Sa loob ng silid ay madadama ang init ng nasimulang pagmamahalan ng dalawa. Masasabing ng araw na ito ay naging sila na nga ni James
"Jake?" Tawag ni James
"Ano iyon?" Tugon naman niya
"Pwede ba kitang maging Girlfriend??" Ang biglang tanong ni James
Hindi kaagad nakaimik si Jake tila natulala habang nakahiga sa mga bisig ni James. Napansin ni James na tila hindi yata nagustuhan ni Jake ang kanyang tinuran kayat minabuti na lamang niyang bawiin ito.
"Sorry Jake ok lang kung hindi pwede naiintidihan ko! Walang problema" nauutal na ani ni James
"Huh? Hindi ko naman sinabi na hindi diba?
Tugon naman sa kanya ni Jake
"E ano na tayo?" Paglilinaw ni James
"Boyfriend na kita James! Pumapayag na ako"
Matamis na bigkas ni Jake
"Talaga? Nananaginip ba ako??"
halos hindi makapaniwala sa nangyari si James. Na ang matagal n niyang mahal ay kanya na mismong matatawag na akin.
"Napakasaya ko Jake. Sa tinagal tagal natin magkasama hindi ko akalain na magiging tayo" galak na turan ni James
"Ako rin James napakaswerte ko kasi nanjan ka palagi para sa akin." Sagot naman niya
"Halika mag bihis na tayo may pupuntahan tayo!" Pagmamadaling aya ni James
"Saan??" Tanong ni Jake
"Basta ako na bahala!" Ani ni James
Kaagad namang nag bihis ang dalawa. At sumakay ng taxi patungo sa isang plaza sa barcelona. Napakasaya sa plaza na ito may nag tutugtugan at may mga nag aawitan
"Anong ginagawa natin dito?" Pagtataka ni Jake
"Wala gusto ko lang mag enjoy tayo! Masaya dito alam ko niresearch ko to noong isang araw" pagyayabang ni James
Nakita ang matamis na ngiti sa mga labi ng dalawang nagmamahalan. Halata sa kanila na sila ay mag novio kung kayat mapansin sila ng isang musikero
"hola amantes quieres bailar"
(Hello lovers do you want to dance)
Ani ng musikero
"no señor estamos bien"
(No sir we are fine)
Sagot ni Jake sa musikero
Subalit mapilit ang Musikero hindi sila tinigilan hanggat hindi sila pumapayag na sumayaw.
"Todos quieren ver a estos amantes bailar"
(Everyone do you want to see this lovers to dance)
Nagpalakpakan ang mga tao at nagsigawan wala silang nagawa kung hindi pag bigyan ang hiling ng mga tao. Masaya siyang sumayaw at ang iba ay nakisayaw na rin.
Matapos ang sayawan ay may napansin si James na alam niyang iakakatuwang muli ni Jake. Kinuha niya ang kanyang panyo at itinakip sa mga mata nito.
"Oh James! Ano naman to?" Pagtataka ni Jake
"Basta sabi ko sa yo ako ang bahala"tugon niya
"Lakad ng konti sige lang lakad pa malapit na! ready ka na?" Tanong niya
"Oo ready na ako" tugon naman ni Jake
"1....2,,,3,,," sabay alis ng piring sa kanya
At ito ang bumungad sa mga mata niya
Mga kalapati na kusang lumalapit sa mga tao. Kaagad hinagisan ni James ng mga seeds upang mag silapit ang mga ibon kay Jake.
"Oh my God James hindi ako makapaniwala
Ang dami dami nila" ani ni Jake
"Sabi ko naman sayo ako ang bahala diba"
Tanaw ang labis na saya sa mga mata ni Jake. Nawala na ang dating Jake na nilamon ng Lungkot pighati at pait sa pagkawala ni Mark. Isang bagong Jake na ang makikita ngayon.
"Gracias James!" Sabay akap niya na may kasamang halik
"It's nothing Jake ang mahalaga nag enjoy ka" bulong nito sa kanya
Hindi nagtagal ay tumunog ang telepono ni Jake
Ting!
Hola! Nasaan kayo?
-tita flor
Hola! Tita pabalik na po kami sa bahay see you
-jake
"Baby kelangan na nating bumalik sa bahay nandon na si tita" ani ni Jake
"Wow baby! How sweet naman ng boyfriend ko"
Pang aasar ni James
"Halika na!" Sabay higit na may halong ngiti
Makalipas ang ilang horas ay nakarating na sila sa bahay. Nakahanda na ang dinner nila asikasong asikaso sila ng tita flor.
"Hola tita" sabay halik sa tita flor
"Hola hijo. Hmmm mukha atang maganda ang ngiti mo at namumula mula ka pa" patuksong bati ni tita flor kay Jake
"Tita!!" Impit na damdamin ni Jake
Kaagad namang sumingit si James
"Tita may sasabihin po kami ni Jake" ani ni James
"Wag na alam ko naman na kayo na! Masaya ako para sa inyo" nakangiting sambit ni tita flor
Masayang kumain ng dinner ang tatlo samut saring kwento ang mga napag usapan nila sa hapag kainan.
"Oh James bukas sumama ka sa akin may trabaho restaurant waiter or bartender ka alam ko naman na yan ang hilig mo" ani ni tita Flor
"Wow talaga tita! Gracias! Napakalaking tulong po nito para sa atin" ani naman ni James
"Para san pa at naging novio ka ng pamangkin ko kung hindi naman ako ang tutulong sa inyo upang magkaroon kayo ng work dito" dagdag pa ni tita Flor
"Tita Flor nag apply pala ako sa Hotel, hinihintay ko na lang yung tawag may Visa pa kasi ako baka pwede nila mai tranfer to working Visa" ani naman ni Jake
"Oh thats good Jake. Napakagandang opportunity na iyan sana ay matanggap ka. Pano mo ba malalaman na natanggap ka? Tanong ni tita Flor
"Ah tita mag eemail na lang daw sila sa akin" sagot naman niya
"O sige tayo na maglipit at baka maya maya ay may maganda na uli tayong matanggap na balita" ani muli ni tita Flor
Nag simula na silang magligpit ng kanilang pinagkainan. At hindi pa nakakailang minuto at kaagad na nag ring ang laptop ni Jake...
Isang Video call from SKYPE...
"Yan yung Head sa hotel!" Pagulat na nasabi ni Jake
"Sagutin mo na!" Ani naman nina James at Tita Flor
At sinagot na nga ni Jake ang tawag. Tumagal mahigit tatlumpong minuto ang pag uusap nila sa wikang espagnol at ingles..
"Guest what!" Patanong ni Jake habang nakangiti
"Ano tanggap ka na?" Tanong ni James
Ngumiti lamang si Jake tanda na masaya siya sapagkat nakuha siya sa isang sikat na hotel sa Barcelona bilang isang receptionist.