Paglabas niya sa elevator.. namangha siya sa ganda ng restaurant, tanaw na tanaw dito ang kalawakab ng Barcelona. Kaagad siyang nagtungo sa dulo upang mas matanaw pa ito.
"Ang ganda...." sambit niya sa kanyang sarili
Habang siya ay nag nananaw isang musical instruments ang kanyang narinig. Napakaganda ng sweet music na ito. Di nagtagal tila papalapit sa kanya ang mga ito.
Ng makita nga niya na papalapit sa kanya ang mga ito isang waitress ang lumapit at binigkas ang kanyang pangalan
"Mr. Jake" ani ng waitress
"Si?" Tugon ni Jake na may halong pagtataka.
Kaagad siyang sinenyasan na sumunod sa kanya. Kaya naglakad na siya, maya maya dinala siya sa table na naka reserve para sa kanila. Subalit pag tingin niya wala si Tom, kaya tinanong niya ito sa waitress.
"¿Dónde está Tom?"
(Where is Tom?) ani ni Jake
"Quién es Tom"
(Who's Tom?)"
"El que reserva esta cena"
(The one who reserved this dinner) ani ni Jake
Hindi sumagot ang waitress, Nakita na niya si James at sinenyasan ito na iwan na sila. Maya maya naman ay biglang lumapit sa may likuran ni Jake si James sabay abot ng boquet ng mga puting bulaklak.
Paglingon ni Jake, laking gulat nito sa kanyang nakita. Hindi si Tom kundi si Jake ang lalaking nasa dinner.
"James??" Ani ni Jake na may halong pagkagulat
"Ako nga baby.. akala mo si Tom" tugon ni James
"Pero bakit?? Bakit kelangan pa may ganito?"ani ni Jake
"Gusto ko lang kasing humingi ng tawag at bumawi sa taong mahal ko.. na nasaktan ko ng hindi lang isa, kundi dalawang beses pa" tugon ni James
Napatungo si Jake, hindi maintindahan kung ano ang kanyang gagawin. Kaya kinuha ni James ang kanyang mga kamay at hinawakan.
"Sa gabing ito, sa taas ng buong España at sa lahat ng taong nakatingin sa ating dalawa, Ikaw lang ang tanging mahal ko, ikaw lang haggang sa dulo" ani ni James
Mangiyak-ngiyak si Jake ng oras na iyon. Subalit mas bumuhos pa ang kanyang emosyon ng biglang lumuhod si James, habang dinukot ang isang maliit na heart box. Saka niya ito iniabot kay Jake.
Kinabahan si Jake.. nagsisigawan na ang mga tao sa sobrang saya at tuwa.. pagkabukas niya ng box agad nagsalita si Jake ng español upang maintindhan ng lahat.
"Bebé, sé que no soy el chico perfecto en este mundo. pero estoy aquí frente a ti, pidiendo permiso para ser un gran hombre a tu lado, no solo por hoy sino por el resto de nuestras vidas. Jake mi bebé ... ¿quieres casarte conmigo?
(Baby I know I'm not the perfect boy in this world, But I am here in front of you, asking a permission to allow me to be a great man by your side, not only for today but for the rest of our lives.
Jake my baby ... do you want to marry me? )Ani ni James
Lumuha ang mata ni Jake sa tuwa, kahit ang mga nakapaligid sa kanila ay naiyak din, sobrang saya ang nadama niya at ng oras na iyon ay sumagot na siya
"Yes!! Yes baby i will marry you" tugon ni Jake
Pagkasuot ng singsing, kaagad tumayo si James at humalik kay Jake sabay akap ng mahigpit. Kumain na sila at pagkatapos ay nasaksihan nila ang isang fireworks.
Makalipas ang dalawang linggo.
Umalis si Tom sa Spain. Nag punta ito sa Paris for 3 days para sa kanyang project proposal.
"Hey.. I know you are busy.. but take care there see you soon.."
-jake
Sa dalawang linggong lumipas marami na agad ang nagbago. Naging mag bestfriend na sila ni Tom. Engage na sina Jake at James, at magkasama na sa iisang bubong, subalit hindi pa rin alam ni Nathalie ang totoong namamagitan sa dalawa.
FLASH BACK (2 days after the Engagement )
Pagdating ni Nathalie sa bahay galing sa grocery store...kinausap siya ni James
"Nathalie.. babalik na ako sa dati kong tinitirahan." Ani ni James
"Hindi naman kita pinapaalis dito ah" sagot ni Nathalie
"Hindi na kasi ako comportable dito. Kaya mas mabuti pang bumalik na ako doon." Ani ni James
"Pero bakit ang bilis??" Ani ni Nathalie
"Basta salamat sa lahat lahat lalo na ang mga tulong mo. Siya nga pala yung envelope sa lamesa bayad ko sayo lahat. Salamat uli"dagdag pa ni James
Hindi sang ayon si Nathalie. Subalit wala siyang magagawa dahil desisyon ito ni James. Naniwala naman si Nathalie na sa dati pa ding appartment babalik si James.
END OF FLASH BACK
Walang trabaho ang dalawa kaya naisipan ni James na ayain manuod ng movie si Jake.
"Baby movie date tayo!" Aya ni James
"Sige baby open mo na Netflix choose ka na then sunod ako, kuha lang ako ng chips" tugon ni Jake
"Ok baby bilisin mo aakap pa ako" ani ni James
Maya maya pa ay dumating na si Jake dala dala ang mga chips at soda.. umupo harapan ni James at sumandal sa katawan nito. Kaagad naman siyang niyakap nito at nag simula na silang manood.
"I love you so much baby"bulong ni James
Hinahalikan ni James ang tenga ni Jake kung kayat hindi siya masyadong makapag focus sa panonood kung kaya't pinatay niya ang TV at sinimulang makipag cuddle kay James.
Nag kaasaran ang dalawa,, maya maya ay naghampasan sila ng unan at naghabulan sa loob ng kwarto. Tila naging mga bata ang dalawa sa kanilang ginagawa.
Habang nag lilinis si Nathalie ng bahay niya. Nakaramdam siya ng hilo, at parang masusuka siya subalit wala naman siyang sakit. Nagtaka rin siya dahil halos dalawang linggo na hindi pa siya dinadatnan.
Kaya bigla niyang naisip na baka buntis siya. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib, nang mahimasmasan siya.. nagtungo siya kaagad sa katabing Pharmacy.
Bumili siya ng Pregnancy Test. At pag kauwi niya kaagad siyang nagcheck. Sa unang pagkakataon hindi siya makapaniwala. Kaya sinubukan niyang muli. At sa ikalawang pagkakataon positive pa din.
Nalungkot siya ng sobra dahil buntis siya. At alam rin niyang hindi si James ang ama nito. Hindi siya papayag na hindi siya Panagutan ni James. Kung kaya't nagmadaling magbihis para puntahan si James.
Pag dating niya sa dating bahay, walang James ang nakatira dito kundi ibang tao na. Sinubukan niyang itanong kung saan si James lumipat subalit hindi nila alam.
Desperada na si Nathalie, iisa lamang ang kaagad ang unang pumasok sa kanyang isipan. kung kaya nagtungo agad siya sa Hotel. Alam niyang si Jake lang ang nakakaalam kung nasaan si James..
Pag dating niya, wala si Jake. Tanging si River lamang ang pumasok. Kaya siya ang pinagtanungan nito.
"Excuse me! Please!!!" Ani ni Nathalie
Kaagad namang lumapit si River
"Yes Nathalie" ani River
"Nasan si Jake??" Galit na tinig ni Nathalie
"Hindi ko alam! Kung nasan siya hindi rin siya pumasok ngaun."tugon ni River
"Eh nasan siya?" Sigaw ni Nathalie na may pagtaktak ng kamay.
Napatingin ang ibang mga katrabaho nila, gayon na din ang mga taong malapit sa kanila. Hindi nagustuhan ni River ang ugaling Iskandalosa ni Nathalie kung kaya't minabuti ni River na lumabas para silang dalawa ay makapag usap.