Break time....
Hindi mapakali si River sa kanyang nakita. Nais niyang malaman kung kaano ano ba ni Jake ang babae kanina.
"Jake! Mag brebreak k na? Sabay na tayo?" Ani ni River
"Oo. Sige walang problema" ani ni Jake
Tahimik na naglakad ang dalawa patungo sa cafeteria. Batid ni River na may iniisip si Jake. Kung kayat hindi niya maiwasan ang magtanong.
"Jake... may tanong ako wag mo sanang masamain,"ani ni River
"Sige ano yun?" Tugon ni Jake
"Nanay ba siya ni James? Kasi tinawag ka niyang Son in Law?" Ani ni River
Napalingon si Jake kay River habang naglalakad. At kaagad siyang napabuntong hinunga bago sumagot sa tanong ni River.
"Hayssss"
"Nanay siya ni Mark. Ang ex ko na pumanaw na two months ago" tugon ni Jake
"2 months ago? Eh di ba kayo na ni James 1 week na ata kayo? Bakit parang ang bilis?"naguguluhang tanong ni River
"Its a long story! Tara na baka maabot pa tayo ng cut off" ani ni Jake
Napailing na lamang si River sa sagot na iyon ni Jake. Tila hindi siya kontento sa kanyang nalaman. May ilang sandali ay nakarating na sila sa Cafeteria.
Samantala sina Tita Flor at James naman ay nakarating na sa school na papasukan ni James.
"Here we are James mag ring lang ako" ani ni Tita Flor
Kaagad bumukas ang gate at sila ay pumasok. Pagkapasok ay kaagad silang inasisakaso bi Siter Pilar. Ang head ng mga Madre na kung saan sila ang nag papatakbo ng paaralan.
"Hola!" Ani ni sister Pilar
"Hola hermana. Estamos aquí con mi sobrino para preguntar si hay un espacio para tomar una clase de español."
(Hello Sister. We are here with my nephew to ask if there is a slot to take á spanish class) ani ni tita Flor
"¡si! Perfecto, solo queda una ranura"
(Yes! Perfect there is only one slot left) tugon ni Sister Pilar
"Gracias" ani ni tita Flor
Kaagad naman silang binigyan ng Form upang maibigay na ang mga requirements at para makasabay na si James para sa first session mamayang gabi.
"Oh fill up mo na to James then pwede ka na mag start mamayang gabi." Ani ni tita Flor
"Ok sige po tita." Tugon ni James
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na si James para sa Fill up. Binigyan siya ng I.d ni sister Pilar, at itinuro ang kanyang classroom para sa night class.
Matapos siyang itour ay kaagad na silang umalis sapagkat papasok pa ng ng trabaho si tita Flor.
Si James naman ay nag pasyang umuwi muna para makapaghanda mamayang gabi. Kaagad rin niyang tinawagan si Jake.
Rrrriiiinggggg!!!!!
Pagtingingin ni Jake sa telepono ay nakita niyang si James ito kung kayat tumayo siya sa mesa at iniwan saglit si River.
"Hi baby! Kumusta"
-jake
"Ok na ok baby.. may school na ako.
Evening class"
-james
"Oooh. Good buti nakaabot kayo
Ni tita"
-jake
"Oo nga eh! Teka ano oras ka
Uuwi??"
-james
"Out ako ng 6 pm kaso..."
"Kaso ano?? Tell me"
"Tatagpuin ko ang Mama ni Mark."
"What????"
"Nandito siya nakacheck in sa Hotel
Siya ang first client ko"
"Sasabihin mo ba ang tungkol sa atin?"
"Hindi ko alam pero bahala na James
Sana kasama kita mamaya"
"Pwede namang mag absent ako"
"Baliw pumasok ka First day mo!"
"Kaya mo yan baby ikaw pa ba .
Sige na iloveyou"
"I love you too baby"
End call...
Bumalik na sa mesa nila si Jake. Kaagad naman siyang kinulit ni River.
"Hey! Masaya ka? Kwento ka naman"ani ni River
"Wala to ano ka ba. Bilisan na natin para makabalik ba tayo sa trabaho natin"tugon ni Jake
"Ang daya naman. Sige na nga total meron na lang tayong 20 mins" ani ni River
"Thank you nga pala"ani ni Jake
"Para saan aber?" Tugon naman ni River
"Para sa mga Café na binigay mo at para sa pag sama sa akin"ani ni Jake
"Sus! Wala yun ikaw pa ba lakas mo sa akin eh alam mo naman kung bakit" pabirong banat ni River
"Baliw ka! River May boyfriend na ako" ani ni Jake
"Alam ko :)" nakangiting sambit nito.
Napangiti na lamang din si Jake sa mga tinuran ni River. Maya maya pa ay nagpasya na silang bumalik sa duty nila.
Habang masayang naglalakad ang dalawa nakasalubong nila si Liza.
"Hi tita" bati ni Jake
"Don't forget at 6 pm at my room ok!" Ani ni Liza
"Ok po tita" ani ni Jake
Napatingin si River kay Jake. Pinagmamasdan ang magiging reaksyon nito batay sa pananalita ni Liza.
Subalit naging normal lang ito kay Jake. Kaya dumeretso na ang dalawa.
"Im ok River! Nothing to worry" ani ni Jake
"Haha akala ko kasi iiyak ka na. Nakakatakot kasi yung mama ng fiance mo" tugon ni River
Pagdating nila sa desk. Isang regalo ang naghihintay kay Jake.
"Jake! Regalo para sayo" ani ni River
"Baka galing kay James" tugon niya
Pag tingin niya ng letter hindi, hindi ito galing kay James. Walang nakalagay kundi
'Mr. Lastimosa"
"May manliligaw ka Jake?" Tanong kaagad ni River
"Wala akong idea. Ikaw pa lang naman ang nakikilala namin dito simula ng dumating kami dito" tugon niya
"Kung gayon bakit hindi mo tanungin si James?" Ani ni River
"Wag seloso yun baka iba na naman ang isipin niya" tugon niya
Naging isang palaisipan kay Jake ang natanggap niyang regalo. Wala siyang idea kung kanino at kung saan Nang galing ang kanyang munting regalo. Sa halip ipinagwalang bahala na muli niya ito sapagkat may isa pa siyang pinaghahandaan, iyon ay ang pagkikita nila ni Liza. May natitira pa siyang 4 na oras para makapag handa ng sarili..
Dama sa kanya ang kaba, lalo na at hindi niya akalain na dito sila mismo magkikita. Tinapik siya sa balikat ni River at sabay wikang
"Kaya mo yan... ikaw pa ba"
Napangiti na lamang siya sa tinurang iyon ni River. At nag focus na sa trabaho. Subalit hindi pa rin maiiwasan sa kanya ang tumingin ng tumingin sa orasan.