Narinig na naman ni Jake ang pagtunog ng cellphone ni James. Tumingin siya at sabay deretso sa banyo. Makalipas ang ilang minuto, lumabas siya at nakita niyang tulog na si James..
Humiga na din siya patalikod kay James. Walang kibo, pinatay ang ilaw. Tahimik ang buong kwarto. Habang napapapikit si Jake, tumunog muli ang cellphone ni James.
Nagtalukbong ng kumot si Jake. Ramdam na ramdam ang selos mula sa kanya. Samantala gising naman si James at pinakikiramdaman lamang niya si Jake. Humarap siya kay Jake at inakap niya ito patalikod.
"Im sorry Jake.." bulong ni James
Hinawakan ni Jake ang kamay ni James at sabay patak ng mga luha nito. Hinigpitan naman ni James ang akap sa kanya at iniangat ang ulo nito at saka iniunan sa braso niya.
"Baby please im sorry..." ani muli ni James
Humarap siya kay James. Mula sa sinag ng ilaw sa labas, mapapatid ang mga luha sa mata ni Jake.. Tumingin siya sa mga mata ni James at pumikit..
"Baby im sorry if you felt that way" ani ni James sabay halik sa noo.
Umakap ng mahigpit si Jake.
"I love you James..." ani niya
" i love you too... magpahinga ka na may pasok ka pa bukas." Tugon ni James
Nag akap ang dalawa ng mahigpit. Unti unti ng napawi ang selos ni Jake.. nakatulog na din sila..
Kinaumagahan.. maagang bumangon si James.. naghanda na ng almusal. At pag katapos ay saka niya ginising si Jake.
"Baby... gising na.. ready na ang breakfast" ani ni James
Uminat si Jake sa pagkakahiga.. mumulat ang mga mata at ngumiti ng may tamis sa labi..
"Good morning Baby.." tugon ni Jake
"Halika na... bangon na.. lalamig pa ang almusal" ani ni James
Sabay hila pabangon kay Jake at saka binigyan ng isang halik.. Isang malambing na umaga ang namamagitan sa dalawa. Lumabas na ng kwarto at dumeretso sa kusina. May ilang sandali ay lumabas na din si Tita Flor, bihis na at handa na ang maleta.
"Tita saan kayo pupunta??" Ani ni James
"Ah.. hindi ko na nasabi sayo kagabi.. aalis ako 1 month kasama ako ng amo ko sa vacation nila" tugon ni Tita Flor
"Isang buwan mabilis lang po yan. Basta ingat po kayo" ani ni James
"Basta ang bahay kayo na ang bahala at alagaan ang isa't isa wag puro away huh!"tugon ni Tita Flor
Napakamot ng ulo si James at napangiti naman kay Jake. Kumain na sila ng almusal at may ilang saglit pa ay nag tungo na si Jake sa kwarto upang mag ayos ng sarili. Samantala si Tita Flor naman ay umalis na din.
Makalipas ang ilang minuto. Bihis na si Jake at lumabas na ng kwarto. Nag paalam na siya sa kanyang nobyo.
"Aalis na ako baby. See you tonight!" Ani ni Jake
"Sige baby ingat sa byahe" tugon niya sabay halik sa lips
Naiwan si James mag isa sa bahay, naalala niyang tatawagan niya si Sam. Makaraan ang ilang minuto, kaagad niya itong tinawagan.
Rriiingggg....
"Hello James"
-sam
"Sam"
-james
"Kumusta kayo jan ni Jake?"
"Ok naman kami.. kayo kumusta jan?"
"Ok din kami dito ni Markuz.. tumawag ako sa yo noong isang araw si Jake ang sumagot"
"Oo alam ko at hindi niya sinabi sa akin.. tungkol saan ba?"
"May kailangan ka malaman James about kay Markuzz"
"Ano yun?? Sam ok lang ba si Markuzz? Teka bakit kailangan ako diba dapat si Jake ang sabihan mo tungkol kay Markuzz??"
"James.. ikaw ang dapat makaalam dahil ikaw ang may karapatan.. hindi si Jake"
"Ano??? Hindi kita maintindihan Sam?? Derektahin mo na ako ano ba ang nangayayari???"
"James!! Ikaw ang ama ni Markuzz hindi si Mark!!
(Umiiyak si Sam)
"Sam!! Hindi pwede!! Paano nangyari? At paano mo nalaman na hindi anak ni Mark si Markuzz!"
"James pina DNA ko si Mark at Markuzz pero hindi sila match at nagpunta ako sa bahay nila mark at may naiwan kang tootbrush doon yun ang kinuha ko at pinatest ko"
"No Sam!! Imposible isang beses lang may nangyari sa ating dalawa noon!"
"James hindi ko kailangan magpakaama ka sa bata ang gusto ko lang malaman mo kung ano ang totoo. Wala akong balak guluhin kayo ni Jake"
"Paano ba pumasok sa isip mo yan? Bakit ngaun pa kung kelan malayo kami ."
"Kinailangan kasi ni Markuzz noon ng dugo at nagtingin ako kung magigjng kamatch ng dugo ng ibang pamilya ni Mark dito pero ang lumabas hindi sila match."
"So anak ko si Markuzz?? Ang gulo Sam.. kumusta na siya bakit kinailangan salinan ng dugo?"
"Oo anak mo siya.. Nadengue kasi si Markuzz pero ok na siya . Sige na James ako na ang bahala sa anak ko. Mag iingat kayo jan."
"Sam anak natin kaya may pakialam ako sa bata!"
End call
Kaagad pinatay ni Sam ang Tawag. Napaupo si James sa balitang iyon sa kanya. Nag isip siya kung sasabihin ba niya ito kay Jake. Subalit kakaayos pa lang nilang dalawa.
"Ano ba ang nangyayari sa akin.. bakit ang daming pagsubok na dumadating sa akin" sambit niya sa kanyang sarili..
Pumasok siya sa kwarto at nahiga, nag isip-isip muli hanggang sa naalala niya ang mga pangyayari ng gabing may mangyari sa kanila ni Sam.
Pagbabalik sa nakaraan....
Nagkaroon ng inuman ang barkada nina James puro mga kalalakihan sila. Marami na silang naiinum, at mga halos lasing na. Tumayo si James para mag punta sa CR ng bar.
"Ihi lang ako mga pre.." ani ni James
Pag dating niya sa labas ng CR may isang babae doon na lasing na lasing na din. Walang iba ito kundi si Sam... ang girlfriend ng kanyang pinsan. Kaagad niya itong tinulungan at saka niya inakay sa isang tabi upang i lupo.
"Jan ka lang Sam ihahatid na kita sa condo mo." Ani ni James
Nagpaalam si James sa kanyang mga kabarkada na aalis na siya at ihahatid ang girlfriend ng pinsan niya. Kanya kanya namang kantyawan ang mga magbabarkada..
"Halika na Sam.."
Inakay niya si Sam palabas ng Bar. Isinakay sa kanyang kotse. Habang nilalagyan ng seatbealt,, nadama ni James ang init ng hangin na mula sa mga labi ni Sam. Napatingin siya kay Sam at tila tumigil ang oras ng sandaling iyon. Mumulat ang mga mata ni Sam. Hinalikan niya si James...
Nagulat si James sa ginawang iyon ni Sam. At dalu dali niyang ibinaling ang ulo niya upang matapos na nag pagkakabit ng seatbelt at ng matapos iyon ay nag drive na siya patungo sa condo Sam...