Chereads / PURAW (Ang Gwapong Mangyan) *ongoing* / Chapter 17 - Chapter 14 (Field Trip 1.0)

Chapter 17 - Chapter 14 (Field Trip 1.0)

Alyanna's P.O.V.

It's now Friday. Meaning ngayon na yung field trip namin. At hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagpapansinan n'ung kambal. Ewan ko ba sa sarili ko, sobrang taas ng pride. Well, aware naman ako sa ugali ko. Siguro...mamaya susubukan kong kausapin yung dalawa.

Alas kuwatro na at 5:00 am ay dapat nasa school na kami dahil sasakay kami sa school bus daw so kapag na-late kami ay iiwan daw kami ayon kay Ma'am Leslie.

Nandito pa ko sa kuwarto at paulit-ulit na chinecheck ang mga dadalhin kong gamit. Baka kasi may makalimutan ako, mahirap na.

Nang masigurong wala naman akong nalimutan ay bumaba na ko. Narinig siguro nina Nanay Lolit at nang kambal ang pagbaba ko kaya mabilis nila akong nilingon. Kumakain na yung dalawa. Hindi man lang ako sinabay?!

"Oh, Alyanna. Magmadali ka na para makaabot kayo sa jeep pa-Minscat. Bilise ang kilos, aba! Sumabay ka na dine sa dalawang kumain." Si Nanay Lolit.

Dali-dali nga akong umupo at kumuha ng sinangag at isang hotdog. Nilingunan lang ako ng dalawa at tumuloy na sa pagkain.

Mamaya ko na lang sila kakausapin dahil kailangan na namin umalis. Baka maiwan kami ng jeep, patay na at baka 'di makasama sa field trip. Balita ko kasi ililibot daw nila kami sa mga ipinagmamalaking lugar dito sa Oriental Mindoro. At dahil nga 'di naman talaga ako taga-rito kaya ako yata ang pinaka-excited sa field trip na 'to. Hihihihi...

Hindi ko na yata nginunguya ang pagkain ko at puro lang lunok kaya naunahan ko pang matapos sina Aning at Maleng. Maya maya pa'y natapos din sila kaya wala na kaming sinayang na oras at lumabas na sa mansion.

Pasalamat na lang ako at may naabutan pa kaming jeep. Kung hindi lang kasi kontrabida si Mama edi nakasakay na kami sa kotse ko. Tss...

"Ahmmmm... Hey, p'wede bang kausapin n'yo naman ako?" Hindi ako makatingin sa kanilang dalawa na nasa tapat ko.

Buti na lang kami palang ang pasahero rito. Ngayon lang ako nakaramdam ng kahihiyan.  Hayst! Hindi naman ako gan'to dati ahhhh!

"Bakit na-miss mo kami?" Mataray na saad ni Aning.

"No.. a--ahh I m-mean y-yes. Tsk." Buntong hininga akong yumuko. "Fine, I  know you guys are concerned. Pero alam ninyo naman na I used to it. Gan'to na ko... takaw-gulo pero iniiwasan ko naman eh."

"Then, kulang ang pag-iwas mo. Dapat kasi hindi mo na lang pinapatulan.." Himig pa rin ang inis ni Aning kaya hindi na lang ako sumagot pa.

"Ok na 'yon Yana. Ikaw laang naman hinihintay namin. H'wag mong pansinin si Aning... Namimiss ka laang n'yan." Tudyo naman ni Maleng kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Siya kasi palagi ang pumapagitna sa'min ni Aning sa t'wing nag-aaway kaming dalawa.

Hindi na muli kami nagkibuan. Nanginginig ang labi ko dahil sa sobrang lamig. Nasa maleta ko pa naman yung jacket, kainis!

"Ohh." Napakunot ako nang may bumato sa'kin. Yumuko ako at n'on ko lang napansin na jacket pala yun.

Tumunghay ako at nakita si Maleng na nakangisi habang nakaturo ang isang daliri sa katabi. Ang isa naman ay patay-malisya. Patampo-tampo pa! Concern naman....

Nangingiti akong sinuot yung jacket hanggang sa nakarating na nga kami sa school.

Sa may grandstand nakahilera na ang isang school bus at anim na jeep na ni-rent ng school. Sobrang dami kasi naming 1st year students kaya need talagang maraming transpo.

Magkakasama ang magkaka-department kaya mapapahiwalay sa'kin ang kambal. At sama-sama naman kami ng Tropang Kachupoy. Yeah, you heard it right?! Akala ko pangalan na ni Puraw ang pinaka mabantot.... Hindi pa pala... Si Jordan lang naman kasi ang may pakana ng pangalan ng grupo namin. So weird... May group chat din nga kami... Pero ang boring kasi dakilang seener si Puraw, nahihiya naman akong i-chat baka kasi sabihin niya nagpapapansin ako. Haissttt!!!

"Bebe Yanaaaaaa!!" Napairap ako sa malakas na tawag na 'yon ni Jordan.

Kumakaway silang dalawa ni Kangkang na nasa loob na ng jeep at naghihintay sa'kin. Habang si Puraw ay nanatiling walang pakielam sa paligid at tanging nagpapasaya na lang yata sa kanya ay ang kanyang libro.

Lumingon ako sa kambal na nakangiti na sa tatlo. At nang lumingon na sa'kin si Aning ay naging mapait na naman ang mukha nito. Ang arte!

"Sige, Yana. Punta ka na d'on. Kitakits na lang tayo mamaya.." Si Maleng.

Hinila na niya ang kanyang kambal sa designated nilang sasakyan. At ako naman ay umupo na sa pagitan ni Puraw at Jordan dahil iyon na lamang ang bakanteng space habang si Kangkang naman ay nasa kanan ni Jordan. Nasa pinaka-una kaming parte sa likod ng driver at katabi naman nito ang mistulang tour guide raw namin.

"Kumpleto na ga?" Tanong ni Kuya Driver.

"Yes po Sir!" Sagot naman ng class president namin.

"Ge, ta'na!(tara na!) Ayyy, Madam! San ga ho ang punta ng mga ire?" Tanong niya sa aming tour guide habang iniistart na ang makina ng jeep.

"Ahhh, yes! Before that I just want to introduce myself. I am Catalina Salvador from Arts and Sciences Department and I will be your tour guide. So ganito huh... Sa last day lang kayo magkakasama-sama ng lahat ng department. That's the instruction. Meaning kayo-kayo lang muna sa first and second day." Paliwanag niya.

Napa-awww naman kaming lahat dahil doon. May iba pang napa-irap dahil hindi nila makakasama ang mga jowa nila dahil nasa ibang department.

"Rotation ang mangyayari. Iba-iba ang schedule ng pagpunta pero lahat yun mapupuntahan natin at sa last day ang last stop natin ay pare-parehong sa resort ng Lewis Family. Bale doon niyo makakasama ang taga-ibang department. The goal of this trip ay para magkaroon kayong lahat ng magandang ugnayan sa isa't isa." Nakaharap ang ulo ni Ma'am Catalina sa'min habang nagsasalita. "So our first trip, we'll going to Naujan to see the historic Bancuro Church..."

"Hey."

Napalingon ako kay Puraw na nakatingin na pala sa'kin. Nahiya naman ako sa itsura ko. Excited lang talaga ako.

"Hindi ka pa nakakalaog dine sa amin, ano? Kaya mukha kang batang excited di-yan?!" Siya na nakangisi kaya napairap na lamang ako.

"Ano naman sa'yo? Epal." Inis kong sabi kaya lalo siyang tumingin nang nang-aasar.

Bumalik na lang siya ng pagbabasa habang ako'y kulang na lang pingutin ang tenga niya. Nabigla naman ako nang may kumulbit sa'kin sa balikat. Tss.  Isa pa 'tong si Jordan. H'wag niyang susubukan na mang-asar. Malalagot 'to sa'kin!

"Bakit?" Mataray kong saad.

"Luh? Bakit ika'y galit?" Parang bata naman niyang sabi.

"Hindi ako galit. Ano kailangan mo?" Mahinahon kong sabi.

"Ikaw."

"Huh? Pinagsasabi mo d'yan?"

"Ikaw nga kailangan ko para tulungan akong kainin ang mga 'to." Sabay bukas niya sa bag na punong-puno ng tsitsirya at biscuits.

Nag panic buying?

"Ano akala mo sa'kin patay-gutom?!"

"Luh?! Wala naman akong sinasabi... Ayaw laang kasi ni Kangkang tulungan ako ohhh! Tingnan mo, 'di ako pinapansin, puro cellphone."

"Sorry, Dan! Diet ako." Singit naman ni Kangkang habang busy pa rin sa cellphone niya.

"Pweaaaseeee??? Pagbigyan mo na kasi ako mahal ko. Ayyy este m-mahal k-kong ka-kaibigan. Tama! Kaibigan, Hehehehe!"

"Fine." Sabay kuha ko ng piattos.

"Kuha ka laang dine, huh! Pag gusto mo pa."

Tumango na lang ako sa kanya at nilantakan na ang hawak ko.

Buong byahe ay kumakain ako. Salamat kay Jordan dahil busog na busog ako.

Tumigil na ang jeep. "Andine na tayo." Masayang lahad ni Kuya Driver.

Bumaba na kaming lahat at bumungad ang malaking simbahan.

"So guys, this is the Bancuro Church Ruins. And it is one of the historical tourist spots in Oriental Mindoro. Built in the 17th century by the Augustinian friars, the church has been razed to the ground by Moro pirates. But much of its bricks and structures remain. The local church authorities built a chapel near the ruins. Here, visitors can pray and attend masses." Si Ma'am Catalina.

"Oh."

"Huh?" Nalilito akong tumingin kay Puraw na nasa tabi ko pala.

Yumuko ako at doon ko pa palang nakita ang isang supot.

"H'wag ka mas'yadong kumain ng junk foods. 'Yan na laang kainin mo. A-ako n-nagluto ni-yan. Kaya ubusin mo 'yan." Hindi siya makatingin ng deretso sa'kin. Nahihiya rin pala ang isang 'to.

"Bakit mo ko binigyan ng niluto mo?" Tudyo ko sa kanya.

"Tss. Ayaw mo naman, 'di h'wag!" Bawi niya sa supot.

"Woy! Joke lang. Hahahaha, ang pikon mo. Akin na 'yan!" Hablot ko sa supot.

Binuksan ko ito. Whew.... Suman sa lihiya...

Kahit busog na busog ako... Uubusin ko pa rin 'to... Shemmms!! Kinikilig ako!

~****~

Ang lawak din pala ng Oriental Mindoro. Pumunta rin kasi kami sa Silonay Mangrove Eco-Park, Suqui Beach at TAMARAW Falls sa Puerto Galera. Sabi ni Ma'am bukas naman daw ay aakyat kami sa Mt. Halcon.

Nakakapagod pero worth it naman dahil ang ganda ng mga lugar! Kung may time ako baka bumalik ako roon.

"Water/tubig." Sabay nina Puraw at Jordan kaya nagtinginan silang dalawa habang parehong nakalahad sa harap ko ang mineral water.

Sasagot pa sana ako nang kunin na ni Kangkang ang mineral water na hawak ni Puraw. "Thanks. Nauuhaw na nga ako." Sabay alis nito.

Buntong hininga akong kinuha kay Jordan ang offer niyang tubig at nagpasalamat dito.

Naguguluhan ako sa kinikilos ng dalawang yun. Bahala sila...

"Attention, guys." Tawag ni Ma'am Catalina. "May isa pa tayong pupuntahan. Doon na rin tayo magpapalipas ng gabi. Dito lang din naman sa Puerto Galera."

Sabay-sabay kaming tumango. Buti pala may dinala akong tent. Gusto kong mag-star gazing. Shemmms...Exciting!!

Sumakay na kaming muli sa jeep. Naging mabilis ang byahe namin kaya alas tres ng hapon ay nakarating na agad kami.

"Welcome to Mangyan Village of Sitio Talipanan, Brgy. Aninuan, Puerto Galera, Oriental Mindoro." Ma'am Catalina.

Wow lang, grabe ang ganda. Nasa paanan kami ng bundok. Tapos may mga bahay na gawa sa kahoy at pawid. May naglalarong mga bata at ang mga matatanda naman ay may kanya-kanyang ginagawa.

"As you know everyone. The Mangyans, the indigenous people of Mindoro Island,  consists of 8 ethnic sub-groups, and one of them are Irayas. Dito sila payapang naninirahan. Mostly ang ikinabubuhay nila ay ang nito weaving." Paliwanag ni Ma'am. "So your duty here ay makipamuhay sa kanila, meaning gagawin n'yo rin ang mga ginagawa nila. First, lahat tayo ay aalisin ang mga sapin sa paa. As you observed naman, Irayas never wore slippers, wore old and torn clothes, and could rarely afford to eat rice in a week, surviving by gathering lami or sweet potato." Dagdag pa niya.

Kaya mabilis naming inalis ang mga sapatos namin at ipinaglalagay sa bag.

"I'm gonna group you in to two. Kayong magkapartner ang magkasama hanggang mamayang gabi at makikitira sa bawat bahay ng ating mga minamahal na Mangyan. They will teach you on how to create their best-selling handicrafts with the use of nito. Then bawat magkapartner din ay magkakaroon ng tig-iisang tour guide na mula sa Iraya group. Why? Because in that way we can help them kahit konting halaga lang. Don't worry worth it naman dahil ililibot nila kayo sa buong community nila. So please, cooperate." Paglalahad ni Ma'am.

"And because you all guys are business ad student. Lahat ng magagawa niyong nito product ay ipagbibili niyo at ang malilikom na pera ay ibibigay natin sa mga Irayas. Ayos ba yun?"

"Opo naman Ma'am." Kaming lahat.

"Delos Santos... Quitain"

"De Asis... Melendrez"

"Jacinto... Felonia"

....

"Bezuidenhout... Villa

and

Lewis.... ahmm.. Navarro."

"Ma'am, ayaw ko po kapartner si Kangkang! Panget 'yan!" Reklamo ni Jordan.

Nagtawanan naman kaming magkakaklase dahil sa pagka-isip bata ni Jordan.

"Kapal neto ah ah!" Bulyaw naman ni Kangkang.

"Sorry pero hindi na puwede baguhin dahil si Doc Jamaica ang gumawa ng list na 'yan." Sagot naman ni Ma'am.

"Grabe naman Puraw ang kapatid mo! Walang consideration. Dapat pala tinawagan ko para partner kami ni Alyanna. Hanep na 'yan!" Bulong ni Jordan kay Puraw kahit rinig ko naman.

"Tss. H'wag ka nang magreklamo. Isusumbong kita kay ate." Si Puraw.

"Luh, kaibigan. Ako'y nagbibiro laang. Hehehe, ganda kaya ni ate Doc." Nahihimigan ng kaba ang isa. Akalain mong takot 'to kay Doc Jamaica. Hahahaha!

"Ta'na!" Yakag sa'kin ni Puraw kaya sumunod na ko sa kanya papuntang jeep dahil naiwan namin ang ibang gamit.

"Ser. Ako ho ang tur gayd n'yo ho. Kuya Henry na laang." Harap sa'min nang isang kuwarenta-anyos na lalaki.

"Hi po." Bati ko rito kaya nginitian niya ko.

"Bidu' mada dayu' ag gura' an? (How far is it to town?)" Si Puraw.

"Marunong ho kayo ng wika namin, Ser? Aba nga...." Hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Henry.

"Hindi ho mas'yado... Mangyan din po ako Kuya. Tribong Hanunuo ho angkan namin."

"Aba'y ikaw ga ang apo ni Felipe?"

"Ako nga ho."

"Kaibigan ko ang lolo mo.... Naku, malayo ho ang bayan dine eh. Mag-aano ga ho kayo do'n? Samahan ko na kayo."

"Kailangan po namin nitong kasama kong pumunta sa school doon. May ibibigay po sana kaming regalo." Sabay akbay sa'kin ni Puraw kaya nanigas ako sa kinatatayuan.

"Kasintahan n'yo Ser? Ayyy, bagay ho kayo."

Lumaki naman ang mata ko sa sinabi ni Kuya. Natawa naman si Puraw at inalis ang pagkaka-akbay sa'kin.

"Dito ka laang Yana... Kakausapin ko si Ma'am para makahiram tayo ng sasakyan papunta sa bayan."

Hindi na niya ko pinasagot at tumalikod na sa'kin.

"Ma'am, bagay ho kayo ni Ser." Panunukso naman sa'kin ni Kuya Henry.

"Hahaha, talaga po Kuya?" Hindi ko maiwasang kiligin.

"Panatilihin niyo ho Ma'am ang pagmamahalan sa isa't isa. Para maging matatag kayo."

Namula ako sa sinabi niya. Hindi ko naman po siya boyfriend eh sabi ko sa isip.

"Ta'na ho Kuya Henry, Yana! Para makabalik agad tayo dine." Si Puraw na humahangos mula sa pagtakbo.

Hindi na kami nagsayang pa ng oras at sumakay na sa isang jeep.

"Ano pala yung ibibigay mo Puraw?" Tanong ko.

"School supplies. Pinabibigay ni Nanay para sa mga batang Mangyan." Sagot niya.

"Nakss naman... Ang bait ni Mama mo."

"Tunay 'yan." Nangingiti niyang sabi.

Nakatutuwa lang malaman na may mga klase ng taong katulad ni Puraw ang matulungin sa kapwa. Walang luho sa katawan, simple lang ang paraan ng pamumuhay sa kabila nang katotohanang mayaman sila.

Nahihiya tuloy ako dahil noon, ang tanging alam ko lang ay pasayahin ang sarili ko sa pamamagitan ng pagwaldas ng pera ng magulang ko. Bili dito, bili doon. Minsan nga nasisira na lang yung iba dahil nakatambak lang sa bahay sa sobrang dami at hindi ko kayang pagsabay-sabayin sa paggamit.

Akala ko noon ang tanging magpapasaya sa isang tao ay ang mga mapang-akit na mga materyales. Mali pala ako. Dahil ang totoo, mas nakapagpapagaan sa puso ay ang makatulong sa iba. Ang magbigay ng kasayahan sa ibang tao. Iyon siguro ang halaga kung bakit tayo nabuhay.

"Puraw." Tawag ko.

"Hmmm."

"Thank you." Yuko ko dahil nahihiya akong tumingin sa mata niya.

"Para sa'n?" Tumunghay ako at sinalubong ang mga mata niyang nalilito.

"Ahmmm thank you sa ano, sa suman... H-hehehe!" Kabado kong saad.

Mariin naman niya kong tiningnan. Shemmms... H'wag kang tumingin nang ganyan, please! Lalo akong nahuhulog...Takte!

Umiwas na ko ng tingin at pinagtuunan ang aming dinadaanan. Ramdam ko pa rin ang titig niya kaya 'di ko maiwasang kabahan.

Salamat dahil nakilala kita, Puraw...

References:

(http://benjielayug.com/2014/05/mangyan-village-of-talipanan-puerto-galera-mindoro-oriental.html)

(https://danielsecotravels.com/oriental-mindoro-tourist-spot/)