Chereads / The Story of Us.. / Chapter 31 - Chapter 31

Chapter 31 - Chapter 31

Dinala na ni James ang order ng dalawa. Napakaawkward sa kanya na pag silbihan si Tom at Jake. Pag kalapag ng order ay madali siyang umalis.

"It's taste good huh!" Ani ni Tom

Kaagad namang tinikman ni Jake ang inorder nila.

"Hummm yeah its really good." Tugon ni Jake

Minsan nakagawian na ni Tom kapag may nagustuhan siyang putahe sa isang resto ay magluluto siya at gagayahin ang lasa nito.

"I will try cook this at home.. and if it is good i will bring you to my appartment." Ani ni Tom

"Haha.. so maybe i should go while you are cooking.." tugon ni Jake

"Why??" Ani ni Tom

"Because i know you never failed to cook.. everything was good and i love it" tugon ni Jake

Napangiti naman si Tom sa sinabing ito ni Jake. Nang matapos silang kumain, pumunta naman sa CR si Jake at si Tom naman ay lumabas para manigarilyo.

"I just go out .. need to take this" ani ni Tom

"Ok!  No problem i just go down to use Rest room" tugon ni Jake

Lumabas na si Tom at pumunta na sa CR si Jake. Pagdating niya roon nakalock pa ang pinto nag intay siyang lumabas ang tao. Maya maya may bumaba pa na isang lalaki.

"Ooh shit!!" Ani ng lalaki habang nagpapagpag ng nadumihang damit.

Naghuhugas ng kamay si Jake.. maya maya ay lumapit na ang lalaki habang nakatingin lang sa damit niyang nadumihan.. Nasagi niya si Jake.. at pagtingin niya...

"James.." ani ni Jake

"Jake! Akala ko nakaalis n kayo" tugon ni James

"Anong nangyari sayo bakit ang dumi ng damit mo? Halika nga dito ..." ani ni Jake

Natigilan si James ng hilain siya ni Jake at hinubad ang damit niya upang linisin ang nadumihang damit.

"Natapunan ako ng sauce ng isang bata.." tugon ni Jake

Kinusot kusot ni Jake ang narumihang parteng damit ni James. Samantala nakatitig lamang si James kay Jake habang ito ay abala

"Hindi ka pa rin nagbabago..." mahinang sambit ni James

"Ano ba ang dapat kong ipag bago James?" Tugon ni Jake

"Kayo na ba nung kasama mo? Siya na ba ang bago??" Tanong muli ni James

Tumingin lamang si Jake at hindi sumagot. Nainip si Tom sa taga ni Jake. Kung kaya't pinuntahan niya ito.

"Heto ok na.. ok na uli yung damit mo" ani ni Jake

Sinuot ni James ang white long sleeve niya. Dahil nasanay na si Jake noon, natulungan niya si James mag button ng mga ito..

Hindi niya namalayan na nakatingin na pala sa kanila si Tom. Pag kakita ni Jake kaagad siyang dumistansya kay James.

"Tom" ani ni Jake

Tumalikod si Tom at lumabas.. hahabulin ni Jake subalit nahawakan ni James ang kamay niya kaya nahinto ng saglit..

"Thank you..." ani ni James habang hawak ang kamay ni Jake.

Bumilis ang pintig ng puso ni Jake. Kaagad niyang inalis ang pagkakahawak sa kanya at saka dali daling hinabol si Tom..

"Tom wait..." sigaw ni Jake

Tumigil lamang si Tom at hindi lumingon.

"Let me explain..." ani ni Jake

"Get in the car!" tugon ni Tom

Nagseselos si Tom. ito ang pakiramdam ni Jake. Subalit naguguluhan siya kung bakit kailangan magselos ni Tom gayung hindi pa naman niya ito boyfriend. Habang nasa sasakyan sinubukan muli ni Jake na kausapin si Tom.

"Tom are yoy mad of me?" Tanong muli ni Jake

"I will drop you at the hotel.. im in hurry to be at the office exact 14h30" tugon ni Tom

Hindi na muna muling nagtanong si Jake. Ilang sandali nakarating na sila sa tapat ng hotel. Baba sana si Tom para buksan ng pinto si Jake subalit...

"Don't go out.. i can manage. Thanks for the lunch." Ani ni Jake

Isinara kaagad ni Jake ang pinto ng kotse. Dahil nayamot si Tom, sumagitsit ito ng pagpapatakbo ng sasakyan. Napalingon naman si Jake sa ginawang ito at napailing na lamang siya.

Papasok na sa hotel si Jake, sinabayan naman siya ni River..

"May LQ na kaagad kayo??" Ani ni River

"None of your business!" Tugon ni Jake

"Ok.. pero sa sabado ha.. promise is a promise" ani ni River

"Ok sasama ako" tugon ni Jake

Kinuha ni River ang kanyang cellphone. Kaagad siyang nagmessage kay Leo, isa sa kanilang kabarkada

"Hey bro. May kasama ako sa sabado ha see you"

-River

"Sino?? Bago chicks mo na naman ba?"

-leo

"Basta hehe. Teka sino ba yung May Birthday hindi ko pa ba siya kilala"

-River

"Nako! Hindi mo pa kilala to bago lang din  siyang tropa.. pero ingat ka makamandag to"

-leo

"Mukhang gaganahan ako jan ah"

-River

-loko! Sige na see you sa makalawa"

-leo

Ngingiti ngiti lang si River habang sila ay naglalakad ni Jake. Napansin siya ni Jake at tumingin sabay iling.

Pagkapasok nila, hindi mapakali si Jake, kaya't tumingin sa orasan at nakitang may sampung minuto pa bago mag start ang meeting ni Tom. Nag send ito ng message

"Tom im sorry for what you see.. let me explain.. maybe you come tonight at my appartment and then let's talk. Please....

Good luck at your meeting

😘 "

-jake

Nakita ito ni Tom, unti unting napawi ang sama ng loob. Nagkaroon muli siya ng unti unting pagkasigla mula sa kanyang mga mata at mababakas sa mga labi

"Hi Jake... Ok i will see you tonight

Thank you."

-Tom

Napansin dinn siya ni River na ngumingiti-ngiti kung kayat..

"Jake bakit hindi mo na lang din yayain si Boss Tom sa sabado mukha naman siyang cool eh" ani ni River

"Seryoso ka??"tugon ni Jake

"Oo bakit naman hindi??" Ani ni River

"Ok subukan ko sabihin mamaya, magkikita kami sa appartment ko" tugon ni Jake

"Jake kayo pa ba ni James??" Ani ni River

Hindi na muling nakaimik si Jake. Sa tuwing magtatanong si River patungkol sa kanilang dalawa ni James. Mas ninanais na lamang niya na walang sabihin na kahit ano. Umiiwas na rin siyang masaktang muli sa mga panahong maaalala niya ang sakit ng kahapon.