, You reign
Yours is the Kingdom, Yours is the glory
Yours is the Name above all names
What a powerful Name it is
Nothing can stand against
What a powerful Name it is
The Name of Jesus Christ my King
What a powerful Name it is
Nothing can stand against
What a powerful Name it is
The Name of Jesus
What a powerful Name it is
The Name of Jesus
What a powerful Name it is
The Name of Jesus
Hindi ko alam kung normal ba na maiyak after nito pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na maiyak everytime I hear worship songs na kagaya nito.
"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Eli at bahagya pa siyang yumuko para punasan gamit ang daliri niya ang mukha ko.
Sorry na, napakaiyakin ko talaga eh.
"Marupok talaga ako sa mga worship songs." natatawang sabi ko.
"Ako din--"
Naputol sa sasabihin si Eli nang biglang sumingit si Dylan.
"Makinig kayo." aniya na diretsyong nakatingin dun sa camp leader na nagsasalita sa harap.
"All of you will be divided into five teams. 140 tayong lahat dito so each team must consists of 28 members.
Kung sino ang nag-invite sa inyo dito, siya ang leader niyo.
We have sister Mia, sister Celine, sister Wendy, brother Mar and brother Karlo.
At sila ang nakaatas na mamuno sa ating first activity for today at ito ay ang BIBLE STUDY.
Ang purpose ng activity na ito ay upang madagdagan ang kaalaman niyo sa mga bible verses and also para mapalawig ang kaalaman niyo by analyzing carefully what was the bible verse really want to say.
Each group should have form a circle for the study para mamonitor namin nang maayos kung mga nakikinig kayo o yung iba eh nagcecellphone lang."
At ayun nga, obviously si tita Wendy ang leader namin kasi siya ang nag invite sa amin dito at nag form na din kami ng circle gaya nga ng sinabi nung camp leader.
"Ready na ba kayo makinig?" panimula ni tita Wendy at sabay-sabay naman kaming sumagot sa kaniya ng YES. "Our verse for today is..
Galatians 6:10 (NIV)
10 Therefore, as we have the opportunity, let us do good to all people, especially to those who belong to the family of believers.
God expect us to serve everyone, not just the people who look like us.
That means we should show kindness and offer help to all people regardless of race, gender, social status, etc.
Alam niyo kids, ang pagtulong ay walang pinipili yan. Kung tutulong tayo sa isang tao, wala dapat tayong basehan o criteria kung tutulungan ba natin ito o hindi. Mapa tao man yan o hayop, basta't nangangailangan ng tulong ay tulungan natin.
Maliban syempre kung masama yung gagawin niya eh wag na wag natin siyang tutulungan ano? Hayaan mo siyang tumawag ng kampon ng demonyo.
Kidding aside.
Always remember the sayings IT'S BETTER TO GIVE THAN TO RECEIVE.
Its better to offer a help to someone that is in need kasi automatically, the blessing that you give to others will eventually comes back to you. If you offer a good help, God will provide you a blessings..
Sabi nga ng iba, kapag nagtanim ka ng kabutihan, kabutihan din ang babalik sayo.
Mas magandang pagmasdan ang isang mundong walang bahid ng kasamaan at puro kabutihan lang ang laman.. Because God creates everything in this world by His pure heart.
Ganto nalang isipin niyo, para manumbalik ang pananampalataya niyo sa Kaniya kung sakali man na nawala.. Ang isipin niyo nalang eh as a payback for the life that He gave to you, please do something good for Him. Gumawa ka ng mabuti kung hindi man para sa Kaniya pero sa kapwa mo tao na lang..
Serving others is like how you express your love and gratitude to our Lord.
Kaya kayong mga kabataan kayo, before serving your future husband or wife, serve other people first that really need your help.
Kayo ang pag-asa ng bayan sabi ni Jose Rizal kaya umpisahan niyo ang pag-asang yun sa pagseserbisyo sa mga taong nakikita niyo sa mga lansangan."
Napapalakpak ako sa sinabi ni tita Wendy kasi naman ang galing niya magsalita at sadyang may lalim ang bawat salitang sinasabi niya.
"Sister Wendy, kasama din sa verse na 'serve others especially those who belong to the family of believers', ano pong ibig sabihin nun?" tanong ni Rose.
May name tag nga pala kami para hindi naman awkward kung tatawagin namin ang isa't isa ng huy o hoy diba?
"The verse says that we should also serve those persons who are belong to the family of believers because why not?
I mean, siguro sa lahat ng taong nag e-exist sa mundo, mas kailangan or mas dapat nating pagsilbihan yung mga taong mayroon nang pananalig sa Diyos. Kasi sa kanila nagsimula ang lahat kung bakit at paano tayo namulat sa totoong buhay eh.
Yung mga naniniwala sa Diyos, hindi ba at karamihan sa kanila ay mga pari, madre o kaya mga naninilbihan sa iba't ibang mga simbahan, mga pastor, religious teacher, lahat ng mga taong nagtuturo ng salita ng Diyos, hindi ba at kung hindi naman dahil sa kanila ay hindi tayo maliliwanagan, hindi tayo matatama ng landas, at hindi magigising sa katotohanan?
Malaki ang utang na loob natin sa mga taong ito dahil ang pagbabahagi ng salita ng Diyos ay hindi simpleng gawain lang pero dahil pursigido silang ipakalat ang salita ng Diyos ay patuloy nila itong ginagawa kaya walang duda na mas kailangan natin silang pagsilbihan bilang pagtanaw natin ng utang na loob sa mga kagaya nilang matapat na naglilingkod sa ating Panginoon."
Pagkatapos ng bible study ay nananghalian muna kami bago magpatuloy sa susunod na activity..
TUG OF WAR.
Ayon naman sa camp leader, ang purpose ng activity na ito ay upang test yung determinasyon naming mga campers na manalo sa larong kagaya nito..
Kalaban namin ang team ni sister Mia. Tapos ang mananalo sa amin ay kakalabanin ang nasa waiting area na sina brother Mar.
Sampo ang kasali each team and unluckily, nasama ako sa kasali at sina Eli, Alec, Julia, Dylan at Warren.
Nakapwesto na ako sa may gitna habang nasa harap ko si Julia at nasa likod ko si Dylan?
Luh?
Si Eli yan kanina ah?
At ayun na nga, nagstart na ang game at nakakainis dahil ang lakas humatak ng kabila.
Nako, mukhang mapapasubsob kami nito sa nag-aabang na putik sa gitna ah?
"NAKAKAGIGIL 'TO AH! ISIPIN KO NGANG KAY MACY NA BUHOK 'TONG HINIHILA KO." gigil na sabi ni Julia at naramdaman ko naman na nahahatak na namin sila.
Hala, effective.
Hatak pa kami ng hatak at impernes kasi ang sakit nito sa kamay pero ilang sandali lang din ay nadala na din sa hatak ang kalaban kasi sila ang nahulog sa putikan.
Pft--
"OHH!" sigaw ko nang bigla akong ma out of balance pero buti nasalo niya ako..
Shit.
Nang malaman kong si Dylan yun ay agad akong tumayo at lumayo sa kaniya..
"Wag umasa, Magi." bulong ko sa sarili at naglakad na palayo sa kaniya.
At dahil nga kami ang nanalo, kakalabanin namin ang team ni brother Mar.
But this time, hindi na ako sumali kasi nagsabi ako kay tita Wendy na sumakit yung braso ko dahil sa paghatak ng lubid. Buti nalang at pinayagan naman niya ako.
Maraming lalaking kasali sa team ni brother Mar kaya naman hindi nakakapagtaka na natalo nila kami.
Tae naman kasi, tatatlo lalaki sa amin tapos sa kanila pito, sige nga paano kami mananalo dun?
Buti nalang pala hindi ako sumali at nakaligtas ako sa putik. Hehehehe.
At ayun nga, bilang nanalo sina sister Celine kina brother Karlo eh sila ang humarap kina brother Mar at kagaya namin eh natalo sila ng mga lalaki.
Unfair!
Pero okay ng talo atleast nag-enjoy naman kami. Hindi naman kami sumama dito para manalo eh.
Maaga pa para sa hapunan kung kaya sinimulan na ang next activity which is ang SCAVENGER HUNT.
"Meron kaming ikinalat na mga FLAGS dito sa buong Camp John Hay. Hindi ba at five teams kayo kaya naman FIVE FLAGS din ang ikinalat namin at unahan kayong lima na matagpuan yun.
Wag kayo mag-alala dahil meron namang mga hints din kaming kinalat at sana mahanap niyo yun.
At ang purpose ng activity na 'to ay upang maipakita kung paano kayo magwowork as a team at kung paano niyo ma a-achieve ang inyong common goal.
Good luck!"
Sumenyas naman na ang camp leader na umpisahan na namin ang paghahanap.
Orayt.
Malaki itong Camp John Hay mga bhie kaya sure ako magiging mahirap ang hanapan na 'to.
Jusmiyo.
Minabuti ng team namin na sa iisang lugar na lang kami maghanap ng clue at kasalukuyan nga kaming nandito sa Yellow Trail which is ang pinakamalapit na lugar mula sa conference center.
Dito nagsimulang maghanap ang teams namin ng mga clues..
Yung iba't ibang flags kasi ay nakaplace sa iba't ibang areas dito sa Camp John Hay. Bale, kahit anong flag ang makuha namin ay okay lang. Ang purpose naman kasi ng activity na 'to ay paunahan makahanap ng flag.
Pero mukhang wala naman kaming mapapala dito kasi puro damo at puno lang ang nakikita ko eh.
Wait.
May napansin akong kakaiba sa isang puno dito..
Agad akong lumapit sa likod ng puno at may nakita akong punit na bond paper..
At ang nakasulat ay ito..
(+) (-)
Ano daw? Drawing ba 'to o ano?
Agad akong lumapit sa mga kasamahan ko at ipinakita sa kanila ang papel na hawak ko..
"Clue 'yan. Kailangan natin 'yan masagutan." sabi sa amin ni tita Wendy.
Hindi pala sumama dito sina mommy at daddy kasi hindi daw sila bagay sa ganto.
Aysus.
KJ lang sila ih.
Pero balik tayo sa clue na nakita ako.. Ano nga bang sagot dito?
"Ang gulo naman niyan." inis na bulong sa akin ni Delancy.
Samedt feeling.
"Negative." sabi naman ni Yuwi kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. "Basic algebra lang 'yan.. Rules of the sign when multiplying integers. Tignan niyo mabuti."
(+) (-)
Ayyy oo nga! Kapag pinagmultiply mo ang isang positive at isang negative edi ang sagot negative kasi unlike signs is negative and like signs is positive.
Wow.
Ang galing ni Yuwi dun!
"Mahusay." natutuwang sabi ni tita Wendy. "Ngayon, ang clue natin ay negative pero mukhang kulang pa 'to kaya maghanap pa tayo." aniya kaya sinunod naman namin siya..
Napadpad naman kami sa may picnic area kung saan may mga naabutan kaming mga tao dun na malamang nagpipicnic..
Picnic area nga diba?
Naghanap-hanap kami dito at nagbabakasakaling makahanap ng clue nang lumapit sa amin si Harris at may ipinakitang punit na bond paper na kagaya ng napulot ko.
INRI
Yun ang nakasulat sa papel.
"Anong ibig sabihin niyan—"
Pinutol ko sa sasabihin si Julia nang magsalita ako.
"Yun yung nakalagay sa taas ng krus kung saan ipinako si Jesus diba? Ibig sabihin.. May krus at may INRI.. Sementeryo?"
Nakita ko namang napangiti si tita Wendy sa hindi ko malaman na dahilan.
"Alam ko na kung nasaan ang flag." aniya at nauna na sa aming maglakad.
Sinundan naman namin siya at napadpad kami sa..
CEMETERY OF NEGATIVISM
Woah? Ang galing ni tita Wendy! Oo nga, mukhang nandito ang flag na hinahanap namin base na din sa clue na nahanap namin.
Kasi yung una ay yung word na NEGATIVE tapos yung pangalawa naman ay yung INRI which is about sa sementeryo.
Galing!
May sementeryo pala na ganito?
TRIVIA:
Also known as the lost cemetery or pet cemetery and one of the sites within the Historical Core.
The cemetery is a symbolic burial place of negativism – man's greatest self-imposed infliction, most limiting factor and heaviest burden.
It is designed by Base Commander John High Tower during the 1980s.
Those "interred" here have witty names that implied negative traits, complete with their birth and death names, like Kantdu Nothin Wright (Born: December 5, 1905; Died: June 14, 1903), Letz Study It (Delayed birth, step childhood never reached maturity), and others.
Those who are overly negative were never born, like Itz Not Possible (Conceived: November 11, 1905; still not born).
Kaya pala kakaiba yung mga pangalan ng mga nakahimlay dito at kaya din pala Cemetery of Negativism ang tawag sa lugar na 'to.
Ewan ko ha pero I find it funny but unique.
"I found it." sabi ni Delancy at ipinakita sa amin ang hawak niyang yellow flag.
Agad kaming tumakbo pabalik sa conference center kaya lang bilang napakalayo nitong sementeryo sa conference center eh nang makabalik kami dun eh kami ang pangatlong team na nakahanap ng flag.
Sayang.
"Wag kayong malungkot. Basta ang mahalaga naman ay nag-enjoy kayo. Tama ba ako?"
"Yes po, sister Wendy!" masayang sagot naman namin sa kaniya.
Actually okay lang naman talaga na matalo kaya lang hindi talaga maiiwasan na manghinayang kami.
"At dako na tayo para sa huling activity niyo sa araw na 'to." sabi nung camp leader.
Nabanggit din ni tita Wendy sa amin na diba nga two days and one night itong Youth Camp namin..
So ngayong first day ay may mga activities na gagawin na ginagawa na namin ngayon.. Buong araw 'to so meaning mamayang gabi ay meron ulit.
Tapos sa second day naman matik wala ng ganap, bale eenjoyin nalang namin ang pagsestay dito at paglilibot sa buong Camp John Hay para naman hindi sayang yung pagpunta namin dito..
Hello? Camp John Hay 'to bhiE. Sikat na sikat 'to sa google. Laging nasa suggestion kaya bhiE, nako talaga mag e-enjoy ako dito!
Okay, focus na ko.
"Our last activity before we have our dinner is..
FACE THE COOKIE.
Pero may twist, gagawin nating BY PAIR ito.
Ang gagawin sa activity na 'to ay magkaharap ang mga mukha niyo ng ka pair niyo habang nakadikit sa pagitan ng noo niyo yung cookie. Tapos dahan-dahan niyo yung ibaba sa pamamagitan ng paggalaw ng mga mukha niyo; pataas o pababa, hanggang sa makarating ito sa pagitang ng inyong baba (chin).
Kapag nasa pagitan na ng inyong mga baba (chin) ang cookie, dun pa lang kayo sabay na kikilos sa kinatatayuan niyo para ishoot yung cookie dito sa bowl na nakapwesto sa kabilang dulo.
Ang purpose ng activity na 'to ay upang ma practice niyo ang sarili niyo na iwasan ang tukso na kaharap niyo ngayon.
Joke lang.
Ang activity na 'to ay makakatulong sa inyo para ma test kung gaano kayo ka flexible."
Matapos ipaliwanag ang mechanics ng activity ay bumunot na ang mga team leaders ng magiging representative ng bawat team.
Oo bhiE, ang unfair. Bakit bunutan ha?!
"Magi and Dylan." pag announce ni tita Wendy sa representative ng team namin—
H-ha?
A-ako???!
"Hindi ako sasali—"
"Just for fun lang, Magi." pagputol sa akin ni tita Wendy.
"Tita—"
"Ako na lang kung ayaw ni Magi." pagsingit naman ni Macy.
Malandi talaga.
"Sorry, Macy but we have to be fair here. Si Magi ang nabunot and not you."
"Pero mukhang ayaw naman niya—"
"Okay, payag na ako." sabi ko saka nginisian si Macy.
Tsk.
Pangganti na din 'to sa mga ginawa mo sa aking kagagahan!
Pumwesto na kami ni Dylan at hindi ko maiwasang kabahan ngayon kasi baka bago pa man dumating sa baba ko yung cookie eh baka makain ko na yun nang buo.
Legit bhiE, gutom na ako.
"Start!"
Agad akong kumuha ng cookie at ipinwesto yun sa pagitan ng noo namin ni Dylan.
Dahil nga may katangkaran sa akin si Dylan ay bahagya siyang yumuko upang magpantay ang mukha namin.
Siya na din ang dumiskarte na igalaw pababa yung cookie at pinatulay ito sa nose bridge namin hanggang sa dumating na ito sa ilong na mismo.
"Magslide ka pababa, Magi. Dahan-dahan lang." aniya kaya naman sinunod ko siya.
Dahan-dahan kong inislide pababa ang cookies na kasalukuyang nasa pagitan ng ilong namin..
Shit.
Napakapit na ako nang mahigpit sa balikat niya habang pinagpapawisan ako dito na dahan-dahang bumababa..
Ayan na..
Shit.
Hindi man lang nagsabi si Dylan na gagalaw siya kaya ang nangyari..
Nahulog sa sahig yung cookies..
At..
Magkapatong na ngayon ang mga labi namin.