Chereads / The Story of Us.. / Chapter 39 - Chapter 39

Chapter 39 - Chapter 39

Kinaumagahan, nagising si James sa tabi ni Nathalie.. laking gulat niya hubo't hubad silang dalawa. Wala siyang maalala sa nangyari dahil sa sobrang kalasingan niya.

"Nathalie..." ani ni James

Bumangon siya kaagad at dali daling nagbihis. Nagising na si Nathalie at kaagad na nagsalita.

"Ikakasal ka na pala?" Ani ni Nathalie

"Oo Nathalie, next month.." tugon ni James

"Ok.. im happy for you" ani ni Nathalie

"Thanks.. sana ito na ang huli nating pagkikita, ayaw ko ng saktan pa si Jake. Kaya please lang tigilan mo na ako.." ani ni James

Hindi umimik si Nathalie..Umalis na si James sa bahay nito, at pagkaalis saka nagwala sa galit si Nathalie.

"No!!!!! Hindi pwede!!!! Hindi ako papayag!!!!" Sambit niya sa kanyang sarili

Pinagtatapon ni Nathalie lahat ng bagay sa kwarto niya. At saka naupo sa isang tabi at umiyak hawak hawak ang kanyang sinapupunan.

Nang makabalik si James sa appartment nakita niya si Jake sa salon nakahiga, at nakatulala... lumapit siya kaagad, at dahan dahang umupo. Pagkakita ni Jake kay James kaagad itong umakap.

"Akala ko hindi ka na babalik..." ani ni Jake

"Sssh... nandito na ako.. hindi na ako mawawala.."tugon ni James

Inakap ng mahigpit ni James si Jake. Hindi na niya sinabi kung saan siya inabot ng umaga. Pagkatapos ng buong araw na iyon naging maayos na ang lahat, natanggap na ni James ang role sa buhay ni Tom para kay Jake. Wala na siyang selos na nararamdaman.

Naging abala na ang lahat para sa pag prepara ng kasal nila, nilakad na nila ang venue at doon na din pwede gawin ang venue.

Sinubaybayan naman ni Nathalie ang bawat kilos ng dalawa, sumusunod siya ng palihim sa bawat lugar ma pinupuntahan ng tatlo.

"Humanda ka James.. babawiin kita!" Sambit ni Nathalie

Mga salitang binitawan ni Nathalie habang nasa loob ng kotse. Hindi siya nagparamdam kay James simula ng araw na nag paalam ito. Bagkos ay siya na ang gumawa ng paraan upang malaman lahat ng mangyayari sa dalawa.

Huminto muna sina Jake, James at Tom sa isanf restaurant at kumain, bago nila puntahan ang venue para sa final concept.

"Everything is almost fine" ani ni Jake

"Yes it's almost there" tugon ni Tom

Maya maya pa ay nagsalita si James para kay Tom. Isang tanong ang kanyang ibinigay..

"Tom?!"ani ni James

"Would you be my Bestman?" Ani ni James

Napatingin si Jake kay James at napangiti. Nagulat naman si Tom sa tanong na ito ni James.

"Yes! Yes! Sure why not" tugon ni Tom

Masaya ang tatlo habang nag lulunch. Katulad ng dati nakatanaw pa din sa kanila si Nathalie.

"Sige lang lubus lubusin ninyo ang masasayang araw niyo" sambit ni Nathalie sa kanyang sarili

Matapos ang lunch, nagderetso na sila magiging venue ng kasal at doon na claro ang lahat ng mga details para sa design, music, at pagkain. Natapos na nila ang lahat ng araw na iyon.. Iisa na lamang ang kanilang hihintayin ito ay ang araw ng kasal.

Kinabukasan balik na muli sa trabaho ang dalawa, pag dating ni Jake sa Hotel, kaagad niyang kinausap si River at inabot ang invitation.

"River" ani ni Jake

"Yes Jake.." tugon ni River

"Invation namin para sa kasal.. punta ka ha.. hmmm may favor sana ako.." ani ni Jake

"Ano yun Jake? Basta kaya ko ok ako.." ani ni River

"Pwede ba ikaw na maging Groomsman ko?" Tanong ni Jake

Hindi makapaniwala si River. Wala siyang masabi kundi ang pumayag sa alok na ito ni Jake..Pagkatapos ng usapan nila, nag simula na silang magtrabaho.

Makalipas ang isang buwan..

Unti unti ng lumalaki ang tiyan ni Nathalie, mag isa lang siya sa bawat lakad niya sa doctor. Nagtatrabaho pa din siya kahit pang gabi pa din ang schedule.

Isang linggo bago ang araw ng kasal, may mga paglalambing si Jake kay James na nakakabahala..

"Baby,, mahal na mahal kita.. lagi mong tatandaan ha.. kahit na mabago man ang lahat mahal pa din kita." Ani ni Jake

"Mahal na mahal din kita baby.. bakit mo ba nasasabi ang mga bagay na iyan." Tanong ni James

"Wala baby, naisip ko lang ang dami na natin napagdaanan, pakiramdam ko kasi taon na ang lumipas.." ani ni Jake

"Baby.. ok naman ang lahat diba, mga problema natin nalampasan na natin.."tugon ni James

"Baby what if mawala ako? Hahanapin mo ba ako???" Ani ni Jake

Lumipat sa tabi ni Jake si James at umakap..

"Kahit saan ka man mapunta hahanapin kita.. hindinf hindi ako titigil mahanap lang kita" tugon ni James

"Sana nga baby.." ani ni Jake

Ngumiti ng isang napakatamis si Jake. Hinalikan naman siya sa noo ni James.. lumabas sila sa balcony para manood ng sunset..

"Ang ganda ng araw..." ani ni James

"Oo nga.. alam mo ba ang sabi ni Mark noon?" Tugon ni Jake

"Ano yun?" Ani ni James

"Sabi niya.. sa bawat pag lubog ng araw, may panibagong magandang umaga muli ang naghihintay sa pag sikat nito..

Kung sa buhay,, may mawawala subalit may bago namang bubuong muli sa kulang na nawala" ani ni Jake

Muling inakap ni James si Jake.

"Andito lang ako lagi Baby..." ani ni James

"Isang tulog na lang magiging asawa na kita.." dagdag pa ni James

Kaagad hinawakan ni Jake ang kamay ni james habang nakamasid sa paglubog ng araw. Pag sapit ng dilim, pumasok na ang dalawa at naghanda ng hapunan.

Samantala, nag iwan ng message si Jake para sa kanyang Mama liza

"Mama, sa sabado na po ang kasal namin ni James sana po ay makarating kayo"

-jake

Pagkatapos ng hapunan, maagang humiga ang dalawa. Naunang makatulog si Jake. Sa kanyang pagtulog napanaginipan niya si Mark. Nasa isang napakagandang hardin sila.

"Boss!" Sigaw ni Mark

Pamilyar ang boses na ito kay Jake kung kaya't napatingin siya. Paglingon niya...

"Boss??? Mark???"tugon ni Jake

Nangingilid ang mga luha ni Jake, nakita niyang muli si Mark.. kaagad siyang niyakap ni Mark

"Tahan na boss, nandito na ako..." ani ni Mark

" paanong... diba..." pautal utal na salita ni Jake

"Diba sabi ko... darating yung oras na magkakasama tayong muli. At pinangako ko sayo na maghihintay ako..." ani ni Mark

Lumayo ng bahagya si Jake, napalitan ng kaba ang kanyang kasiyahan ng muling makita si Mark.. umatras siya ng umatras haggang sa...

"Halika na boss.. sumama ka na sa akin" ani ni Mark

Hindi sumagot si Jake. Ipinikit niya ang kanyang mga mata, at pagdilat niya wala na si Mark, tanging isang paru-paro na lamang ang kanyang nakita. Hindi nagtagal ay nagising siya sa kanyang pagkakagising.

Pagtingin niya sa kanyang kanan, nandon si James tulog na tulog, bumangon siya at kumuha ng tubig. Nag pahangin sa labas ng balcony at inisip ang pangitaing iyon..