Nakarating na sila sa bahay ni Tom. Subalit nakatulog si Jake sa sasakyan. Kaya bumaba na si Tom at saka niya ginising si Jake.
"Jake... Jake... gising na nandito na tayo.." ani ni Tom
Mumukat mukat si Jake. Namumukto ang mga mata, damang dama ang lungkot.. tumingin siya kay Tom at umakap muli
"Thanks Tom!" Tugon niya
"Ssssshhhhh... its nothing Jake halika ka na.. pasok na tayo sa loob." Ani ni Tom
Bumaba na si Jake sa kotse at pumasok na sila sa bahay. Pag pasok niya, namangha siya sa isang napakagandang desensyo ng bahay. Hindi maikakaila na isa talagang architect ang may ari ng bahay na ito.
Napangiti si Jake. Sapagkat ganito ang pinangarap nila noon ni Mark.
"You have a great choice of design i love it" ani ni Jake
"Really?? Thanks you like it!" Tugon ni Tom
Umupo si Jake sa kama ni Tom. Maya maya ay inalok siya ni Tom ng alak.
"Do you want wishkey or vodka??" Ani ni Tom
" I want a wishkey but i have work tomorrow" tugon ni Jake
"I said im the Boss. So you are with me and you don't have anything to think for tomorrow ok.?" Ani ni Tom
Ngumiti si Jake, naibsan ng kaunti ang kanyang nadarama. Kumuha naman ng maiinum si Tom.
Pag balik niya may dala siyang tabacco.
"Here we go.. Ready to drink a 1960's wishkey? Its almost 60 yrs old" ani ni Tom
"Ooh! Its a vintage kind of wishkey. I will guess its your father cave?" Tugon ni Jake
"Exactly! Its from his cave and there's a lot down stairs." Ani ni Tom
Tinikman ni Jake ang alak.. sobrang tapang na nito. Napapikit siya sa lasang hindi niya maipaliwanag. Tinawanan naman siya ni Tom sabay hithit sa kanyang tabacco.
"What is that? That kind is for an adult man" pabiro ni Jake
"Haha a tobacco i used this during a special occasion. You want to try too??" Ani ni Tom
Napatawa din si Jake at kanya ngang sinubakan tikman ang tobacco ni Tom..
"Ooh its good Tom.. but i will not take too much of that. I have a problem with my breathing" ani ni Jake
"Oooh!! Sorry i won't continue this let's just drink." Tugon ni Tom
"No Tom continue that one it's fine for me" ani ni Jake
Naubos na ang iniinum na alak ng dalawa. Sinalinan na muli ni Tom ang mga baso. Mainit sa katawan ang alak kung kayat nag alis na ng sapatos at medyas si Jake.
"Feel at home Jake" ani ni Tom
Ngumiti si Jake, naging comportable na siya bahay at kahit na mismo kay Tom. Medyo lasing na si Jake, samantalang si Tom ay normal pa lang, sapagkat sanay siya sa hard na inumin.
"If you wanted to sleep, you can just lay down at my bed." Ani ni Tom
"I will sleep on the couch and you sleep here on your bed ok" tugon ni Jake
Tumayo sa kama si Jake. Naglakad patungo sa couch subalit muntik na siyang matumba sa kalasingan. Mabuti na lamang at nasalo siya ni Tom.
"Are you ok ?" Tanong ni Tom
Nakatitig sa mga mata ni Tom si Jake. Amoy na amoy niya ang biha ng sigarilyo ni Tom na hinaluan ng alak. Napag masdan niya si Tom, may manipis siyang labi. Hinawakan niya ito, maya maya pa ay nakita niyang hinalikan ni Tom ang kanyang hinlalaki.
Dahan dahan siyang tumingin sa mga mata ni Tom, lumunok si Tom at maya maya ay dahan dahan ng lumapit ang mga labi ni Tom patungo sa labi ni Jake..
Hinalikan niya ng marahan. At piliit dinala ni Tom si Jake sa kanyang kama. Napahiga si Jake at nakapatong naman si Tom.
Hinaplos ang ulo niya...hinalikan niya ang noo, ilong tapos ang lips. Habang tumatagal ang pag hahalikan nila. Bigla siyang natulak ni Jake, sapagkat siya ay naduduwal. Tatakbo siya patungo sa banyo, sinundan siya ni Tom.
Pag dating ni Tom nakita niyang nakaupo ito sa shower room. Basang basa ang damit sapagkat binuksan niya ang shower para siya ay mahimasmasan.
Pinatay ni Tom, ang shower at tinayo si Jake. Kumuha ng tuwalya at ibinalot kay Jake. Naghubad naman si Jake ng damit, tila wala siya sa sarili sa kanyang mga ginagawa. Hubad na hubad siya sa harap ni Tom.
Kinuha ni Tom muli ang tuwalya at ibinalot kay Jake. Inakay na niyang muli ito patungo sa kwarto. Inihiga na niya ito at nilagyan na ng kumot. Kaagad na din siyang kumuha ng maligamgam na tubig upang punas-punasan si Jake.
Buong gabi niya itong binantayan. Hindi niya ito ginalaw, pinagmasdan niya ang pagtulog nito. Samantala, sinubukan na muli ni James na tawagan si Jake. Subalit ganun pa din, patay pa din ang cellphone ni Jake. Nag iwan siya ng mesahe kay Jake.
"Baby please... kausapin mo ako... let me explain please... give me another chance.. mahal na mahal kita baby... alam ko hindi ko dapat ginawa yun... baby nasan ka na ba????
Call me back baby please....."
-james
Umupo sa may salas si James. Naghihintay siya sa tawag ni Jake. Nakakatulog na minsan subalit kung magigising saka muling titingnan ang kanyang cellphone. At katulad ng dati, ganun pa din wala pa din sagot.
Mag aalas dos na ng madaling araw.. naghihintay pa din si James. Ngunit wala pa ding Jake ang pumapasok sa pintuan..
Lumbay na lumbay si James sa pagkawala ni Jake. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Nag aalala na siya kung saan ba niya hahanapin ang kasintahan. Nag isip siya kung sino ang pwedeng puntahan, at iisa lamang ang pumasok sa kanyang isipan, walang iba kundi si River.
Subalit wala siyang contact number ni River, naghanap sa ibang gamit ni Jake, wala siyang nakita maliban sa isang maliit na kahon. Ito ang regalo ni Tom para kay Jake.
Napaisip siya kung kanino ito galing, sapagkat wala siyang matandaang ibinigay kay Jake ng nakaraanf araw. Ipinagwalang bahala na muna niya ito at nagpasya na lamang siya na matulog kahit mababaw at nag plano na pumunta na lang sa hotel bukas ng umaga upang tanungin si River ng personal patungkol kay Jake