Chereads / A Love To Last (DWEIYAH series #1) / Chapter 34 - Chapter 31

Chapter 34 - Chapter 31

Alas onse na nga ng hatinggabi natapos ang pageant..

Imbes na matulog kami at magkani-kaniyang uwi sa mga bahay ay nagpumilit ang DWEIYAH na magpunta kina Dylan para dun daw namin i celebrate yung pagkapanalo ni Delancy.

Gusto ko sana tumanggi kaya lang sa aming sampo, mukhang ako lang talaga ang ayaw magpuyat ngayon kasi si Delancy at Julia ay mukhang go na go sa gusto mangyari ng DWEIYAH.

Hay nako.

Bakit ba kase ngayon pa? Wala namang pasok bukas eh kaya pwede namang bukas na lang sila magparty kaya bakit ngayon ha?

Mga bwiset.

So dahil ako lang naman ang tutol sa idea na yun, wala na din akong nagawa kundi ang makisali sa party nila kasi ayaw ko din naman na masabihan akong KJ.

Saka para naman kay Delancy yung party na yun kaya para sa kaniya eh magpupuyat ako.

Pagkarating namin sa, as usual, pool area ng bahay nina Dylan ay nakahanda na ang mahabang lamesa na handa ng upuan at ang mga bote ng alak na handa na ding magpainom.

Nagkani-kaniya na silang kuha ng bote para daw makapagtoast..

Pero ako, hindi ako kumuha. Hindi ko bet lasa ng alak eh.

"Hoy, Margaret! Bakit ka walang bitbit na bote ng Sanmig dyan? Wag kang KJ! Paano tayo makakapagtoast niyan kung wala kang--" naputol sa sasabihin si Warren nang magsalita si Dylan.

"Dami mong sinasabi, Warren." inis na sabi nito saka inabot sa akin ang isang bote ng tubig. "Ayan ha, baka naman magreklamo ka pa." sabi niya pa kay Warren.

Pft.

Kinilig naman ako sa ginawa ni Dylan at hindi ko alam kung anong dahilan.

At impernes kay Dylan ha, umiimprove na siya. Mukhang naturuan na siya ni Eli ng tips kung paano hulihin ang kiliti ko.

"Wag kayong masyadong sweet at baka pati yung alak eh langgamin." inis na sabi naman ni Yuwi.

"Naiinggit ka na naman, Yuwi. Diba nga sinabi ko na sayo, na pag inggit, pikit! Pumikit ka na lang ha?" pang-aasar naman ni Julia kay Yuwi.

"Kausap ka?"

"Wag na kayo mag-away! Mag toast nalang tayo." pag-awat ni Harris dun sa dalawa saka itinaas ang bote ng Sanmig na hawak niya.

Ginaya naman namin ang ginawa niya saka sabay-sabay sinabing..

"CHEERS! FOR DELANCY'S VICTORY!"

Yeyyyyyy!

"Salamat!" nakangiting sabi ni Delancy matapos namin magtoast nang sabay-sabay.

Luh?

Bakit parang paiyak na siya?

"Wag kang iiyak, Delancy. Mukha namang ikacrushback ka ni Warren eh." natatawang sabi ni Eli.

Pft.

I agree.

"Bakit nadawit na naman ang napakagwapo kong pangalan?" tanong ni Warren.

"Buti pa yung pangalan, gwapo. Pero yung may-ari, hindi." sabi naman ni Alec.

"Pinagkakaisahan niyo na naman ako ha?" inis na sabi nito.

"Manahimik ka!" sabi ni Dylan saka tinignan si Delancy. "Hindi mo kailangang umiyak, Delancy. Nararamdaman naming lahat na type ka na din ni Warren. Kaya lang, okay ba sayo na mapagsabay ka sa sampong babae?" natatawang sabi ni Dylan.

Hay.

Gago talaga.

"Nagsalita ang loyal." pagsingit naman ni Israel.

"Wag na kayong magturuan na tatlo! Pare-parehas naman kayong mga chick boy eh!" inis na sabi ni Julia.

Oo nga naman.

"Aba ako, loyal ako dito sa asawa ko." sabi ni Dylan at dahil magkatabi kami ng inuupuan ay madali sa kaniya na akbayan ako. "Ewan ko lang dyan sa dalawa.. Basta ako, nagbagong-buhay na ako."

"Si Warren at Delancy talaga yung topic kanina pero bakit napunta sa inyong tatlong itlog ha?" sabi naman ni Alec.

HAHAHHAHAAHAHA oo nga noh? Ang dami kasi nilang chika kaya ayan, nagkalito-lito na.

"Ano ba? Bakit ba ako nadadamay ha? Kanina pa ako nagtatanong dito pero hindi niyo naman ako sinasagot nang maayos eh! Gusto niyo bang ubusan ko kayo ng alak?!" inis na sabi ni Warren.

Ngayon ko lang din napansin na nakaka tatlong bote na pala siya.

Luh?

"Sige lang, bro. Mukhang ikaw ang mas nangangailangan ng alak eh." sabi naman ni Harris.

"Hindi niyo na naman sinagot ang tanong--"

"Wag ka ngang pabebe, bro. Halata namang type mo din si Delancy." singit ni Yuwi.

"Ano? Sinong demonyo ang nagbalita nyan at kakausapin ko lang. Promise, usap lang talaga."

"Nako, Warren. Iba ka nga tumulala kay Delancy namen nung kumakanta siya eh." pang-aasar naman ni Julia.

HAHAHAHAHA oo nga! Hindi ko talaga makalimutan yung mukha ni Warren dun. Para siyang inlove na inlove na aso eh.

"Namamalik-mata lang kayo."

"Wag niyo na 'yang pilitin umamin. Hindi niyo 'yan mapapaamin. Kung hindi niyo naitatanong, siya ang PINAKASINUNGALING sa amin." natatawang sabi naman ni Alec.

Wow? Totoo? Pwede kaya sila maglaban ng kapatid ko? AHAHAHAHAHA joke.

"Salamat sa papuri, Alec." sarkastikong sagot ni Warren.

Napansin ko naman na nananahimik si Delancy.

Hmm..

Hanggang ngayon siguro eh hindi pa din siya komportable na makipagsabayan na makipag-usap sa DWEIYAH at lalo na kay Warren.

"Actually ang ganda nga ng boses ni Delancy eh. Pinaplano ko ngang makipag collab din sa kanya gaya ng ginawa ni Eli kay Magi tapos ipopost ko din pero sa facebook ko lang--"

"HINDI." pagputol ni Warren sa sinasabi ni Israel. "I mean, baka mas lalong sumikat at makilala si Delancy kapag ginawa mo yun. Edi maraming lalaking makakakilala sa kaniya at magkakagusto sa kaniya--"

"At nakakaselos yun." dugtong ni Dylan sa sinasabi ni Warren. "I feel you, bro. Kanina nung nakita ko sa stage na kumakanta sina Eli at Magi, hindi ko talaga maiwasan na magselos kasi ako dapat yun eh. Ako dapat yung kasama niya sa stage at hindi si Eli--" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin at agad siyang binatukan.

Para kasing tanga.

"Hindi ako magseselos! Bakit naman ako magseselos?! Ang akin lang naman, hindi sanay si Delancy na maraming nakakakilala sa kaniya at nagbibigay sa kaniya ng atensyon--"

"Napaka defensive mo naman, Warren. Ano bang pinaglalaban mo?" natatawang sabi ni Israel. "Wala naman akong nakikitang masama sa pakikipag collab kay Delancy eh. Actually sinuggest nga sa akin yun ni Eli na gawin." sabi ni Israel.

"Oo.. Maganda din kasi ang boses ni Israel.. Bagay na bagay sa sweet na boses ni Delancy." sabi naman ni Eli.

"Mas bagay sa kanya kung mag solo performer na lang siya tapos ang kapartner niya yung magaling mag gitara!"

"So parang sinasabi mo bro na mas bagay ka kay Delancy?" nang-aasar naman na sabi ni Harris.

Pft.

"ALAM NIYO,UMUWI NA TAYO! MGA LASING NA KAYO EH!" inis na sabi ni Warren at tumayo na sa inuupuan at pagewang-gewang na umalis ng pool area.

Pft.

Mukhang siya nga itong nalasing na ng sobra eh.

At dahil nga nagkaayawan na sa alak, nagsipasok na kami sa loob ng bahay nina Dylan.

Napagkasunduan kasi nila na dito sila matutulog..

I mean ang DWEIYAH pati si Delancy..

Kaya ayun..

Dun kami sa kwarto ni Julia matutulog ni Delancy since mas malaki ito kumpara sa tinutuluyan kong kwarto..

Mag a-ala-una na pala ng madaling araw kaya siguro pagkahiga ko sa kama ay agad din akong nakatulog dahil sa sobrang pagod at antok.

-

Nagising ako sa sikat ng araw na sumusunog sa mukha ko--

Hinayupak!

Akala ko sa sikat ng araw ako nasisilaw, yun pala ay dahil sa flashlight ng cellphone ng dalawa kong magagaling na mga kaibigan.

Inis akong bumangon sa hinihigaan ko at hinarap sila.

"Bakit ba kayo mga nang-aabala ng tulog?!" inis kong tanong.

"Teh, alas dyes na ng umaga. Tanghali na pero ikaw hanggang ngayon, tulog pa din." natatawang sabi ni Delancy.

Nako, kung hindi lang maganda ang pagkakaayos ng buhok ni Delancy eh kanina ko pa siya nasabunutan.

"Anong masama dun? Wala namang pasok ah?"

"Wala nga." sabi naman ni Julia.

Oh?

Hindi ko sila maintindihan ha?!

"Maaga kasi kaming nagising ni Julia tapos napagkwentuhan namin kayo ni Dylan kaya ayun.. Hindi na namin kayang tiisin itong tawag ng chismis kaya ginising ka namin para sumagap ng totoong chismis. Hehehehe." sabi ni Delancy.

Tangina naman nila! Ginising ako para lang sumagap ng chismis?! Tama ba yun?!

"Dali na, Magi! Kwentuhan mo na kami!" pagpupumilit pa ni Julia.

Kaasar!

"Ano ba kasing gusto niyong malaman?"

"Marami. Hindi na naman iisa-isahin. Basta magkwento ka na lang!" sabi ni Julia.

NAPAKA DEMANDING!

"I think I'm falling for him." diretsyo kong sabi. Feeling ko naman eh yun talaga ang gusto nilang malaman eh.

Kita ko namang sabay silang kinilig at tumili nang paimpit.

"Sinasabi ko na nga ba eh. Tama talaga ang teorya namin ni Julia." natatawang sabi ni Delancy. "Team Eli talaga ako pero masaya ako para sayo, Magi. I mean, kung sinuman kasi ang piliin mo sa dalawa eh suportado pa rin kita hanggang sa dulo."

"Napaka plastik mo, Delancy. Pero sa loob-loob nyan eh BAKIT SI DYLAN ANG PINILI MO, MAGI? ISA KANG TAKSIL NA KAIBIGAN! Nako, Delancy Trinidad!"

"Gaga! Seryoso kaya ako sa sinabi ko. Palibhasa ikaw gawain mo yan, pero hoy! Wag mo kong ginagaya sayo! Malinis ang konsensya ko!"

"Wag na kayo mag-away." pag-awat ko dun sa dalawa.

Ako na talaga ang pumalit kay Delancy na taga awat.

"Kailan mo balak sabihin kay Dylan?" usisa naman ni Julia.

Eto talaga yung tanong na hindi ko mahanapan ng sagot kahit saang butas pa ako maghanap eh.

Kasi naman, hindi ko din alam kung kailan at paano ko sasabihin!

"Halata sa mukha mo na wala ka pang balak sabihin sa kaniya.." sabi naman ni Delancy.

At tama siya ng nababasa.

Hindi pa ako handa.

"Naiintindihan namin, Magi kung wala ka pang lakas ng loob na sabihin kay Dylan ang tungkol dito pero sana hindi abutin ng matagal ang pagdedesisyon mo na sabihin yan sa kaniya kasi deserve din ni Dylan na malaman yan.

I mean, ang dami niyang effort na ginawa para sayo at deserve niyang masuklian yun ng matamis mong oo." sabi naman ni Julia.

Parang ibang tao talaga si Julia kapag nagseseryoso siya.

"I agree with her.  Take your time to think and decide. There's always time for everything so no need to rush things. You don't have to be pressured. Just one step at a time.. Slow yet surely." sabi naman ni Delancy.

"Tangina mo, Delancy. Sumali ka lang sa pageant, naging englishera ka na. Nabagok ba ulo mo nung nasa backstage ka?" sabi naman ni Julia.

"Nahawa lang ako sa pag e-english nung mga kalaban ko." sagot naman ni Delancy.

"Wow naman.. Pateach naman kami ni Magi, lodicakes." natatawang sabi ni Julia saka humarap sa akin. "Basta Magi, lagi mong tatandaan na nandito lang kami para sayo, okay?"

Nginitian ko naman siya saka tumango.

Napakaswerte ko talaga na naging kaibigan ko sina Julia at Delancy kahit pa madalas mag-away 'yang dalawa.

At kahit nasestress na ako na umawat sa kanila, still I'm so blessed to have them..

-

Back to normal day na ulit..

Pagkatapos nga ng apat na araw na pahinga namin ay eto na naman at haharapin ko na naman ang panibagong lunes; panibagong linggo sa buhay ko.

Sabay kami ngayon ni Julia na pumasok ngayong araw kasi si Dylan daw ay alas sais pa lang ay pumasok na.

Nakakapagtaka nga na bakit siya pumasok nang ganung kaaga?

Sabi naman sa akin ni Julia na baka may hinanda na namang pasabog para sa akin si Dylan kaya eka pumasok yun ng maaga..

Ewan ko pero kinilig ako sa sinabi na yun ni Julia.

Napaka effort naman kasi ni Dylan. Alam niyo yun, handa siyang gawin ang lahat para masorpresa lang ako at mapasaya..

Naalala ko nga na gumising pa nga daw ng maaga si Dylan para lang bilhin itong kwintas na suot ko na may pendant na intertwined heart. Dito pa lang, nahuli niya na ang kiliti ko eh.

As in na appreciate ko talaga yung effort niyang yun. Hindi ko lang pinahalata sa kaniya kasi baka mamaya eh lumaki pa ang malaki na niyang ulo.

At ngayon nga, naglalakad na kami papasok ng campus..

Hindi ko maiwasan kung bakit ganyan ang mga tingin ng estudyante sa amin ni Julia..

O baka sa akin lang?

"Anong meron?" bulong ko kay Julia.

"Hindi ko din alam. Masama ang kutob ko dito eh." aniya saka tumigil saglit sa paglalakad at tinignan yung mga estudyanteng iba talaga ang paraan ng pagtingin sa akin. "ANONG MERON MGA TEH? BAKIT GANYAN KAYO MAKATINGIN HA? PARA KAYONG MAY NAKITANG SIKAT NA PORN STAR AH? UMAGANG-UMAGA SINUSURA NIYO AKO! MAGSIPASOK KAYO SA MGA CLASSROOM NIYO!"

"Baka nga mas masahol pa sa porn star 'yang kaibigan mo eh!" sabi nung isang babaeng hindi ko kilala.

"Anong sinabi mo--" akmang susugurin na ni Julia yung babae nang pigilan ko siya.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko dun sa nagsalitang babae.

Agad niya namang ipinakita sa akin ang hawak niyang cellphone.

"Ano 'to?" bulong ko sa sarili.

Mayroon kasing naka post sa official page ng WINSTON SECRET FILES at yung post ay picture ko kasama si Eli..

Ito yung nasa Creston College kami at gabi na nun.. Yung nagpalipad kami ng lantern tapos diba saglit kaming nagkatitigan dahil dun kasi nga malapit yung mukha namin sa isa't isa that time?

At yung isa namang picture ay kasama ko si Dylan at ito yung third day nung Org week namin kung saan nanood ako ng basketball non diba tapos pagkatapos nung game, hindi ba at inakbayan ako ni Dylan dun?

So yung picture ay kasama ko si Dylan habang nakaakbay siya sa akin..

Yung isa namang picture ay kasama ko si Alec while holding hands at ito yung time na nagkita kami sa mall at nanood ng sunset dun sa kalapit na park ng mall..

Dun naman sa isang picture, kasama ko dun si Yuwi sa kotse ko..

Ito yung time na chinat niya ako na daanan ko siya sa kanto ng subdivision namin kasi daw makikisabay siya sa akin na pumasok.

Eh nagkataon pa nga na nakabukas ang windshield ko kaya kitang-kita na ako yun habang sa kabilang gilid; papasok si Yuwi dun sa passenger's seat.

Yung isang picture naman ay kami ni Israel na magkausap sa veranda.. Yung time na nag SONA siya sa akin ng napakahaba.

At ang huli ay picture ko with Warren and Harris, nung time na aksidente ko silang nakita sa mall noon.

Nasa WOF kami dun sa picture at masayang naglalaro ng basketball..

Binasa ko ang caption sa post;

KILALA NIYO BA ITONG BABAENG 'TO? NAKAKAHIYA SIYA DIBA? BALITA KO TRANSFEREE LANG ITO SA WINSTON TAPOS ITO YUNG BUBUNGAD SA FANDOM NG DWEIYAH? GRABE SIYA, TALAGA BANG MAY BALAK SIYANG ISA-ISAHIN ANG DWEIYAH? PARTIDA, LAHAT NG MYEMBRO NG DWEIYAH AY KINAYA NIYANG LANDIIN! PAANO YUN, GIRL? TURUAN MO NAMAN KAMI..

BILANG AKO ANG FOUNDER NG DWEIYAHNATICS, HINDI KO MAPAPALAMPAS ITO! NAPAKALANDI MO ATE GIRL! PITO BA ANG PUSO MO PARA SABAY-SABAY SILANG HARUTIN?!!!!!

Hindi pa dyan natatapos.. Mayroon pa akong isang nakita na post..

Si Delancy naman ang nasa picture habang nakaangkas sa bike na sinasakyan ni Dylan at nakayakap ang kamay ni Delancy sa tiyan ni Dylan.

Ito yung time na pinlano namin yung second move ni Delancy para kay Dylan.. Yung nagbike kami sa isang park.

Nakasulat sa post ang;

ITO PA ISA!

KARAPAT-DAPAT BA ITONG MAGING MUTYA NG WINSTON 2020? EH MUKHANG MAS BAGAY SA KANYA ANG TITLE NA BINIBINING SIMPLENG MALANDI 2020!

ANO ULIT SINABI MO, DELANCY? WALA KANG SELF-CONFIDENCE? SO SAAN MO NAHUGOT YUNG CONFIDENCE MO NA LUMANDI? AHH! MALAMANG KAY MAGI KASI MAGKAIBIGAN NGA PALA KAYO NOH? NAHAWAAN KA NA MALAMANG NG KALANDIAN NIYA!

MALALANDI KAYO! HINDI KAMI MAKAKAPAYAG NA LANDIIN NIYO ANG MGA PRINSIPE NAMIN! MGA SIMPLENG MALALANDING NASA LOOB ANG KIRE! NAKAKASUKA KAYO! HINDI NAMAN KAYO MAGAGANDA!

Nanginginig kong ibinaba ang cellphone at binalik ito dun sa babae..

Sinong may gawa non?

Naiiyak ako. Mukhang ito yata yung sorpresa na sinasabi ni Julia sa akin kanina.. Yun nga lang, hindi galing kay Dylan..

"TAPOS NA ANG PALABAS! INSECURE LANG YAN!" sigaw ni Julia sa kanila at hinatak na ako papasok ng room namin.

"Magi! Totoo ba yung kumakalat na issue--"

"TAYO ANG MAGKAKAKLASE DITO KAYA DAPAT KILALA NIYO NA SI MAGI DIBA? HINDI PANLALANDI ANG TAWAG DUN!

ALAM KONG MAHIRAP PANIWALAAN ANG MGA SINASABI KO KASI MGA WALA NAMAN KAYONG ALAM! LAHAT NG MGA LITRATONG NAKIKITA NIYO, MAY KAAKIBAT YUN NA KWENTO KAYA IMPOSIBLENG MAINTINDIHAN NIYO SILA KASI WALA KAYONG ALAM. DIBA NGA, DON'T JUDGE THE BOOK BY IT'S COVER!

HINDI KAYO JUDGE KAYA WAG KAYO MANJUDGE!" galit na sagot ni Julia kay Mariz at hinatak na ako sa upuan namin.

Naabutan namin si Delancy sa upuan niya at tulala.

Malamang nalaman na din niya ang tungkol sa issue na kumakalat..

"Malaman ko lang kung sino ang nagpakalat nun, bugbugin ko talaga yun hanggang sa mapuno ng pasa ang muka niya." sabi pa ni Julia.

Hayy.

Hindi ako makapagsalita.

Napatingin ako sa gilid ko at naabutan kong nakatingin si Dylan sa akin pero nang makita niyang tinignan ko siya pabalik ay bigla siyang umiwas ng tingin.

Wag mong sabihing pati siya ay naniniwala dun?

"Wag kayo mag-alala, Julia.. Gagawin namin ang lahat para mahanap yung taong nagpakalat nun. Gets kita sa sinabi mo.. Alam kong hindi ganung tao si Magi." sabi ni Mariz at tumingin sa mga kaklase. "GUYS! WE FIGHT AS ONE DIBA? SO, KASAMA TAYO NI MAGI AT DELANCY SA LABAN NA 'TO!"

"YESSSSS!"

Nakakatuwa naman na sa kabila ng masasamang tingin sa akin ng halos lahat ng mga estudyante dito sa Winston, eh may natitira pa din palang mga taong tingin sa amin ay inosente sa issueng ito na kumakalat.

Kaya mahal na mahal ko 'tong mga kaklase ko eh.

"TAMA YAN! AT SA ORAS NA MAHULI NATIN ANG MAY GAWA NITO, SABAY-SABAY NATIN SIYANG BABARILIN SA ULO!" sabi naman ni Julia.

Abno talaga.

Mayamaya lang din ay dumating na din sina Eli at Israel saka lumapit sa upuan namin na may nagtatakang mukha.

"Alam niyo na ba kung sino ang may gawa non?" bungad na tanong ni Israel.

"Hindi. Pero nabanggit niya na siya daw ang founder ng DWEIYAHNATICS. Kilala niyo ba kung sino ang founder nun?" tanong ko.

"Mahihirapan tayong alamin yan dahil walang sinumang estudyante dito ang nakakaalam kung sino ang founder nung fandom na yun. Hindi siya nagpapakilala at tagong-tago talaga ang pagkatao niya." sagot naman ni Eli.

Hays.

"Kami ng bahala dun, Magi. Hindi mo na kailangan pa yun problemahin." sagot ni Israel saka sila dumiretsyo na sa upuan nila katabi si Dylan..

Si Dylan..

Nakakapanibago na hindi niya ako kinakausap.. Affected ba siya sa nangyari? Talaga bang naniniwala siya sa post na yun?

"Napaka walang-puso naman ng gumawa non." sabi ni Delancy habang nakatulala pa din. "Ang lakas ng loob niyang magpost ng ganon na para bang kilalang-kilala niya tayo sa personal. Sana karmahin siya sa ginawa niya."

"Dama ko yung hinanakit mo, Delancy." pabirong sabi ni Julia. "Wala lang magawa sa buhay yan.. Hayaan mo, sa oras na makilala ko siya, uunahan ko na ang karma na gumanti sa kaniya."

"Kapag nalaman ko talaga kung sino ang nagpost nun, lahat ng patak ng ulan ipapasalo ko sa bibig niya! Ang dami niyang sinasabi, dapat sa kaniya sinasara ang bibig!" sabi naman ni Delancy.

"Ikaw Magi? Hindi mo ba babantaan yung nagpost na yun? Malay mo nandito lang pala yun sa tabi-tabi? Hindi ko sinasabing si Lerisse ha pero--"

"Hindi si Lerisse yun." sabi ni Delancy. "Hindi siya fan ng DWEIYAH kaya anong dahilan niya para gumawa ng fandom ng DWEIYAH kung hindi naman siya fan? Tanging ang habol niya lang talaga ay si Dylan pero hindi siya fan."

"Nagmamagaling ka na naman, Delancy eh."

At ayan, nag-away na naman ang dalawang 'to!

-

Break time na at papunta kami nina Julia at Delancy sa cafeteria at heto na naman ang kakaibang pagtingin ng mga estudyante sa amin ni Delancy..

Hanggang sa makarating kami sa cafeteria ay ganyan pa din ang tinginan sa amin ng mga estudyante..

Para bang hindi sila nagsasawa na tignan kami na para bang nandidiri sila sa amin o kaya naman ay puno ng galit ang mga mata nila.

"Uy, Magi. Viral ka ngayon ah?" salubong ni Macy sa amin na mukhang palabas na ng cafeteria.

"Eh ano naman sayo? Inggit ka na naman?" sagot ni Julia sa kaniya.

"Kapag hindi ikaw ang kausap, wag kang sasabat! Kulang ka ba sa atensyon?!"

"Bhie, ako pa yung kulang sa atensyon? Baka ikaw.. Diba nga nanlilimos ka ng atensyon ng kapatid kong hindi niya maibigay-bigay sayo? Kaya kung may kawawa dito, ikaw yun. Iyak ka na bhie, hindi ka na babalikan non!"

"Baka lunukin mo din 'yang sinasabi mo, Julia." nakangising sabi ni Macy at nagpatuloy sa sasabihin niya sa akin. "Good luck sayo, Magi. Mukhang napakainit ng mga mata ng mga estudyante sayo.

Ikaw naman kasi, hindi lang pala si Dion ang nilalandi mo kundi pati buong DWEIYAH. Grabe ka ha? Hindi ko lubos maisip na may pagkaswapang ka din pala sa lalaki. Tsk tsk. Yan tuloy ang napapala mo. Well, buti nga sayo." nakangisi niyang sabi at tinalikuran na ako.

"Aba--" dinig kong bulong ni Julia at walang ano-anong hinatak ang buhok ni Macy at sinabunutan.

Tae sila.

Tinulungan pa talaga ni Delancy si Julia na sabunutan at sampalin si Macy!

Umawat naman ako sa kanila pero hindi ko sila mapigil.

"Matagal ko ng gustong gawin sayo 'tong bruha ka eh kasi naman nakakagigil na 'yang pag-uugali mong ganyan!" galit na sabi ni Delancy saka pinagsasampal si Macy.

"MGA WALANG HIYA KAYO! BITAWAN NIYO KO!"

"HINDI! DAPAT SAYO KINAKALBO!" sabi naman ni Julia saka malakas na pinaghahatak ang buhok ni Macy.

Jusko..

Ang mga estudyante naman na nandito sa loob ng cafeteria ay pinapanood lang sila at wala man lang maglakas ng loob sa kanila na awatin sila--

"Tigilan niyo yan!" sabi ni Dylan na kakapasok lang sa cafeteria saka pilit pinalayo sina Julia at Delancy kay Macy na nakaupo na sa sahig at gulo-gulo ang buhok.

Agad naman siyang inalalayan tumayo ni Dylan..

"Okay ka lang?" tanong ni Dylan dito sa nag-aalalang boses.

Para naman akong sinaksak ng karayom sa nakita ko. Gusto kong umiyak, gusto kong magalit, gusto kong sumigaw..

Pero ang tanging nagawa ko lang ay ang pagmasdan silang dalawa..

"Napakasasama nila, Dion! Wala naman akong ginagawang masama sa tatlong 'yan eh! Kinakamusta ko lang naman si Magi kasi nabalitaan ko na nagbaviral na siya dito.. Alam mo naman na nag-aalala ko sa kapatid ko diba?

Pero minasama pa nila ang pag-aalala ko kay Magi at sinabunutan nila ko at pinagsasampal." sabi ni Macy with matching iyak iyak pa saka kumapit sa braso ni Dylan. "Pinagtulungan nila ako, Dion. Napakasasama nila!"

"WOW NAMAN, MACY! UMAARTE KA NA NAMAN! DYAN KA NAMAN MAGALING DIBA? YAN ATA ANG PROFESSION MO--"

"Tama na nga diba, Julia?!" sabi ni Dylan saka walang ekspresyon na tumingin sa akin. "Bakit naman hindi mo pinigilan 'yang mga kaibigan mo at hinayaan mo lang talaga na saktan nila si Macy? Kapatid mo si Macy diba? Dapat tinulungan mo siya kung may natitira ka pang pagmamalasakit sa kapatid mo!" aniya saka nilingon si Macy. "Samahan na kita sa clinic."

Kita ko namang ngumisi pa ng pang-asar si Macy bago sila makalabas ng cafeteria..

Tangina talaga.. Ako pa yung nagmukhang masama eh ako nga 'tong dapat kinocomfort niya imbes na si Macy.

Bakit niya pinanigan si Macy?!

"Umalis na tayo dito." sabi ni Delancy.

Tama siya dun dahil ayokong marinig na naman ang mga maling chismis ng mga estudyante tungkol sa amin.

"Hindi ko alam kung anong sumumpong kay Dylan eh kung bakit ba siya nagkakaganyan? O baka naman ginayuma ni Macy si Dylan? Hays! Kung anuman ang ginawa nung babae na yun sa kapatid ko, aba lintek lagot siya sa akin!" gigil na sabi ni Julia.

Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng campus para kumain na lang ng street foods sa labas.

Sino ba naman kaseng gaganahan kumain ng kanin sa mga nangyayari ngayon diba?

Nakakaasar.

"Gusto kong isipin na si Macy ang nasa likod ng post na kumakalat kaya lang.." sabi ni Delancy at nag-isip sandali. "Kaya lang imposibleng siya dahil bago lang siya sa university natin. Eh yung fandom na yun kasi ay naitatag last year lang eh ngayong taon lang nagtransfer si Macy dito diba? Kaya malamang, hindi siya yung founder."

"Kahit naman hindi siya ang nasa likod ng post na yun, maiinis pa din ako sa kaniya! Aba putangina lang, baka pati si Satanas ay mapainit ang ulo dahil sa kaartehang taglay ng babaeng yun eh. Nakakaasar ha?! Ang galing niyang umarte! Nabaliktad pa tayo! Tangina talaga." gigil na sabi naman ni Julia saka isinubo yung corn dog na bagong init lang.

Ayan tuloy, napaso siya.

Dun naman kasi magaling si Macy, ang magbaliktad ng kwento. Ilang beses niya na sa aking ginagawa yun kaya sanay na din ako.

"Hi, girls." napatingin naman kami kina Harris at Alec na papunta sa kinaroroonan namin.

Mabuti na lang at walang masyadong estudyante dito sa labas kaya hindi kami magagawan ng issue. Baka kase isipin na naman nila na totoo talagang nilalandi ko ang DWEIYAH kapag patuloy nila akong nakikita na kasama ang iba sa kanila.

"Wala akong nakikitang dahilan para ngumiti ka, Harris." inis na sabi ni Julia.

Halatang bad mood siya sa ginawa ni Macy kanina eh.

"Ahh.. That one." sabi ni Harris saka pinasadahan kami ng tingin ni Delancy.. "Wala din akong idea kung sino ang nasa likod ng post na 'yun. Nakakapagtaka nga din na bakit napost yun sa page eh SECRET FILES nga name ng page tapos pinayagan nilang mapost yung RANTS ng babaeng yun."

"Unless, isa siya sa mga admin ng page." dugtong naman ni Alec. "Pwedeng gumamit siya ng ibang account pang message dun sa post na pinapapost niya and then pinost niya yun gamit ang account niya na admin dun sa page.."

"Kung isa ba ako sa admin ng page, malalaman ko kung sino sa mga kapwa ko admin ang  nag post?" tanong naman ni Delancy.

"Hindi.. Hindi mo malalaman kung sino sa mga admin dun ang nagpost nun. Kaya magiging mahirap na alamin kung sino ang nasa likod nun." sabi pa ni Alec.

Hays.

Magiging mahirap nga talaga 'to.

"Feeling ko kilala kayo sa personal ng taong 'yan or di kaya inistalk kayong dalawa dahil ang dami niyang pictures na pinost eh." sabi ni Harris saka tumingin sa akin. "Lalo na sayo, Magi. Hindi sa pagmamayabang ha? Pero marami talaga kaming fans. Halos lahat ng babae siguro sa campus ay kilala kami kaya hindi ako magugulat na maraming magalit sayo nang dahil sa pinost niya.."

"Hindi naman kasi nila alam yung buong kwento! Ang bibilis nilang manghusga ng tao eh mga wala naman silang alam!" gigil na sabi ni Julia.

"Wala tayong magagawa sa mga tao ngayon, kung ano ang nakikita nila yun ang paniniwalaan nila." sabi naman ni Alec saka ako tinignan. "Maging matatag ka lang, Magi. Malalampasan mo din 'to lahat. Wag mong kakalimutan na nandito lang kami para sayo." sabi niya pa.

Tinanguan ko siya at pilit ngumiti.

Hays.

Isa pa sa pinoproblema ko kasi ay si Dylan.. Hindi ko malaman kung ano bang nangyari sa kaniya at bigla siyang umiiwas sa akin.

Parang nung gabi lang after the pageant at nag celebrate kami sa bahay nila ay okay pa kami sa isa't isa tapos magugulat ako ngayong araw, bigla siyang naging ibang tao sa paningin ko..

Masaya nga kaming nagkukwentuhan at naglilibang nung apat na araw na rest day namin tapos ngayong panibagong linggo, panibagong SIYA na pala ang maaabutan ko..

Dahil ba sa pumutok na isyu kaya siya nagkaganyan?

"Isa pa si Dylan.. Hindi ko alam kung bakit nakadikit na naman siya kay Macy. Nagkabalikan na ba yung dalawa nang hindi namin alam?" tanong ni Delancy dun sa dalawa.

"Actually.." sabi ni Harris at parang nag-aalangan pa siyang magpatuloy.

"We don't have idea between the two. I mean, ngayon lang din namin nalaman na bigla silang naging close ulit eh.. Akala ko nga okay na sila ni Magi but I think, baka dahil sa issue kaya siya naging ganiyan.." sabi ni Alec.

"No offense, Magi ah? Pero kung ako man ang nasa katayuan ni Dylan, syempre bilang ikaw yung babaeng gusto ko pero kung malaman ko man yun, talagang maguguluhan ako kung magsestay pa ba ako sa love na nabuo sa ating dalawa..

So baka ganun din si Dylan.. Baka naguguluhan lang siya." sabi naman ni Harris.

"Tangina pala.. Naguguluhan si Dylan kaya sumama muna siya kay Macy para makapag isip-isip?" natatawang sabi naman ni Julia."Talagang hindi ko pa kilala nang husto ang kapatid ko."

"He needs time to think, Julia—" naputol sa sasabihin si Alec nang magsalita ulit si Julia.

"Time to think? Pero ano? Nakipaglandian kay Macy habang nag-iisip siya ganon? Hindi niya ba alam na sa ginagawa niya, nasasaktan si Magi? Tangina talaga! Kailangan namin mag-usap mamaya at mukhang nabibilog na naman ng Macy na yun ang kapatid ko!"

"Wait lang." sabi ni Harris. "Masasaktan si Magi? Ibig bang sabihin.." aniya saka tumingin sa akin. "Nagkakagusto ka na nga talaga kay Dylan?!"

Agad naman siyang binatukan ni Alec.

"Ikaw na lang yata ang hindi nakakaalam eh. Halata naman, bro. Iba kaya yung ngiti niya kapag kasama si Dylan nitong mga nakaraang araw." sabi naman ni Alec.

Hindi siya nagkakamali dun.

Totoong masaya ako kapag kasama ko si Dylan. Nandun yung saya, yung kilig na namimiss ko na ngayon.

Kasi mukhang hindi na yun mauulit pa at madadagdagan.