Nagising si James, katabi niya si Nathalie..nag kusot mg mata..at saka bumangon. Pagkabangon niya nagising na din si Nathalie.
"Hola babe" ani ni Nathalie
Hindi siya pinansin ni James. Bagkos ay dumeretso na ito sa kwarto upang maligo. Dahil sa pagka obsess ni Nathalie kay James sumunod ito sa kanya.
Habang naliligo si James, pumasok si Nathalie na hubo't hubad. At sinabayan ito ng paliligo.
"'Nathalie!! Anong ginagawa mo!" Tanong ni James
"Maliligo din... kasabay ka..." ani ni Nathalie
"Bakit mo ba to ginagawa Nathalie??" Tanong muli ni James
"Kasi gusto kita! Manhid ka ba James?" Sagot ni Nathalie
Hinawi ang kurtina ng banyo at nagtapis ng tuwalya, kaagad lumabas si James ng banyo. Hindi nagtagal sumunod muli si Nathalie.
"James please..." ani ni Nathalie
"What Nathalie!!!" Sigaw ni James
"Love me! Promise mas mamahalin kita ng higit sa pagmamahal ni Jake" ani ni Nathalie
"Pwede ba Nathalie!!!! Hindi kita gusto!! At wala akong balak na mahalin ka kaya please lang wag na wag mong ikukumpara ang pagmamahal n kaya mong gawin sa pagmamahal n kayang ibigay sa akin ni Jake!!" Galit na giit ni James
Lumabas ng kwarto si James. Pumunta sa salas upang pulitin ang mga damit ni Nathalie. Pagkatapos bumalik siya sa kwarto at ibinigay ang mga damit nito.
"Magbihis ka na! At wag ka ng babalik dito" ani ni James
Galit na kinuha ni Nathalie ang kanyang mga damit. Nagbihis at saka siya umalis. Napaupo naman sa kama si James. Nag isip isip sa mga bagay na nangyari sa kanilang buhay.
"Napakaaga ng lahat... wala pa man lang kami good and happy moments ni Jake. Tapos matatapos lang kami sa ganito..
Oohhh shit James ano bang pumasok sa isip mo!!!" Ani niya sa kanyang sarili
Humiga sa kama.. kinuha ang cellphone at sinubukang tumawag kay Jake. Nag ring ang cellpone ni Jake kung kayat napabalikwas siya.
Rrrrrrriiiiiiggggggg.....
Sinagot ni Jake ang tawag ni James.
"Jake... sorry na please"
-james
"Gusto kong mag usap tayo ng mahinahon. Bumalik ka na dito.."
"Alam ko naririnig mo ako... ok lang kahit hindi ka umimik. Gusto ko lang marinig mo ako... yung side ko.. please baby.."
"Kung ayaw mo bumalik mag bigay ka kung saan mo gusto darating ako basta gusto ko lang mag usap tayo.. please Jake, my baby.. mahal na mahal kita sana alam mo yan..."
Pinakinggan lamang ni Jake lahat ng mga sinabi ni James. Pagkatapos kaagad niyang pinatay ito. Nakatingin si Tom sa kanya kahit nag wowork ito sa computer niya.
Nang makita niyang babagsak n ang mga luha ni Jake kaagad siyang lumapit dito at kinausap.
"Do you still love him" tanong niya
Tumingin kay Tom.. tumungo at saka nagsalita...
"I still love him, nothing change even he's the reason why i become so weak right now" ani ni Jake
"Sssshh... you are not weak... you are strong Jake... i know and i can see it through your eyes" ani ni Tom
"Like what they said... you can see the true emotions of a one person if you look them into their eyes" dagdag pa ni Tom
Dahan dahan siyang napatingin sa mga mata ni Tom. Pumikit ng ilang segundo at saka ulit dumilat, nanaginip ba ako...
"Jake are you ok?? Did i tell you something bad?" Tanong ni Tom
"Nothing... i thought im talking to Mark.... im sorry" ani ni Jake
Nang oras na iyon inakala na muli niyang si Tom ay si Mark. May pagkakapareho minsan ang dalawa kung minsan ang sinasabi ni Tom ay minsan na ding nasabi ni Mark noong siya'y nabubuhay pa.
Maya maya may nag buzzer sa may pintuan ni Tom. Wala naman silang inaabangan na darating. Pagtingin ni Tom sa kanyang tablet, ang mama pala niya ito.
"Its my mom" ani ni Tom
"Oh no! Tom, do you think it's ok for her if im here??" Tanong ni Jake
"Don't worry it's fine" sabay kindat ni Tom
Kaagad niyang binuksan ang pintuan. Pag pasok ni Liza nakita niya kaagad si Jake.
"Hello my dear" sabay halik sa ana
"Hello Mom.. Jake is here" ani ni Tom
"Yeah.. i see" tugon ni Liza
Lumapit si Jake sa kanyang Mama Liza. At umakap ng mahigpit.. nagulat siya at naramdaman niya ang bigat na pinagdadaanan ni Jake
"Anong nangyari Jake?" Tanong ni Liza
Nang oras na iyon tila ito ang nagpalambot ng puso ni Liza. Inakay niya si Jake patungo sa sofa. At doon silang dalawa nag usap. Hinayaan na muna sila ni Tom..
"Niloko ako ni James, mama"ani ni Jake
"He cheated on you? Alam ko ang pakiramdam ng nanloko ng taong mahal ko" ani ni Liza
"Ang sakit po sobra.. mahal ko si James.. minahal ko siya noon pa man.." ani ni Jake
"Nakikita ko Jake,, hindi ka magkakaganyan kung hindi mo siya mahal.. bigyan mo lang muna ng space ang sarili mo.. palamigin mo muna at pag medyo ok ka na saka na kayo mag usap" payo ni Liza
"Sana po makaya ko siyang patawarin" ani Jake..
"Kaya mo siyang patawarin,, subalit maalis ng pagpapatawad mo ang sakit pero ang peklat ng pagkakamali mananatili sa puso at walang ibang makakabura niyan kundi siya." Tugon ni Liza
Muli siyang umakap sa kanyang Mama. At saka iniba ni Liza ang usapan. Para makaiwas sa pagiging emosyonal si Jake.
"Tom... i wil cook dinner for tonight." Sigaw niya kay Tom
"Really Mom? Thank you" sabay akap niya
Nagkaroon ng ngiti sa labi ni Jake ng makita ang mag ina. Parang kailan lang na sila nina Mark ang magkakasama sa isang bahay.. Minsan sumasagi na lang sa isip niya na siguro lahat ng nangyayari sa kanya ay pag subok lang ni Mark.
Dahil sa kahit anong problema ang dumating sa kanya ay palaging may mga solusyon na kauganay kay Mark. Pag sapit ng hapon ay nag handa na si Liza para sa dinner nilang tatlo.
Samantala ang dalawa naman ay nasa salas at nanonood ng netflix. Relax na relax, gumaganda na din ang pakiramdam ni Jake hindi na siya masyadong inaatake ng asthma niya at mababa na din ang kanyang lagnat.
Makalipas ang ilang oras, nakapag handa na ng hapag kainan si Liza at kaagad na niyang tinawag ang dalawa.