Chereads / The Story of Us.. / Chapter 30 - Chapter 30

Chapter 30 - Chapter 30

Humingi ng despensa si River kay Jake matapos ang nangyari.

"Jake hindi ko sinasadya..baka matanggal ako sa trabaho dahil doon" ani ni River

"Wag ka mag aalala kakausapin ko si Tom" tugon naman ni Jake.

"Ano ba ang nangyari sayo,, bakit halos isang linggo ka nawala, tapos si James sa akin ka hinahanap" tanong ni River

Hindi kaagad nakasagot sa tanong si Jake. Nag isip pa siya ng irarason para hindi na mapag usapan ang buong detalye sa kung ano ang nangyari.

"Eh basta it's a long story. Halika na balik na tayo sa work" ani ni Jake

Habang wala pang masyadong trabaho, inayang muli ni River si Jake para sa birthday party ng kanyang kaibigan.

"Jake busy ka ba sa sabado?"tanong ni River

"Hindi naman.. bakit??" Ani ni Jake

"Birthday ng kaibigan ko sa sabado gusto sana kita isama." Ani ni River

"Sure.. wala din naman ako gagawin sa sabado" tugon ni Jake.

"Yun! Thank you" ani ni Jake

Bumalik na sa trabaho ang dalawa. Pag tingin ni Jake sa may labas ng Hotel natanaw niya si James. Napatayo siya, gustong habulin subalit hindi pa pwede. Subalit namalikmata lamang pala siya.

"Sino na naman ang tinatanaw mo??" Pabulong ni River

Hindi umimik si Jake. Nagpatuloy na lamang siya sa kanyang ginagawa. Sa tulong ni Nathalie, Nagkaroon na din ng trabaho si James, halos kalapit lang ito ng hotel nila, dahil dito itinayo ang bagong branch ng restaurant Na pinapasukan ni Nathalie.

Malaki na rin ang ipinagbago ni James matapos ang isang linggo. Kung titingnan ay tila tanggap na nito ang paghihiwalay nilang dalawa. Naging sandalan niya si Nathalie at kagaya ng dati pumapasok pa din sila sa evening class.

"Ooh Nathalie anong plano mo sa sabado?" Tanong ni James

"Hindi ko pa alam siguro kainan tapos inuman." Tugon ni Nathalie.

"Wala ka ng ibang gusto?" Ani ni James

"Maliban sayo wala na akong ibang gusto.." pahaging ni Nathalie

"Nathalie.. napag usapan na natin yan diba" ani ni James

"Ay oo nga pala Friends with benefits lang pala tayo." Ani ni Nathalie

"Heto.. na naman tayo...." tugon ni James

Hindi na umimik si Nathalie. Sa ngayon sa appartment ni Nathalie nakatira si James. Day shift amg work ni James at night shift naman si Nathalie. Pumasok na sa trabaho si James.

Malapit na ang maglunch, nag message naman si Tom kay Jake.

"Hi Jake i forgot to tell you, i have a lunch reservation for us at the restaurant. I will be there to pick you up ok.. see you.."

-Tom

"Ooh no Tom.. you don't have to do that.."

-jake

Hindi na sumagot si Tom sa reply ni Jake. Abot ang tingin niya sa orasan. Maya maya napansin siya ni River.

"May mali ba sa oras?" Ani ni River

"Ah.. wala naman malapit na pala mag lunch break.." sagot ni Jake

"Gusto mo sabay tayo maglunch? Ani ni River

"Aaah...wag.." ani ni Jake

Naputol ang pag sasalita ni Jake ng marinig niya ang boses ni Tom.

"Ready???" Ani ni Tom

Nagulat si Jake sa biglang pag dating ni Tom. Samantala si River naman ay napayukong muli tanda ng kanyang kahihiyan sa kanyang inasal.

"Hey.. you're so early.." giit ni Jake

"So.... Ready??? Let's go.." ani ni Tom

"Ok.. ok comming... bye River i see you later..." tugon ni Jake

Pag dating nila malapit sa Restaurant, isang hindi inaasahang pagkakataon ang kanilang nasaksihan. Nagkaroon pala ng pagsabog sa tapat ng restaurant na dapat nilang kakainan ni Tom.

"Oh my God Tom!!! We are so lucky" ani ni Jake

"Maybe we should go back.. i let the reservation to them." Ani ni Tom

Kaagad namang naghanap ng malapit na restaurant si Jake. Hindi nagtagal lumabas ang bagong bukas na restaurant malapit lang sa kanilang hotel. Ipinakita ito ni Jake kay Tom at kaagad naman itong pumayag.

"Look at this Tom, i found a Restaurant near the Hotel" ani ni Jake

"Its just new there,, i think we should try that one!" Tugon ni Tom.

Ala una na ng hapon ng sila ay makarating sa Restaurant. Minsan talaga si tadhana na ang gumagawa ng paraan upang magkita ang dapat na tinadhana.

Duty na si James sa bagong bukas na Restaurant. Samantala kakababa pa lang naman nina Tom at Jake da kotse. Humanap agad sila ng table. Pag kaupo ay naghintay lapitan ng waiter.

Nagserve ng food sa kabilang table si James. Pagkatapos bumalik siya sa may cashier upang kuhanin ang menu at ibigay sa dalawang bagong dating..

"Hola! Señor!"

(Hello! SIr!) ani ni James sabay abot kay Tom ng Menu.

"Gracias"

Hindi napansin ni Tom na si James ang waiter sapagkat may sinasagot siyanf email. Maya maya naman ay muli na namang nag salita si James

"Hola! Señor!

Pag tingin ni James para iabot ang Menu. Nakita niya si Jake. Ang sigla niya ay biglang nagbago. At pagtingin ni Jake para kunin ang menu....

"James???" Ani ni Jake

Napatingin kaagad si Tom kay Jake. Pag kakita niyang nakatingin ito sa waiter, napatingin din siya at doon niya nalaman na si James pala ang waiter.

Subalit hindi umimik si James. Nagpaalam na babalik na lamang siya para kuhanin ang order ng mga ito.

Makaraan ang Kinse minutos bumalik na si James sa table ng dalawa.

" what is your oder please" tanong ni James

Hindi sumasagot si Jake kung kaya't si Tom na ang nag order sa kanya.

"For me 1 entrecôte with fries and for him salad with salmon and for the drinks red wine the old one thank you" ani ni Tom

"Excuse me Sir, but Salmon is not good for your partner he is allergic with it." Ani niya kay Tom

Napatingin bigla si Jake kay Tom.. pinagmasdan ang reaksyon, pinabago na lamang ni Jake ang kanyanf order na gawin katulad na lang ng kay Tom. Pag kakuha ng order umalis na si James.

Natahimik bigla si Tom.. walang kibo tila biglang hindi naging kampante, hinawakan ni Jake ang kamay nito at tinitigan sa mata. Maya maya pa ay ngumiti ng pabahagya si Tom.

Samantala nakita naman ni James ang ginawang ito ni Jake.. napaikom ang kanyang kamao, at tumalikod na lamang siya para mag masid masid sa ibang mga cliente at para maialis ang atensyon sa dalawa.