Nagpaalam muna ako kina Yuwi at Israel na dadaan muna kako akong cr at sinabihan silang mauna na sa gym.
Ang lagkit ko kasi eh. Kailangan kong magpatuyo ng pawis at maghilamos.
Hindi naman kasi ako pupwedeng magpalit ng damit kasi nga diba naka uniform kami. Bawal palitan.
Tiis-tiis muna sa lagkit at pawis.
Ilang sandali lang din matapos maayos ang sarili at makapaghilamos eh bumalik na akong gym at nabalitaan ko na Fire nation daw ang nanalo sa hoola hoop.
Aba?
Umaarangkada sina Julia ha?
And speaking of.. Nakita ko sila ni Delancy na nasa may gilid ng stage at mga nakabusangot ang mukha?
Luh?
Ano meron?
"Ayos lang kayo?" bungad ko sa dalawa pero hindi nila ko sinagot.
Nagkusa naman ang sarili ko na sundan yung tinitignan nila-
Pft.
Kaya pala mga nakabusangot.. Kasi naman harap-harapan nakikipagharutan sa mga babae itong si Warren at Israel.
Aba at ang mga loko, enjoy na enjoy pa na ineentertain yung mga babae.
Hindi na ako nagulat kasi sikat sila kaya marami talagang mga babae na gugustuhing umaligid sa DWEIYAH.
Dapat sanay na 'tong dalawang 'to eh.
"Ayan kasi! Chick boy pa!" natatawang pang-aasar ko dun sa dalawa.
Pft.
Laughtrip talaga!
Nagulat naman ako nang lapitan nila ko at sapilitang ipinihit ang mukha ko sa kung saan-
Sino 'tong mga babaeng kasama ni Dylan ha?
Biglang naningkit ang mata ko sa hindi ko malamang dahilan at nagkusa ang sarili ko na lumapit sa kinaroroonan nila.
"Akala ko totoong nagbago ka na pero mukhang fake news yata yung nabalitaan ko noh? Kung sabagay, wala naman na tayong magagawa sa mga lalaking nakasanayan nang lumandi sa sampong babae kada araw.. DIBA DYLAN???!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at para bang uusok na ang ilong ko dito sa sobrang galit.
Aaaahhhhhh!
'Bakit ka ba nagagalit, Magi?!'
"Wag ka magalit, asawa ko. Nagtatanong lang sila ng phone number ko-"
"PHONE NUMBER? HINIHINGI NILA PHONE NUMBER MO HA? PARA SAAN? WAG MONG SUBUKANG MAGPALUSOT SA AKIN, DYLAN! NA KESYO GAGAMITIN NILA YUNG PHONE NUMBER MO PARA ANO? PARA PANG GAWA NG FB TAPOS HIHINGIN NILA CODE NILA SAYO GANON? TAPOS ANONG SUNOD NON? MAKAKA TEXT MO SILA? MAKAKATAWAGAN! OH DIBA TAMA AKO?!"
"Magi, hindi-"
"WAG KA NA MAGMALINIS, DYLAN! AKALA MO HINDI KO ALAM 'YANG MGA GALAWAN NG MGA BABAENG 'YAN?!" sabi ko at humarap dun sa tatlong babae. "HOY KAYO? TIGIL-TIGILAN NIYO YAN! TEAM BUILDING 'TO MGA TEH KAYA DAPAT MAG ENJOY TAYO, OKAY? MAAGA PA KAYO PARA SA VALENTINES DAY! MAAGA PA PARA DUMAMOVES SA MGA CRUSH NIYO! ALIS!!"
"Magi-"
"Excuse me po, ate. Hindi po kami nanghihingi ng number nang wala kaming rason. Actually, pinapafill-up-an po kasi 'to ng Org President and need nila ng phone number nating lahat. Kami po kasi yung inutusan ng team leader namin na kolektahin yung mga phone numbers and home address ng mga kateam namin."
"H-ha?" nahihiyang sabi ko.
Putakte.
Nakakahiya yata yung ginawa ko? Napaos lang ako sa wala.
"Opo. Kayo din po, for sure, hihingan ng team leader niyo po. Need po kasi 'to eh." sabi naman nung isa pang babae.
"A-ahhh. G-ganon? Okay." sabi ko at akmang tatalikod na nang hatakin ni Dylan ang braso ko at dinala sa may kabilang gilid ng stage.
Nakakaasar yung ngisi niya.
"Pinapakilig mo naman ako, Magi. Mukhang nagseselos ka eh. Wag ka mag-alala, ikaw lang naman talaga, promise." aniya saka itinaas pa ang kanang kamay na parang nagpapanatang-makabayan.
Hays.
"Hindi ako nagseselos! Wag kang assuming dyan!"
"Naku, napakadenial mo talaga noh? Pero basta ako, iisipin ko talagang nagselos ka kaya ka galit. Baka hanggang sa panaginip eh kiligin ako! Na-"
"Bangungutin ka sana." sabi ko at bumalik na ako sa team ko dahil mukhang magsisimula na ulit.
"Mukha namang mga busog na busog na kayo kaya wag na tayong magpatumpik-tumpik pa at umpisahan na natin ang ating susunod na laro.
Ito ay tinawag naming..
WEB IT LIKE MILEY.
Sa larong ito, susuot lang kayo sa isang parang sapot na nakikita niyo sa labas ng gym. At kailangan, hindi sasayad ang anumang parte ng katawan niyo sa tali or yarn na nagsilbing sapot.
Ang pinakamabilis na team na makakatapos tumawid sa sapot ay ang mananalo.
Tatlo lang ang representative niyo for this game at pwedeng tumulong ang mga kateam niyo na makatawid kayo. Pwedeng buhatin kayo or kahit anong strategy na naiisip niyo, pwede niyong gawin."
Pinili ako ni ate Jane bilang isa sa representative at kasama ko si Yuwi at Charlotte.
Bilang mga maliliit din kasi kami at magagaan na buhatin kaya ayun, hindi nalang din ako nakapalag.
Mauuna ang team namin sa susuot sa parang sapot na susuotan namin.
Mataas siya at mukhang magiging mahirap sa amin ang lumusot sa ganito pero keri namin 'to!
Halos lahat ng mga kasali sa team building ay nandito din sa labas at nanonood sa mangyayari kaya medyo nahihiya pa ako pero para sa team ko, kailangan tanggalin ang hiya.
Nauna ng tumawid si Yuwi at dun niya pinili sa may gilid tumawid kung saan hindi na niya kailangan pang magpabuhat kasi nasa mababang pwesto naman 'to.
Maayos naman siyang nakatawid at kami namang mga kakampi niya eh nakaabang sa kabilang gilid sa kaniya para alalayan siyang makalusot nang maayos at hindi siya ma out of balance.
Sunod naman si Charlotte. Kinailangan na namin ang mga muscle ng kateam namin na lalaki kasi kailangan buhatin si Charlotte kasi sa gitna siya lulusot..
Pahiga siyang binuhat; yung patihaya na higa..
Manipis kasi yung lulusutan kaya dapat pigil hininga dito kasi baka sumayad yung dibdib niya sa yarn.
At kagaya ni Yuwi, nakatawid naman nang maayos si Charlotte.
Ito na..
Ako na yung last.
Binuhat din ako ng mga kakampi ko and this time, kinailangan namin ng tulong ng ibang team.. Since pwede naman kaya go lang.
Padapa akong nahiga kasi yung pinakataas yung balak kong sulutan.
Ramdam ko na nanginginig ang mga kamay ng mga may hawak sa akin habang palusot ako. Yung kamay nga na nasa may hita at balikat ko eh parang susuko na sa sobrang nginig eh.
Shit.
Muntik pa ngang sumayad ang baba ko sa yarn pero buti nalang hindi natuloy.
Patawid na ako sa kabila at napapikit nalang ako dahil sa mataas na babagsakan ko.
Hindi naman dapat ako makaramdam ng takot kasi may sasalo naman saken-
"Ouch." daing ko kasi matapos kong makatawid sa web na yun eh bigla akong natumba.
Napakahina naman nitong sumalo sa akin-
"Eli?" sabi ko at ramdam ko na nag-iinit ang pisngi ko dahil na din sa malapitan ko na naman siyang natititigan.
Napakagwapo-
Nasa ganoong pag-iisip ako nang may humila sa akin patayo.
"Ayos ka lang?" tanong ni Dylan at chineck pa talaga ang katawan ko kung may sugat ba ko.
"Okay lang. Nasalo naman ako ni-" nahihiyang sabi ko at pabebeng tumingin sa likod kaya lang nakita kong naglalakad na si Eli pabalik sa team niya.
Luh?
Napasimangot tuloy ako.
"Ang dami mo ng utang na loob sa akin ha? Kailan mo kaya ako balak bayaran? Kahit oo mo nalang yung bayad-"
Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at iniwan na siya dun at pumunta sa pwesto ng mga kakampi ko.
Hmp!
Galit pa din ako sa kaniya!
Nalaman ko na 7 minutes and 38 seconds ang oras namin sa paglusot.
Okay, hindi na din masama.
Pagkatapos nun ay pinabalik na kami sa loob ng gym at sa loob nalang ng gym namin pinanood yung ibang teams na lumusot.
Ang Fire nation na may kakaibang tricks kung saan hindi sila nagbuhat-buhat kemme kasi matagal yun eh.. Sa gilid nila piniling pumasok para makalabas agad nang walang kahirap-hirap.
Ang Water tribes naman na kapit sa buhat at ginaya nila yung sa amin kaya ayan, natagalan tuloy sila. Na disqualified pa nga eh kasi mayroong na out of balance at ayun, nahulog sa lupa si ate girl.. Buti nalang hindi sumabog mukha niya.
At ang Earth kingdom naman na chill chill lang sa paglusot dahil mukhang mga sanay na lumusot sa masisikip na butas. Sila yata yung pinakamabilis na natapos na ang oras nila ay 3 minutes and 10 seconds lang.
Habang ang Fire nation ay 5 minutes and 23 seconds at ang Water tribes ay 9 minutes and 48 seconds pero disqualified naman.
At ngayon nga na kasalukuyang nasa loob na ang lahat ng mga kasali, eto na.. Magsasalita na yung host.
"And we are now down to our LAST GAME." panimula niya.
Nalungkot naman kami sa sinabi niya kasi parang nakakabitin naman na last game na agad..
Wala bang extension?
Pero okay na din yun, ang lagkit ko na din kasi.
"Wag kayo malungkot! Mas mag-e-enjoy kayo after nito!" sabi pa niya at natawa ng bahagya bago nagpatuloy. "So for our last game.. This is what we called..
FIND ME BABY!
Sure ako na mag-e-enjoy kayo sa last game na 'to dahil for this game, maghahanapan kayo ng mga kateam niyo. Ang unang team na makakahanap sa isa't isa ang mananalo.
Ipupwesto kayo ng mga officers sa kung saan-saan dito lang syempre sa loob ng gym. Paghihiwa-hiwalayin kayo at dito niyo sisimulang hanapin ang isa't isa.
May mga code kami na ibibigay sa bawat team at yun yung sasabihin niyo para makatulong na mahanap ang mga kateam niyo.
Hindi pwedeng sumigaw o isigaw ang code! Madidisqualified! Dapat parang bulong lang or normal tone.
Kunware nahanap ko 'to si Angel tas dun ko lang sasabihin sa kaniya yung code ng team ko tapos pag magkapareho kami ng code, ibig sabihin, kateam ko siya.
Five participants only!"
So ayon, namili na ng participants si ate Jane at nakakainis na nasama pa ako.
Kasama ko sina Israel, ate Niña, Macy at Carlo.
At ang code na napunta sa amin ay SWEETIE.
Pft.
Okayyyy.
Nakalimutan yatang sabihin nung host pero since hanapan 'to, malamang nakapiring kami. Nakatakip ang mga mata namin para more challenging.
At eto na, nakapiring na kaming mga kasali at nagsimula na din ang mga officers na ikalat kami.
Hindi ko na din nakita yung mga makakalaban ko, wala din naman kasi akong pake.
Ilang segundo lang ay naghudyat na din ang host na umpisahan na ang hanapan..
Shit.
Ang hirap pala nito. Para akong nangangapa sa dilim. Huhuhu.
Ayun!
May nasaling akong nilalang.
Agad ko itong hinabol at hinila ko ang buhok niya na parang sinabunutan.
HEHEHEHE
Ang likot mo kase ate eh.
"SWEETIE?????" tanong ko.
"Walang hiya ka, Magi! Akala ko kung sinong nananabunot sa akin! Gagantihan ko na sana eh. Tabi nga!" inis na sabi ni Julia at hinampas yung kamay ko na hawak ang buhok niya.
Hmp.
Maldita.
So eto na naman ako, naghahanap na naman.
Bakit ganon? Wala na akong makapang mga tao?
Tapos na ba agad?
Ayy eto!
Hinila ko ang braso nitong taong nakapa ko at-
"SUGAR PIE?" sabi nito kaya nagkusa ang sarili ko na bitawan siya.
No, no.
Hindi ko siya kakampe and hindi ko din kilala ang boses niya.
Huhuhuhu.
NASAAN NA BA YUNG MGA KAKAMPI KO????
Iniwan na ba-
Nasa ganong pag-iisip ako nang biglang may humatak sa buhok ko.
Aray ah?
Nagantihan agad ako ng karma.
"HONEY?!" tanong niya-
"Warren?" nagtataka kong tanong nang medyo madinig ang boses niya.
"Ikaw pala 'yan, Magi." aniya saka paitchang binitawan ang buhok ko.
Luh?
Muntik na ako matumba dun ah?
Akmang pipihit na ako patalikod mula sa pinupwestuhan ko para maghanap muli nang may mabunggo ako..
Dahilan para matumba kaming parehas sa sahig..
"SWEETIE?" tanong ko; umaasang sana isa siya sa mga kakampi ko.
Naramdaman ko namang naligaw ang kamay niya sa likod ng ulo ko at tinanggal ang pagkakatali ng panyo dito.
"Hi, asawa ko." sabi ni Dylan at abot hanggang tenga pa ang ngiti.
Kainis!
"Mukhang may nanalo na dun sa may gilid oh!" sabi nung host at nakita kong nakatingin siya sa amin ni Dylan.
OMG!
Agad akong tumayo at nagmamadaling bumalik sa mga kagrupo ko.
Shit.
Nakakahiya!
So ayun nga, punyemas na 'yan. Hindi man lang daw kami nagkahanapan ng mga kakampi ko at napag-alaman kong Fire nation daw ang nanalo.
Kaya pala wala ng piring sa mata si Dylan kasi tapos na pala ang laro kanina pa habang ako, parang tanga na naghahanap pa din.
Jusko po!
"This marks the end of our game for today! You have 30 minutes break and be ready for the next activity that we will do for today!" sabi nung host.
Nagsimula nang magsialisan sa gym ang mga estudyante habang yung ilan sa amin ay naiwan naman dito..
Habang ako ay pumunta munang cr dahil nanlalagkit na naman ako sa pawis..
Mukhang mauubos ko yata ang stock na tissue sa cr namin ah?
Mabuti nalang at dito sa cr na pinuntahan ko ay walang tao. It means, solong-solo ko ito kaya naman hindi ko maiwasang mapakanta dito sa loob habang naghihilamos kaya lang bigla kong nakita sa repleksyon sa salamin si Macy na nasa likod ko pala..
Sinusundan ba niya ako?
"Wala na ba talagang paraan para layuan mo si Dylan? Hindi ka na ba talaga mapapakiusapan? Hindi na ba talaga kayang daanin 'to sa mabuting usapan? Talaga bang magmamatigas ka nalang, Magi?!" panimula niya.
Hindi na ako nagulat kung 'yan ang sinasabi niya ngayon.. Wala naman kasing pinuputok ng buche 'yan si Macy kundi si Dylan lang naman eh.
"Mahirap 'yang sinasabi mo lalo na at si Dylan naman yung lumalapit sa akin eh. Paano ko siya papalayuin kung siya mismo ang ayaw lumayo?
Alam mo kung ako sayo, Macy.. Mag move-on ka nalang. Minsan kailangan mo din i-let go yung taong alam mong hindi ka na babalikan pa. Wag ka ng umasa, ikaw lang din ang masasaktan."
"HINDI NAMAN 'TO MANGYAYARI LAHAT KUNG SA UNA PA LANG, HINDI MO NILANDI SI DYLAN! KAYA LANG ANONG MAGAGAWA NATIN DIBA, EH PINANGANAK KA NG MALANDI!
NAPAKADAMOT MO, MAGI! PATI BA NAMAN SI DYLAN EH AAGAWIN MO SA AKIN HA? WALA KA NA BANG PUSO?!"
"Naririnig mo ba ang sarili mo, Macy? Narir-"
"Oo, Magi! Oo! NAIINGIT AKO SAYO! KASI IKAW NA YUNG GUSTO NG LALAKING MAHAL NA MAHAL KO! NAPAKASELFISH MO, MAGI! ANG DAMOT DAMOT-"
Hindi na siya natapos sa sasabihin nang biglang magkusa ang kamay ko na sampalin siya.
"Ako pa yung madamot, Macy? Ako pa?! Ang lakas lakas ng loob mo na sabihin 'yan lahat sa akin kasi wala kang alam! Wala kang alam sa mga pinagdadaanan ko!
Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko sa tuwing ipinapasa mo sa akin yung mga kasalanan na ginawa mo! Hindi mo alam na nasasaktan ako ng sobra kapag lagi ako ang napapagalitan ni mommy dahil sa ginagawa mo! Dahil pinapaako mo ko sa kasalanan mo!
Hindi mo alam yung sakit na nararamdaman ko sa tuwing ikinukumpara ako ni mommy sayo! Na kesyo mas magaling ka sa akin, na ikaw yung paborito niyang anak at pinakamagaling niyang anak!
Hindi mo alam yung sakit na nararamdaman ko sa tuwing binabaliwala lang ako ni mommy at ikaw lang ang lagi niyang nakikitang magaling sa ating dalawa!
Ikaw pa ang naiinggit sa akin, Macy? Bobo ka ba?! Mas naiinggit ako sayo, Macy! Kasi sa ating dalawa, ikaw yung mas mahal ni mommy samantalang ako ano? Mas malupit pa sa ligaw na aso ang turing sakin ni mommy! Para akong asong may nakakahawang sakit kung itaboy niya nalang ako sa bahay diba?
Ni hindi niya man lang ako magawang mahalin kagaya ng pagmamahal niya sayo. Ni hindi niya man lang magawang maging proud sa akin, at ang palagi niya lang napapansin ay yung pagkatalo ko at hindi yung mga napagtagumpayan ko!
Ngayon ka mainggit sa akin, Macy! Alam mo napakakitid ng utak mo eh no? Dahil lang sa lalaki, nagkakaganyan ka? Mag-isip ka nga! Hindi ka mauubusan ng lalaki, Macy. Kagaya nga ng sabi mo diba..
Ang lalaki napapalitan pero ang nanay hindi.
Kaya kung may dapat man magalit dito, ako yun! Kung may dapat man mainggit dito, AKO YUN!"
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at iniwan ko na siya dun sa cr at tumakbo nalang ako sa isang room dito sa first floor na bakante.
Dito ko nilabas lahat ng luhang kayang ilabas ng katawan ko.
"Kung ako sayo, gayahin mo yung ginawa ni Hua Ze Lei." napatingin naman ako kay Eli at laking gulat ko nang nandito pala siya.
Lumayo siya sa akin nang bahagya at nag hand stand siya.
Yung ginawa ni Lei noon sa Meteor Garden..
"Gawin mo 'to para hindi na pumatak 'yang mga luha mo, Magi." aniya at hindi na siya nag-abala pang tignan ako.
"Hindi naman ako marunong mag hand stand, Eli." nakangusong sabi ko.
Kita ko namang bahagya siyang natawa at umayos na ng tayo.
"Bakit ka na naman ba umiiyak? Hindi ba dapat nag-e-enjoy ka ngayon?"
"Nagkausap kami ni Macy kanina. And hindi ko naiwasan na ilabas sa kaniya lahat ng pagkainggit ko sa kaniya.
Complicated kasi ang pamilya namin. I mean si mommy kasi, si Macy lagi ang favorite niya. Si Macy ang mahal niya samantalang ako, napagdamutan ng aruga ng isang ina."
"Wag ka mag-alala, Magi. Dadating yung araw, magiging baligtad na ang mundo niyo ni Macy.
I mean, wala namang ina ang kayang tiisin ang anak. Lahat ng nanay ay mahal ang kanilang anak. Hintayin mo at dadating din ang araw na mararamdaman mo din yung pagmamahal ng nanay mo sayo."
'Sana ganon lang talaga kadali, Eli.'
"Nga pala.." sabi ko saka medyo nag-aalangan pa ako magpatuloy pero-
Sige na nga.
"Hindi ka na ba nanliligaw sa akin, Eli? I mean, huminto ka na talaga?"
Natawa siya nang bahagya saka sumagot..
"Pasensya ka na kung iniisip mo na tumigil na ako or siguro sumuko na ako sa panliligaw sayo..
Alam mo kasi Magi, totoo namang gusto kita. Kaya nga kita niligawan diba? Pero sa pagkakataon na 'to, matagal ko talaga itong pinag-isipan at paulit-ulit nag-isip kung itutuloy ko and I end up like this.
Tinuloy ko na.
Actually, hindi naman ako tumigil or sumuko.. Ang tawag sa ginawa kong 'to ay nagpaubaya ako, Magi.
Gustong-gusto kita at handa akong gawin ang lahat para lang mapa oo ka pero sa pagkakataon na 'to, nakikita kong tama ang desisyon na ginawa ko. Siguro tatanggapin ko na lang na hindi tayo para sa isa't isa.
Alam mo kasi, ang pagmamahal na pinipilit ay isa lang ang babagsakan sa dulo.. Ito ay ang karayom na tutusok sayo at paulit-ulit kang sasaktan hanggang sa mawala ka sa katinuan.
Kaya inunahan ko na.. Ayoko ng ipilit pa ang pagmamahal ko sayo, ngayon pa na alam ko na sa una pa lang, siya na talaga diba?"
"H-huh?"
"Tara na, Magi. Baka malate pa tayo." sabi niya saka hinatak na ako palabas.
Luh?
Hindi man lang niya pinaliwanag sa akin ng maayos yung sinabi niya?
"Wag ka na mag-isip dyan. Basta okay lang sa akin na hindi man kita girlfriend pero atleast girl space friend naman kita." aniya at kumindat pa. "Picture naman tayo para remembrance." aya niya sa akin nang madaanan namin ang Photobooth.
Pumayag nalang ako sa kaniya at siya na ang nagbayad ng P20 para sa isang litrato lang.
Ang mahal diba?
Napakacool nga kasi may pa costume pa sila ditong nalalaman. Nakakainis nga at ang sinuot sa akin ni Eli ay isang cowboy hat kaya naman cowboy hat nalang din ang sinuot ko sa kaniya para terno kami.
And ayun..
Nag picture na kami.
Ako, habang nakahawak sa likod niya habang siya, na nakaakbay sa akin.
Para kaming magsyota dito pero sabi niya nga, friends lang daw kaya wag gawan ng malisya!
Nagbayad ulit ng P20 si Eli para sa isang kopya nung picture namin para daw tig-isa kami.
Luh?
Galante.
Pagkatapos din nun ay dumiretsyo na kami sa gym at sakto ang dating namin dahil magsasalita pa lang ang host na nasa stage..
"Nakagawian na ng ating Organization na at the end of the team building activity ay mayroong isang exciting na activity na makakapagpaexcite sa mga student!
Sa oras na ito mangyayari ang?" sabi ng host at nagulat naman ako sa sinabi ng mga 2nd year at 3rd year dito..
"BASAAN 2020!" sabay-sabay nilang sigaw.
Luh?
Ano daw? Basahan? Batuhan ng basahan?
"Yes! Kaya labas na ang lahat! WALANG KJ!" sabi ng host at nagtatatakbo naman ang mga estudyante na lumabas sa labas.
Pati nga ako nahatak palabas kahit sa totoo lang eh wala naman akong planong makijoin sa kanila.
Wala naman kase akong idea-
OMG!
SINONG LAPASTANGAN ANG BUMATO SA AKIN NG PLASTIK NA MAY TUBIG?!
At dun ko lang nalaman na BASAAN pala ibig sabihin maliligo kami dito sa labas!
OMO!
Exciting!
Agad akong kumuha ng plastik na may tubig sa gilid at tinarget kong batuhin si Delancy at Julia na kasalukuyang nagbabato din ng tubig.
Boom!
Sakto sa ulo ng dalawa!
Kita ko naman ang nakakatakot nilang smirk at ito na ang hudyat para takbuhan ko sila.
Aaaaahhjjckccckkk!
Hinahabol nila ako habang may bitbit silang tabo!
"HOYYYY WAG! PATAWARIN NIYO NA AKO! HINDI NA MAUULIT PROMISE-"
Naputol ako sa sasabihin nang may magbato sa mukha ko ng tubig.
Gago!
Muntik na ako makalunok ng tubig!
At paglingon ko sa likod-
Sumalubong sa akin ang laman na tubig ng tabong hawak ni Julia.
Orayt.
Pinagkakaisahan ako ng Julia, Delancy at Dylan na 'to ah?
"Walang sisihan ha?" nakangisi kong sabi at pumulot ako ng plastik na may tubig at pinagbabato silang tatlo.
Pft.
Ang cool naman nito. Ang saya dahil pagkatapos ng nakakapagod na games eh nakaligo na kami.
Pati mga hindi namin kilala eh nababato na namin ng tubig at yun nga lang, ginagantihan din kami.
Hay.
Bigla akong napagod sa kakahabol sa kanila ah? Mamaya sila sa akin.
"Shit." sabi ko nang may magbuhos sa akin ng tubig dito sa inuupuan ko.
"Bawal time-out, Magi!" nang-aasar na sabi ni Warren at tumakbo na palayo sa akin.
Grrrrr.
Agad ko naman siyang hinabol at binato ng dalawang sunod na plastik na may tubig.
At aba!
Bumack-up pa talaga kay Warren 'tong si Harris at Alec?!
Waaaah!
Pinagtutulungan ako ah!
Ayan tuloy, basang-basa na ako! Nakakaasar.
Teka..
Napansin ko lang, wala dito sina Eli, Israel at Yuwi-
Ah.
Mga KJ.
Nandun at nanonood lang sa loob ng gym..
Sayang kasi at bawal mabasa ang gym kaya hindi namin sila pwedeng basain eh.
Tyaka teka?
Sino yung apat na babaeng kausap nina Eli at Israel?
Manghihingi din ng phone number?
Aysh!
Naupo muna ko sa gilid sa sobrang hingal ko.
Legit bhie, nakakapagod maghabol. I mean, habulin sina Warren para batuhin ng tubig.
Kasi naman ambibilis magsitakbo eh! Napakadaya.
"Ikaw po si Magi?" tanong sa akin nung isa sa apat na babae na kanina lang ay kausap nina Eli at Israel sa loob ng gym..
Luh?
"Ako nga."
"Sumama po kayo sa amin." sabi nung isang babae na kulot ang buhok.
"Saan? Pinapatawag ba ako sa guidance?"
Pero imbis na sagutin eh pinaringan nila ang mata ko..
Hala!
Mga bastos!
"HOY?! SAAN NIYO KO DADALHIN?!"
"MGA TEH, USO SUMAGOT!"
"TAE!"
Ako na lang din ang kusang sumuko nang hindi ako sagutin nitong mga babaeng 'to.
Kakainis naman.
Saan ba ako nila dadalhin? Mukhang ang layo na nito ah?
Naramdaman ko na pumasok kami sa isang kwarto at pinaupo nila ako.
"Pwede mo na tanggalin yung piring, ate Magi." sabi nung babae.
"Buti naman." inis kong sabi at tinanggal na ang piring sa mata.
Literal na nagulat ako kung sino ang kaharap ko.
Si Dylan lang naman na gaya ko eh basang-basa din.
"Surprise!" natatawa niyang sabi. "Hindi ka kasi nakipagdate sa akin kagabi kaya dito nalang natin itutuloy."
At oo mga bhie, nasa Blind date booth kami ngayon.
"Pwede ba tumakas-" nahinto ako sa pagsasalita nang makitang wala na sa tabi ko yung apat na babae.
"Bakit ba ayaw na ayaw mo akong ka date ha?"
"Hindi naman sa ayaw-"
"Nako, Magi! Ang sabihin mo ayaw mo talaga kasi-"
"Pinagtataasan mo na naman ba ako ng boses ha?!"
"Hindi naman, asawa ko. Mahinahon lang ako, tamo-"
"Hindi eh! Pinagtataasan mo talaga ako ng boses eh! Ano ha?! Ganyan ka na sa akin ngayon ha?!"
"Pinagkagastusan ko na nga 'to para lang maiblind date tayo! P50 ang binayad ko dito tapos hindi mo man lang maaappreciate?! Tapos ipapakita mo sa akin ngayon na parang ayaw mo akong kadate?! Sinong hindi maiinis dun-"
"Bakit?! Sinabi ko bang gumastos ka ng P50 ha?! Sinabi ko bang iblind date mo ako?! May sinabi ba akong ganun ha?! Bakit parang ang labas nito eh may utang na loob pa ako sayo?!"
"Lagi mo nalang akong inaaway! Kailan ba tayo magkakasundo!? Alam mo ikaw, lagi ka nalang galit sa akin eh wala naman akong ginagawa sayo ha?! Kasalanan ko bang gwapo ko?! Sorry naman, asawa ko! Nagsisisi na nga ako kay Lord kung bakit sobrang gwapo ko at tingin ko naman ay napatawad-"
"Ayan ka na naman sa kahanginan mo eh! Pwede bang tigil-tigilan mo 'yan dahil naiirita ako-"
"Okay lang po ba kayo-"
"WAG KANG MAKIALAM!" sabay na sabi namin ni Dylan at parehas kaming hinihingal.
"Sabi ko nga, maling idea 'tong blind date booth na 'to eh. Salamat nalang dahil kahit papaano nagpakita ka sa akin." seryosong sabi ni Dylan at lumabas na.
Shit.
Nagalit ba siya sa akin?
Hindi ko naman sinasadya na awayin siya eh saka hindi pa ba siya nasanay na lagi naman talaga kaming nag-aaway.
Ano ba yan?
Sa dulo tuloy, konsensya ko pa.
Pagkagaling sa blind date booth ay sa locker ko ako dumiretsyo para makapagpalit ng damit at saka ako nagpunta sa cr para maligo at magpalit.
Hindi pa kasi pwedeng umuwi ngayon dahil may ganap daw ulit mamayang gabi.
After maligo, makapagpalit ng damit at makapag-ayos ay bumalik na ako sa gym at nadatnan ko dun sina Eli, Israel at Yuwi.
Nagbabasaan pa din kasi sa labas sina Julia, Delancy, Harris, Warren at Alec. Hindi ko nakita sa labas si Dylan.. Saan siya nagpunta?
"Kamusta yung blind date booth?" sabi ni Israel at ang lawak pa ng ngiti niya.
"Nag-enjoy ka?" tanong naman ni Eli.
"Kami nakaisip ni Eli na iblind date kayo ni Dylan since hindi natuloy yung date niyo kahapon diba?" pagpapatuloy ni Israel.
"Kayo nagplano non?" nagtataka kong tanong.
At tinanguan naman nila ako.
Pero sabi sa akin ni Dylan, siya ang nagplano non-
"Kami ang nagplano pero si Dylan ang nagbayad." sabi ni Eli. "Sinuggest ko 'to sa kaniya and pumayag naman siya at halata nga sa mukha niya na excited siya eh. Kaya ano bang nangyari? Kamusta, Magi?"
"Nag-away kami."
"Wala namang bago." pagsingit ni Yuwi.
Totoo naman ang sinabi niya. Wala naman ng bago don dahil palagi naman kami nag-aaway nun si Dylan pero tingin ko, iba 'yung ngayon.
"Hindi ko naman sinasadya na magalit sa kaniya at awayin siya. Akala ko kasi wala lang sa kaniya yun. Kagaya ng iba naming away, na hindi naman niya siniseryoso.
Pero yung ngayon, I think sineryoso niya. And I admit, maling-mali ako dun. Pero kasi akala ko hindi niya yun seseryosohin kasi palagi naman kami nag-aaway eh kaya siyempre expected ko sanay na siya dun." paliwanag ko.
Kita ko namang napapailing sa gilid si Yuwi habang nakatutok sa cellphone niya..
Tuktukan ko kaya 'to? Pinapakaba niya ako sa pag-iling-iling niya na 'yan eh.
"Legit warla na 'yan, girl." sabi ni Yuwi at ayan na naman ang nakakasura niyang iling.
"Mahirap suyuin ang isang Dylan Villarosa kaya good luck, Margaret." natatawang sabi naman ni Eli.
Nakakainis!
Bakit sila ganyan? Mas pinapakaba nila ako eh.
Pero teka nga, bakit ba kasi ako kinakabahan?!
"Alam mo kasi si Dylan yung tipo ng tao na nagkikimkim lang ng sakit na nararamdaman. I mean, kahit nakakasakit na minsan yung mga sinasabi ng ibang tao sa kaniya, still hindi niya yun pinapakita or pinapahalata na nasasaktan siya sa word na yun.
Magi, gusto ko lang sabihin sayo na minsan yung pag-aaway niyong dalawa, hindi na yun parang biruan na lang.
Kagaya ng nangyari ngayon, seryoso kasi siya na idate ka kaya lang base sa kwento mo, parang minasama mo pa at inaway siya. Anuman 'yang pinag-awayan niyo na 'yan pero sure ako, hindi na siguro nakaya pa ni Dylan at hindi na niya naitago pa yung sakit.
Baka lang hindi mo alam, nasaktan mo na si Dylan sa ginawa mong pang-iiwan sa kaniya sa romantic date na hinanda niya sayo kagabi. Tapos eto naman yung kasunod? Kung ako man si Dylan, masasaktan talaga ako.
Gaya nga ng sinabi ko sayo kahapon, iappreciate mo naman kahit kaunti yung mga effort ni Dylan para sayo at wag mong sayangin lang.
Ikaw din, baka magsisi ka niyan.. Isang araw paggising mo, wala ng Dylan na gumawa niyan sayo diba?"
"Tama si Israel, Magi. Ngayon pa lang, since you admit na ikaw ang may kasalanan, edi ikaw yung mag first move na magsorry.
Kaya mo 'yan. Ikaw yata si Margaret Serrano." sabi naman ni Eli.
Hays.
Nakakainis tanggapin na tama yung sinabi ni Israel.
At mukhang kailangan kong sundin ang sinasabi ni Eli.
Pero paano naman kaya?
-
Bandang alas sais ng gabi ay nagkaayaan kami na kumain sa Kopi ave bilang hapunan na din.
As usual, kasama namin nina Delancy at Julia ang DWEIYAH.
Habang si Macy? Ewan ko dun. Nung basaan hindi ko na siya nakita eh. Baka umuwi na.
Nandito kami ngayon sa Kopi ave at iniintay ang order namin.
Nakakaasar naman at si Dylan pa ang kaharap ko ngayon. I mean, paano ko ba siya titignan? Paano ko siya kakausapin?
"Hindi ka ata binubwisit ng kapatid ko, Magi? Napagod na ba?" natatawang tanong sa akin ni Julia.
At ayun na nga, napansin na nila yung hindi pagkausap sa akin ni Dylan.
"May warla." sabi ni Yuwi.
Leche talaga 'to. Walang preno ang bibig.
"Hala? Bakit? Anyare? Dahil ba sa basaan kanina?" gulat na tanong naman ni Delancy.
"Engot ka talaga." sabi ni Julia saka pinitik sa noo si Delancy. "Hindi sila kagaya mo na umiiyak pa kasi napagtulungan." natatawang sabi ni Julia. "Alam niyo ba 'to si Delancy? Pinagtulungan namin siya kanina na basain tapos ang gaga, umiyak.
Napakaiyakin eh. Sayang talaga hindi ko navideohan. Hindi tuloy siya magiging viral."
"Ang epal mo talaga! Kinwento pa, kaasar!" inis na sabi ni Delancy.
"Wala, wala. Asar talo si Delancy. Mahina." pang-aasar naman ni Alec.
Buti nalang, nalihis yung topic.
"Ayan na naman kayo! Pinagtutulungan niyo na naman ako! Napakapapanget ng ugali niyo! Sana magkapeklat kayo sa mga mukha niyo ng tig-iisa!"
Pft.
Nakakatawa magalit si Delancy.
"Uy, wag niyo na awayin si Delancy. Baka umiyak na naman." natatawang sabi naman ni Warren.
Eto pa isa.
"Ouch. Pati si Warren hindi ka na pinagtanggol. Kawawa ka naman, Delancy. Okay sige, bukas na ang floor para umiyak ka." natatawang sabi ni Julia.
Gaga talaga, lakas mang-asar.
At ayun nga, natapos na kaming kumain lahat-lahat at ayun sila, nag-aasaran pa din.
Nang makabalik sa campus, nakita kong nasa open field ang halos lahat ng mga estudyante. Napakapamilog sila dun sa malaking bonfire.
"Isa din ito sa nakagawian ng Organization natin tuwing Org Week.. Ano ulit tawag dito, seniors?"
"SEREMONYA SA APOY!"
"Alright. Simple lang naman ang gagawin niyo ngayong araw. Hindi ba at may tig-iisa kayong kandila na hawak at may papel sa gitna nito? Ang gagawin niyo dyan, susulatan niyo ng pangalan ang papel. Pangalan ng pagbibigyan niyo ng kandila.
Pwedeng ang taong gusto niyong pagbigyan ng kandila ay dun sa taong gusto niyong pasalamatan.. O kaya sa taong gusto niyong pag-aminan. O kaya sa taong gusto niyong humingi ng sorry.
Pagkatapos isulat ang pangalan, syempre sisindihan niyo. Hindi dito sa bonfire ha? May lighter naman dyan, manghiram nalang kayo. Tapos tyaka niyo ibigay dun sa taong pagbibigyan niyo yung kandila na may sindi pa syempre. Paano niyo mapapaso yung taong pagbibigyan niyo kung walang sindi yung kandila diba?
HAHAHAHA syempre joke lang.
Importante na may sindi pa yung kandila sa pagbibigay sa isang tao dahil simbolo ng apoy ay isang liwanag. Na magbibigay liwanag sa mga puso nating kinain na ng dilim.
Gets na gets na gets ba?"
"GETS NA GETS NA GETS!"
Pagkatapos nun ay kumuha ako ng ballpen at sinulatan na ang papel.
DYLAN
Ito na ang tamang oras para humingi ako ng sorry sa kaniya kaya hindi ko ito palalampasin pa.
Huminga muna ako ng malalim bago ito sinindihan.
Saka ako dahan-dahang lumapit sa kaniya na kasalukuyang nasa harap ng bonfire at pinagmamasdan ang apoy nito.
"D-dylan." pagtawag ko sa pangalan niya.
Agad naman siyang humarap at nanatiling seryoso ang mukha niya.
Iniabot ko sa kaniya ang kandilang hawak..
"Dylan, I'm sorry. Hindi ko sinasadya na awayin ka kanina. Ayokong isipin mo na hindi ko in-a-appreciate ang mga efforts mo sa aken pero maniwala ka, sobrang na-appreciate ko yun.
Sorry talaga kung lagi nalang kitang inaaway. Sorry kung ang dating sayo nun eh hindi ka mahalaga sa akin. Sorry talaga, Dylan. Pero-"
"Magi.." aniya saka hinawakan ng dalawa niyang kamay ang kamay ko na may hawak na kandila. "Oo, nagalit ako sayo kanina. Pero alam mo namang hindi ko kayang magalit sayo nang matagal, diba?"
"Pero sorry pa din-"
"Apology, accepted." nakangiti niyang sabi at hinipan ang kandila na hawak ko.
Saka siya dahan-dahang lumapit sa akin at..
Hinalikan ang noo ko.