"Hindi ko alam kung saan nakatira si Jake!" Ani ni River
"Wag mo nga pagtakpan iyon! Alam kong alam mo!" Tugon ni Nathalie
"Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan Nathalie. Ano ba ang problema"ani ni River
"Buntis ako! Buntis ako River!!" Bulalas ni Nathalie
Natigilan si River sa kanyang narinig, lumakas ang tibok ng kanyang dibdib..
"Ako ba???" Tugon ni River
Hindi alam ni Nathalie kung sino ang ama ng kanyang dinadala.
"Hi- — hindi ikaw ang ama kundi si James!" Tugon ni Nathalie
Ramdam ni River na may tinatago sa kanya si Nathalie. Dahil walang nakuhang sagot si Nathalie umalis na ito sa Hotel. Sinubukan din niyang dumaan sa restaurant na pinagtatratrabahuhan nila subalit wala din doon si James.
"Punyeta!!! James nasan ka!" Sambit niya sa sarili niya
Wala siyang napala sa paghahanap niya. Lumbay na lumbay sa sarili, dumaan siya sa clinic para mag pa schedule ng check up. Subalit walang masyadong tao kung kaya't nacheck up siya kaagad.
Kagaya ng resulta sa pregnancy test, kinumpirma ng doctor na 2 weeks na nga siyang buntis. Pagkatapos ng check up, nakaramdam na siya ng pagod Kaya umuwi na siya at nagpahinga.
Pagkarating niya sa bahay, sinubukan niyang tawagan si James. Subalit hindi ito sumasagot. Inis na inis si Nathalie kaya naibato niya ang kanyang cellphone.
Samantala, nag video call sina James, Jake at Tom. Hindi sila makahintay na ibalita kay Tom ang isang napakagandang balita na sila ay magpapakasal na.
"Hey, what's the good news??" Ani ni Tom
Sabay pakita ng dalawa ang kanilang singsing...
"We are getting married" tugon ng dalawa
"Really?? Im happy for the both of you" ani ni Tom
Masayang masaya ang tatlo sa kanilang pag uusap, nagplano sila na pagdating na lamang ni Tom sila mag uusap tungkol sa venue at reception. Ngunit nagplano naman ang dalawa kung saan gaganapin ang kanilang kasal.
"Baby saan mo gusto ko ganapin ang wedding??tanong ni Jake
"Kung saan ka masaya.. sa tingin ko beach wedding??" Tugon ni James
Tumingin siya kay James... kaagad namang naunawaan ni James ang nais ipahiwatig ni Jake.
"Ok lang sa akin.. matagal mo ng pangarap ang beach wedding..." ani ni James
"Baby.. kung hindi ok sayo pwede nama natin palitan,, ang pangarap naman diba pwede magbago?"tugon ni Jake
"Baby ok nga lang..." sabay halik nito sa kamay ni Jake
Naging emosyonal siya kaya Inakap niya si James ng napakahigpit, ganun din naman ang ginawa ni James sa kanya.
Kinabukasan, pumasok na si Jake. Kaagad siyang kinamusta ni River, tanaw niyang iba ang ngiti ng kanyang kaibigan.
"Mukhang masaya ka.." ani ni River
"Siempre.. always and forever na ata akong magiging masaya" tugon ni Jake
"May sasabihin pala ako sayo," ani ni River
"Ano iyon??" Tugon ni Jake
Hindi nagtagal ay biglang napansin ni River ang singsing sa kamay ni Jake.
"Ikakasal ka na?" Tanong ni River
"Oo. Kay James bakit?"ani ni Jake
"Wow kelan?..kelan siya nag propose sayo?" Tanong ni River
"Kagabi lang.. sa restaurant"ani ni Jake
Ikwenento ni Jake lahat ng mga pangyayari ng gabing iyon. Namangha si River sa istilo ni James. Mayamaya ay naalala ni Jake na may sasabihin sa kanya si River.
"Ano nga pala ang sasabihin mo?"tanong ni Jake
"Ah wala.. itatanong ko lang sana kung bakit hindi ka pumasok" sagot ni River
Hindi na sinabi ni River ang tunay na nangyari, ayaw niyang masira ang kasiyahang nadarama ng kanyang kaibigan.
"Sus yun lang pala.." ani ni Jake
Matapos iyon ay pumasok na sila sa loob at nagtrabaho. Pagdating nila, nakita niya kaagad si Liza dala dala na ang mga gamit.
"Mama" ani ni Jake
"Aalis na ako Jake. Babalik na ako sa Pilipinas, kailangan na ako ng company, binisita ko lang ang anak ko." Tugon ni Liza
"Sayang naman po Mama..." ani ni Jake
Nakwento niya sa Mama Liza niya na nabuksan na niya ang regalo na galing kay Mark at nabasa na din niya ang sulat nito.
"Bakit naman sayang Jake? Pwede naman ako bumalik anytime dito" tugon ni Liza
Saka ipinakita ni Jake ang singsing niya.. Sinabi na din niya na inaya na siyang magpakasal ni James. Hindi naman tumutol si Liza sa desisyog ito.
"Wow! That's great..alam ko magiging masaya na si Mark.. kasi nakikita niyang magiging masaya ka nang muli" ani ni Liza
"Sorry po mama, kung napaaga, ayoko po kasing isipin ninyo na hindi ko muna inintay ang babang luksa ni Mark" tugon ni Jake
Nakita ni Liza ang relong suot ni Jake.. Kinuha niya ang kamay ni Jake at hinawakan
"Bagay sayo ang relong pinili ni Mark.." ani ni Liza
"Po??" Tugon ni Jake
"'Magkasama kaming dalawa ni Mark ng araw na iyon, at ng mapadaan kami sa isang mall sinabi niya sa akin na may gusto siyang bilhin para sayo." Ani ni Liza
"Si Mark talaga..." ani ni Jake
"Tama nga ang anak ko.. darating talaga ang oras na siya na mismo ang magpapalaya sa'yo, na oras mo na para ikaw naman ang maging masaya.." ani ni Liza
"Mama...." sabay akap ni Jake kay Liza
"Basta kung saan ka sasaya doon ka.. susuportahan kita, dahil para na din kitang isang tunay na anak.. salamat Jake kasi minahal mo ang anak ko.. ngayon naman nanjan ka para kay Tom...
Habang wala ako ikaw na muna bahala sa kaibigan mo.." ani ni Liza
"Ako po ang dapat mag pasalamat Mama... dahil sa mga anak niyo nandito ako ngayon. ako na po ang bahala kay Tom, wag po kayong mag alala" sagot ni Jake
"Basta mag iingat kayo lagi dito" ani ni Liza
"Ingat din po kayo.." tugon ni Jake
Muling inakap ni Jake si Liza...pagkatapos ay umalis na ito, ilang sandali ay sumigaw si Liza
"Jake don't forget to invite me on your wedding day..." ani liza
Masayang ngumiti si Jake, ramdam niyang tanggap ni Liza ang kanyang kasiyahan. Matapos iyon bumalik na siya sa trabaho... Habang nag aayos ng booking sa computer, isang paru-paro ang dumapo sa kanya. Nagtaka siya kung paano nagkaroon ng paru-paro sa loob ng Hotel.
Pumikit na lamang siya at inisip na si Mark ang paru-parong ito.. Pag mulat niya, lumipad na ito palabas ng Hotel....