Chereads / The Story of Us.. / Chapter 33 - Chapter 33

Chapter 33 - Chapter 33

Kinabukasan, Byernes walang pasok si James. Nagpasya itong bisitahin ang dati nilang tinutuluyan. Ng makarating siya roon. Hindi naka lock ang pintuan,

Pumasok siya dahan dahan.. at saka niya ito inilock. Pag lingon niya, nasa loob si Jake,, naka short at sando habang nag lilinis.. lumapit siya dahan dahan, mula sa likuran agad niya itong inakap.

Nagulat si Jake, subalit wala na rin siyang nagawa kundi ang humarap at akapin si James.

" i miss you..." malumanay na sambit ni James

" i missed you too baby" ani ni Jake

Naghiwalay sa pagkakaakap ang dalawa. Nagkatinginan, pinagmasdan ang isa't isa, hinawakan ni James ang baba ni Jake at hinalikan niya ito sa lips..

Marahang umakap muli si Jake habang silang dalawa ay nag hahalikan.. di nag tagal tila nagising si Jake na hindi dapat ito kaya't huminto siya at umatras ng pabahagya.

"Hindi mo pa ba ako napapatawad Jake?" Ani ni James

Hindi muli umimik si Jake kaya nagtanong muli si James

"Hindi ka na ba talaga iimik sa akin? Hindi mo na ba ako mahal?" Aning muli ni James

Napatingin si Jake at biglang nag salita.

"Yun na nga ang mali sa akin... kahit nasaktan mo ako.. kahit ang sakit sakit... ikaw pa rin yung mahal ko... mahal ko pa din ang James na nanakit sa akin, mahal pa din kita.." ani ni Jake

"Pwede ba tayong bumalik sa dati? Yung tayo na lang uli? Tayong dalawa na lang ulit? Ani ni James

"Hindi naman ako nawala... kahit nakipagbreak ako ikaw pa rin yung boyfriend ko dito sa puso ko..." tugon ni Jake

Kaagad niyakap ni James si Jake..

"Im sorry baby.. im here again.. i promise hindi na ako mawawala sayo.." ani ni James

Nang araw ding iyon, nagkabalikan ang dating magnobyo. Pinag usapan na nilang dalawa na sila na lang muna ang makakaalam na sila ay nagkabalikan ng muli..

Maya maya naman ay isang katok ang kanilang narinig mula sa May pintuan. Pag bukas ni James...

"Tita flor!!" Ani ni James

Laking gulat ng dalawa ng bumalik si tira flor ng hindi inaasahan... bumalik si Flor para magpaalam na sa dalawa.

"Mabuti naman at naandito kayong dalawa.. may kailangan kayong malaman" ani ni Tita Flor

"Ano po yun Tita?" Ani ni Jake

"Uuwi na ako ng Pinas... may sakit ako, ang sabi ko lang ay magbabakasyon kami ng amo ko pero ang totoo nag pa chemo ako."ani ni Tita Flor

Nalungkot ang dalawa sa balita ng tiyahin.

"at gusto ko kung sakaling ako ay mawalan ng buhay gusto ko nasa ating bansa ako" ani pa ng tiyahin

Inakap siya ng dalawa. Doon na din ikwenento sa kanyang tiyahin na nakahanap na din siya ng appartment niya. Subalit hindi na niya sinabi na nag hiwalay silang dalawa.

Napakaraming pagsubok sa buhay ang darating, pero dapat ni minsan hindi tayo panghinaan ng loob, dahil ang lahat ng pagsubok ay may nakaukmang solusyon.

Araw ng sabado.. abala si Nathalie sa pag hahanda para sa kanyang birthday party. Wala si James sapagkat pumasok siya sa trabaho. Wala pa ding kaalam alam si Nathalie patungkol sa dalawa.

Samantala, Maagang pumunta si Tom sa appartment ni Jake. PagKagaling niya sa Gym ay doon na siya dumeretso para mag palit. Nagkaroon naman ng lakas ng loob si Jake na aminin kay Tom ang lahat.

Habang nag bibihis si Tom...

"Tom.." ani ni Jake

Dama ang kaba sa pagkakatawag niya sa pangalan ni Tom. Kaya napalingon kaagad si Tom.

"Si?" Tugon ni Tom

"Do you have a sec? Can i tell you something? Ani ni Jake

Lumapit si Tom kay Jake at hinawakan ang dalawang kamay..

"Tell me everything and i promise i will understand whatever it is" ani ni Tom

"Its all about me and James" tugon ni Jake

May sakit sa puntong ito para kay Tom. Subalit dahil nangako siya, piliit na lamang niyang isinantabi ang kanyang mararamdaman.

"I will guess.. you and James are couple again?" Ani ni Tom

Napayuko si Jake.. kaagad naman siyang itinunghay ni Tom

"Its ok Jake.. im happy for the both of you.. im ok i promise" ani muli ni Tom

Napaakap si Jake kay Tom ng mahigpit at nagpasalamat.

"Tom, thank you for everything. I don't know what to do or what to say just to give back all your kindness to me" ani ni Jake

"Your happiness is enough Jake" ani ni Tom

Nangingilid ang mga luha ni Jake. Pinunasan ito ni Tom at maya maya ay nagtawanan na sila. Matapos ang pag uusap ng dalawa, nag prepara na sila, may dalang alak si Tom para ibigay mamaya sa pupuntahan nila.

Samantala, isinend na ni River ang address upang doon na lamang sila magkita kita. Alas otso ang umpisa ng Party, medyo malayo ang appartment ni Jake kung kaya umalis na sila kaagad para makaiwas sa rush hours.

Nakarating na sila sa address. Pamilyar kay Jake ang kotseng nasa unahan ng pinag parkingan ni Tom. Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Pag baba niya nakita na niya si River kausap si Leo.

Kinawayan sila ni River, kung kaya't lumapit na ang dalawa. Ipinakilala sila kay Leo at pag katapos kaagad na silang pumasok sa venue ng party. Pag pasok nila napakaingay gawa ng musika, madaming alak at pagkain ang nakahayin.

Habang nag uusap si Tom at Jake. Lumapit naman si River at Leo sa kaibigan nito na walang iba kung hindi si Nathalie. Ipinakilala ni Leo si Nathalie kay River.

"Happy Birthday" ani ni River

Ngumiti at nagpasalamat naman si Nathalie. Paglingon ni River para hanapin ang dalawa niyang kasama. Napalingon din si Nathalie, laking gulat niya ng matanaw na mag kakausap sina Jake, James at Tom.

Hindi inaasahan ni Nathalie kung bakit dumating si Jake, hindi naman niya ito kabarkada. Sinubukang lumapit ni Nathalie pero pinigilan siya ni River.

"Galit ka ba kay Jake?" Tanong kaagad ni River

Hindi sumagot si Nathalie sa tanong na ito ni River, bagkus ay hinayaan na muna niya ang pagkakataong ito para maasikaso anf ibang bisita. Itinuon na lamang din niya ang kanyang atensyon sa kanyang birthday party.