Chereads / A Love To Last (DWEIYAH series #1) / Chapter 36 - Chapter 33

Chapter 36 - Chapter 33

Nagpresinta si Eli na ihatid na ako pauwi sa bahay nina Dylan pagkatapos nun.

Hindi na lang din ako umattend ng dalawang sunod kong subject dahil masyado akong naghina sa mga salitang binitawan ni Dylan.

Gusto kong isipin na isang masamang panaginip lang ang mga nangyayaring ito at sana magising na ako mayamaya.

Gusto kong isipin na imahinasyon ko lang ito at paggising ko, bumalik na ulit sa dati ang lahat.

Bumalik na yung Dylan Villarosa na nagustuhan ko..

"Sinabi ko ngang umiyak ka hanggang sa gusto mo pero wag naman yung tipong mauubos na ang tubig mo sa katawan." biglang sabi ni Eli at saktong paghinto niya ng sasakyan ay nasa tapat na kami ng bahay nina Dylan.

"Mukhang ayos na din yun. Gusto na din kasi mamatay--" naputol ako sa sasabihin ko nang bigla niyang tampalin ang bibig ko.

Luh?

"Tatagan mo ang sarili mo, Magi. Wag mong hayaang talunin ka ng pagsubok na 'yan. Tandaan mo, nandito kami lagi para sayo kaya wala kang dahilan para sumuko. Tutulungan ka naming bumangon ulit. Okay?"

"Ewan ko kung pang-ilan ka na sa nagsasabing maging matatag ako. Lagi na lang 'yan ang sinasabi niyo sa akin pero hindi niyo naman sinasabi kung paano ako magiging matatag sa sitwasyong nangyayari ngayon."

"Kumapit ka sa akin." aniya saka hinawakan ng mahigpit ang dalawa kong kamay. "Higpitan mo ang kapit sa akin at labanan mo 'yan nang kasama ako."

"Eli.."

"Mahalaga ka sa akin, Magi. At hindi ko kayang nakikita kitang nasasaktan nang gan'to. Kaya please lang, sabihan mo ako kung kailangan mo ng tulong o kailangan mo ng kausap, lagi akong nandito para sayo."

Tinanguan ko naman siya at saka nagpaalam na at bumaba na sa kotse niya.

Pinagmasdan ko ang dahan-dahang paglayo ng kotse niya hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

Pagkatapos nun ay tumalikod na ako para pumasok sa gate nang makasalubong ko si Dylan na palabas..

Umuwi na din siya?

"Hinatid ka pala ni Eli." aniya saka napangisi nang bahagya. "Nga naman, advantage ng dalawa ang manliligaw. Kapag sumuko na sa panliligaw yung isa, pwede mong takbuhan pabalik yung isa pa."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Wag mo kong igaya sayo, Dylan. Na ginawa akong rebound, na niligawan ako, na pinaasa ako tapos mang-iiwan din pala sa dulo. Ano ng nangyari sa mga pangako mo? Napako na? Eh dapat pati ikaw pinapako!"

"Wala ka kasing alam, Magi."

"Paano ako magkakaroon ng ideya sa mga nangyayari kung hindi mo naman sinasabi sa akin? Wala ba akong karapatang malaman kung bakit biglang naging gan'to ang lahat?"

Hindi na siya nag-abala pang sumagot at nagmamadali siyang naglakad paalis.

Tsk.

Ang hilig niyang tumakbo! Wala siyang bayag!

-

"Ikaw na ang magbalat ng mangga ha? Hihingi lang ako ng asin sa bahay." paalam ng batang babae dun sa batang lalaki.

Tinanguan naman siya ng batang lalaki at umalis na habang ang batang lalaki naman ay abala sa pagtatalop ng mangga.

Kitang-kita sa mukha ng batang lalaki na hindi siya marunong magtalop ng mangga at dahil doon ay aksidente niyang nasugatan ang daliri.

Iyak ng iyak ang batang lalaki dahil umaagos ng dugo ang nasugatan nitong daliri.

Kasabay nun ay ang pagdating ng batang babae at agad itong tumakbo sa kinaroroonan ng batang lalaki at kinuha ang kamay nitong nagdudugo.

Walang ano-ano'y isinubo ng batang babae ang daliri nung lalaki na may sugat at sinipsip ang dugong umaagos dito.

Labis naman ang pagtataka ng batang lalaki kung bakit ginawa yun nung batang babae..

"B-bakit mo s-sinipsip yung d-dugo?" nagtatakang tanong nung batang lalaki.

Agad namang pumunit ng tela sa damit niya ang batang babae saka ito ibinalot dun sa sugat nung batang lalaki.

"Hindi dapat hinahayaang pumatak ang dugo sa lupa lalo na at galing lang naman sa maliit na sugat. Sayang naman yung dugo kaya imbes na hayaang sumayad sa lupa, mas maiging mapunta na lang ito sa katawan ng ibang tao.

Ayan ha, salamat sa donasyon mo ng dugo sa akin." natatawang wika naman ng batang babae.

Napangiti ang batang lalaki at hindi nito maiwasang pamulahan ng mukha.

Agad akong napabangon sa hinihigaan ko at hingal na hingal na tumayo.

Shit.

Ano yun? Anong ibig sabihin ng panaginip na yun?

Bakit ko yun biglaang napanaginipan? At saka, sino yung dalawang bata sa panaginip ko?

Nakakainis naman kasi. Hindi ko masyadong naaninag ang mga mukha nila kasi sobrang labo ng imahe.

Hindi ko maintindihan! Hays.

"Ano ba kasing problema mo? Lasing ka ba? May sakit ka? O baka nagayuma ka?!" naagaw ang atensyon ko sa ingay na nadinig ko.

Lumabas ako ng kwarto at nalamang galing yun sa kwarto ni Dylan.

Hindi na ako nag-abala pang pumasok at dito ko nalang sila sa labas pinakinggan.

"Napakakulit mo naman, Julia! Bakit ba paulit-ulit ka?!"

"Hindi kasi kita maintindihan! Hindi ko maintindihan kung bakit bigla kang naging ganyan! Bigla kang nagbago! Bigla kang naging ibang tao! Kapatid kita pero ako mismo hindi ka na kilala! Ano bang nangyayari sayo ha?!"

"Tanga ka ba, Julia?! Ganto na ko dati pa! Kung ang ipinuputok ng butche mo ay dahil sa kaibigan mo na namang si Magi, pwede ba manahimik ka na lang?! Ilang beses ko na bang sinabi na wala na, tapos na kami! Sinabi ko na 'yan sa kaniya kanina ah? Inamin ko sa kaniya na si Macy pa din ang mahal ko. Ano bang mahirap intindihin dun?!"

"Wow! Tama ba ang naririnig ko? Talaga bang sayo na nanggaling na mahal mo pa din yung gagang ex mo? Tangina naman, Dylan. Kung si Magi napaniwala mo, pwes ako hindi! Tama na ang palabas, Dylan! Itigil mo na 'tong kagaguhan mo sa buhay, parang awa mo na! Nakakasakit ka na kase ng ibang tao. Pati si Magi na nananahimik na ginimbal mo ang buhay, nadamay! Sana kung mahal mo pa nga si Macy, sana diba hindi mo nalang ginulo yung tahimik na buhay ng kaibigan ko?!"

"Kapatid mo ko diba? Kaya dapat kilala mo ako. Parehas lang tayo, Julia. Parehas tayong hindi kayang mabuhay na iisa lang ang lalaki o babae sa buhay natin. And that's the answer to all your questions.

I think this argument is done. You may now leave."

"Wag mo akong ini-english--"

"I SAID LEAVE!"

Nagmamadali naman akong pumasok ng kwarto ko nang maramdamang palabas na si Julia ng kwarto ni Dylan.

Mahirap na at baka mahuli ako.

"Huli ka!" bungad ni Julia pagkapasok ng kwarto ko. "Ang lakas kumalabog ng pinto mo, halatang nagmamadali ka kasi nakinig ka ng usapan nang may usapan." sabi pa niya at iiling-iling.

Kainis naman. Lakas ng pandinig.

Agad siyang lumapit sa akin at naupo sa kama saka muling sumeryoso ang mukha niya.

"This is my second attempt para makakuha sa kaniya ng magandang sagot--"

"Sapat na yung mga narinig ko." pagputol ko sa sinasabi niya.

"Nahihirapan akong maniwala sa kaniya, Magi. Kasi feeling ko may iba pa siyang dahilan kung bakit siya naging ganyan na lang. Feeling ko talaga may kademonyohan na ginawa si Macy sa kapatid ko eh!"

"Tanggapin na lang natin na ganto talaga ang buhay.

Sa totoo lang, mahirap sa akin 'to kasi kung kailan namang nagugustuhan ko na si Dylan tyaka pa nagkagan'to pero iniisip ko na lang na tanggapin ko na lang ang katotohanan na 'to. Ano namang magagawa ko diba? Ano namang laban ko kay Macy eh siya ang naunang makilala ni Dylan diba?"

"You sounds defeated, Magi. And I don't like that."

"Gaga. It's acceptance at hindi pagkatalo." natatawang sabi ko sa kaniya.

"Hay nako, Magi. Kahit anong pagpapanggap mo na maging masaya, still makikita pa din talaga sa mga mata mo yung lungkot na kinikimkim mo sa loob mo." aniya saka hinawakan ang kamay ko. "Basta lagi mong tatandaan na hindi ka nag-iisa. Nandito kami, Magi. Nandito kami bilang kausap mo. Wag mong kimkimin yan lahat, okay?"

"Okay." nakangiting sagot ko.

Time will come, this battle will be worth fighting for and might lead me into a happy ending one.

-

Starting this day, wala na kaming pasok. Inannounce kasi ng president namin na si Mariz na 1 week daw kaming mawawalan ng pasok dahil ORG WEEK na ng HRM, ENTREP, IT at CE.

Wala kaming pasok kasi daw magagamit daw lahat ng rooms for their org week. Malamang binonggahan nila yung ORG WEEK nila kaya ganon.

So ayun, dahil walang pasok ay tambay lang ako dito sa bahay nina Dylan at tamang nood lang ng KDRAMA sa cellphone ko.

Now watching..

MELTING ME SOFTLY

At ang bida dito ay sina Ji Chang Wook bilang Ma Dong Chan at si Won Jin Ah bilang Go (Ko) Mi Ran.

Patapos ko na ang last episode nito at putek lang, todo iyak pa ko dito kasi akala ko talaga tuluyan nang naging yelo si Miran. HUHUHUHU

Science Fiction kasi ang genre ng kdrama na 'to which is finreeze silang dalawa; si Dongchan saka si Miran, experiment kasi yun which is hindi ko alam kung para saan eh HAHAHAHAHA nakalimutan ko na. Binanggit yun sa first episode eh.

At ayun nga, nilagay sila sa parang freezer at finreeze dun eh dapat mafifreeze sila ng 24 hours lang pero dahil naaksidente yung scientist na dapat magrerelease sa kanila sa freezer eh hindi sila natanggal dun sa freezer.

Buti na lang at nabuhay yung scientist kaso nga lang nailabas sina Dongchan at Miran sa freezer after 20 years. Suprisingly, hindi sila tumanda. That means, pati yung age nila na freeze din..

But because na over freeze sila, they must keep their body temperature at 31.5 °C in order for them to survive.

Syempre naging mahirap sa dalawa na imaintain yung temperature nila lalo na kapag naglalapit silang dalawa kasi diba yung init na nararamdaman kapag malapit ka sa isang tao eh tumataas..

Tapos ayon nga, syempre gumawa ng another experiment yung scientist na nagfreeze sa kanila para ibalik sa normal ang body temperature nila.

Unang nag undergo sa experiment ay si Dongchan and naging successful naman dahil bumalik na yung normal na body temperature niya.

Tapos nung kay Miran na, biglang nagkaproblem and hindi siya nagising. She ended up locked in the capsule.

At dito na nga ako naiyak kasi akala ko hindi na talaga gigising si Miran pero buti na lang nagising siya at ayon, they live happily ever after.

Basta panoorin niyo na lang. Ang dami kong pinutol sa kwento ko eh. Basta highly recommended talaga 'tong kdrama na 'to. Hindi ka lang kikiligin, maiiyak ka pa.

Ay shit.

Nakalimutan kong mag almusal. Inuna ko pa kasi manood ng kdrama kaysa mag almusal eh. Hay nako, Magi!

Bumaba na ako sa kusina para mag almusal nang maabutan ko sa kusina na nagluluto si Dylan habang nakayakap mula sa likod niya si Macy.

Anong ginagawa niya dito?

Tsk.

Hindi ko na lang pinansin pa ang paglalandian nila at umupo na sa dining table at kumain.

"Kakagising mo lang, Magi?" tanong ni Macy saka siya umupo sa kaharap kong upuan.

Talaga naman.

"Ngayon ko lang naisipan bumaba." sagot ko at hindi na siya pinagkaabalahan pang tignan.

"Eh baka kasi nalaman mong nandito kami--"

"Kung alam ko nga lang na pupunta ka dito ngayon, edi sana kumain na lang ako nang maaga."

"Sus, talaga ba? Bakit naman? Hindi mo na ba kinakaya yung pagiging sweet namin ni Dion--"

"Pwede ba, Macy? Hindi lahat ng bagay ay tungkol sainyo. Nanood ako ng kdrama kaya ngayon lang ako bumaba. Ano? Ayos ka na? Ang hirap kasi sayo, lagi mo nalang sinisingit at ipinagsisiksikan ang sarili mo sa isang butas na hindi ka naman na mamulos. Hindi mo ko gets, wag ka na magtaka.. Diba nga bobo ka?"

Nakita ko naman ang pagsama ng tingin niya sa akin at kinuha niya ang toyong nasa lamesa at ibinuhos yun sa mukha niya.

"Ano ba, Magi?!" malakas na sabi ni Macy dahilan para mapatingin sa kaniya si Dylan at lumapit dito.

Sabi na eh, gagawin na naman niya ang teknik niyang inaamag na.

"Dion, ayan na naman si Magi sa kamalditahan niya! Kinakamusta ko lang naman ang araw niya pero ito oh, binuhusan niya ako ng toyo." sabi pa ni Macy at humarap kay Dylan at ipinakita ang mukha niyang may toyo.

"Bakit mo--"

"Una sa lahat, nananahimik akong kumakain dito. Tapos siya itong lumapit sa akin at nanggulo. Kung ayaw mong maniwala, check your CCTV na lang. Malamang yun, walang bahid ng kasinungalingan." sabi ko at nginisian si Macy.

Kita ko naman ang gulat sa mga mata niya nang banggitin ko ang tungkol sa CCTV at inilinga sa paligid ang mga mata na mukhang naghahanap ng CCTV.

"Oh, Macy? Anong hinahanap mo? Yung CCTV?" tanong ko sa kanya saka tumawa. "Para kang kriminal dyan na naghahanap ng CCTV at takot mabisto. Kung talagang hindi ka guilty, wag kang kabahan kung may CCTV man dito o wala. Nagbibiro lang naman ako pero mukhang napakaba ata kita ng bongga. Napaghahalataan tuloy na ikaw ang lumalabas na sinungaling sa ating dalawa." sabi ko at tumayo na sa lamesa.

Tsk.

Bigla akong nawalan ng gana kumain.

-

Bandang alas tres ng hapon at nandito ako ngayon sa may pool area kasi nagchat si Eli sa akin na nandito nga daw siya kina Dylan para daw kamustahin ako.

Napakasweet.

"Mukha namang umiimprove ka na." aniya saka ako tinignan mula ulo hanggang paa.

Sinipa ko nga sa tuhod.

Bwiset siya.

Okay naman talaga ako eh sadyang hindi lang sila naniniwala. HEHEHEHEHEHEHE

Sa ngayon, nandito kami sa gilid ng pool habang nakatayo at pinagmamasdan ang kulay asul nitong tubig.

"Ayoko na lang isipin yung mga problema ko kasi feeling ko, mas mahihirapan lang ako at masasaktan. Tama na 'to. I mean, ayoko nang pahirapan pa yung sarili ko." sabi ko.

"Bawiin na ba kita sa kaniya?" tanong ni Eli saka bahagyang natawa. "Naalala mo sinabi ko sayo noon? Na sa oras na saktan ka niya, hindi ako magdadalawang-isip na bawiin ka sa kaniya.. Ako na nga yung nagparaya, tapos sinayang niya pa."

"Hindi ako laruan para pagpasa-pasahan niyo." natatawang sagot ko naman sa kaniya. "Sa ngayon, gusto kong ituon na lang yung atensyon ko sa ibang bagay. Para lang makalimot kahit sandali. Gusto ko naman syempre ienjoy yung buhay kasi ano namang mapapala ko kung dadamdamin ko lang lahat nang 'to."

"Ano pang hinihintay mo? Tara swimming!" pag-aya niya sa akin.

Gagi.

Hindi ako marunong lumangoy. Balita ko malalim pa naman 'yang pool.

"Joke lang, Magi." aniya saka natatawa. "Grabe yung mukha mo, LT." aniya saka tawa pa din ng tawa.

"Gara mo." sabi ko at iiling-iling.

"Kuha lang ako tubig. Nauhaw ako sa kakatawa." natatawa niya pa ding sabi saka patakbong pumasok sa loob.

Kakainis.

Pasunod na sana ako kay Eli sa loob nang bigla akong madulas sa tinatayuan ko at saktong nahulog ako sa pool.

Shit.

Hindi ako makahinga.

"TULONG!"

"TULUNGAN NIYO AKO!"

"ELI!"

Tangina, bakit walang nakakarinig sa akin.

UGH!

Hindi na ako makahinga. Feeling ko malalagutan na ako ng hininga at feeling ko unti-unti nang nilalamon ng tubig ang buo kong katawan.

"T-tulong."

Hirap na din ako sa pagsasalita at papikit na ang aking mata nang may maaninag akong tao na patakbong tumalon sa pool at lumapit sa akin para saklolohan ako.

Dinala niya ako sa gilid at pinaupo.

"Ano bang trip mo sa buhay at nagsuswimming ka eh hindi ka naman marunong lumangoy?!" inis na sabi sa akin ni Dylan..

Tangina.

Kinikilig na naman ako at hindi ko maiwasang tumitig sa mukha niyang galit na galit ngayon.

Utang ko ang buhay ko sa kaniya dahil sa pangalawang pagkakataon ay niligtas niya ako sa pagkalunod.

"Wag mo akong titigan, Magi! Sagutin mo ako!" sabi pa niya at dahil dun ay nabalik ako sa katinuan ko.

"N-nadulas kasi a-ako." nanghihinang sabi ko at hindi ko maipaliwanag kung bakit biglang umikot ang paligid.

At hindi ko na namalayang  napasandal na ang ulo ko sa dibdib ni Dylan at tuluyan nang nawalan ng malay.

-

Nagising ako dahil sa mainit na haplos ng bimpo na dumadampi sa noo ko..

Si Eli pala.

Sorry naman kung umasa ako na si Dylan yun imbes na si Eli.

"Nagugutom ka ba?" nag-aalala niyang tanong saka ako inalalayang makaupo nang maayos.

"Hindi pa naman."

"Sabihan mo ako ha kung nagugutom ka na, para madalhan kita dito ng pagkain." aniya.

"Hindi ka pa ba uuwi? Madilim na." sabi ko kasi napansin ko din na wala ng liwanag akong nakikita sa bintana.

"Mamaya na ako uuwi kapag sigurado na akong nakakain ka na." aniya na ikinakunot ng noo ko. "Hayaan mo na akong alagaan ka, Magi. Kahit man lang sa ganto eh may magawa ako para sayo. Hindi kasi kita naligtas sa pagkalunod kanina kasi hindi ko narinig yung sigaw mo.

Sinabi kasi sa akin ni Dylan na nadulas ka daw sa pool at hinimatay ka daw kaya dinala ka niya dito sa kwarto. Kaya nagmadali akong puntahan ka dito kasi syempre nag-aalala ako sayo."

'Bakit ba kasi hindi na lang si Eli ang magustuhan ko?'

Sana siya na lang ang gustuhin ng puso ko kasi sigurado akong hinding-hindi niya ako magagawang saktan.

Kung natuturuan lang talaga ang puso na magmahal.

"S-salamat." nauutal kong sabi. "Salamat sa pagmamalasakit mo, sa pag-aalala at pag-aalaga sa akin. Salamat, Eli."

Naupo siya sa kama at hinawakan ang kamay ko saka ako tinignan.

"Basta para sayo, Magi. Handa akong gawin ang lahat para sayo. You mean so much to me.. Alam mo yan. Hindi ko ginagawa 'to para palitan si Dylan sa puso mo. Kasi naniniwala ako na mahirap higitan yung lalaking sinisigaw ng damdamin.

Ginagawa ko 'to bilang kaibigan mo, bilang importante ka sa akin. I know I'm being redundant but I just want to see you safe. Hindi ko kayang mapanatag ang loob ko kung nakikita kong hindi maayos ang lagay mo."

I have nothing to utter words but see myself hugging this man.

Hindi ko alam kung may ginawa ba akong sadyang kalugod-lugod sa Diyos para ipagkaloob Niya sa akin ang isang kagaya ni Eli.

I really hope that he'll be find the right person for him.

But unfortunately, that person is not and will never me.

-

Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko ngayong araw at napagdesisyonan kong pumunta sa bayan para gumala mag-isa.

Hindi ko kasi maisama-sama si Julia kasi may ginagawa daw siyang importante sa laptop niya tapos pagsilip ko naman, may ka chat lang naman pala siya sa Omegle.

Hay nako.

Sana mag end agad yung chat nila.

Kaya ayun na nga, mag-isa akong gumala ngayon. Hindi na ako nagpahatid pa sa driver nina Julia kasi ayaw ko na itong maabala pa saka ayaw ko ng dagdagan ang kapal ng mukha ko kasi hindi ko naman eka siya pinapasweldo tapos ang lakas ng loob ko na magpahatid sa kaniya? Eh kung ako man yung nasa katayuan ng driver eh maiinis din talaga ako.

Nilakad ko na lang ang papuntang kanto ng subdivision kasi wala din naman gaanong tricycle ang nagdadaan dito.

Pagkarating ko ng kanto ay wala akong masakyang taxi dahil lahat ng taxi na dumadaan eh laging may sakay kaya no choice ako at nagjeep nalang.

Nako po, bhie.

First time kong sumakay ng jeep tapos siksikan pa pagpasok ko sa loob pero buti na lang nakasingit pa ako sa may bandang gitna.

"Bayad po." sabi ko at inabot naman nung nasa likod ng driver yung bayad ko.

"Miss, wala kang barya?" tanong nung driver saka ipinakita sa akin yung binayad kong isang libo..

"Wala po eh. Magkano po ba binabayad sa ganto?" nahihiyang tanong ko.

Napansin ko naman na lihim na natatawa sa akin yung ibang kasabayan ko dito sa jeep.

Luh?

Kasalanan ko bang first timer ako?

"Sampong piso, miss."

Hala, nashookt naman ako. Bakit naman ang mura ng binabayad dito? Kung sana nalaman ko na makakamura ako sa pagjijeep edi sana nagjeep na lang ako tuwing papasok kaysa taxi.

"A-ah--"

"Ako na lang magbabayad ng pamasahe niya, manong." dinig kong sabi nung lalaki na nasa harapan ng jeep.

Tinitigan ko ang itsura ng lalaki at--

"Si Yuwi?" bulong ko sa sarili.

Edi totoo pala na wala silang kotse kaya pala nakikisabay siya sa akin minsan.. Akala ko kasi eh nagbibiro lang siya that time.

Ibinalik na sa akin nung manong driver yung pera ko.

Hmm?

Saan kaya punta nitong si Yuwi?

Ilang sandali lang ay natanaw ko na ang bababaan ko..

"MANONG, HINTO!" sigaw ko dun sa driver.

Hindi ko naman maintindihan kung bakit nagsisitawanan yung mga kasabay ko pero hindi ko nalang sila pinansin at bumaba na ng jeep.

Nagulat nga ako na sabay pa kami ni Yuwi na bumaba kaya naman agad akong lumapit sa kaniya para makapagpasalamat sa panlilibre niya sa akin ng pamasahe.

"Uy, salamat."

"Anong salamat? Utang yun." aniya na ikinataas ng kilay ko.

"Ang kapal ng mukha nito! Ikaw ba nagbayad ka sa akin ng gasolina nung sumabay ka sa akin ng dalawang beses ha?!"

"Past is past, Magi." aniya saka ako nginisian. "Saan ka ba pupunta? Mukhang sa itsura mong 'yan eh maliligaw ka dito. Bakit ka ba kasi umalis nang mag-isa, HINTO GIRL?"

Sinamaan ko naman siya ng tingin sa sinabi niya.

Kakainis!

Talagang ginamit pa yun sa akin na pang-asar eh noh?

"Sorry naman ha? First time ko kasi sumakay ng jeep. Tyaka bakit naman ako maliligaw eh nakapunta naman na ako dito.

Malamang, taga dito ako sa lugar na 'to eh. Duh?" sabi ko and then I rolled my eyes.

"Okay, enjoy. Basta mag-ingat ka ha? Maraming kawatan dito na pagala-gala. Baka hindi ka lang pagnakawan, baka gahasain ka din."

"Ano akala mo sa akin? Bata? Eh mas mukha ka ngang bata--" naputol ako sa sasabihin ko nang may makita akong mga gangster na mukhang mababaho na pagala-gala dito.

Luh?

Eto ba yung sinasabi ni Yuwi?

"Aga, bro ah." napalingon naman ako sa gawi nina Warren, Alec, Harris at Israel na kakadating lang.

"Bakit nandito ka, Magi?" tanong naman ni Israel na mukhang ayaw niya yatang nandito ako.

"Gagala daw siya mag-isa. Hayaan niyo siya." sagot ni Yuwi at akmang aalis na sila nang magsalita ako.

"P-pwede sumama?"

"Akala ko ba--" naputol sa sasabihin si Yuwi nang pigilan siya ni Harris.

"Wag mo ng hindian tol, nagmamakaawa na oh."

GRRRRRRR!

Sumama na lang ako kung saan sila nagpunta at..

Public hospital?

Nagpunta kami sa ward ng mga senior citizen na nakaratay sa kani-kanilang mga kama habang binabantayan sila ng kanilang mga kaanak.

Sobrang siksikan sa loob at feeling ko kapag pumasok ako dun eh masosuffocate ako.

Nanatili lang kami dito sa labas habang nakatingin sa salamin kung saan nakikita ang loob ng ward.

Hindi ko maintindihan kung bakit kami dito nagpunta..

"Dito kami nagkakilalang lima." sabi ni Alec. "Kaming lima.. Dito kami nagkakila-kilala sa ospital na 'to."

"Paano?" naguguluhan kong tanong.

"High school kami nagkakila-kilala.. Ako kasi na confine ako dito dahil may dengue ako." sabi naman ni Warren. "Si Alec naman non, na tetano. Tapos yung nakakabatang kapatid naman ni Yuwi ay may dengue din. At yung nanay naman ni Israel, may sakit sa bato. Si Harris ang nagbabantay sa akin kasi nasa trabaho yung mga magulang namin at walang magbantay sa akin."

"Nasa iisang ward kami non. Magkakasama ang nanay ko, ang kapatid ni Yuwi, si Alec, Harris at Warren.. Noon kasi, hindi pa kagaya nito ka over-crowded ang bawat ward. Hindi nakakasuffocate kagaya ngayon..

Ilang linggo kaming magkakasama sa ward kaya nagkakila-kilala din kami at naging close sa isa't isa.

Hati-hati kami sa mga pagkain na dinadala namin, na dinadala sa amin. Tapos hiraman din ng damit at gamit.

Sa loob ng ilang linggong yun, hindi namin inaasahan na makakabuo yun ng isang bagong samahan na hanggang ngayon hindi natitibag." kwento naman ni Israel.

"Damayan kami sa lahat.. Pati na din sa lungkot, salo ng lahat nung tuluyan nang kinuha ng liwanag ang nakababatang kapatid ni Yuwi.." sabi ni Alec. "Siguro dahil na din sa lungkot na bumalot sa amin dahil sa nangyaring yun sa kapatid ni Yuwi eh naisip namin bumuo ng banda.. Hindi upang maging sikat kami.. Kundi ang makapaghatid ng tuwa at saya sa mga tao."

"Pangarap kasi yun ng kapatid ko.. Pangarap niya na bumuo ng banda paglaki niya tapos sabi niya sa akin, ako daw ang drummer sa banda na bubuuin niya. Kaya lang dahil maaga siyang kinuha sa amin ng Diyos, ako na lang ang tumupad sa pangarap niya.

She's very inloved with music. Sabi niya, everytime nakakarinig siya ng musika eh nagiging masaya siya at napapangiti. Kaya yun ang ideya na pinanghawakan namin para makabuo kami ng banda.. Kasi naniniwala ako na kagaya sa kapatid ko, kung paano siya napapasaya ng musika ay ganun din ang hatid nito sa ibang tao.

Sana nabubuhay pa siya ngayon, para mapanood niya kami na tumutugtog para sa kaniya."

"Wag ka na umiyak, bro." sabi ni Warren saka pinunasan ang mukha ni Yuwi na hindi naman umiiyak.

Baliw talaga.

"Gago, hindi ako iyakin." sagot naman ni Yuwi.

"Paano ka tatanggapin sa langit nyan, bro kung palagi kang nagmumura." sabi naman ni Alec.

Pft.

Oo nga.

Dun ko lang din namalayan na nawala si Israel dito at ayun nga, nakita ko siya na pumasok sa loob ng ward at may nilapitang isang babaeng may katandaan na.

Malamang yun ang nanay niya.

"Pabalik-balik dito sa ospital ang nanay ni Israel kasi sabi ng doktor sa kanila, palala na daw ng palala ang lagay ng kidney ng nanay niya." paliwanag ni Harris.

Nalulungkot ako kay Israel. Hindi ko maimagine kung bigla siyang mawalan ng ina dahil sa sakit nito..

I mean, mas magiging doble ang sakit nito kay Israel kasi sobrang sakit talaga na mawalan ng isang ina..

Nararamdaman ko yun kasi kahit buhay pa ang nanay ko, eh hindi ko siya maramdaman. Kahit buhay pa siya, nandito yung feeling na parang matagal na siyang nawala.

I mean, paglabas ko pa lang sa kaniya feeling ko wala na agad akong ina.

Mayamaya lang din after makadalaw ni Israel sa nanay niya at madalhan ng pagkain ay umalis na din kami sa ospital na yun.

"Bakit hindi mo ilipat yung nanay mo sa private hospital?" hindi ko mapigilang tanong kay Israel.

"Kulang sa budget, Magi. Hindi naman kasi ako kasing-yaman niyo." natatawang sabi pa nito.

Hala?

Pinagsisihan ko tuloy ang sinabi ko.

Shit.

Nakakaguilty. Sana hindi siya na offend sa sinabi ko.

"Nag-alok na kami sa kaniya ng tulong na ilipat namin sa private hospital ang nanay niya pero wala eh, tinatanggihan niya lang din." sabi naman ni Warren.

"Mga kaibigan ko kayo at hindi ko kayo sponsor. Kinaibigan ko kayo kasi mga mahahalaga kayo sa akin at hindi para matulungan niyo ako kapag gipit ako." sagot ni Israel.

"Hindi naman sponsor ang tawag sa pagtulong na gagawin namin, Israel. Pagmamalasakit ang tawag dun..

Wala naman akong natatandaan na nakasaad sa batas na bawal tumulong ang isang kaibigan sa isa pa nitong kaibigan because of financial problem." hindi ko maiwasang sabi ko..

"Sinagot na nilang lima ang tuition fee namin ni Yuwi sa mamahaling university na pinapasukan natin and sobra pa nga yung tulong na yun eh. At sa tingin ko, kapag tinanggap ko pa 'to, feeling ko abusado na ako."

Nagulat naman ako sa sinabi niya.. Ibig sabihin pala, sinagot nina Alec yung tuition nilang dalawa?

Grabe!

"Hindi ka magiging abusado, bro. Kasi kami naman yung nag o-o-offer sayo ng tulong eh. Maliban nalang kung ikaw naman ang humihingi ng tulong, baka nga matawag ka pang abusado pero hindi eh." sabi naman ni Harris.

"Salamat na lang sa inyo pero kaya ko 'to. Kaya namin 'to." nakangiting sagot ni Israel.

"Ang dadrama niyo, gutom lang yan." singit naman ni Yuwi.

"Hay nako, Yuwi." sabi ni Alec at inakbayan ito. " Nagpapalibre ka na nga lang sa amin, ikaw pa 'tong mainipin. Tara na nga, baka gutom na bulate nito sa tiyan."

Pft.

Sumunod na lang din ako sa kanila habang ang isip ko ay lutang.

Hindi pa rin ako makapaniwala na sa kabila ng pagiging chick boy ni Israel, may pinagdadaanan din pala siyang problema..

Kung sa bagay, DON'T JUDGE THE BOOK BY ITS COVER, ika nga nila.

Maaaring positive si Israel sa panlabas, happy-go-lucky at ineenjoy lang ang buhay para siguro makalimot saglit sa problema..

Naalala ko bigla yung sinabi niya;

Kaya ako sinabi ko sa sarili ko na enjoyin ko muna yung gantong buhay habang bata pa ako kasi alam kong mamimiss ko yung ganto kapag dumating na yung oras na kailangan ko nang maging seryoso. Kailangan ko nang maging responsable bilang isang tao at bilang isang lalaki.

Ineenjoy niya ang buhay niya kasi tama naman siya, nakakamiss yung ganto pag dumating na yung time na kailangan maging responsable na tayo bilang tao.

Maikli lang kasi ang buhay kaya dapat sinusulit 'yan.

Ayoko siyang ijudge dahil dun kasi hindi naman ako judge para manjudge saka magkakaiba kasi tayo ng perception sa buhay.

-

Mag a-alas syete ng gabi nang makauwi ako kina Dylan nang makatanggap ako ng tawag galing kay mommy..

Kinakabahang sinagot ko naman ang tawag.

"P-po?"

[Nandito na ang daddy mo. So dress up and come over here now. Gusto ka niyang kasama sa dinner ngayon.] aniya at ibinaba na ang tawag.

OMG!

Si daddy!

Sa wakas, dumating na yung super hero ko!

Nagmamadali akong umakyat sa kwarto ko at agad na nagbihis.

I wear a vintage tie waist grey checked skinny trousers paper bag pants and for my top, I simply wear my white long sleeve blouse and paired it with a white sneaker.

I think I'm ready to go!

This time, kinapalan ko na ang mukha ko na magpahatid sa driver nina Julia sa bahay kasi madilim na din at delikado mag commute.

Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa bahay namin at agad pumasok and as usual, si nay Cora ang sumalubong sa akin sa sala.

"Nasaan po sila?" tanong ko sa kaniya.

"Sa garden, iha." aniya.

Nagmamadali akong pumunta dun at naabutan ko sina mommy at daddy pa lang ang nandoon.

Sana wala si Macy.

"Daddy!" tuwang-tuwa na sabi ko at yumakap sa kaniya. "I miss you so much!"

"I miss you too, baby." aniya at humiwalay ng yakap sa akin. "Wala ka pa bang balak bumalik dito sa bahay?"

Nag-aalangan naman akong napatingin kay mommy na pinandilatan ako ng mata senyales na wag ako magsumbong kay daddy tungkol sa mga nangyayari.

And yeah, walang alam si daddy sa mga pinaggagagawa sa akin nina mommy at lalo na si Macy. Hindi ako makapagsumbong sa kaniya dahil na din sa takot ko kay mommy.

"Ahhh.. I'm practicing myself to be dependent, that's why."

"That's my baby girl. Kaya proud na proud ako sayo eh." natatawang sabi ni daddy at ginulo-gulo pa ang buhok kp.

Napakaswerte ko kay daddy kasi yung pagmamahal na hinahanap ko kay mommy, siya ang nagpupunan.

Umupo na ako sa table habang hinihintay namin si Macy. Ang tagal kasi kaya nag facebook muna ako.

Mayamaya lang din ay dumating na din siya..

I mean sila?

"Hi, mom. Hi, dad. Meet my fiance.." dahil sa sinabi niya ay naalis sa cellphone ko ang atensyon ko.

"He's Dylan Villarosa."