Agad ko siyang itinulak palayo sa akin at namumula akong tumalikod sa kaniya paalis.
Shit.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong nakipagkarera sa sampong kabayo..
Feeling ko aatakihin ako kung may sakit lang ako sa puso.
Mabuti nalang kamo at nasa dulo kami nakapwesto ni Dylan kaya sure ako na walang nakakita sa nangyari na yun—
"Kita ko yon." salubong sa akin ni Delancy.
Potek.
Kakasabi ko lang eh!
"Wag ka maingay!" inis na bulong ko sa kaniya.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang si Delancy lang ang nakakita non at wala ng iba.
Hindi din pwede malaman ni Macy yun at baka magyaya na naman 'yun ng away.
Aba mahirap na noh!
Kita ko namang kasunod ko na dumadating si Dylan at saglit pa kaming nagkatinginan at hindi din naman nagtagal eh sabay din kaming umiwas ng tingin.
Okay, awkward.
So dahil nga nahulog namin ni Dylan yung cookie, automatic na eliminated na kami sa laro at ngayon nga may panalo na.
Ang team ni sister Celine ang nanalo.
Pagkatapos din ng activity na 'yun ay pinabalik na kami sa hotel para makapagpahinga kami at makapagbihis para sa dinner daw mayamaya.
Yes, sabay-sabay kaming kakain ng hapunan and excited na talaga ako.
"Okay ka lang, Magi? Nilalagnat ka ba?" tanong sa akin ni Eli pagkapasok ng unit namin.
Hinipo pa niya ang noo ko kung mainit ba 'to o ano.
"Wala." natatawang sabi ko sa kaniya.
"Sure ka ha? Namumula kasi mukha mo eh kaya nag-aalala ko na baka—"
"W-wala ah!" pagputol ko sa sasabihin niya.
Takte wala akong sakit. Kinikilig ako kaya ako namumula, duh!
"Ako na mauunang maligo, Magi ah!" paalam ni Julia na tinanguan ko naman..
Dalawa kasi ang kwarto dito sa unit at malaki naman yung kwartong yun at sakto sa dalawang tao.
Obviously, kami ni Julia ang magkasama sa isang kwarto at sa isang kwarto eh magkasama sina Dylan at Eli.
May tig-isang banyo din yung dalawang kwarto. At yun lang ang banyo dito kaya salitan ang gamit.
"Ako din, Magi. Maliligo na din ako. Basta sabihan mo ko kapag may masakit sayo ha?" paalam ni Eli at tinanguan ko na lang din siya.
Hayy.
Habang naghihintay ay naupo muna ako dito sa may sofa at nagbasa-basa ng magazine na nandito.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang pumasok si Dylan.
Nakita kong dumiretsyo siya sa kwarto nila ni Eli at naabutang sarado ito kasi nga naliligo si Eli diba?
Wala siyang choice kundi ang maghintay na lang din dito sa sala kaya naman nang mapansin kong papunta siya dito ay nagmamadali kong ibinalik ang atensyon ko sa hawak kong magazine.
Napansin kong dun siya umupo sa one seater na sofa na malayo sa akin pero kaharapan ko lang..
'Social distancing teh?'
Ano ba yan? Ang hirap naman nito. Napaka awkward.
Bakit ganto yung feeling ko? Hindi ako mapakali na ewan..
Magsorry kaya ako sa kaniya? Kahit na siya naman talaga may kasalanan eh magsorry pa din ako noh?
Okay..
"Sorry dun sa nangyari kanina—"
"Hindi mo kailangan magsorry." pagputol niya sa sasabihin ko.
Agad kong ibinaba ang magazine na tumatakip sa mukha ko at tinignan siya nang nagtataka.
"Wala naman akong nakikitang mali sa nangyari.
I mean, hindi naman yun sadya eh saka isa pa, kung iniisip mo man na ninakawan mo ko ng halik kaya ka nagiguilty ngayon at nagsosorry eh huwag.
Siguro naman aware ka na isa ka lang sa mga masuswerteng naka isa sa akin. Kaya dapat thankful ka pa."
Nakakainis!
Napakayabang niya talaga kahit kailan! Hindi na talaga maalis sa kaniya yan, hays!
Inirapan ko na lang siya at ibinalik sa pagkakaharang sa mukha ko yung magazine.
Wala talaga siyang kwentang kausap kahit kailan eh.
Mayamaya lang din ay nakita kong lumabas na ng kwarto si Julia kaya naman nagmamadali akong pumasok dun at isinara ang pinto para makaligo na.
Oo, nagmamadali na ako kasi bigla kong naalala na 30 minutes lang ang ibinigay sa aming time ng camp leader na makapagbihis kaya kailangan ko na talagang magmadali.
Naligo ako ng isang mabilisan at pagkatapos din non ay nagbihis na ako at nagpulbos at liptint nalang ako kasi kakain lang naman eh.
Ano pang saysay kung maglipstick ako ng matingkad kung mabubura lang din naman mayamaya?
I am now wearing a square neck shirt sleeve top tucked in with high-waist pant paired with a flat sandals for a relax-chic weekend look.
Pagkalabas ko ng kwarto ay naabutan kong si Julia at Eli nalang ang nandon sa sala; malamang si Dylan nauna na sa baba since mabilis lang maligo yun eh.
Ligong-uwak.
Sabay-sabay na kaming tatlong pumunta sa Le Chef at the Manor..

Dahil nga 140 daw kami lahat ay halos napuno namin ang Le Chef.
Impernes at ang ganda dito..
Well, wala namang panget puntahan dito sa Camp John Hay.
Syempre as usual, bago inumpisahan ang sabay-sabay naming pag kain eh nagdasal muna syempre and then after non ay kumain na din kami.
Napuno ng kwentuhan at kasiyahan ang buong lugar at nang matapos kumain ng dinner ay dumiretsyo kaming lahat sa may Yellow Trail.
Nakakagulat na may bonfire na palang nakahanda dun at nandun na din ang iba..
Malamang dito ipagpapatuloy yung activity namin for this evening.
"Magsasaya tayo ngayon dito at hindi magtatakutan kaya bakit mga ganyan ang mga mukha niyo." sabi sa amin nung camp leader.
Sino ba naman kasing hindi matatakot eh kahit anong ganda nitong Yellow Trail eh ang hirap iwasan na hindi matakot kasi naman bhiE nasa gubat pa din kami.


Baka mamaya may bigla na lang magpakitang engkanto sa amin o kaya naman kapre.
"Makakalimutan niyo din 'yang mga takot niyo sa first activity natin for this evening..
At ito ay CHARADES OF STAR!
Each team must have six representatives at pabilisan ang activity na 'to.
Paramihan kayo ng mahuhulaan na word sa loob ng 2 minutes.
This activity will help you determine how sharp your memory is. Kasi ang papahulaan namin sa inyo ay about the characters in the bible. Dito matetest kung marami ba kayong kilalang characters sa bible."
Kung familiar kayo sa CHARADES OF STAR kung saan host dun si Alden Richards, yun din ang mechanics dito. Malamang, same lang naman talaga eh.
By pair ito at yung isa ay manghuhula kung sinong character yun at ang isa naman ay yung mag a-act kung sino yung character na tinutukoy niya.
Six rep each team meaning 3 pairs ang mabubuo.
And ayun, kami ang naunang sumabak sa game.
Rep namin si Delancy na kapartner si Yuwi, si Macy na partner si Dylan at si Janna na partner si Alec.
One pair 'to at a time. Mauuna sina Delancy, sunod sina Macy at panghuli sila Janna.
Pwede namang magpass kung hindi alam ang sagot.
Tapos kaming mga hindi kasali naman eh makikihula dito pero syempre hindi isisigaw yung hula namin kasi madidisqualified kami non.
Nagsimula na nga at si Delancy ang mag-a-act at si Yuwi ang huhula.
By the way dito sa charades na 'to, pwedeng magsalita. Bale, act siya pero pwedeng magsalita basta wala siyang babanggitin na famous line nung character.
"Matanda akong lalaki, puti ang balbas at may hawak akong puting ibon." sabi ni Delancy saka itinaas ang kamay niyang kunyari na may nakapatong na ibon.
"Noah."
CHECK.
By the way, may dalawang lalaki na nasa gitna nung dalawa at sila ang taga taas ng card na CHECK at EKIS.
And, one at a time lang din ang sagot. Meaning, kapag mali ang unang sagot mo, bawal nang umulit pa.
Higpit ng rule noh?
Sunod na sina Macy; si Macy ang mag-a-act at si Dylan ang huhula.
"Makisig akong lalaki at malakas ang dating. Buo aking loob, may agimat ang dugo ko. May hawak akong palakol." sabi ni Macy at ipinakita na may hawak siyang imaginary na palakol.
"David?"
EKIS.
By the way ulit, pwede namang balikan yung maling nasagot kapag syempre naubos na yung pahuhulaan.
Six characters kasi ang huhulaan per team eh.
Pero feeling ko si Cain yung sinasabi ni Macy. May palakol daw eh.
At ayan, sina Janna na; si Alec ang acting at si Janna ang hula.
"Dala ko sa aking kamay ang dalawang makasaysayang bato kung saan nakaukit ang mga mahahalagang salita ng Diyos." ani Alec at kunwaring may hawak siya na bato.
"Moises."
CHECK.
Balik na kina Yuwi at si Yuwi na ang a-acting.
"Pinanganak akong walang anumang saplot kasama ang aking minamahal na dilag."
"Adan?"
CHECK.
"Ako ang isa sa pinakamahalagang babae sa bibliya. Kung wala ako, wala ang Mesiyas."
Alam ko na agad.
"Joseph?"
EKIS.
"Bobo talaga. Babae nga tapos Joseph?" inis na bulong ni Julia sa akin.
Taena, ang dali-dali eh.
Si mama Mary lang hindi pa nasagot.
"AND TIMES UP!"
Naubusan na kami ng oras. Kaya naka 3 out of 6 points lang kami.
Pero okay lang, nakaka enjoy naman na makihula sa kanila at kagaya ng ginawa namin sa team namin eh nakihula na lang din kami sa ibang teams hanggang sa matapos na ang lahat at ang team ni brother Mar ang nanalo.
Galing nila bhie, perfect sila.
"Our next activity naman ay FACT OR BLUFF.
Mayroon akong babanggitin na statement or situation about the content of the bible at sasagutin niyo lang kung Fact ba 'to or Bluff.
Five participants each team and please lang, yung mga hindi pa nakakasali ang pasalihin ha para lahat ma experience.
This activity will help you to analyze carefully each statement na babanggitin ko.
Trivia 'to about the bible kaya matetest kung gaano kalawig ang kaalaman niyo sa ating bibliya."
Namili na si tita Wendy ng participants at ito ay sina Julia, Mich, Eli, Oscar and Milla.
Pumila na sila.
Paunahan 'to.
I mean, yung nasa harap ay may hawak na flag at kung sino sa kanila ang unang magtaas ng flag ay sila yung may chance na makasagot dun sa tanong or statement.
Raised to 3 points lang ito.
Una sa pila si Julia which means siya ang unang sasagot sa team namin.
"Hintayin ang signal ko na RAISE YOUR FLAGS bago magtaas ng flag ha?" paalala nung camp leader. "Jesus was born in Nazareth.
RAISE YOUR FLAGS NOW!"
Naunang makapagtaas ang team ni sister Mia.
"IT'S A BLUFF. Because Jesus was born in Betlehem."
CHECK.
Hindi lang fact or bluff ang isasagot kundi dapat may reason din.
And nga pala, lumipat na sa likod si Julia para bigyan naman ng chance yung iba na makasagot.
Ganern.
"Jesus turned water into wine at the wedding in Damascus.
RAISE YOUR FLAGS NOW!"
This time, nauna ang team ni brother Karlo.
"ITS A BLUFF. Because the wedding was at Cana."
CHECK. (May taga taas ulit ng check at ekis dito.)
"Lazarus was healed of his blindness by Jesus.
RAISE YOUR FLAGS NOW!"
At salamat naman kasi naunang magtaas ng flag si Eli.
Yey!
"ITS A BLUFF. Lazarus was raised from the dead, not cured of blindness."
CHECK.
"In the parable of the Good Samaritan, the tax collector passed by on the other side.
RAISE YOUR FLAGS NOW!"
Team naman ni sister Celine ang nauna.
"ITS A BLUFF. There was no tax collector in the parable."
CHECK.
"Paul was converted on the road to Damascus.
RAISE YOUR FLAGS NOW!"
At sina brother Mar naman ngayon ang nauna.
"ITS A FACT."
CHECK.
PS. Kapag FACT ang sagot, no need to reason-out.
"Saul was the first king of Israel.
RAISE YOUR FLAGS NOW!"
Sina brother Mar ulit ang nauna.
"ITS A FACT."
CHECK.
"Jesus was baptisted by John the Baptist.
RAISE YOUR FLAGS NOW!"
Naunang magtaas ng flag si Mich!
"ITS A FACT."
CHECK.
Isa na langgggg!
"Tychicus fell out of the window and died during one of Paul's long sermons.
RAISE YOUR FLAGS NOW!"
End of the game na kasi sina brother Mar na naman ang nauna.
"ITS A BLUFF. Eutychus was the one who fell out of the window."
CHECK.
At dun natatapos ang activity na yun.
"Now we're down to our last activity.. Oo, last na kasi late na din at nang makapagpahinga na din kayo.
At ang activity na ito ay BIBLE RELAY RACE.
We will be needing 10 participants for this game and gaya nga ng title ng activity, ito ay karerahan. May mga obstacle course kayong dadaanan hanggang sa makarating kayo sa board na ito dito sa dulo.
May ibibigay kami na bible verse each team and one person at a time lang ang tatakbo at pupunta sa board para isulat dun yung isang word sa verse.
Ganun din ang gagawin ng iba hanggang sa mabuo niyo yung verse na binigay ko.
Paunahan itong mabuo ang bible verse nila kaya dalian ang pagtakbo pero syempre kailangan din ng pag-iingat at baka madulas."
Orayt..
May anim na gulong na nakapwesto na tatalunin tapos kasunod naman non ay isang mababang web na gagapangin; at putikan yun.
And then naghihintay ang isang monkey bars na kailangang tawirin at pag nabagsak ka, sa putik ka na naman pupulutin.
At ang sa dulo, sack race naman tapos kapag nakarating na sa board at nakasulat na, babalik ulit at gagawin yun at kapag nasa starting point na sila, yung ibang player naman ang sasabak sa relay.
Hindi ako sumali syempre kasi ayoko maputikan at tyaka si tita Wendy ang namili at pinili niya yung mga hindi pa nasasali sa activity..
Nakapwesto na ang lahat at sumenyas na din ang camp leader ng GO.
Nangunguna ang team ni sister Celine at pumapangalawa naman kami sa kanila.
Nang dumating na sa gapangan, dun kami napag-iwanan dahil medyo nagka struggle si Monica sa paggapang pero nakahabol din naman agad siya sa pagsampa sa monkey bars at sa sack race..
Nakarating na siyang board at sinulat ang word na NEEDY.
Bumalik na din siya sa starting point para yung next player na ang kumarera.
Medyo tumagal ang activity na ito dahil nga by word kasi ang pinapasulat at saka maraming participants ang kasali.
Kung halimbawa naman na 13 words yung bible verses ng kabila, pwede naman umulit yun sa umpisa.
I mean pwedeng umulit sa race yung first player and so on.
At ngayon buo na ang mga verses namin pero ang nanguna ay sina sister Mia.
Ang bible verse na napunta sa amin ay..
Matthew 6:3 (NIV)
3 But when you give to the needy, do not let your left hand know what your right hand is doing.
"That marks the end of our activity for this day. Sana nag enjoy kayong lahat at naging masaya kayo na naging parte ng aming Youth Camp.
Sana nakapaghandog kami sa inyo ng tuwa at saya at sa pamamagitan ng mga activities na ginawa natin eh sana nakatulong yun upang makapagbigay kami sa inyo ng munting aral at mga salita ng Diyos.
Sa ngayon, pwede na kayong magpahinga at mag-ayos ng inyong mga sarili.
Lalo na sa mga sumali sa relay. Dudungis niyo na.
Paalala ko nga pala, maaga tayo bukas para sa huling gawain. Bilang ang theme ng ating Youth Camp ay YOUTH FOR SERVICE, ang bawat teams pa rin ay naka assign sa isang designated place kung saan kayo maghahandog sa mga ito ng inyong mga donasyon; pera man yan, damit o pagkain, anything will do as long as bukal sa puso niyo itong ibibigay sa kanila.
We are a servant of God at mas kalugod-lugod sa Kaniya kung hindi lang sa Kaniya tayo maglilingkod kundi pati sa mga taong mas lubos na nangangailangan ng tulong mula sa atin..
Kaya naman matulog kayo ng maaga para matapos kayo agad nang maaga at makapamasyal kayo dito.
Good night everyone!"
Matapos nga ng closing speech ng camp leader ay bumalik na kami sa mga rooms namin para makapagbihis at makapagpahinga na ng maayos.
Legit bhiE, napagod ako ngayong araw.
-
Alas sais ng umaga kami umalis nina tita Wendy para pumunta sa SERENITY IN THE STEPS.
Isa itong Rehabilitation Center for drug and alcohol addict.

They've seasoned with over 2 decades of successful recovery outcomes that started in 1993 with Life Management Foundation.
Of course, it is a private facility and mukhang they no longer need financially help from us pero nag donate pa din kami kahit tig iisandaan kami para kahit papaano eh may maitulong kami.
Nagdonate na din kami ng mga extrang gamit at damit namin para hindi sayang na binitbit pa namin 'to at mabuti tinanggap nila.
Nabanggit ng pinaka head nitong rehab center na 'to that their services here include voluntary treatment programs, mentorship, recovery coach training, advocacy, Employee Assisstance Programs, family inclusive or condependency programs, medical tourism and other programs.
The programs also include not only the road of recovery, but also to train them to become addiction counselors and/or certified recovery coaches. The task of helping others is a way to maintain their own newly found recoveries.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakikinig ako sa sinasabi nung head nitong center kasi alam niyo yung feeling na ang saya lang sa pakiramdam na makita yung mga taong nakikita lang natin dati na parang walang direksyon ang buhay pero dahil sa project nilang rehab center na 'to eh nabago nila at natulungan nila yung mga taong minsan nang naligaw ng landas.
Change is really applicable to everyone.
Kahit ano ka man, sino, anong social status mo o ano pa yan, but if you really want to change your life, magagawa mo yun.
Mas magagawa mong magbago kung gugustuhin mong mabago ang sarili mo. Because at the end of the day, kagaya nga ng tinanong sa akin sa extempo, the change that we really want starts from the man in the mirror.
Napakasaya ko pa kasi nagkaroon ako ng opportunity na makatulong sa mga kagaya nila.
I mean, why not diba? We are a servant of God and it is really heart-melting to help with others and see their brightest smile facing you.
Sa totoo lang, gusto kong makausap yung kahit isa man sa kanila kaya lang hindi na ako nakahirit kasi after ng pag-uusap namin dun sa head eh bumalik na din kami sa Camp John Hay.
Speaking of Camp John Hay, nakabalik na kami dito at nananghalian lang kami saglit at nagkani-kaniya na kaming libot dito.
"Sa laki at luwang ng lugar na 'to, hindi ko alam kung saan tayo magsisimula." natatawang sabi ni Julia na sinang-ayunan naman namin ni Delancy.
Feeling ko kasi pag umalis kami sa kinatatayuan namin eh baka hindi na kami makabalik kasi baka maligaw kami dito.
"Tree Top Adventure tayo, girls!" aya sa amin ni Harris kaya bilang wala naman kaming mapuntahan ay sumama na lang kami sa kanilang anim..
Anim kasi wala si Dylan..
Ewan ko din ba, simula nang maging close or much better siguro kung sabihin kong simula nang magkabalikan sila ni Macy eh hindi na siya halos nakiki bonding sa amin, lalo na kina Eli.
Nang makarating kami dun, isa pala yung amusement park pero mukhang mas tamang tawagin itong NATURE PARK.

Inuna namin ang CANOPY RIDE.
CANOPY RIDE: Travel through trees 100 feet above the ground using a network of five motorized cable rides, and see nature from an entirely new perspective.

Para siyang duyan sa totoo lang kaya naman sumama na ako sa kanila na i take yung ride and napakasaya dito! As in ang ganda ng view tapos ang cool lang na para ka talagang nasa duyan pero ang tanaw mo eh yung kagubatan..
Sunod naman na nagyaya sina Harris sa SUPERMAN RIDE.
SUPERMAN RIDE: Take off from a tower to a zip line adventure that can launch you into a superhero flight, face first (alone or with another rider) from a 150 feet high over a ravine in Baguio.

As the word itself, pa superman talaga ang gagawin dito. Kung pangarap mo noong bata na lumipad, mukhang ito ang kasagutan dun. Kasi sa ride na 'to, jusko dito mo talaga mararamdaman na totoo kang lumilipad!
This time, hindi kami sumama ni Delancy sa kanila dahil nakakatakot kasi na dumapa ka tapos saka ka mag zizip line..
I mean, saka ka aandar. Taena feeling ko maling galaw ko lang eh malalaglag ako.
Wala pa namang sasalo.
Masaya nalang naming pinapanood ni Delancy sina Julia na mukhang na e-enjoy yung ride.
Habang si Yuwi naman eh poker face lang at hindi man lang magawang ngumiti kahit kaunti. Mukhang walang thrill sa kaniya yung ride eh.
Puro sigaw naman nina Warren at Harris ang naririnig ko.
Sabihin na lang natin na tili.
Jusko po, daig pa nila si Julia kung makatili.
Habang sina Eli, Alec at Israel eh tamang tawa lang sa gedli, kunware mga hindi takot.
HAHAHAHAHAHA
Sorry na, masyadong obvious sa mga mukha nila na hindi talaga sila nag e-enjoy eh.
Hayan ha?
Hindi kasi nalang nila kami sinamahan dito ni Delancy eh.
Matapos dun, dumiretsyo kami sa TREE DROP ADVENTURE. Balak kasi yata nilang itry lahat ng rides dito eh, jusko.
TREE DROP ADVENTURE: Are you brave enough to experience the ultimate rapelling adventure down the side of a 60-foot tree? This is definitely the biggest Treetop free fall thrill!

Just imagine yung Extreme ride sa Enchanted Kingdom, parang ganito yung ride na 'to pero ang kaibahan nga lang, hindi ka nakasakay sa kung ano tapos yun ang lalaglag.
Kasi dito, ikaw mismo ang malalaglag!
Kung sa superman ride hindi ako sumama, dito pa ba?
Sina Warren, Harris, Yuwi at Julia lang ang malalakas ang loob na subukan 'to.
Saludo kami sa kanila, grabe.
As usual, napuno ng hiyawan ang paligid dahil kina Warren at Harris nang mahulog na sila mula sa taas.
Tapos si Julia naman hindi nagpatalo at mas nilakasan yung hiyaw niya dun sa dalawa habang si Yuwi, ayun chill lang at mukhang hindi niya alam na bumagsak na pala siya.
Hanga din ako sa taong 'to eh, mukhang hindi marunong matakot man lang o kabahan.
Paano niya kaya nagagawang magpaka chill lang ng ganyan?
And ang huling ride na natitira na hindi pa namin napupuntahan ay ang SILVER SURFER.
SILVER SURFER: Surf into the wind with a fellow rider, and glide from one treetop to another, while seeing an unmatched view of the forest wilderness.

Wala talaga akong balak sumali dito pero mapilit sila kasi kukulangin daw ng isa kung di ako sasama eh si Delancy ayaw din niya kaya ayun..
Magkasama kami ni Eli kasi nga dalawahan yung parang sasakyan nito.. Nakatayo kami habang nakakapit sa parang manibela nito.
Kinakabahan ako, feeling ko mahuhulog ako.
"Wag kang matakot, Magi. Hindi ka mahuhulog basta kumapit ka lang nang mahigpit dyan, okay?"
Tinanguan ko siya bilang sagot at nang maramdaman ko na gumagalaw na kami ay bigla akong napapikit.
Shit.
Ayokong makita yung ibaba. Natatakot ako kasi feeling ko kapag tumingin ako sa baba eh bigla akong mahulog.
"Open your eyes, Magi. Mas mag e-enjoy ka kung makikita mo ngayon 'to." sabi sa akin ni Eli.
"A-ayoko."
"Face your fears, Magi. I promise you, hindi ka magsisisi."
Dahil sa sinabi niya ay dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at..
Totoo nga.
Nakaka enjoy ang nakikita ko ngayon. Nililibot namin ang buong kagubatan na parang nasa zip line kami pero ang kaibahan eh nakatayo kami.
Wow.
May nakikita kong mga wild animals sa baba!
"Sabi ko sayo eh." sabi ni Eli at yung ngiti niya ay abot-tenga niya na.
Pft.
Mas maganda talagang sumakay sa mga ganitong rides kasi masaya na nga tapos mag e-enjoy ka pa sa tanawin..
-
Alas tres y media nang matapos kami sa Tree Top Adventure at masasabi kong sulit na sulit yung binayad namin dun.
Matapos manggaling nga dun ay dito kami sa Picnic Point dumirestyo pero hindi upang mag picnic kasi wala naman kaming mga dalang pagkain ngayon eh.
Makikitambay lang talaga kami dito ngayon.

"Ang KJ kasi nitong si Delancy eh. Dun lang sa Canopy sumama. Hindi mo tuloy na enjoy." sabi ni Julia kay Delancy.
Parehas lang naman kami eh. Nakalamang lang ako ng isa kasi pinilit nila akong sumama sa Silver Surfer.
"Takot ako sa matataas eh." sagot naman ni Delancy.
"Takot din naman ako sa matataas pero na enjoy ko yung ride. Nakalimutan ko nga na may fear of hights pala ako." sabi naman ni Warren.
Luh?
Hindi nga halatang may fear of hights siya eh.
"Duda ko, bro. Kailan ka pa nagkaroon ng fear of hights? Bakit hindi ko alam." tanong naman ni Harris.
Gaya ko, hindi din siya naniniwala sa kapatid.
Pft.
"Sinikreto ko sa inyo dahil ayokong mag-alala kayo—" naputol sa sasabihin si Warren nang kaltukan siya ng isa ni Alec.
Buti nga.
"Bakit nananakit ka na naman, Alec? Hay nako. Palibhasa ang duduwag niyong tatlo eh!" sabi ni Warren kina Eli, Israel at Alec.
"Pagtulungan na natin 'yan, Lec. Nandidilim paningin ko eh, gusto kong makabugbog ng kaibigan." sabi ni Israel.
"Wag na kayong mag-away dyan, ako lang naman pinakamatapang sa inyo eh." singit naman ni Yuwi.
Ay hindi ako tututol dito dahil totoo naman ang sinasabi niya eh.
"Wala talagang tatalo sayo, bro. Kaya sinasamba ka namin eh." sabi naman ni Harris at bahagyang yumuko pa para ipakitang sumasamba nga siya.
Siraulo.
"Hindi pagiging matapang ang tawag dun para sa akin." pagsingit naman ni Julia. "Kundi isa pang KJ! Pero sa sitwasyon ni Yuwi, kinill niya na talaga yung joy kaya hindi siya masaya.. Duh?!"
"Pag inggit, pikit." sagot ni Yuwi kay Julia.
Gagi.
HAHAHAHAHAHAHAHA
"Duh? Ako inggit sayo? Asa ka naman! Wala namang kainggit-inggit sayong unano ka!"
"Kumalma ka, Julia. Palamig ka muna sa Starbucks. Bili mo kami kape." pagsingit ni Warren.
"Inuutusan mo ba ko?"
"Nagtatanong ka pa, Julia? Wag mo sabihin nahawa ka na kay Macy sa pagiging bobo?" natatawang sabi naman ni Harris.
"Wag niyo nga akong ginagaya sa kapatid ni Magi! Baka gusto niyong malibing sa sementeryo dito? Mga negative pa man din mga ugali niyo!"
"Hoy, Julia! Tigilan na 'yan. Hindi pa man din tayo mga nakakauwi eh nag-aaway na kayo." saway naman sa kanila ni Alec.
"Tara na sa hotel. Nanlagkit ako bigla." sabi naman ni Israel.
WAAAAHHH same.
Gusto ko magpalit ng damit. Hindi ko alam kung bakit ako pinagpawisan nang ganto katindi.
-
"Saan ka pupunta?" yan agad ang sinalubong sa akin ni Dylan pagkalabas ko ng kwarto.
"Lalabas."
Kita ko namang napataas ang kaliwa niyang kilay; marahil sa suot ko?
I am now wearing ribbed white crop top featuring an off-the-shoulder neckline and I styled it with a denim high waist short and paired with a sneakers for this edgy-look.
"Malamig sa labas tapos ganyan—"
"Walang pakialamanan ng trip, Dylan. Mind your own business." pagputol ko sa sinasabi niya at lumabas na.
Bakit ba? Eh sa init na init ako ngayon kaya ganto suot ko eh. Ano namang pake niya?
Nandito ako ngayon sa Liberty Park at dito ko naisipang tumambay..
Mag-isa.
Sinasama ko kasi si Julia pero gusto niya na daw matulog tapos si Delancy naman eh tinatamad.
By the way, bukas pa kami ng umaga uuwi kasi alanganin na daw kung ngayong gabi.
LIBERTY PARK: A small park located at the center of Liberty Loop. But the highlight of this park is the replica of the Statue of Liberty constructed in December 1981.
It is 48 inches tall (similar to that of its sister in Siene, Paris, but only 48 feet tall). The park is surrounded by benches and towering pine trees.

Naupo ako sa isa sa mga benches at ipinako ang tingin sa mga pine trees na nakapalibot dito.
Mukhang tama si Dylan..
Malamig nga pala ngayon dito sa labas. Yung init na nararamdaman ko kanina sa loob ng unit namin ay biglang nawala eh.
Tae naman.. May pa crop top crop top pa kasi akong nalalaman—
Napahinto ako sa pagmomonologue nang may biglang pumatong sa balikat ko..
Isang jacket..
"Ano bang naisipan mo at lumabas kang nakaganyan lang?" natatawang tanong ni Eli at umupo sa tabi ko.
"Stalker kita no?" pang-aasar ko sa kaniya.
Paano niya kasi nalaman na nandito ako diba kung hindi niya naman ako sinundan?
"Kung krimen man ang pang sostalk, ipakulong mo na ko." aniya.
Ah aminado.
"Bakit mo naman ako sinusundan?" hindi maiwasang tanong ko.
"Actually, nagkataon lang din. Papasok na ko ng hotel nun nang makita kong lumabas ka.. Nagtaka ko kung saan ka pupunta lalo na at wala ka pang kasama.. Kaya sinundan kita, baka kasi mamaya may biglang dumukot na lang sayo."
"Grabe ka sa dumukot ha?" natatawang sabi ko.
"Ganito ako ka paranoid pagdating sayo, Magi." seryosong sabi niya kaya naman napatingin ako sa kaniya. "Hindi ko maiwasang mag-alala sayo nang ganto. Basta ang alam ko lang sa sarili ko, kailangan kitang protektahan. Bilang kaibigan mo, dapat lagi kong masiguro ang kaligtasan mo. Corny na kung corny, pero seryoso ako sa mga sinasabi ko."
"Salamat, Eli." tanging nasabi ko na lang sa kaniya.
-
Magdidilim na nang mapagpasyahan namin na umalis ni Eli sa Liberty Park at sinabi niya sa aking sa Bell Amphitheater naman daw kami magpunta..
BELL AMPHITHEATER: Beside the Bell House is the Bell Amphitheater, also designed by Bell himself. It is surrounded by flowers of varying species and its terraces are carpeted by green lawn grass.
At the middle of the sunken garden is the gazebo that serves as stage for events especially weddings. It is also a perfect place for photo-ops or prenups.


"Napakaganda dito, Eli!" masayang sabi ko kay Eli at nagmamadaling bumaba hanggang sa makarating ako sa gazebo na nasa gitna nito.
Ang ganda dito! Napapaligiran ito ng mga bulaklak at perfect na perfect talaga ang lugar na 'to para magpictorial!
"Sabi ko na eh, magugustuhan mo dito." nakangiting sabi ni Eli.
"Gustong-gusto ko dito—" naputol ako sa pagsasalita nang biglang lumitaw ang naggagandahang fireworks sa kalangitan..
Wow!
"Mas makikita natin sa taas 'yan." sabi sa akin ni Eli kaya naman bumalik kami sa taas at..
Gagi!
Mas lalong gumanda yung view dito ng fireworks.
Iba't iba ang kulay at hindi nakakasawang tignan!
"Napakaganda nito. Sayang at hindi nakasama sa atin sina—"
Naputol ako sa sasabihin nang may mapansin ako sa gazebo na pinanggalingan namin..
Agad akong tumingin sa gazebo at nagulat ako sa nakikita ko ngayon..
'Bakit nandito sina Dylan at Macy?'
Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang naramdaman na unti-unti ng pumapatak ang mga luha ko habang pinagmamasdan sila sa gazebo na kaharap ang isa't isa.
Tangina.
Yung paraan ng pagtingin ni Dylan kay Macy, dapat sa akin yun eh. Dapat ako yung tinitignan niya nang ganun at hindi—
Muli akong naputol sa pagmomonologue nang biglang takpan ni Eli ang mga mata ko.
"Mas lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo kung patuloy mo silang titignan."
Marahas kong tinanggal ang pagkakatakip ng kamay niya sa mata ko at hinarap siya.
"Hindi ako affected! Hindi ako nasasaktan—"
Naputol na naman ako sa pagsasalita nang hatakin niya ang braso ko saka niyakap nang mahigpit.
At sa pagkakataon na 'to, dito na bumuhos yung luha ko na kanina pa gustong-gustong pumatak.