Chereads / PURAW (Ang Gwapong Mangyan) *ongoing* / Chapter 13 - Chapter 10 (Target Island)

Chapter 13 - Chapter 10 (Target Island)

~*August 03*~

Puraw's P.O.V.

It's three 'o clock in the morning at kasama ko ngayon ang pamilya ko papunta sa mga lolo't lola ko sa mother side. Si Tatay ang nagmamaneho ng family car namin habang katabi niya si Nanay at kanina pang hikab ng hikab sa passenger seat. Kami naman ni Ate Jamaica ang nasa back seat.

Malamig ang panahon kaya nakalingkis sa'kin na parang sawa ang kapatid ko at mahimbing na natutulog. Tulo laway pa.... Kadiri!

Malayo-layong byahe rin 'to. Kaya madaling araw pa lang ay paparoon na kami sa Bulalacao. Dulong parte pa-Timog iyon ng Oriental Mindoro at kung eestimahin ay mga limang oras ang byahe.

Kahapon kasi'y nagmadali kaming gumayak dahil biglang tumawag si Lola at gusto kaming pumunta ngayon sa kanila dahil matagal-tagal na rin nang huli namin silang nabisita ni Lolo.

Hindi na rin nahindian ni Nanay dahil nagtatampo raw ang mga ito kaya pinagpasyahan na nga nilang bumisita ngayon at bukas ay maaga rin kaming aalis dahil first day ng pasok ko.

Nakadungaw lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang dinadaanan namin. Madilim pa at tanging liwanag lang mula sa mga street lights ang nagbibigay tingkad sa daan.

Ilang saglit pa'y dinalaw na ko ng antok at binalot na ng dilim ang lahat.

"Hoy! May sunog! Gumising ka d'yan... Nasusunog ang kotse!" Sigaw ng pamilyar na boses.

Nang rumehistro sa utak ko ang sinabi niya ay bigla akong napatayo at nauntog.

"Ouch." Himas ko sa ulo ko at mahilo-hilong umupo ulit.

Naalala kong nakasakay nga pala ako sa kotse... Sakit! Mukhang magkakabukol ako...

Sinamaan ko ng tingin ang ate kong walang matinong magawa sa buhay at nakabungisngis lang sa'kin. Tandang-tanda na pero isip-bata pa rin kaya hindi nagkakajowa eh!

"Cute mo pag bagong gising. Mukha kang bayawak na handang lumapa ng sampung bulok na isda." Sabay pisil sa pisngi ko kaya napangiwi ako dahil pinangigilan na naman niya ang nananahimik kong mga pisngi.

"Ano ba, 'te! Tigilan mo nga ako! Natutulog yung tao eh. Bwiset ka," galit kong sabi sa kanya sabay alis ng kamay niya sa mukha ko. Grabe to! Feeling ko sobrang pula na ng pisngi ko. Ikaw ba namang pisilin na parang marshmallow lang. Sakit kaya!

"Ikaw naman, kapatid! Tayo na lang kasi ang naiwan dine. At ang mga Nanay ay nauna na roon kala Lola. Buti nga, nagpaiwan pa ko dine para gisingin ka," paliwanag niya.

Tama nga siya dahil wala nang tao sa unahan ng sasakyan. Umismid na lang ako sa katabi kong mukhang ewan at inunahan na siyang lumabas.

Dinig ko pang tinawag niya ko pero dahil binadtrip niya ko ay hindi ko siya papansinin.

Lumakad ako ng mabilis para hindi niya ko maabutan.

Bumungad sa akin ang malaking gate na gawa sa kawayan at nakalagay ang mga salitang, "Welcome to Target Island".

Napangiti ako dahil naramdaman ko agad ang malamig na hangin na tumama sa aking mukha. Napatingin din ako sa paanan kong nakatapak sa maputing buhangin. It's nice to be back...

Napaigtad ako nang batukan ako ni Ate. Namumuro na ire sa akin! Kapag 'di ako nakapagtimpi ay may kalalagyan ire sa akin! Tingnan mo, Jamaica! Isang-isa pa!

"Ano ba!? Kanina ka pa ahh!! Hindi na nakakatuwa, Jamaica!"

"Anong Jamaica ka d'yan!!! Para ka kasing timang na-emote dine at 'di pa maglakad paroon. Parang ngayon laang nakapunta dine! Ta'na nga," hila niya ko kaya hindi na ko nakapalag pa.

(*Translate: Ta'na~Tara na*)

Nahihiyang yumukod ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga taga-roon na nakasilip sa mga bintana ng kanilang mga kubo. Nasulyapan ko pa ang ilan na tila tuwang-tuwa sa eksena namin ng kapatid kong daig pang amazona.

Napabuga ako ng hangin dahil sa wakas ay inalis na ng kapatid ko ang mahigpit niyang pagkakapit sa braso ko.

Napatingin ako sa unahan at nakita ko roon ang mga nakangiting magulang namin at sa gitna nila'y ang mga lolo't lola ko na kitang-kita sa kislap ng kanilang mga mata ang pananabik na muli kaming makita na mga apo nila.

"Mga apo ko." Sabay yakap sa'min ni Lola ng mahigpit kaya nakangiti akong tumugon sa yakap niya.

"Ano na namang ginawa mo su'an sa iyong na'ay at kanina laang ay nakabusangot 'yan," tanong ng aming Lolo Felipe kay Ate Jamaica. Ano ka ngayon, Ate?? Bwahahahahahaha....

(*Translate: su'an~young woman; na'ay~younger brother*)

Mukha namang hindi naapektuhan si Ate kay Lolo at nagawa pang tumawa sabay lingon sa akin.

"Wala po, Lolo. Ang bait-bait ko nga po eh. Mahal ko po 'yang kapatid kong 'yan! Hahahaha... Aku ba magtabuy sa na'ay ari'an nu kayu man aku maki nga'." Natatawang sambit ni Ate kaya napatawa lang ang lahat sa kanya, siyempre maliban sa akin na kulang na lang ay sabunutan siya sa sobra niyang pagka-isip bata.

(*Translate: I give to my younger brother whatever I have.*)

"H'wag mong ipagmalaki sa'kin ang pagka-childish mo Ate. Yun laang naman ang mayroon ka." Irap ko sa kanya pero tumawa lang damuho kong kapatid.

Buti na nga laang talaga at naturuan kami ni Lolo magsalita ng Iraya. Kaya nakakaintindi ako kahit papaano ng salita nila. Actually, Hanunuo talaga ang diyalekto nila rito pero marunong din sila magsalita ng Tagalog at naisipan pa nga ng Lolo na kami'y turuang magkapatid ng iba pa nilang ginagamit na salita na mula sa iba pang tribo ng mga Mangyan dito sa Mindoro.

"Naku, magsitigil na kayo at pumanhik na tayo roon sa bahay at nang makakain na kayo." Sabat naman ni Lola kaya umakyat na silang lahat at nagpaiwan ako para pagmasdan muli ang Isla na kinalakihan ko bago pa kami tumira sa Calapan.

Hindi pa rin ito nagbabago dahil kita mula rito ang nangingislap na kulay bughaw na tubig dagat.

Nakapalibot ito sa buong isla na kapansin-pansin pa rin ang kagandahan dahil sa matatayog na puno ng niyog at mangilan-ngilang mga halaman na nagpatingkad sa kulay luntian na isla.

Pagkatapos nang nangyari sa sementeryo kasama si Alyanna ay gumaan na ang loob ko at masasabi kong maayos na ang kalagayan ng puso ko.

Nakakatuwang tinitigan ko ang sunod-sunod na linya ng kabahayan na pare-parehas ang disenyo. Mga kubo iyon na kung ikukumpara sa mga resort ay mistulan iyong mga cottages na pinabongga nga lang dahil nandoon na lahat.

Dito namamalagi ang tribong Kamangyanan Hanunuo na pinamumunuan ng aking Lola Selya.

Nakakatuwa nga dahil kahit sa henerasyon ngayon, ay mas pina-usbong pa ni Lola ang kultura at tradisyon na mayroon ang lahi namin.

'Ika nga ng palagi niyang sinasabi sa amin. 'Biyaya ng ating mga ninuno ang kultura kung kaya't responsibilidad nating pagyamanin ito sa kabila ng pagiging moderno ng panahon.'

Payapa ang lahat na ginagawa ang kanilang pang-araw araw na gawain.

Kapansin-pansin ang kanilang estilo ng pananamit na tinatawag na "rutay". Iyon ang aming pamantayan para makilala kami na kabilang sa tribong Manyan; "Damuong" naman ang tawag sa mga hindi nabibilang sa'min.

Ang mga kalalakihan ay nakasuot ng loincloth o "ba-ag/bahag" na tinernuhan ng shirt na tinatawag naming "balukas". Ang mga kababaihan naman ay nakasuot ng indigo-dyed short skirt o "ramit" at blouse o "lambung". Lahat sila ay mayroong twilled rattan belt with pocket na tinatawag na "hagkos" sa kanilang mga baywang. We are also very fond of wearing necklaces and bracelets of beads. Yung mga bracelet ko nga at kwintas ay nakalagay sa kahon at sinusuot ko siya pag may event.

Sa likod naman ng kanilang mga suot nakaukit ang disenyo na tinatawag na "pakudos".

"Hoy, kanina ka pa tinatawag d'yan ng Nanay! Pumasok ka na sa loob," yaya sa akin ni Ate kaya sumunod na ko sa kanya papasok ng bahay.

Tulad din ng kabahayan sa islang ito ang tahanan ng aking mga lolo't lola. Simple lang at makikita sa pagbungad sa pintuan ay ang mga collection nila ng mga kawayang may nakaukit na manuskrito. Natatandaan kong tinawag nila itong "ambahan" na nakasulat gamit ang tinatawag nilang "Surat Mangyan" , ang mga ito ang pinaka-iingatang gamit nila rito sa bahay. Kaya malimit ko lamang itong mahawakan.

"Lumapit na kayo rito mga apo at kakain na tayo." Tawag sa amin ni Lola Selya kaya sabay kaming magkapatid na lumapit sa hapag-kainan nila.

Pagkaupo namin ay nagsimula na ang Lola Selya magdasal gamit ang salita nila. Pagkatapos, masaya naming pinagsaluhan ang mga pagkaing hinanda nila.

"Nay, paabot nga po ng kanin," pakiusap ko kay Nanay.

Kukunin na sana niya ang mangkok nang mabilis itong dinampot ng katabi ko. Tss, papansin talaga!

"Na'ay tay atabuy ag begas sa kunin." Nakangising turan kay Nanay at binigay na ang mangkok ng kanin ng magaling kong kapatid kaya lihim na lamang akong napairap.

(*Translate: I can give the rice to him.*)

Hindi na lang ako umimik at kumuha na lang ng kanin. Tahimik kaming kumain at pagkatapos ay niligpit na ito ng Lola. Tinulungan naman siya nina Ate at Nanay sa paghuhugas ng pinggan.

Si Tatay at Lolo naman ay magkasamang umalis ng bahay papunta sa mga kahanggan nila rito. Siguro'y nais nang Lolo na maging mas malapit ang biyenan niya sa mga katribo nito.

Lumabas na lang din ako ng bahay. Lumakad ako papuntang baybay dagat. Pagkatapos umupo ako sa buhangin at pinagmasdan ang paligid.

Kitang-kita mula rito ang iba pang mga isla na hitik din sa magaganda at matatabang puno.

Pribadong pag-aari man ng aking mga Lolo ang islang ito. Ngunit hindi sila nagdalawang-isip na rito mamalagi ang iba pa naming katribo. Lahat sila'y nabigyan ng hanapbuhay, sa tulong na rin ng aking ama. Ang ilan sa kalalakihan dito ay nangingisda gamit ang sinaunang paggamit ng palaso at sibat na gawa sa matutulis na bato habang ang kababaihan ay nasa pamamahala ni Lola na tinuturuang humabi at tinatawag nila ang proseso nito na "habilan".

"Mukhang malalim ata ang iniisip mo, Apo," wika ni Lolo Felipe at umupo rin sa tabi ko.

"Ahhh, wala po ito, Lolo. Namiss ko lang pong pumunta rito. Nasaan po pala si Tatay?"

"Ahhh, bagá. Ang Itay mo'y pumasok na sa loob at magpapahinga muna raw. Napagod yata sa pakikipagkumustahan sa mga taga-rito. Kumusta naman ang Nanay Rosalia mo?"

"Maayos naman po ang Nanay, Lo. Kahit makukulit kaming mag-aama niya, nakikita kong napakahaba ng kanyang pasensiya."

Ngumiti naman siya sa naging sagot ko.

"Tunay iyan. Ang nanay mo ang pinaka mapagpasensiya na kilala ko na namana niya sa Lola mo. Hindi iyan basta-bastang nagagalit."

"Ang suwerte namin sa kanya, Lo."

Tumawa lang ang matanda sa akin at humarap sa dagat. Sabay naming pinagmamasdan ang mga batang Mangyan na masayang naliligo at naghaharutan.

Nagulat ako nang ilagay ni Lolo sa pagitan ng aking mga hita ang isang bagay na alam kong napakahalaga sa kaniya.

Nalilito akong tumingin sa kanya na tinugunan niya ng isang ngiti.

"Ibigay mo ito sa isang kaibigan. Ito'y regalo pa sa akin ng isang mapagkakatiwalang katoto."

Pinagmasdan ko ang kawayang may nakaukit na ambahan. Isa lang ang pumasok sa isip ko nang makita ko ito. Hindi ko alam kung bakit ngunit nang makita ko ang mga mata niya, gumagaan ang loob ko.

"Ehem. Mukhang iba na 'yang ngiti mo, Apo..."

Napaismid ako dahil 'di ko namalayang nakangiti na pala ako.

"Ah-ahh, hehehehe. Lo, may nakilala kasi ako."

"Binibini?"

Tumango ako. Kahit hindi angkop sa personalidad niya ang sabihang binibini sapagkat daig niya pa ang lalaking kumilos.

"Kung ganoon, may masuwerteng su'an pala ang nakapukaw sa interes ng aking apo."

Natawa lamang ako. Sinimulan kong basahin ang nakaukit sa kawayan.

ᜣᜦᜳᜦᜳ ᜣᜳᜥ᜴ ᜫᜦᜮᜲᜣ᜴

ᜰᜠᜨ᜴ ᜣ ᜪ ᜨᜥ᜴ᜤᜮᜲᜥ᜴

ᜰ ᜪᜬ᜴ᜪᜬᜲᜨ᜴ ᜪᜥ᜴ ᜤᜲᜮᜲᜧ᜴

ᜨᜰᜳᜨ᜴ᜰᜳᜨ᜴ ᜪ ᜨᜥ᜴ ᜪᜦᜲᜰ᜴

ᜣᜳᜥ᜴ ᜰ ᜪᜳᜣᜮ᜴ ᜨᜥ᜴ ᜦᜳᜪᜲᜤ᜴

ᜱᜮᜲᜨ ᜠᜦ᜴ ᜫᜤ᜴ᜨᜲᜡᜤ᜴

ᜰ ᜣ᜴ᜯᜲᜨ᜴ᜦᜳᜱᜨ᜴ ᜫᜳᜥ᜴ ᜡᜪᜲᜤ᜴

ᜧᜲ᜵ᜣᜲᜮᜮ ᜫ᜵ᜦ᜴ ᜪᜦᜲᜧ᜴

ᜫᜣᜩᜲᜮᜲᜥ᜴ ᜣ᜵ᜬ᜴ ᜮᜲᜲᜲᜲᜭᜲᜩ᜴᜶

Katoto kong matalik

Saan ka ba nanggaling

Sa baybayin bang gilid

Nasunson ba ng batis

Kung sa bukal ng tubig

Halina at magniig

Sa kwentuhan mong ibig

Di-kilala ma't batid

Makapiling ka'y lirip!

Naalala ko na naman kung papaanong lumabas sa mamula-mula niyang labi ang mga salitang nakapukaw sa akin kung paano sumulong sa buhay sa kabila ng mapait na karanasan.

(Author's Note: Ako lang po yung nag-translate ng Ambahan sa Surat Mangyan. Hirap pala... HAHAHA)

~*August 04*~

Alyanna's P.O.V.

Monday na! It means, ngayon na pasok ko!! Makikita ko na si Puraw my friend. Bwahahaha!

Yes! Friends na kami.

Pero hindi pa rin ako makaget-over sa lovelife niya. Grabe, ang sakit siguro nun. Kung ako lang din ang nasa kalagayan niya, baka hindi na ko humihinga ngayon.

First love mo tapos ganun lang?! N'ong nagkukuwento siya sa'kin. Damang-dama ko yung sakit na nararamdaman niya. Madadala ka talaga kasi yung facial expression niya tapos yung boses niya sobrang lungkot... Grabe! Nakakaiyak!

Buti na lang napigilan kong umiyak. Ayokong maramdaman niya kinaawaan ko siya actually mas lalo lang akong humanga sa kanya dahil nakaya niyang magmove forward even though nakikita ko pa rin yung pain sa mga mata niya atleast sinusubukan niyang makalimot at magpatuloy sa buhay.

Nag-ayos na ko ng sarili. Kahapon dineliver yung uniform namin ng dalawang kambal. Kulay green yung palda tapos long sleeve na puti then may neck tie din na green na may logo ng school.

Kahapon ko lang din nalaman na parehas BSEd ang kinuhang kurso ng dalawang kambal, magkaiba nga lang ng major. Si Aning ay major in English at si Maleng ay major in Filipino.

Sabay-sabay kaming kumain kasama si Nanay Lolit at pagkatapos ay dali-daling lumabas ng bahay para sa pag-alis.

Isang oras din mahigit ang tinagal namin sa pag-upo sa jeep. Nangalay ang puwetan ko.

"This is it!!!" Hiyaw ng malakas ni Aning kaya napalingon sa amin ang mga naglalakad. Nakakahiya naman itong kasama!

Natawa naman sa kanya ang kapatid. Pumasok na kami sa loob ng gate at binati ng kambal ang guard kaya binati ko na rin ng "good morning" kahit labas sa ilong ko. Ang bad ko! Haissttt.

"Magkaiba pala tayo ng schedule, Yana. Kaya mo na sigurong pumunta sa classroom mo noh?" Tanong ni Maleng at tinanguhan ko naman. Silang dalawa'y lumiko na at ako'y dumeretso sa hallway hanggang sa matanaw ko na ang classroom ko.

10 minutes na lang, start na ng klase. Buti hindi kami nalate ng pagdating dito.

Ilang ulit akong bumuntong hininga hanggang sa pinihit ko na ang seradura ng pintuan. At tahimik akong pumasok.

Nagulat ang lahat nang nasa loob. Ang ilan ay napatigil sa kani-kaniyang ginagawa at ang iba'y nahulog pa ang G-tech na hawak-hawak. Mahal pa naman 'yun!

Kinakabahan man dahil sa paninitig nila ay nilaksan ko ang loob kong tinungo nang nakayuko ang bakanteng upuan na malapit sa bintana.

"Alyanna."

Napaigtad ako nang marinig ang boses na iyon. H'wag mong sabihin--

"Alyanna, ikaw nga! Akalain mong magiging kaklase ka namin," turan nang nasa likuran ko kaya napalingon ako.

Hindi na ko nagulat nang mamataan si Jordan na giliw na giliw na malamang magkaklase kami. Habang si Danica nama'y nakangiti sa akin na parang masayang makita ako.

Napalunok ako nang magtama ang mata namin ng taong ilang araw ding hindi mawala sa isip ko. Naninikip ang dibdib ko sa sobrang kaba lalo pa't ang lapit-lapit namin sa isa't isa.

Hindi ko na namalayang nanginginig na pala ang kamay ko sa sobrang kaba. Napansin naman ito ni Puraw kaya ngumiti siya sa'kin. Luh! Panaginip ba 'to? Nginitian niya ko!!!!! Ang gwapo niya!!!! Mas matamis pa ang ngiti niya sa sinok-mani na luto ni Aling Salve!

"Ma' nakay kawu agtartaruy?" Napalingon sa kanya ang mga kasama. At tulad ko ay napakunot din sila sa sinabi ng kaibigan. Ano raw?

"H--Huh? A-anong sabi mo?" Nabubulol kong sabi.

Ngumisi lamang siyang lumingon sa amin.

Gay lingo ba 'yun? Parang wala naman yatang gan'ong naituro sa akin ang mga beki kong friends sa Manila.

Pinagtitripan yata ako ng Mangyang 'to?! Hindi porket like ko siya, gaganyanin niya ko! Hindi pa rin siya exempted sa kamao ko noh!

(*Translate: Why are you trembling?

Sinok-mani~Biko*)

(References:

Tweddel, Colin Ellidge. 1958. The Iraya (Mangyan) language of Mindoro, Philippines: Phonology and Morphology. Unpublished PhD thesis, University of Washington.

Mangyan.org

https://en.wikipedia.org/wiki/Pakudos#/media/File:Pakudos.svg

Omniglot.com

script.https://www.pinterest.com/pin/492440540486166350/)