Kinagabihan dumating na ng bahay si Tita Flor. Kaagad naman siyang nangumusta sa dalawa.
"Jake! James! Hola.." sigaw ni Tita Flor
Kaagad namang narinig ng dalawa ang tawag na kung kayat kaagad na lumabas ng kwarto..
"Hola tita!" Ani ni Jake at James
"Oh! Bakit ganyan ang itsura ninyong dalawa anong nangyari sa lakad niyo?" Ani ni Tita Flor
Kaagad namang umimik si Jake at nagpaliwanag sa totoong nangyari...
"Eh kasi po Tita. Si James hindi natanggap sa kanyang RDV." Ani ni Jake
"Oh bakit? Anong nangyari??" Tanong ni Tita Flor
"Kailangan ko pa po pumasok ng Spanish Class. Hndi pwede na hindi ako Fluent sa Spanish" ani ni James
"Ay ganun ba. Nako pasensya na akala ko kasi ay fluent ka na din kagaya ni Jake." Ani ni tita Flor
"Ok lang po yun tita. Wala pong problema siguro po eh baka hindi pa para sa akin yun" ani naman ni James
"Kung sa bagay may point ka. Oh! Ikaw naman Jake ano ang balita sa work mo?" Tanong naman ni tita Flor kay Jake
"Uhmmmm.. ok naman po tita natanggap ako at start na ako bukas..kaso..." sagot ni jake
"Kaso ano?" Tanong ni Tita Flor
Hindi na nagpaligoyligoy pa si Jake at sinabi na ang totoo.
"Magiging katrabaho ko po si River," ani ni Jake
"Ha????"pagkagulat ni tita Flor
"Opo tita siyang tunay"giit naman ni James
"At alam mo ito James?" Ani ni Tita Flor
"Hindi po tita.. nadinig ko lang po nung kausap ko si Jake sa telepono. Binilhan pa siya ng Café" sabay ismid kay Jake
Hindi natuwa sa nalaman niya si Tita flor. Bagkus ay napailing na lamang siya hudyat na hindi pabor sa pagiging magkatrabaho nina Jake at River.
"Oh... siys... total wala naman tayo magagawa na eh di tanggapin na lang natin. Oh ikaw Jake mag ingat ka dun kay River!" Pagbuntong hininga ni tita Flor
"Opo tita thank you" ani ni Jake
Maya maya ay naisingit ni James na baka may alam na school si Tita Flor para sa gustong matuto ng Spanish Language.
"Puntahan natin bukas yung isang school na alam ko mag inquire tayo doon" ani ni tita Flor
"Sige po tita salamat po" ani ni James
"Oh siya sige mag pahinga na kayo at ako ay magluluto na ng hapunan natin" ani muli ni tita Flor
"Tulungan ko na po kayo tita" ani ni Jake
"Wag na kaya ko na to gagawa lang ako ng pesto pasta" ani ni tita flor
"Sige po tita. Pasensya na po kayo sa abala" tugon ni Jake
Nagtungo na sa kwarto ang dalawa. Tahimik at halos walang imikan. Kitang kita ang pang hihinayang ng dalawa. Pag kapasok sa silid ay umupo sa kama si James. Pinagmasdan siya ni Jake habang nasa may pintuan.
Makalipas ang ilang minuto ay dahan dahang tumabi sa kanya si Jake. Umakbay at humiling sa may balikat nito. Maya maya naman ay tumunog ang cellphone ni James. Naupuan ito ni Jake kung kayat siya na ang kumuha nito.
Isang palaisipan ang kanyang nalaman
"Sa yo ba yun??" Tanong ni Jake
"Ah oo akin nga" sagot niya
"Nasan ang cellphone mo??" Tanong ni Jake
Nagpalingon lingon at maya maya ay naramdaman niyang naupuan niya ito, kaagad niya itong kinuha at dahil naka automatic umilaw ito at nasulyapan ni Jake ang isang mensahe galing sa kanilang kaibigan.
"Sam..."
"Nagmemessage sayo si Sam??" Kaagad na tanong ni Jake
Halos natigilan si James, may ilang minuto pa siya nakasagot.
"Ha... ah... eh... oo nag memessage siya" pautal na sabi ni James
"Bakit?? Para saan?" Pagdududa ni Jake
"Wala nangungumusta lang" kaagad na sambit ni James
"Ok..."
Batid ni Jake na may tinatago si James sa kanya. Napaisip siya na dapat siya ang kinukumusta at hindi si James. Bakas sa mukha niya ang isang malaking katanungan.
Napawi lamang iyon ng maya maya pa ay tumawag na si Tita Flor upang kumain
"Jake! James! Kakain na.. Halina kayo!!" Ani ni tita Flor
"Ok po tita. Susunod na po" tugon ni Jake
Naunang lumabas ng kwarto si Jake. Ilang minuto pa bago sumunod si James. Nagpunta ito sa banyo upang tignan ang mensahe ni Sam.
"James kumusta? Kailangan nating mag usap!!"
-sam
"Tungkol saan? Pwede ba bukas na lang nandito si Jake!"
-james
Message deleted
Kaagad binura ni James ang usapan nila ni Sam. Maya maya pa ay sinundo siya ni Jake.
"James kakain na. Bakit ba ang tagal mo?" Tanong ni Jake
"Nag CR lang ako.. tara na" ani ni James
Natanaw ni Jake na nilapag ni James ang cellphone sa may tabi ng lamesa. Napaisip siya kung bakit dala dala niya ito sa loob ng bayo gayong batid niya na hindi ito gumagamit ng cellphone kapag nag Pumupunta sa CR.
Napailing na lamang siya at ipinagwalang bahala na lang ang gabing iyon. Marahil ay pagod na rin sa emosyon si Jake kung kayat minabuti niyang ipag palipas na ito..
Lumabas sila sa kwarto at dumeretso na sa hapag kainan upang pag saluhan ang niluto ni Tita Flor...
"Jake anong oras pala ang work mo everyday?"ani ni tita Flor
"Mag start po ako ng 8 am to 5 pm kada MWF at pag naman po TTH 9 am to 6 pm po ako." Ani niya
"Ah ok pala schedule mo. May pagitan sa umaga hindi ka malalate." ani ni Tita Flor
"Ah opo tita ok na po yung schedule ko. Maswerte na lang din po at kahit isa sa amin ni James ay natanggap sa trabaho ng sa gayon ay makatulong naman kami sa inyo." Ani ni Jake
"Sa susunod palang buwan aalis na ako. Pinaaga ko na kasi ang ticket ko" ani muli ni tita flor
"Wow! Parang nakakasabik na din umuwi ng Pinas kahit na kakarating pa lang natin dito Jake." Tugon ni James
"Gusto mo ng umuwi James? Kung gusto mo ok lang sabay ka na kay tita" seryosong sagot ni Jake
"Eh bakit mo naman naisipanblg umuwi kaagad ng Pinas eh wala ka naman sigurong Girlfriend doob?" Pagbibiro ni tita Flor
Napatingin si Jake sa magiging reaksyon ni James. Tila talaga na may lihim siyang tinatago. Ngumiti na lamang si James at hindi nasagot ang tanong.
Makalipas ang ilang minuto at natapos na sila sa hapunanz kung kayat naglipit at saka nag punta sa kani kanilang silid, upang makapag pahinga na.
Habang nakahiga si Jake patuloy pa din siya sa pag iisip ng mga bagay bagay, pilit pinag tatagni-tagni ang mga pangyayari, haggang sa hindi niya namalayan na siya pala ay nakatulog na.