Chereads / PURAW (Ang Gwapong Mangyan) *ongoing* / Chapter 12 - Chapter 9 (First Love)

Chapter 12 - Chapter 9 (First Love)

Puraw's P.O.V.

Dalawang linggo na ang nakalilipas, at natapos na rin ang Interhigh. As expected, kami ang nanalo plus naging MVP pa ko. Masayang-masaya ako pati na rin ang buong team kaya nagkaroon ng salu-salo sa bahay.

At mula ngayon ay tatlong araw na lang ay pasukan na namin. Noong isang araw ay sabay-sabay kaming pumunta nina Kangkang at Jordan sa Robinson para bumili ng school supplies. After that ay nagkayayaan naman manuod ng sine at kumain sa night market. Nilubos-lubos na namin ang paggagala dahil pagdating ng pasukan ay kailangan ko nang magfocus sa pag-aaral dahil pangarap kong makapagtapos na may Latin Honors tulad ng Ate ko. Kaya matindi-tinding pagsusunog ng kilay ang gagawin ko.

It's now August 1... Ang araw na ayoko nang maalala pa. It's been 3 years nang mawala siya. At tatlong taon pa rin akong nasasaktan.

I don't believe in first love never dies because literally she died. My first love died three years ago.

At wala man lang akong nagawa. I'm only 14 years old that time nang ma-inlove ako sa kanya. I don't consider us as "puppy love" kasi I know mas malalim pa d'on ang nararamdaman namin para sa isa't isa.

Naging masaya kami hanggang sa pagkatapos ng dalawang taon ay nangyari na ang pinakamasalimuot na karanasan sa buhay ko. Namatay daw siya sa sakit na cancer at hindi na naagapan pa n'ong nag-decide ang pamilya niyang pumunta sa America para ipagamot siya. 16 years old na ko that time. Nalungkot ako kasi magkakahiwalay kami pero sabi ko sa sarili ko kailangan kong magsakripisyo para gumaling siya. Kaya ko namang maghintay eh, basta bumalik lang siya sa'kin na magaling na. Pero yun nga, tinawagan ako ng mommy niya at sinabing hindi na niya kinaya ang gamutan kaya iniwan na niya ko... iniwan na niya kaming lahat.

Naging miserable ako pagkatapos kong marinig ang balita sa kanya to the point na gusto ko na ring tapusin ang buhay ko. Wala eh... hindi ko kinaya yung sakit at parang gusto ko na lang mamatay para matapos na lahat ng kirot na nararamdaman ko.

Pero pasalamat ako sa mga kaibigan ko. Maging ang pamilya ko dahil sila ang umagapay sa'kin. Kaya na-realize kong kailangan kong magpatuloy dahil hindi niya gugustuhing malungkot ako kaya nagpakatatag ako hanggang sa matanggap ko na. Tanggap ko nang wala na talaga ang pinakamamahal ko.

Narinig ko ang sunod-sunod na ring ng cellphone ko at nakita kong tumatawag si Jordan. Anong problema nire?

"Hello!"

("Woy! Ok ka lang?")

"Huh? Bakit? Oo naman. Problema mo?"

("Seryoso ka? Ok ka laang? Alam mo bro. Iinom na laang natin yan.")

"Tss.. H'wag kang ewan d'yan, Dan! Ok ako, ok?!"

("Suss!!!! H'wag ka na ngang magkaila pa. Alam ko malungkot ka ngayon dahil death anniver-")

*Tooot*toooot*tooot*

Binaba ko na dahil ayaw ko nang marinig ang susunod niyang sasabihin.

Ilang minuto lang ang nakalilipas nang tumunog muli ang cellphone ko.

(KangKang's calling)

"Hello,Kang?"

("Hey, Puraw. Ahmmm. Ok ka laang ga?")

Tss. Isa pa 'to. Alam ko namang nag-aalala lang sila sa'kin. Pero ok laang naman talaga ako.

"Yeah. Ok lang Kang. Don't worry... Sige na, may pupuntahan pa ko."

("Ok. Tawagan mo ko huh kapag kailangan mo ng kausap.")

"Yeah. Salamat."

Pagkatapos kong ibaba ang linya ay bumaba na ko at naabutan ko na silang kumakain.

"Oh, anak may lakad ka ga? Kumain ka muna dine," anyaya sa'kin ni Nanay.

Kaya umupo na lang ako at sinimulan nang kainin ang pagkaing nasa harap ko.

"Pupuntahan mo siya?" Tanong ni Ate kaya napatigil ako sa pagnguya at tumingin sa kanya.

Alam nila ang araw na ito. Dahil sila ang kasa-kasama ko noong panahong lugmok ako sa t'wing sumasapit ang eksaktong araw ng pagkamatay niya.

Maging ang Nanay at Tatay ay napatigil din at ramdam ko na naiilang sila.

"Matagal na yun, Puraw. Tatlong taon na rin ng mawala si Rien," dagdag pa niya.

Pabagsak kong binitawan ang aking kutsara kaya nagitla silang lahat. Ayoko nang marinig ang pangalan niya. Napayuko si Ate at hindi naman makatingin sa'kin sila Nanay.

Alam ko namang wala na siya. Alam na alam ko. Hinding-hindi ko yun makakalimutan pero masama bang puntahan ko ang nagpapaalala sa'kin na kasama ko pa rin siya? Masama ba yun?!

"H'wag mo nang banggitin ang pangalan niya... D--dahil s-sa t--uwing nar--naririnig ko 'yan. Hindi ko pa rin kayang tigilang mahalin siya."

Biglang tumulo ang kanina ko pang pinipigilang luha sa mga mata ko.

Tanggap ko naman talaga pero nandito pa rin yung sakit.

"I'm s-sorry. Pero 'Toy hindi masamang buksan mo ang puso mo sa iba. H'wag kang magpakalugmok sa taong matagal nang patay," wika niya.

Tiningnan ko lamang siya at bumaling sa dalawang naroon din at hindi alam kung anong sasabihin para pahupain ang tensiyon na namamagitan sa'min ng kapatid ko.

Napakuyom ang kamao ko sa sobrang pagpipigil ng galit. Ayokong sagutin ng pabalang si Ate dahil malaki ang respeto ko sa kanya at isa pa'y pinalaki ako nila Nanay na hindi dapat sinasagot-sagot ang nakakatanda. Pero sobra ang pagkainis ko sa kanya. Kahit alam kong concern lang siya sa kalagayan ko.

"Sibat lang po ako Tay... Nay. Uuwi din ho ako mamayang hapon." Paalam ko at tumayo na para umalis. Hindi ko na sinulyapan pa si Ate dahil naiinis ako sa kanya.

Mabilis akong sumakay ng tricycle na nakaabang sa tapat ng bahay. Ilang saglit ay pinatigil ko muna ang sasakyan sa isang flower shop.

Kumuha lang ako ng red roses at binayaran na ito saka muling sumakay sa tricycle.

Paborito niya ang pulang rosas at naaalala ko pa kapag nalulungkot siya, binibigyan ko lang siya nito ay nagiging masaya na siya ulit.

Bumuntong hininga ako.

Namimiss na kita. Yung ngiti mo... yung tawa mo... yung mga yakap mo sa'kin. Lahat namimiss ko.

Nakarating na kami kaya nagbayad na ko sa driver at bumaba na. Sumalubong agad sa akin ang malamig na hangin. Sariwa pa sa'kin ang lahat. Parang kahapon lang at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.

Pumasok na ko sa gate at tumambad sa'kin ang malungkot na awra ng kapaligiran. Dumeretso ako sa paglalakad hanggang sa makita ko na ang pakay ko.

Namataan ko pa ang tuyong mga rosas na nakalagay sa gilid ng lapida niya. Isang taon na rin mula nang pumunta ako rito.

Mula noong namatay siya, hiniling ko sa mga magulang niya na dito sa Pilipinas ilibing ang mga labi niya. Dahil na rin sa awa sa kalagayan ko noon ay pinagbigyan nila ako.

At taon-taon akong pumupunta rito para bisitahin siya.

Nilinis ko ang lapida niya at inilagay doon ang mga rosas na binili ko para sa kanya.

"Kumusta ka na d'yan? Ako? Enrolled na, HAHAHA. Yung pangako ko sa'yo na magtatapos. Tutuparin ko yun kaya h'wag kang mag-alala sa'kin. Alam ko namang binabantayan mo ko d'yan sa langit. Kaya good boy ako. HAHAHA."

Ilang saglit pa at hindi ko na napigilang umiyak sa harap ng libingan niya.

"Bakit mo ko iniwan, Rien? Kaya nga ako pumayag na magkahiwalay tayo para maging maayos ka sa America. Pe-pero bakit nagawa mo pa rin akong iwan?"

Hindi ko na pinansin ang mga luhang patuloy lumalandas sa mata ko. Gustong-gusto ko nang makaahon sa sakit pero hindi ko alam kung papaano. Please, help me to ease the pain... I can't take this anymore, Rien. Hindi ko na kayang patuloy na umiyak nang umiyak dahil alam kong hindi ka na babalik. Pagod na ko...

"Akalain mo nga namang magkikita tayo dito. At sa ganyang kalagayan pa," napatingin ako sa nagsalita sa likod ko.

Anong ginagawa niya dito? Ba't ba sa mga hindi inaasahang pagkakataon ay palagi ko siyang nakikita. Ano ba talagang papel mo sa buhay ko, Alyanna?!

"Why are you here?" Malamig kong turan pero hindi man lang naapektuhan sa cold treatment ko at umupo pa sa tabi ko. Ayos ah!

"Bumili kami ng gamit sa school, kasama ang kambal tapos napadaan kami rito then nakita kita kaya pinauna ko na sila sa pag-uwi."

"Bakit?"

"Anong b-bakit?"

"Bakit ka pa pumunta rito? Dapat umuwi ka na lang. Hindi kita kailangan," ani ko.

"Owws? Don't me! Masakit yan pag dinibdib mo masiyado. Nakakabaliw! Hindi masamang mag-share. Hindi mo naman ako kilala 'di'ba? Pwede kang magkuwento. Promise, no judgement!" Sabay taas pa ng kanang kamay niya na parang nanunumpa. Parang baliw.

Siguro nga'y tama siya. Sarili ko lang din ang pinapahirapan ko.

Bumuntong hininga ako.

Wala namang masama kung ikukuwento sa kanya 'di'ba? Tutal, hindi ko naman talaga siya kilala maliban sa pangalan niya.

Kinuwento ko sa kanya lahat. Simula nang magkakilala kami ni Rien hanggang sa maging kami pati na rin yung pagkamatay niya kinuwento ko na rin.

At habang nagsasalita ako pansin kong nakikinig lang siya at nakatitig sa'kin. Tahimik lang siya at kung titingnan para siyang huwarang estudyante na talagang tutok sa sinasabi ng teacher niya.

Hanggang sa matapos ako sa pagsasalita ay tahimik siyang nakatingin sa'kin. At hindi ko maipagkakailang gumaan ang loob ko matapos masabi sa kanya ang lahat.

Sa mga kaibigan ko kasi hindi ko magawang ikuwento ang totoo kong nararamdaman. Lagi kong pinaniniwala ang sarili ko na ok lang ako kahit hindi naman talaga.

"Rien Nazreen Villafuerte. Born: June 26, 2001. Died: August 1, 2014," mahinang basa niya sa nakasulat sa lapida.

"Ang ganda ng pangalan niya. Sure akong maganda rin siya sa personal."

"Y-yeah siya ang pinakamagandang babae sa paningin ko."

"Ang suwerte niya sa'yo kung ganun." Tumayo siya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Minsan kailangan natin tanggapin na may mawawala... Na may aalis... May maiiwan. Pero sa kabila ng lahat may dadating na magpapabago ng buhay natin. Ang kailangan lang nating gawin ay bumitaw sa nauna para makapagsimula sa panibago." Ani niya habang nakatingin sa kawalan.

Napatulala ako sa sinabi niya. Tagos sa'kin lahat ng binitawan niyang salita. Pero may isang kataga doon ang nagpalito sa'kin.

Ang kailangan lang nating gawin ay bumitaw sa nauna para makapagsimula sa panibago.

Ang kailangan lang nating gawin ay bumitaw sa nauna para makapagsimula sa panibago.

Ang kailangan lang nating gawin ay bumitaw sa nauna para makapagsimula sa panibago.

Ang kailangan lang nating gawin ay bumitaw sa nauna para makapagsimula sa panibago.

"A-anong ibig mong sabihin?" Nalilito kong tanong kaya napatingin siya sa'kin.

"Kung patuloy kang maghuhukay pailalim, asahan mong hindi ka na makakaahon pa... Kung patuloy mong pagdudusahan ang sakit ngayon, hinding-hindi ka liligaya sa hinaharap." Mariin niya kong tinitigan.

Iyon na naman ang mga mata niyang mapang-hipnotismo. Parang hinihigop pati ang kaluluwa ko kaya hindi ko mapigilang titigan din ang mga mata niya.

"Salamat, A-Alyanna," kusang lumabas ang salitang yun sa bibig ko. At nagulat siya kaya nanlaki ang mga mata niya. O.A. nito!

"W-welcome. Hehehe," usal niya na parang nahihiya. Nangyari dito? Parang kanina lang kung makapag-advice siya tapos ngayon dadalihan niya ko ng ganyang itsura.

Yung dalawang kamay niya kasi nasa likod niya tapos parang sini-sway yung katawan niya at nakayuko. Parang sira!

Tumayo na ko sa pagkakaupo kaya napatigil siya at tumingin sa'kin.

"Uuwi ka na?" tanong niya sa'kin.

"Oo, baka hinahanap na ko ng Nanay ko."

"Ahhh, pasabay ako. Hehe."

Tumango na lang ako at sabay kaming naglakad papalabas ng sementeryo.

"Wa-wait." Napatigil ako at tumingin sa kamay niyang nasa braso ko na.

Napatingin din siya doon at parang nabigla kaya napabitaw siya sa'kin.

"Ah-ahmm... Ano.. f-friends na ba tayo?"

"Sure. Friends." Sabay lahad ng kamay ko at mabilis niya namang tinugunan.

I know naman na hindi maganda ang simula namin kaya I'm gonna give myself a chance. A chance to know her more.

Gusto ko siyang makilala hindi dahil interesado ako sa kanya. Kundi dahil alam kong parehas kaming nakaranas ng sakit.

Hindi ko man sabihin pero alam kong parehas lang kaming may suot ng maskara.

Sino ka ba talaga, Alyanna?