~*Kinabukasan~
Alyanna's P.O.V.
Gumising ako ng maaga dahil sabi sa akin ni Maleng malayo raw ang school na papasukan namin. At magco-commute lang kami, hindi naman kasi nga ako pinayagan ni Mama na dalhin dito ang isa kong kotse. Panibagong buhay na raw ehhh...tss.
Naligo lang ako ng mabilis tsaka nagsuot ng ripped jeans at tinernohan ng black shirt with matching white sneakers. Komportable na ko sa ganyan kaya bumaba na rin ako pagkatapos. Nasilayan ko na ang dalawang kambal na todo smile sa'kin. Tss... gandang panira ng umaga ahh.
"Good morning Yana/ Magandang umaga sa'yo," sabay nilang bati sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at nagderetso na lang sa hapag habang si Nanay Lolit naman ay hinahanda na ang umagahan namin.
"Sunget," rinig ko pang bulong ni Aning sa kapatid niya. Tss.. bubulong na nga lang yung rinig ko pa. Powerful!!
"Kumain na kayo lalo ka na Alyanna para naman may masagot ka sa exam mo mamaya," wika sa'kin ni Nanay kaya kumain na lang ako habang ang dalawa namang kambal, a'yun bungisngisan ng bungisngisan habang punong-puno ng pagkain ang bibig. Walang manners! Ghaaad!!
Ilang minuto pa at natapos na rin kami sa pagkain. Kaya nagpaalam na kami kay Nanay Lolit. At naghintay na ng masasakyan sa labas.
Saglit pa'y may humintong jeep kaya agad na kaming sumakay. Magkakatabi kami sa kanang bahagi nito at pinagmasdan ko ang dalawa dahil ngayon ko lang napansin ang suot nila. Terno sila ng t-shirt na may drawing ni Stitch tapos naka-ripped jeans din sila at parehas pa ng kulay sky blue na flip flops. Kambal nga talaga, Hahaha. Pero mapapansin pa rin naman ang kaibahan ng dalawa dahil si Maleng ay medyo mataas at kulot habang si Aning naman ay cute size pero straight hair. Simple lang sila manamit at pansin ko'y walang arte sa katawan na sadyang nagpatingkad ng kanilang natural na ganda.
Ba't ko ba masiyadong pinupuri 'tong dal'wa!Tss...
Tumingin-tingin na lang ako sa labas ng bintana at hinayaang damhin ang sariwang hangin. Nilunod ko na lang ang sarili kong pagmasdan mga palayan at mga punong nadadaanan namin. Hanggang sa makarating kami sa may highway at may mangilan-ngilang mga establishments na hindi gaanong kasingtaasan kung ikukumpara sa Maynila.
Ilang saglit pa'y pinahinto na ng kambal si Kuya Driver at kinulbit pa ko para sabihin na nandito na kami sa school na papasukan ko. Kaya hinanda ko na ang sarili ko sa pagbaba sa jeep. Nang makababa kaming tatlo ay bumungad kaagad sa harapan namin ang malawak na grand stand at sa gitna nito ay building na may logo sa gintang taas nito at tanaw ko rin mula rito ang iba pang hindi pa natatapos itayong buildings sa gilid na pinagtutulungang isagawa ng mga workers doon... Sa bandang unahan namin ay may mahabang pader na hindi naman gaanong kataasan dahil malaya kong nakikita ang kabuuan ng campus. At mapapansin rin na ang buong school na ito ay na napinturan ng kulay green hanggang sa mapalapit kami sa may gate at kitang-kita ko sa may gilid nito ang nakaukit na mga salitang Mindoro State College of Agriculture and Technology. So now I know kung bakit MinSCAT ang tawag nila dito for acronym.
"Yana, gusto mo samahan ka na namin papuntang Registrar's office?" Tanong sa'kin ni Maleng habang nakasukbit sa kanyang braso ang kamay ni Aning. Tss, kambal tuko.
"H'wag na siguro I can handle naman kaya maaari muna kayong mamasyal if you want para hindi kayo mainip sa'kin. I'm gonna text you both if I'm done here," turan ko sa kanilang dalawa. Marunong naman kasi ako magtanong kung saan yun.
"Sigurado ka d'yan Yana huh?! Baka sisihin mo kami nireng si Maleng kapag pinabayaan ka namin tsaka baka magalit si Mrs. Navarro sa'min kapag nalaman niyang hindi ka namin sinamahan," mahabang paliwanag ni Aning habang seryosong-seryoso na nakatingin sa'kin. Mukhang bago yun ahhh, palagi kasing nakabungisngis kaya nanibago lang ako sa pagkaseryoso niya.
"No, it's ok. Kaya ko na sarili ko and in fact sinamahan niyo na ko papunta rito. Wala namang sinabi si Mama na samahan niyo ko the whole time ng exam at interview ko baka lalo pa kong hindi makapagfocus sa inyong dalawa," paliwanag ko kaya ilang tulak ko pa at pumayag din sila. Binibigyan ko na nga sila ng pabor ehh. Quality time nilang dalawang magkapatid 'di'ba?!
Pumasok na ko sa gate habang ang dalawa ay sumakay ng tricycle papunta muna daw ng palengke at kakain ng shawarma. Makapunta nga rin dun pagkatapos ng pakay ko rito.
Habang naglalakad ay napansin ko sa kaliwa na may lake sila rito at may mga water lily sa ibabaw. Astig... Patuloy lang ako sa paglalakad sa hallway hanggang sa nakita ko sa may left side ang hinahanap ko. Registrar's Office.
*Tok*Tok*Tok*
"Come in," boses sa loob kaya marahan kong binuksan ang pinto nito.
Bumungad sa akin ang isang magandang babae. Mali. Mala-dyosa! Grabeeeee!!! Nakakatibo ang ganda niya!!! Hindi ko alam pero natulala ako talaga.
Morena tapos may pagkakulot ang buhok at itim na itim. Mahahabang pilikmata at makakapal na kilay. Perpektong hugis ng mukha at matangos na ilong. Mamula-mulang labi at ang nagpatingkad pa sa kanya ay ang magagandang kulay ng kanyang mata. Grey. Parang familiar sa'kin ang mga mata niya parang katulad ng kay--- Luh! Imposible! Ba't siya pumasok sa isip ko! Erase! Erase! Erase!
"Good morning, what do you need?" Pati boses niya ang ganda. Bagay sa kanya. Dahil sa tanong niya kaya natauhan ako at biglang umupo sa sofa na nandoon kahit hindi pa niya ko ipinapaupo.
Star struck bakit ba?! Bagay na bagay kasi sa kanya ang suot niyang kulay itim na corporate attire. Fit na fit ito sa kanya kaya kita ang hubog ng kanyang katawan. Sexy siya! Sana all na lang talaga.
"A-ahhh, I'm here to take my entrance exam and interview as well," confident kong sabi kahit kinakabahan talaga ako.
"Ohh, you must be Alyanna Gwen Navarro. The one and only heir of Mr. and Mrs. Navarro. The popular business tycoon in which your family name was really far-famed in your spectacular jewelry and mining company. Wow! Your parents are really into business world and literally in the whole wide world because of many branches here in local and international. Look! I have your company latest design of necklace with 25 carat gold," proud na proud niyang ipinakita sa'kin ang suot niyang kwintas.
"A-ahh hehehe o--okay po," nahihiya kong sabi sa kanya. Hindi naman kasi ako ang may-ari nun, mga magulang ko kaya wala akong dapat ipagmalaki.
"Hahaha, anyway my name is Dr. Jamaica Amelie Lewis,Ed.D. The OIC Dean of College of Teacher Education." Sabay abot ng kamay niya kaya tumayo ako para abutin yun. Grabe parang ang bata niya pa masiyado para maging Ed.D.
"Ahmm, I'm gonna lead you the way to I. T. Building for your exam then after that you must go to the library infront of Registrar's Office for your interview. Good luck,"
Pagkatapos niyang ipaliwanag ang lahat ng gagawin ko ay sinamahan niya na ko sa I.T. Building. Sabay kaming pumasok sa isang room sa 2nd floor at dinatnan namin ang isang babaeng nasa unahan mismo ng room at nakaupo sa kanyang table habang nagsusulat. Napatunghay siya sa amin at tumayo sabay bigay ng matamis na ngiti.
"Good morning po Dean," turan niya sa kasama ko at ngumiti sa akin kaya ngumiti rin ako.
"Good morning Ms. Santos. This is Alyanna, she will take the entrance exam so please assist her here,"
"Ohhh, Hi I'm Ma'am Jenlyn Santos, the Administration Aide. Come in, Ahmmm Dean ako na po bahala sa kanya," baling niya kay Dr. Jamaica kaya lumingon sa'kin si Dean at nagpaalam sa'ming dalawa ni Ma'am Jenlyn. At naiwan kaming dalawa rito sa room.
Binigyan niya ko ng mauupuan kaya naupo na ko at sa may harap ko ay lamesa. Grabe, kinakabahan na ko. Ramdam ko na super nanlalamig na mga kamay ko. Pero kaya mo toh Alyanna! H'wag mong ipapahiya mga magulang mo dahil malilintikan ka talaga. Lalo na sa mala-dragon mong ina. Nakakatakot pa naman magalit yun para talagang bubuga ng apoy.
Huminga ako ng malalim para mawala ang nerbiyos ko. Ilang saglit pa at binigay na sa'kin ni Ma'am Jenlyn ang test paper na sasagutan ko lang daw within 2 hours. Kaya hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa at sinumulan ko nang magsagot.
After 2 hours...
Na-drain na yata utak ko. 2 hours for 200 items. Wow! As in Wow talaga! Nakakapagod na dahil medyo nahirapan ako sa ibang items pero confident naman ako sa lahat ng sinagot ko at feeling kong papasa naman siguro ako.
Pagkatapos na pagkatapos ng pagsasagot ko ay binigay ko na agad ang test paper kay Ma'am at nagpaalam na para pumunta naman sa library na nasa harap lang daw ng Registrar's Office 'ika nga ng sabi ni Dean.
Ito lang yata ang naiibang kulay dahil sa pinaghalong puti at grey ang pintura nito 'di gaya ng ibang building na maaawardan na for most eco-friendly eklabu. Pumasok na ko kaagad at binati ang mga nasa loob. Sinabi ko ang pakay ko at malugod nila akong inassist at may isa roong nag-interview sa akin. Pagkatapos ng interview ay lumabas na ko.
I decided to take Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing. Sinanay na ko mula pagkabata nina Papa about business so I end up to this course because I have no choice but to take it for the sake of our company dahil walang ibang magmamana nun kundi ako as they said.
Tss, as if ginusto ko talagang manahin yun. Kung mapupunta sa'kin yun tapos magkakaroon ako ng sariling pamilya in the future, siguro magiging katulad din ako sa kung paano ako pinalaki ng mga magulang ko.
At ngayon palang naaawa na ko sa magiging anak ko kung hahantong ako sa puntong magiging katulad na rin ako nina Mama na puro trabaho ang iniisip at wala ng time sa pamilya as long as naibibigay naman nila lahat ng gusto ko even if they didn't know na sila mismo ang gusto ko. Kaya siguro ako naging rebelde para naman kahit papaano mapansin nila ako even in a bad way atleast they have given me little much of their time. At ngayon palang humihingi na ko ng tawad sa future family ko... Haissttt!
Life is like a system that revolves around who you are today that make a big impact the next time you have become a family and all the beliefs and the ways on how you live your life ay maipapasa mo hanggang sa magtuloy-tuloy ito at mamamalayan mo na lang na there's no such thing but legacy.
It is your choice as to what legacy you will pass on to your future children.
Will I also make the same mistake that my parents made of me? Or I will cut the curse onto them for the sake of my future family?
Dahil sa pagdadrama ko masiyado, namalayan ko na lang ang sarili kong nakalabas na ng gate ng MinSCAT. Naglakad-lakad ako sa gilid ng kalsada para sana pumara ng tricycle para masundan sana ang kambal na nasa palengke. Dudukutin ko na sana ang cellphone ko para itext ang dalawa na tapos na ko sa exam at interview. Pero nagulat na lang ako ng may biglang may kumuha nito mula sa kamay ko at kumaripas ng takbo.
Sa gulat ko ay hinabol ko siya at hindi nakaligtas sa akin ang pangit niyang mukha at nakasuot ng jacket na may hood.
Lagot ka sa'kin pag nahuli kitang tsonggo ka! Mali yata nakalaban mo! Peste ka! Cellphone ko pa talaga napagdiskitahan mo huh?! Hanep ka! Patay ka sa'kin!!! H'wag kang papaabot at talagang bugbog-sarado ka talaga sa'king magnanakaw ka!!! BADTRIP!!!
Hindi niya yata alam na runner ako nung high school at palaging sumasali kapag intramurals at naging varsity pa ng school namin sa Athletics.
Sa sobra niyang pag-focus sa pagtakbo ay hindi niya namalayan ang isang kahoy na nasa harap niya kaya natisod siya. Buti na lang hindi niya nabitawan ang cellphone ko kung hindi lagot talaga siya sa'kin pag nabasag yun!
Dahil dun naabutan ko siyang iniinda ang sakit ng paa niya dahil sa pagkatisod. Hindi ko pinansin ang pagkahingal ko at hinablot ko kaagad ang cellphone ko at inilagay sa bulsa ng pantalon. Pagkatapos, kinabig ko ang kwelyo ng jacket niya at padarag na itinaas gamit ang isa kong kamay. Nagngingitngit talaga ako sa galit ngayon kaya bigla ko na lang sinapok siya ng malakas at sa sobrang lakas nga ay napatumba ulit siya.
"BADTRIP ka! Pinahabol mo pa kong hayop ka!" Hindi ko na siya pinasagot pa at sinuntok ko ulit siya sa inis. Nakita ko pang lumandas ang dugo sa labi niya dahil sa pagkakasuntok ko.
Grabe, tila nung isang araw lang nakipagsuntukan din ako nang nasa Manila pa ko tapos ngayon ganito naman ang nangyari?! Tss, hindi ko naman kasalanan ehh. Ninakaw niya cellphone ko kaya dapat lang sa kanya yan!
Aambahan ko ulit siya ng suntok pero mabilis niyang inilagay ang mga kamay niya sa kanyang mukha para protektahan ito.
"MA'AAAAMM!!! H'WAG PO!! TAMA NA!!! SORRY PO SA GINAWA KO!!!" Histerical niyang pakiusap sa'kin kaya binaba ko na ang kamao ko.
"Pasalamat ka mabait pa ko ngayon dahil kung naabutan mo kong may saltik! Tiyak, nasa hospital ka na ngayon naghihingalo at baka nga siguro 50/50 ka pa! Umalis ka na sa harap ko kung ayaw mong triplehin ko pa 'yang pasa mo!" Sigaw ko sa kanya kaya naman sa gulat at sa sobrang takot niya ay kumaripas na ulit ng takbo.
Pinagpag ko ang damit ko at biglang napatingin na nasa harap ko. Na dapat hindi ko na lang ginawa.
Ang sinasabi ko sarili kong malabo ko nang makita ay narito mismo sa harap ko at diretso ang tingin sa akin at nang-uuyam.
Takte! Wrong timing naman! At sa gantong sitwasyon pa talaga kami nagkita huh?!! Kung kailan nakipagbasag-ulo na naman ako!!! Luhhhhh!!!! Baka ma-turn off toh sa'kin????? Waaaaaaaaaa!!!!!!! Shems!!!!! Lamunin na ko ng lupa ngayon na!!!!!!!!
"Tsk," napailing pa na akala mo'y na-disappoint sa nakita niya.
"A-ahmm, nin--ninakaw kasi y-yung cellphone k-ko kaya binigyan ko lang ng leksyon."
"Don't explain yourself, Miss. I don't even know you so I don't care either," malamig niyang sabi kaya biglang nasaktan ako kasi kahit pala saktan ako ni Kuya Magnanakaw sa harap niya ay wala pa rin siyang pakealam dahil lang sa hindi niya ko kilala. Grabe naman toh! Nakakasakit ng feelings!
"Alyanna," sabay lahad ng kamay ko pero tinapunan lang niya yun ng tingin at tumingin sa'kin na nangunguwestiyon ang tingin.
"So? I'm not interested."
At bigla siyang tumalikod sa'kin. Ang sunget! At bigla may pumasok sa isip ko na sure akong mapapalingon siya. Pag lumingon ka lang talaga akin ka na! Bwahahahahahaha!!!!
"PUUUUUUURAAAAAAAAAAAAWWWW!!!!!!!!!"
Naramdaman kong sumakit ang lalamunan ko dahil tinodo ko ang pagsigaw ng pangalan niya.
At sa gulat niya ay bigla na lang siyang lumingon sa'kin nang may madilim na mukha. Oh ow? This is war.
Pero the mere fact na humarap siya sa'kin. Namula bigla ang pisngi ko. At hindi pinansin ang galit niyang tingin sa'kin... Hihihihihi!!!
Puraw...
Puraw...
Puraw....
Let's see kung hanggang saan ang kasungitan mo sa'kin.
I'm gonna make you fall in love with me... Mark my word.