Pagkatapos kumanta, agad lumapit sa akin si Dylan at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"I love you, Margaret." sabi niya nang pabulong. Yung tipong kaming dalawa lang ang makakadinig.
Shit.
Bakit siya nag a-I love you?! Anong isasagot ko? Thank you?
Pero imbes na sumagot, lumayo nalang ako sa kaniya ng kaunti at bahagyang tumawa.
"Ang ganda ng set-up. Ayos 'to, Dylan. Date mo dito si tita Ellen. Okay na yun, maaga ka ng 9 months para sa Mother's day." sabi ko saka binigay sa kaniya yung mga bulaklak na binigay nila sa akin.
Hays.
Pagkatapos nun ay umalis na ko dun at nadaanan ko pa sina Alec, Julia at tita Ellen sa may sala.
"Okay lang 'yan, iha. Alam kong hindi ka pa ready. Take your time." nakangiting sabi sa akin ni tita Ellen.
Tinanguan ko nalang siya at nag good night na din sa kanila saka dumiretsyo sa kwarto ko.
Hindi ko maiwasang maguilty sa ginawa ko.. Nag-effort si Dylan para dun pero hindi ko man lang pinag-aksayahan ng oras.
Masisisi niyo ba ko?
Kakasabi ko lang eh na ayokong maging unfair itong panliligaw na 'to. Ayokong may lumamang, ayokong may mapag-iwanan.
Ayokong maging unfair kay Eli.
Ewan ko ba kung ako lang ba ang nakakapansin na parang tumigil na talaga sa panliligaw sa akin si Eli. Parang tinotoo niya talaga yung sinabi niya..
Parang pinaubaya niya na talaga ako kay Dylan..
At yun ang kinakainis ko.
Feeling ko kasalanan ko kung bakit tumigil na si Eli.. Kasi mukhang naging unfair talaga ako sa kaniya..
At yun ang dahilan kung bakit iniwan ko si Dylan dun..
Nakokonsensya ako.
Parang napakaselfish ko naman na ako heto, kikiligin kay Dylan sa mga paandar niya habang si Eli naman, kahit hindi niya ipakita eh palihim ko siyang nasasaktan.
At yun yung ayoko..
Ayokong makasakit ng tao.
Hays.
Paano ba 'to?
"Magi?" napalingon ako sa pintuan at nakita kong si Israel pala 'to.
Bakit siya nandito?
"Pumasok na ako ha? Bukas kasi yung pinto eh." nag-aalangan niyang sabi at naupo na din sa kama nang walang paalam..
'Feel na feel at home.'
"Bakit ka nandito? I mean, anong kailangan mo sa akin?"
"Wag mo sanang isipin na nanghihimasok ako.. Pero gusto ko lang malaman, bakit parang umiiwas ka kay Dylan? Yung totoo, Magi?"
Hindi naman halata sa mukha ni Israel na may pagkachismoso pala siya..
"Ayokong maging unfair kay Eli. Feeling ko kasi sa mga ginagawa ni Dylan ngayon, mas lalo akong magiging unfair kay Eli kung paglalaanan ko ng oras 'yung mga effort ni Dylan."
Kita ko namang napatawa siya nang bahagya bago magsalita.
"Sana wag kang one-sided tumingin, Magi. Kasi sa ginagawa mo, hindi ka lang kay Eli nagiging unfair kundi pati na kay Dylan..
Sinasayang mo yung effort ni Dylan para pasayahin ka samantalang ang iniisip mo lang ay si Eli. Natatakot kang maging unfair sa kaniya pero kay Dylan, hindi mo ba naisip na nagiging unfair ka na din sa kaniya?
Kasi ang lumalabas dito Magi, parang nagiging biased ka na. Baka nakakalimutan mo, hindi lang si Eli ang nanliligaw sayo, kaya please lang, wag kang one-sided tumingin. Tignan mo din yung sitwasyon ni Dylan, yung mga efforts niya na sinasayang mo lang."
"Hindi mo ko naiintindihan, Israel. Ang ibig sabihin ko lang, dahil ang unfair ko kay Eli kaya siguro tumigil na siya sa akin na manligaw.
Parang sinasabi niya na sumusuko na siya sa akin at pinapaubaya niya na ako kay Dylan eh. At nagiguilty ako dun, kasi parang kasalanan ko kung bakit ganun siya mag-isip."
"Sinabi niya yun?" gulat na tanong ni Israel.
"Oo. Noong sabado.."
"Baka naman kasi tama ang sinasabi niya.. I mean, kung ako lang ha? May nililigawan din akong babae tapos nakikita ko naman dun sa babae na halatang may iba na siyang gusto, eh talagang magkukusa na ako na sumuko nalang sa panliligaw.
Kasi ano naman magagawa ko diba? Kahit araw-araw ko siyang i-date sa Disney Land, kung meron naman na siyang lalaking nagugustuhan, eh hindi na yun mababago pa. Kasi puso na ang kalaban naten, at mahirap yun talunin, Magi."
"Anong sinasabi mo?" naguguluhan kong tanong.
"Alamin mo, Magi. Naniniwala naman ako na makukuha mo din ang ibig kong sabihin." sabi niya saka nagpaalam na sa akin at lumabas na ng kwarto.
Napakabastos!
Hindi man lang sinabi sa akin yung ibig niyang sabihin!
Hays.
-
Maaga ang call time sa amin ngayong second day dahil nga team building ang mangyayari ngayong araw..
At nakakagulat talaga na naiba ang teams ngayon.
I mean binago pala nila yung mga groupings!
So ngayon nga, hindi kami magkakateam ng mga kaklase ko dahil since team building nga ito, ang paliwanag nung mga officers, ay kailangan daw hindi namin mga kaklase or kakilala yung mga kakampi namin.
Kaya nga kase team building para daw makapag explore din kami at makakilala ng bagong kaibigan dahil dito..
So ayun, naiba ngayon ang team ko.
AIR NOMADS na ako ngayon at hindi naman talaga maiiwasan na may maligaw sa team ko na kakilala ko kasi aapat lang kaya ang teams noh!
So ayun nga, nakita kong ka group ko si Yuwi, at Israel.
Ops.
Si Macy din?
Talaga ba????
Hays.
Wala na din akong magagawa, angalan naman magreklamo ako sa mga officers diba?
At ayun nga, yung team leader namin ay binigyan kami ng plain tshirt na gray at yun daw yung pinaka uniform namin ngayong maghapon.
Oh diba? Ang bongga. May pa tshirt ang mga yayamaning officers.
Nagpalit na ako ng tshirt sa malapit na cr at bumalik din ako kaagad sa gym kasi baka nagsastart na.
Nakita kong naka red si Julia ngayon na tshirt; that means sa FIRE NATION siya na team. At kasama niya dun si Dylan at Harris.
Naka blue na tshirt naman si Alec at Eli; that means ang team nila ay WATER TRIBES.
At si Delancy naman ay naka green na tshirt; that means team EARTH KINGDOM siya at kasama niya sa team si Warren.
Ow?
Ang WaLancy umaarangkada huh? HAHAHAHAHAHA sana all.
So ayun, bilang panimula daw sa team building na 'to.. Each team daw should create a cheer or a yell.
Kaya naman nagkani-kaniya ng bilog ang bawat teams para pagmeeting-an yung mga gagawin naming cheer.
"I have a suggestion." sabi ni Macy at may pataas-taas pa siya ng kamay niya.
"Go ahead, bhie." sabi naman ng team leader namin na si ate Jane. She's a third year english major student.
Hey, Hey
Hey, Hey are you ready? (double clap)
Are you ready? (double clap)
To play (clap)
Say go team (clap)
Go team (clap)
NOMADS all the way!
"Okay yung suggestion niya." sabi naman ni Carlo.
Alam ko mga names nila dahil sa name tag, okay?
"I want to add something." pagsingit ko.
Nakita ko namang sinamaan ako ng tingin ni Macy pero hindi ko nalang siya pinansin pa.
"Sige lang." sabi naman ni ate Niña.
Our team is in a huddle and this is what we say,
We say Go, Fight, Win!
Our team is in a huddle and this is what we say,
We say Go, Go, Go!
Our team is in a huddle and this is what we say,
We say Fight, Fight, Fight!
Our team is in a huddle and this is what we say,
We say Win, Win, Win!
Our team is in a huddle and this is what we say,
We say Go, Fight, Win
Go, Fight, Win!
Go, Fight, Win!
"Okay!" sabi ni ate Jane. "Pagsamahin nalang natin yung suggestions niyo-"
"Masyadong mahaba yung cheer na sinuggest ni Magi. Yung sa akin nalang yung gamitin natin. Short but brief." ani Macy.
As usual, hindi talaga siya papatalo eh.
"Pagsasamahin nalang natin, bhie. May tatanggalin lang tayong kaunti." sabi ni ate Jane at wala na ding nagawa si Macy. "So ito ang final..
Hey, Hey are you ready? (double clap)
To play (clap)
Say go team (clap)
NOMADS all the way! (clap 3x)
Our team is in a huddle and this is what we say,
We say Go, Go, Go! (clap 2x) (stomp 2x)
Our team is in a huddle and this is what we say,
We say Fight, Fight, Fight! (clap 2x) (stomp 2x)
Our team is in a huddle and this is what we say,
We say Win, Win, Win! (clap 2x) (stomp 2x)
We say Go, Fight, Win! (clap 2x) (stomp 2x)
Go, Fight, Win! (clap 3x) (stomp 3x)
Wow.
Mas better 'to.
Five minutes lang ang ibinigay sa aming oras to prepare our cheer at eto na nga, nagsimula na ang cheering session.
Nauna sa listahan ang FIRE NATION. Sina Julia, Dylan at Harris 'to.
Y-E-L-L (repeat 4x)
Everybody YELL! (clap 3x)
Everybody YELL! (clap 3x)
FIRE NATION!
Go FIRE NATION!
BRILYANTE NI PIRENA
IWAGAYWAY AT IBALANDRA!
SUSUNOG SA INYO
KAYA KUNG AKO SA INYO
UMUWI NA LANG KAYO
DAHIL SA ARAW NA ITO
KAMI ANG MANANALO!
GO! GO! GO!
FIRE NATIONNNNNNN!
Hulaan ko, si Julia siguro ang gumawa ng cheer nila?
Pft.
Rhyming ah? Impernes.
Sunod naman ay ang green team which is ang EARTH KINGDOM.
Sina Warren at Delancy 'to.
Nakakapanghinayang na hindi sila magkatabi sa pila nila.
Naka fall in line kasi sila habang mga nakaupo sila.
EARTH KINGDOOOOMMMM?
Stand UP!
At yun na nga ang senyales para sabay sabay silang tumayo.
Nagsimula na silang kumalat at pumwesto sa mga pwesto nila.
Stand up and Scream
The best yea we're yellin' for the number 1 team
Let's hear it for the EARTH KINGDOM
The green color symbolizes the nature
Number one, that's what we said
The best yea alright
GO GREEN!
GO EARTH KINGDOM!
Let's go KALIKASAN
Go big green - Let's Fight!
Ang cool naman ng cheering nila kasi imbes na clap and stomp, pasayaw nila itong ginawa.
Kung sabagay, nandun si Warren eh. Balita ko kasi dancing machine daw siya so di na ko magdududa. Halata naman sa itsura.
At ang kasunod ay ang WATER TRIBES which is sina Eli at Alec.
Hala?
Kami pala ang last?
Nakakapressure. Ang gaganda kasi ng cheer nila.
1-2-3-4 Let me hear you stomp the floor!
WATER TRIBES! (stomping & pumping fist)
5-6-7-8 everybody rotate!
(say hoo hoo hoo hoo while rotating)
9-10-11-12 let me hear you TRIBALS yell! (everybody yells)
Hey, Hey it's time to fight! (team leader)
Everybody yell, BLUE BLUE BLUE (team leader)
BLUE BLUE BLUE! (clap 3x) (stomp 3x)
Let's get fired up
Get rough, get tough, get mean
Let's get fired up
and roll right over that team!
(repeat 2x)
Woah?
Ang astig!
Palaban ang WATER TRIBES, mga sis!
At eto na..
Kami na.
Hey, Hey are you ready? (double clap)
To play (clap)
Say go team (clap)
NOMADS all the way! (clap 3x)
Our team is in a huddle and this is what we say,
We say Go, Go, Go! (clap 2x) (stomp 2x)
Our team is in a huddle and this is what we say,
We say Fight, Fight, Fight! (clap 2x) (stomp 2x)
Our team is in a huddle and this is what we say,
We say Win, Win, Win! (clap 2x) (stomp 2x)
We say Go, Fight, Win! (clap 2x) (stomp 2x)
Go, Fight, Win! (clap 3x) (stomp 3x)
Napansin ko pa si Dylan na kanina pa nagwawagayway ng papel dun na may nakasulat na..
GO, MAGI! KAYA MO YAN!
Tapos talagang may tatlong heart pa na nakadrawing sa dulo ah?
Ang effort.
Matapos ang cheering session, of course, nagsimula na din ang kanina pa namin hinihintay.
Ang mga games!
"So for our first game, this is what we called ARRANGE ME, FAFA.
Wag niyo na pagtawanan yung name ng game ha? Basta makinig nalang kayo.
So, we will be needing 10 participants on this game. At ang mechanics naman nito ay aayusin niyo lang ang mga sarili niyo base sa tanong or sasabihin ko.
Halimbawa, arrange yourselves based on your height. So syempre, ang mauuna ay yung pinakamaliit sainyo at automatically, yung nasa dulo ang pinakamatangkad. Ganun lang.
Ready?"
"YESSSSSS!"
Binigyan kami ng 2 minutes para makapili kung sino yung isasali naming 10 participants for this game.
Actually, 30+ lang kami halos each team so bali 120+ lang kami na kasali ngayon dito sa team building pero ang total namin sa org ay 400+ I think..
Kaya lang kaya kami konti ngayon, madami kasi late comers. At yung mga late, hindi na pinasali kasi sobrang higpit ng attendance dito eh.
Nakikita ko nga sa labas nitong gym yung mga nalate, hayun at tamang nood na lang sila sa amin.
Buti nalang talaga at inagahan namin pumasok kundi baka nasa labas na din kami at nakikinood.
Going back, nakapili na ang team namin ng participants sa game at ito ay sina Macy, Jenna, Joy, Tristan, Carlo, Miguel, ate Niña, Krisel, Aika at Israel.
Pumwesto na sila sa harap nang naka fall in line.
Unahan 'to at ang unang makapagtaas ng flag na nasa unahan ang winner.
AT SYEMPRE KUNG TAMA ANG SAGOT OR PAGKAKAAYOS NILA.
Magiging strict ang mga officers na tignan kung sino talaga ang mauunang magtaas ng flag.
Eto na.
"Arrange yourselves based on your...
SURNAMES!"
Agad na nagkagulo ang mga kasali at pati kaming nanonood lang ay nakikisigaw na dito kung sino sa kanila ang dapat mauna at mahuli.
Yes!
Nauna naming maitaas yung flag!
Agad namang lumapit yung isang host at pinabanggit isa-isa sa mga kakampi ko yung mga surnames nila para sure.
"Aquino, Jenna Mae."
"Brecino, Joycilyn."
"Domingo, Tristan."
"Fernandez, Niña."
"Morales, John Carlo."
"Nuñez, Miguel."
"Ocampo, Arianne Kaye."
"Santos, Krisel."
"Serrano, Mary Cyril."
"Villegas, Israel."
YESSSSS!
Tamaaaaa kamiiiiiu!
Aaaacxkkkkk!
"Next..
Arrange yourselves based on your..
BIRTH DATE!"
And this time, ang FIRE NATION ang nauna..
Sina Julia.
Kasali pala silang tatlo sa game; si Julia, si Dylan saka si Harris.
"Mae, January 2."
"Benjie, January 7."
"Cheska, February 1."
"Ferdie, April 5."
"Jem, April 20."
"Mariz, June 27."
"Julia, August 10."
"Dylan, October 13."
"Mica, November 16."
"Harris, December 4."
Oh edi tie na ngayon ang Air Nomads at ang Fire Nation..
Wushu.
"Next..
Arrange yourselves based on your..
YEAR LEVEL!"
Muling nagkagulo sila dun habang kami dito ay todo cheer.
Nataas na ni Macy ang flag kaso nga lang ang nauna daw ay ang Water Tribes which is sina Alec at Eli.
Pero hindi sila kasali HAHAHAHAHA.
I mean yung team.
Kasi sila lang kilala ko dun eh.
Ay kasali pala si Eli, HAHAHAHAHAHAHAHAHA.
By the way, raise to three points lang 'to kaya magiging maikli lang ang game na 'to..
Daw.
Pero mukhang hindi. Dikitan laban, sis.
"Bea, 1st year."
"Jennie, 1st year."
"Eli, 1st year."
"Megan, 2nd year."
"Marlo, 2nd year."
"Joseph, 2nd year."
"Gina, 2nd year."
"Johnny, 2nd year."
"Crystal, 2nd year."
"Laura, 3rd year."
Bongga naman. Tig-iisang puntos na ang Air nomads, Fire nation at Water tribes.
"Next..
Arrange yourselves based on your..
SIZE OF SHOES!"
Madali namang nakaraos ang team namin at sigurado na ako dito na kami ang nauna nilang makita na magtaas ng flag.
Orayt.
"Macy, size 36."
"Aika, size 36."
"Krisel, size 37."
"Niña, size 37."
"Jenna, size 37."
"Joy, size 38."
"Carlo, size 40."
"Israel, size 41."
"Miguel, size 43."
"Tristan, size 43."
Yeyyyyyy!
Isang puntos na langggg.
"Next..
Arrange yourselves based on your..
LAST DIGIT OF YOUR PHONE NUMBER!"
Hala? Legit naman, ang hirap.
So dahil nga nagkakaawayan na sila dun sa pagtatanungan ng phone number na pinangungunahan ng pagsigaw ni Macy, ayun!
Nauna tuloy ang Earth kingdom.
Kasali pala sina Delancy at Warren.
Luh?
Dapat talaga sumali din ako eh. Kaya lang kasi kasali din si Macy. Balak ko kasi talaga na hindi ako sasali sa game kung saan kasali si Macy.
Ayoko magkagulo.
Pero kung lahat ng game sasalihan ni Macy, edi manonood nalang ako. Ganon.
"Delancy, 0."
"Kristoff, 1."
"Janine, 2."
"Marga, 2."
"Ella, 4."
"Darren, 6."
"William, 6."
"Eimi, 8."
"Warren, 9."
"Xion, 9."
Hala? Lahat na ng teams ay mayroon ng points pero sa awa ng Diyos, kami ang lamang.
"Next..
Arrange yourselves based on your..
FIRST NAMES!"
'Bilisan niyooooo!' inis kong bulong sa sarili.
Pag nakuha namin 'to, kami na ang panalooo!
At ayun!
Naitaas na ang flag namin!
"Arriane Kaye."
"Israel."
"Jenna Mae."
"John Carlo."
"Joycilyn."
"Krisel."
"Miguel."
"Mary Cyril."
"Niña."
"Tristan."
YEYYYYYY!
Kami ang nanalo-
"Ops. May mali kayong isa, Air nomads. Dapat si Mary Cyril ang mauna kay Miguel." sabi nung host.
Hala?
Oo nga!
Ano ba 'yan!?
Ayan tuloy, nagkachance sina Julia since sila ang sunod na nakapagtaas ng flag!
Hay nako.
"Benjamin."
"Dylan."
"Ferdie."
"Francheska."
"Harrison."
"Jem Bryan."
"Julianna."
"Mae."
"Mariz."
"Mica Ella."
At ayun, sila ang natumpak imbes na kami. Kaya katabla na namin sa score ang Fire nation.
Nako! Dehado pa kami dito.
"Next..
Arrange yourselves based on your..
BIRTH YEAR!"
Nakita ko na namang nagtatalo ang mga kakampi ko at ang pasimuno ng away ay si Macy.
Pinapangunahan niya kasi si ate Niña eh! Hays.
Hindi pa kami nito mananalo nang dahil sa kaniya eh.
And ayun, ang Earth kingdom ang naunang nakapagtaas ng flag.
"William, 1997."
"Marga, 1998."
"Darren, 1998."
"Ella, 1999."
"Warren, 1999."
"Janine, 2000."
"Kristoff, 2000."
"Delancy, 2001."
"Eimi, 2001."
"Xion, 2001."
Edi wow!
Edi wow talaga dahil tatlong teams na ang tie sa 2 points.
"Next..
Sana last na 'to! Naubos na oras natin ha? Napakakocompetitive niyo!" natatawang sabi nung host.
Agree ako sakaniya.
Wala talagang gustong magpatalo eh. Lahat kami, gusto manalo.
"Arrange yourselves based on your...
MIDDLE NAMES! AT!" pagputol niya nang akmang magkakagulo na ulit ang mga kasali sa game. "Para mahirapan kayo ng kaunti, arrange it in DESCENDING ORDER."
Owww?
May twist!
Mukhang mahihirapan kami at kita ko nga sa mga kakampi ko na nagsastruggle sila dun ng kaunti pero laking tuwa ko nang kami ang unang makapagtaas ng flag!
Nakooooo. Sana this time, tama na kami!
"Please state your FULL NAME." sabi ng host nang makalapit sa mga kateam ko.
"Morales, John Carlo VELASQUEZ."
"Santos, Krisel TORRES."
"Brecino, Joycilyn TANDINGAN."
"Fernandez, Niña RODRIGUEZ."
"Villegas, Israel PEREZ."
"Aquino, Jenna Mae MAGBANUA."
"Domingo, Tristan LOPEZ."
"Ocampo, Arriane Kaye GUEVARRA."
"Nuñez, Miguel DE CASTRO."
"Serrano, Mary Cyril BERNARDO."
Hay nako! Sa wakas naman at hindi na nalito yung dalawa; sina Miguel at Macy..
And yes!
Kami ang panalo!
Sulit ang cheer namin!
After nung game, diretsyo na agad sa next game which is yung kasalukuyang pinapaliwanag ngayon.
"For our next game, we only need 3 participants each team.
Ang tawag sa larong ito ay..
GARTERIN MO AKO TEH!
Simple lang ang mechanics sa game na ito, isusuot niyo lang sa mga katawan niyo yung garter na nasa lapag but without using your hands!
Hindi kayo pwedeng gumamit ng kamay sa pagsusuot nito. Ang gumamit ng kamay, madidisqualified!
We will monitor all of you kaya wag na kayo magtangka na mandaya! Kasiyahan lang 'to guys kaya walang dayaan!"
Isa lang ang garter na nasa sahig at mayroon ding isang upuan na nakapwesto.. It means after suotin ng garter, iikot sa upuan na nakapwesto.. Tapos after umikot dun sa upuan, tatanggalin na yung garter without using our hands pa din.
Ang unang team na makakatapos sa ikutan na 'yun ang mananalo.
Hindi na ako nagpresinta na sumali sa game kasi feeling ko mahirap. Tapos hindi din kasi ako magilas gumalaw kaya inayawan ko si ate Jane nung sabihin niyang sumali ako.
Hindi naman nila ako napilit kaya ang participants for the game ay sina Clara, Joven at Lannie.
Sa Fire nation, si Dylan, Shiela at Klein ang kasali. Sa Earth kingdom ay sina Ken, Orlan at Joshua. At sa Water tribes, si Alec, Arlene at Bridgette.
Ilang sandali lang ay inumpisahan na din ang larong ito.
Nangunguna sa laro ang Water tribes dahil napakagilas pala nitong si Arlene kumilos.. Sabagay, gymnast kasi eh tapos payat din siya kaya madali lang sa kaniya na isuot yung garter.
Habang si Lannie naman, jusko po. Hindi na umusad sa pwesto niya. Hanggang ngayon kasi eh nahihirapan siyang isuot yung garter.
Kami ang pinakakulelat dahil yung ibang team, second player na nila ang nagsusuot ng garter habang kami, wala, na stock na yata..
"Ano ba yan si Lannie?! Bakit ba kasi sinali yan eh ang bobo naman niyan! Halatang walang alam!" dinig kong bulong ni Macy na hindi kalayuan sa akin.
Napakasama talaga ng bibig ng isang 'to kahit kailan! Kung nagkataong hindi marami ang tao dito, baka kanina ko pa natampal bibig niya.
Aba, kahit kapatid ko siya hindi ko mapapalampas yung sinabi niya. Tsk. Akala niya kung sino siyang kay galing-galing na maglaro eh nagkamali nga siya kanina!
Kung noon, napapalampas ko ang kamalditahan niya, ngayon hindi na. Subukan niyang tarayan ako, makikita niya talaga ang itsura ng impyerno.
At ayun na nga, natapos na pala ang laro nang hindi ko namamalayan.
Talaga namang mabilisan lang ang mangyayari sa larong ito eh kasi nga madali lang naman.
Kaso nga lang, ayun. Hindi kami ang nanalo. Sina Alec ang nanalo which is ang Water tribes.
Wala namang duda, ang bibilis nilang gumalaw, sis.
Dako na agad sa third game, bago daw maglunch break..
At ang third game ay..
"ENTER THE HOOP!
For this game.. Lahat kayo ay kasali! Medyo complicated lang 'to ha? Pero alam kong kaya niyo naman.
Simple lang ang mechanics sa game na 'to.. Habang magkakahawak-kamay kayo, lulusutan niyo ang hoola hoop na hawak ng nasa unahang pwesto at lulusatan niyo ito NANG HINDI NAGBIBITAW NG PAGKAKAHAWAK NG KAMAY!
I think my instructions are clear so guys, PLEASE FALL IN LINE."
At ayun na nga, pumila na kami ng isang mahabang pila saka naghawak-kamay.
Obviously, paunahang maparating sa dulo ang hoola hoop ang game na 'to. Medyo mahirap, pero kakayanin!
"GO, MAGI! SANA MANALO KAYO! SUPPORT AKO, MWAH!" dinig kong sigaw ni Dylan.
Pft.
Nakita ko namang kinaltukan siya ni Julia at Harris.
"KALABAN NATIN YAN, TUMAHIMIK KA!" sigaw pa ni Julia sa kapatid.
"HANDA AKONG MAGPATALO PARA SAYO, MAGI!" sigaw pa ni Dylan.
Luh?
"KUYA MIKE OH! PAKIKICK NGA SI DYLAN DITO, HANDA DAW SIYANG MAGPATALO EH!" sumbong naman ni Harris dun sa team leader nila.
Pft.
Mga ogag.
So ayun, naghudyat na ang game master na umpisahan ang laro..
In..
3....
2.....
1...
START!
Lahat kami ay nakamasid lang sa unahan kung saan kasalukuyang nagaganap ang lusutan.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa pwesto ng mga kalaban at nakakabilib na ang bilis nilang makalusot.
Ang Water tribes ay nasa pang 5th member na.
Ang Fire nation naman ay nasa 7th member na.
At ang malupet na Earth kingdom naman ay on the way na for their 10th member.
Shit.
Kami pang 8th member pa lang!
At eto na, bilang ako ang 10th member, naghanda na ko.
Pawis man ang kamay ay hindi ko yun ininda at mahigpit na hinawakan ang katabi ko habang lumulusot sa hoola hoop...
Ipapasa ko na sana sa kakampi ko yung hoola hoop nang matapos itong makadaan sa ulo ko nang biglang..
Dumulas ang kamay ko at nabitawan ko ang kakampi ko.
"AIR NOMADS IS OUT OF THE GAME." announce nung host.
Hays.
Kakainis!
Kahit na paulit-ulit sinasabi ng mga kakampi ko na ayos lang daw yun, pero sa mukha ni Macy ngayon eh alam kong hindi yun okay sa kaniya.
Hmp!
Pake ko naman sa nararamdaman niya diba?!
"Okay lang yan, Magi! Atleast, makakakain tayo agad ng lunch." sabi ni Israel at inaya na kami ni Yuwi na magpuntang cafeteria.
Actually, wala pang hudyat na pwede ng lumabas pero dahil gutom na kami, ayun, tumakas na lang kami.
Dahil nga sa nakakagutom ang laro kanina, although sa hoola hoop lang ako nakasali, eh nahirapan din ako kahit papaano.
Nakakapagod kaya mag cheer.
As in ang dami ko talagang biniling pagkain dahil nagutom talaga ako ng bonggang-bongga.
Hindi na nakakapagtaka na kaunti pa lang ang nandito sa cafeteria kasi malamang busy ang mga estudyante na nanonood sa gym.
Ang hindi naman kasi part ng Org Week namin ay may pasok ngayon kaya siguro gantong oras, nasa mga classrooms ang iba.
Nakaupo na kami sa isang table na tatlo nang may biglang umeksena..
Sino pa ba?
"Napakamalas ko talagang naging kakampi kita, Magi noh? Nakakainis ka talagang kakampi, alam mo yon? Bakit ba kasi ipinanganak kang tanga? Alam mo sana nanalo na tayo dun sa hoola hoop eh pero dahil isa kang tanga, ipinatalo mo tuloy yung team natin!"
Halatang inis na inis siya sa akin base na din sa mukha ni Macy.
Pft.
"Move-on ka na, Macy. Laro lang 'yun, hindi mo kailangang seryosohin." sabi ni Israel at hindi na nag-abala pang pasadahan ng tingin ang competitive kong kapatid.
"Bakit ka ba nakikialam ha? Eh sa hindi ako sanay na matalo eh! May magagawa ka ba?!" galit na sabi niya kay Israel.
Mabuti nalang at kaunti ang tao dito kasi baka mamaya ay maissue pa kami.
Nakita ko namang inis na tumayo si Yuwi sa upuan niya at lumapit siya sa kinatatayuan ni Macy.
Bahagyang tinampal ni Yuwi ang noo ni Macy.
Luh?
Bakit hindi niya nilakasan?
"Girl, hindi sa lahat ng pagkakataon eh mananalo ka. Minsan tumanggap ka din ng pagkatalo ha? Sa susunod na magmaldita ka na naman, baka humiwalay na 'yang ulo mo sa katawan mo.. Sige ka." sabi ni Yuwi at bumalik na siya sa upuan niya at kumain.
Pft.
"Nakakatawa naman kayo palibhasa mga talunan kayo!" sabi ni Macy dun sa dalawa na nakaupo at bumaling sa akin na kasalukuyang nakatayo. "Kawawa naman sila, Magi. Hindi yata sila naturuan ng mga magulang nila na manalo. Parang ikaw, lagi kang talunan."
Nang-aasar ba 'to?
"Oo, lagi nga akong talunan. Pero atleast, hindi ko naranasang maghabol sa isang lalaki na parang isang kawawang aso, diba-"
Naputol ako sa sasabihin ko nang sampalin ako ng malakas ni Macy.
"Subukan mong ituloy-"
Hindi ko din siya pinatapos sa sasabihin nang gantihan ko siya ng sampal.
"Sorry, Macy. Pero kung dati, kinakaya-kaya mo nalang ako.. Pwes ngayon hindi na!"
"Talagang lumalaban ka na?!" galit niyang sabi at sinabunutan ako.
Hindi naman ako nagpatalo at sinabunutan din siya hanggang sa may mga estudyante dito na umaawat na sa amin.
Shit.
Nasa cafeteria pala kami.
"HUMANDA KA SA AKIN, MAGI! HINDI PA TAYO TAPOS!" aniya saka galit na umalis sa loob ng cafeteria.
Tsk..
Hihintayin ko, Macy.
"Ibang klase 'yang kapatid ko, napaka warfreak." komento ni Israel na kumakain pa din.
Actually, silang dalawa ni Yuwi.
Mga hindi man lang naistorbo sa pagkain dahil sa away namin ni Macy eh..
Hanep!