Alyanna's P.O.V.
"Naiiyamot na ko dine! Kapag pagarne-garne ang trabaho bagá. Ayyy, si-ya! Kagahapon pa kong gumupit nang gumupit. Tapos gay-on laang sasabihin nila sa'kin! Ayyy naku! ... Ayyy S'YANG HINDI NARARAPAT!!!!"
Kanina pa kami rito sa kubo malapit lang sa room namin. At kanina pa rin akong naririndi sa bunganga nitong si Kangkang. Yup, you heard me right?! Kangkang na rin ang tinatawag ko sa kanya kasi nga parte na rin naman daw ako ng kanilang friendship. Toinks!
May group presentation kami mamaya pero napahiwalay sa'min si Kangkang kaya kanina pa siya- I mean kahapon pa pala siya badtrip dahil nga hindi namin siya kagrupo nina Puraw at Jordan at yung mga kasama niya sa group ay pala-utos lamang sa kanya.
"Ano ga Kang!? Kainaman ang bunganga mo! Ako'y naririnde na mandin! Para kang ulaga diyan!" Naiinis na amok ni Jordan habang tutok na tutok sa paglalaro ng ML.
"Hmmp! Epal ka talaga Udan!" Irap pa ni Kangkang.
Habang ang isa naming kasama ay walang pakealam at nagbabasa lang ng libro. Sipag talaga...
Minsan hindi ko sila maintindihan dahil yung mga salita nila sila-sila rin ang nagkakaunawaan kaya minsan naa-out of place ako. Tapos kapag kausap ko sila parang hindi na humihinga sa bilis ng buka ng bibig. Ako tuloy ang nahihirapan para sa kanila. Tapos one time kausap ko si Kangkang nun. Tapos may konti kaming pinagdebatehan aba'y nagulat ako nang taasan niya ko ng boses. Kaya tinanong ko siya kung galit siya sa'kin sabi naman niya gano'n lang talaga raw siya magpaliwanag. Napakamot na lang ako sa ulo dahil minsan ang weird nila.
"Magsitigil kayong dal'wa. Para kayong mga bata." Mahinahong lahad ni Puraw na sinara na ang binabasang libro at tumingin ng masama sa dalawang kaibigang nagbabangayan.
"Ehhhh, s'ya naman kasi! Ingay na ingay hindi tuloy ako makapag-concentrate dine sa laro ko! Kapag ako laang talaga dine'y natalo! May kalalagyan ka sa'kin." May pagbabantang saad ni Jordan.
"Subuke! Akala mo naman talaga'y totoo, ihh! Cancer naman sa ML! Kung ika'y rinde na aba'y lumayas ka dine!" Si Kangkang habang naggugupit pa rin.
Napairap na lang ako sa kanila sabay tingin kay Puraw na nakatingin na rin pala sa'kin kaya nahiya ako sa naging asal at napapahiyang ngumiwi sa kanya. Napapailing na lamang itong umalis kaya natahimik ang kaninang nag-aaway at maging ako'y natameme.
"Anyare don?" Si Jordan.
"Hindi kinaya ang pagka-isip bata n'yong dalawa! My gosh! Ganyan ba talaga kayo! Pati maliliit na bagay pinag-aawayan! Ghaaaad!!!" Lingon ko sa kanila at napatunganga sa'kin ang dalawa. Parang timang! Umirap muli ako at tinahak ang kaninang nilakaran ni Puraw.
"Ayy, Ala! Bakit gay-on? Iniwan nila tayo?" Bulong ni Kangkang.
Bahala na kayo d'yan. Tss!
~****~
Sa wakas ay nakahinga rin kami ng maluwag dahil nakaraos na kami sa mga gawain especially yung presentation ay naging maganda naman ang resulta dala na rin siguro ng magagaling at competitive kong kagrupo which is sina Puraw at Jordan. Kaya hinihintay na lang namin ang prof sa huling subject ngayon at pagkatapos no'n maaari na kaming umuwi.
"Hey, Alyanna ang galing mo kanina sa presentation." Si George, kaklase namin na nakadungaw sa unahan ko at nakangisi sa'kin.
"Nang-iinsulto ka ba?" Naiinis kong tanong at lihim pa kong napairap dahil ang role ko lang naman kanina sa presentation namin ay taga-pindot lang ng power point at yung dalawang kasama ko ang nag-eexplain. Edi sila na!
"Hahaha, ang galing mo kaya dahil mukha kang seryosong nakaupo don sa unahan tapos pang-professional ang datingan mo! HAHAHAHA... Hula ko nakaupo rin grades mo kay Sir Gonzales. Hahahaha!!" Siya na nakahawak na ang kamay sa tiyan sa sobrang pagtawa.
"Aba't gag* 'to, ah-" Hinaklit ko ang kuwelyo niya kaya napatayo siya sa malakas kong paghatak.
Napataas naman ang dalawang kamay niya na parang sumusuko na at nanginginig na tumingin sa'kin.
Maging ang mga kaklase ko'y natahimik at hindi alam kung mananatili bang walang pakealam o susubukang umawat sa'min. Subukan lang nila!
Sina Kangkang naman ay nakatayo na sa may likod ko at hinihila ako pahiwalay sa panget na'to.
"Anong sabi mo kanina? Nakaupo grades ko? Baka gusto mo po paupuin din kita? Sa marahas na paraan nga lang..." Sabay pinatunog ko ang kamao ko kaya napalunok ang bugok.
"Ahhh.... Hehehe, Alya--Alyanna... Ano ka ba? Joke lang 'yon hehehe peace na tayo, pleeeeease???"
Padarag ko siyang binitawan kaya napasubsob yung mukha niya sa kanyang silya. Buti nga sa kanya... Pasalamat talaga siyang hinila ako nina Kangkang at Jordan kundi baka 'di ako nakapagpigil nasapak ko na siya ng isa!
Napaayos kaming lahat nang pumasok na ang prof namin.
"What's going on here?"
"Wala po Ma'am." Sagot ni Kangkang at makahulugang tumingin sa'kin at kay bugok.
"Okay. Sitdown."
At maagap na kong umupo sa'king puwesto.
"Class, before ako mag-discuss. Gusto ko lang kayong i-inform na magkakaroon kayo ng 3-days field trip this coming Friday to Sunday. Makakasama niyo ang ibang 1st year sa bawat department." Bungad agad ni Ma'am Leslie.
Maraming napahiyaw sa tuwa at kasama na ko don. Dahil ibig sabihin nun walang klase! Hahahaha... Biglang nawala ang pagkabadtrip ko dahil sa naging balita ni Ma'am.
~****~
Navarro's Residence
"Yana!!!!" Yooooohooooo! Woi! Yana, lumabas ka d'yan sa lungga mo! Bilise naghihintay kami dine ni Maleng!!!!" Istorbong bulyaw ni Aning sa pintuan ng kuwarto ko.
Takte!
Binuksan ko na agad ang pinto dahil nakakarindi talaga boses ni Aning. At bumungad sa'kin ang kambal na parehas na seryosong seryoso.
"Oh! Bakit ba?" Mataray kong sabi.
"Ano yung nabalitaan namin kanina, huh?! Nakipag-away ka na naman daw! H'wag kang tatanggi! Sinabi sa'kin ni Jordan!!!" Duro sa'kin ni Aning habang nakapameywang pa. Lakas! Dinaig pa si Mama sa panenermon ahh! Ang galing!
"Oh, ano naman? Pake mo?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Anong pake? Hoy! Yana, may pakealam talaga kami dahil pinabantayan ka sa'min ng Mama mo. Akala ko ba magtitino ka? Eh bakit-"
"Aning, tama na. Hayaan mo munang magpaliwanag si Yana." Putol naman ni Maleng sa kambal.
"Wala akong panahon sa sermon mo Aning kaya please tigilan niyo muna ako. Wala ako sa mood."
"Tsk. Ulitin mo pa! Sasabihin ko na sa Mama mo 'yan.... Kakain na raw sabi Nanay Lolit." Galit na paanyaya ni Aning.
Hindi na ko nakipagtalo pa kaya nauna na ko sa pagbaba habang ramdam ko ang matatalim na tingin ng kambal na nakasunod sa likod ko.
Tahimik lang kami na kumakain. Maging si Nanay Lolit ay nawiweirduhan dahil sa hindi kami nagkikibuang tatlo. Pinabayaan ko na sila at tinuon na lang ang aking sarili sa pagkain. Wala akong gana ngunit pinilit ko pa ring sumubo ng ilan.
"Tapos na ko." Hindi ko na sila pinasagot pa at dali nang tumayo papunta sa aking kuwarto. Gusto ko nang magpahinga...
Someone's P.O.V.
Kringggg....Kringggg....Kringggg.....
"Hello, Boss."
"Oh, kumusta na yung pinapagawa ko?"
"Boss.... ka-kase... Nagmamatigas pa rin eh."
"D*mn! WALANG SILBI!!! simpleng-simple ng pinapagawa ko!"
"Sorry, boss. Hindi yata gusto ng mahinahong pakiusap eh. Ano, boss? Tumbahin ko na?"
"H'wag. May plano ako."