5:00 am...
Alarm!!!
Maagang gumising ang magkasintahan upang magprepara para sa unang araw ng trabaho ni Jake. At gayon din si James para naman sa kanyang interview sa isang trabaho. Samantala tulog pa si tita flor kung kayat marahan silang gumalaw upang hindi maistorbo ito sa pagtulog.
"Buen dia!"
(Good morning) ani ni James sabay halik
"Buen dia baby"
(Good morning baby) tugon naman ni Jake
Dumeretso sa banyo si Jake upang maligo samantala si James naman ang nagpunta sa kusina upang maghandanng kanilang almusal. Matapos maligo ni Jake ay namili na ito ng susuotin niya at gayon na din ang susuotin ni James.
Pagkatapos ni James sa kusina ay kaagad itong pumasok sa kwarto.
"Baby eto na yung susuutin mo for today" ani ni Jake
"Oh gracias baby" sabay halik muli ni James
Makalipas ang ilang minuto. Lumabas na si James sa banyo. At nakita niyang nakaupo si Jake na tila malalim ang kanyang iniisip. Kaya habang nag bibihis ay kinausap niya ito.
"Baby ok ka lang? May problema ba?"pahaging ni James
"Ah! Wala ok lang ako"tugon naman ni Jake
Napaiisip si James sa sagot na iyon ni Jake, tila may malalim siyang iniisip.
"Pangarap niyo ba to ni Mark?"tanong kaagad ni James
Napatingin si Jake kay James na May halong hikbi sa kanyang mga mata. Kaagad namang lumapit si James upang ito ay kanyang akapin.
"Sorry baby si Mark pa din yung naalala ko!" Sabay akap ng mahigpit kay James
"Walang problema naiintindihan kita at handa akong intindihin lahat ng pinagdadaanan mo" sagot namin ni James
Nang kumalma ay kaagad na silang nagtungo sa kusina upang mag almusal na. Makalipas ang ilang minuto ay handa na silang umalis. Hindi naglaon ay nagising na din si tita Flor.
"Buen dia mga hijo!"
Bati ni tita Flor
"Napakaaga niyo namang gumising at napakaaga niyo rin nkapaghanda"
Dagdag pa ni Tita Flor
"Yan po kasi ang turo ni ...."
Naudlot na salitain ni Jake
"Mas ok na po yung maaga Tita para po hindi kami stress"
Kaagad na giit ni Jake
Napatango na lamang si Tita Flor sa kanyang pagmamasid sa dalawa. Alam niya na ang kasunod na sasabihin ni Jake ay patungkol na uli kay Mark.
Matapos mag Almusal ay kaagad na naghanda ang dalawa upang makaalis na bago pa lang nila pupuntahan ang lugar kaya mas mabuti na ang maagang makaalis.
"Aalis na po kami tita" ani ng dalawa
"Mag iingat kayo tawag lang kung may kailangan" ani naman ni Tita Flor
Habang nasa tren ang dalawa. Napansin ni James ang tahimik na si Jake.
"Baby, ihahatid na kita sa work mo" ani ni James
"Wag na kaya ko na. Mas malayo work mo dalawang lipat mo pa ng tren" sagot ni James
"Eh kahit na, maaga pa naman" ani ni james
"Ok ok baby thank you" sagot ni Jake
"First day! First time ko din ihahatid ang boyfriend ko" masayang sambit ni James
Umakbay si James kay Jake at hinawakan naman ni Jake ang kamay ni James. Makalipas ang ilang minuto dumating na sila sa trabaho ni Jake. Sa Hotel Riu Plaza Espańa.
"Wow baby ang ganda ng hotel 5 star" sambit n may pagkamangha ni James
"Oo baby maganda siya" ani ni Jake
"So baby you are here so good luck ako naman ang pupunta sa interview ko" ani ni James sabay akap
"good luck sa interview mo get home the bacon!" Sabay halik niya kay James
Hindi nagtagal ay umalis na si James upang siya naman ang pumunta sa kanyang work interview. Medyo may kalayuan ito halos aabutin ng 45 mins. Pumasok naman si Jake sa hotel at agad na nag deretso sa receptionist. At laking gulat niya ng....
"River???" Sambit na may pag kagulat
Receptionist si River sa Hotel na iyon. Laking gulat niya sapagkat hindi niya inakalang doon ito nag tratrabaho.
"Hola! Jake! cómo estás?"
(Hello Jake, How are you?) ani ni River
"Estoy bien. trabajaste aqui?"
(I am fine! Do you worked here?) ani naman ni Jake
"¡Si! Trabajé aquí. parece que te has sorprendido"
(Yes! i worked here. it's seems that you've been shocked) sagot naman ni River
"¡Oh! eso es bueno!"
(Oh! That's Good!) ani muli ni Jake
"¿Y tú? ¿qué estás haciendo aquí?"
(And how about you? What are you doing here?) tanong naman sa kanya ni River
"Bueno, es la primera vez que trabajo aquí" también como recepcionista."
( Well it is my first time to work here as a receptionist ) ani ni Jake
"¡Oh! Eso es genial! ven conmigo te mostraré la oficina de nuestro empleador"
(Oh! That's cool. Come with me i will show you the office of our Employer) ani ni River
"Gracias River" ani ni Jake
Kaagad niyang sinamahan si Jake patungo sa Opisina ng kanilang Employer. Hindi pa rin halos makapaniwala si Jake na magiging katrabaho niya si River.
"So siguro pwede na tayo mag usap ng tagalog" ani ni Jake
"Hahahaha.. tumawa ng malakas si River. Ewan ko ba sa yo Jake napakaseryoso mo!" Pabiro ni River
"Work is work siempre kelangan yun" ani naman ni Jake
"Kung sa bagay may point ka. Bilisan na natin malapit na tayo para naman malaman ko kung night shift ka or day shift" bulalas ni River
"Ok sige. Sana maging Day shift ako para hindi conflict sa schedule namin ni James" sagot naman ni Jake
"Oh , bakit naman magiging conflict? Boyfriend mo ba siya para uwian sa gabi?" Tanong nito sa kanya
Tumigil at humarap kay River. Ngumiti at sabay bigkas
"Si! He is my boyfriend!" Pagyayabang ni Jake
Natahimik si River sa kanyang narinig. Nagpatuloy ang dalawa sa kanilang paglalakad hanggang sa makarating na sila sa opisina.