Puraw's P.O.V.
Alam kong may sinabi si Jhaira kanina kung kaya't napalitan ng poot ang mukha ni Alyanna na puno ng kumpiyansa.
Hindi ko man narinig dahil malayo sila ngunit pansin pa rin ang pagbuka ng kanilang mga labi at pagpapalitan ng masasamang tingin.
Gulat pa rin ang nararamdaman ko sa tuwing naaalala ang ginawang pagbato niya ng bola sa kabilang ring. Naastigan ako sa kanya no'n ngunit hindi ko maaaring ipahalata at baka kung anong isipin nang isang yun.
"Woii!" Tapik sa'kin ni Jordan. Bagot na tingin naman ang pinukol ko sa kanya.
"Ba't tulala ka? Ayusi mo nga 'yang kilay mo! Nakakatakot ka bro!" Lumayo pa sa'kin na parang nandidiri.
"Ano gang kailangan?"
"Samahan mo ko kay Alyanna." Lapit muli niya sa'kin at nilingkis sa'king braso ang kamay niya.
Mabilis ko naman itong tinanggal. Parang bakla!
"Bakit? Pupunta rin yun dito sa room. Hintayin mo na laang. Asan ga si Kangkang? Do'n ka na laang magpasama." Ngumuso naman siyang iniwan ako sa room.
Pagkatapos nang eksena sa court ay pumunta na ko rito sa room at dito ko na lamang hihintayin ang uwian.
Nagkahiwa-hiwalay din kami kaya hindi ko alam kung nasaan sila.
Kinuha ko ang aking bag na nasa lapag. Magaling pa'y magbasa ng libro dahil ako lang naman ang nandito kung kaya't magandang magbasa dahil tahimik.
Ngunit bago ko pa makuha ang libro ay tumambad naman ang manuskrito na bigay sa'kin ni Lolo Felipe. Naalala kong lagi itong nasa loob ng bag ko at naghahanap ng tiyempo para ibigay ito kay Alyanna.
Nagtataka na rin sila Kangkang kung bakit parang ang dami kong dala sa bag ngunit ang palagi kong dahilan sa kanila ay nandito ang tinda kong suman sa lihiya which is true.
Minana ko siguro kay Tatay ang pagiging madiskarte kung kaya't natutuwa sila ni Nanay kapag umuuwi akong ubos lahat ng aking paninda.
Alam nina Jordan na may pinapaaral ako. Noong nakaraang taon kasi may nakita akong batang Mangyan na nasa labas ng 7/11 at mariing nakatitig sa akin. Kumakain ako no'n ng ice cream kaya pinapasok ko siya sa loob at nilibre ng kinakain ko.
Tinanong ko siya kung bakit siya nasa labas. Sabi ng mga staff doon ay palagi raw nandoon ang bata sa labas at laging tinitingnan ang mga kumakain. Naawa naman ako kaya binilhan ko siya ng lahat ng mga gusto niya.
Taga-Baco ang pamilya niya ngunit nagpunta sila ritong mag-anak para manlimos sa lansangan. Hindi ko alam kung anong sumapi sa'kin kung kaya't pinagbigay alam ko ito kala Tatay. Determinado akong tulungan ang aking abang kababayan kahit sa simpleng pamamaraan.
Ang kanyang ama ay pinausap ko kay Tatay na kunin itong trabahador sa Resort na pagmamay-ari naman. Mabilis naman si Tatay na pumayag at ang ina naman nito ay tinulungan ni Nanay sa paggawa ng mga handicrafts.
Natutuwa akong walang sinumang Mangyan ang maiiwan sa laylayan ng lipunan.
Ako na ang nagpa-aral kay Dagtum. Nasa elementarya pa lang siya. Dito rin siya sa Calapan nag-aaral dahil binigyan naman ni Ate Jamaica ang pamilya nila ng matitirhan para hindi na sila matulog sa kalsada.
Magaan ang loob ko sa kanila lalo na kay Dagtum. Dahil siguro magkasalungat ang aming mga pangalan. Itim kasi ang kahulugan ng kanyang pangalan habang ako'y Puti.
Nagtataka nga ang ilan kung bakit kakaiba ang aking pangalan. Kuwento kasi sa'kin ni Nanay, sobrang puti ko raw noong sanggol pa ko kaya pinangalanan niya kong Puraw.
Nagsipasukan na sa loob ang ilan kong mga kaklase kaya wala na ring saysay para makapagbasa ako dahil nag-iingay sila.
Lumabas na ko. Hahanapin ko na lang siya para ibigay yung ambahan.
Nagpasikot-sikot na ako sa ibang department pero hindi ko siya makita. Saan ba nagsuot 'yon?
Maging sa mga puwedeng tambayan at pahingahan ay wala ring bakas ni Alyanna. Imposible namang umuwi yo'n dahil mahigpit ang guard namin.
Iniisip ko mang imposible pero tinahak ko pa rin ang Lab High kung saan ako grumaduate. Pumunta ako sa likod nang dati kong classroom.
Kapansin-pansin pa rin ang mga nagtataasang mga puno kung saan ang pinakang katawan nito ay nilagyan namin ng pawid sa palibot at nagmistulang bubong at sa baba nama'y lamesa na dati naming pinagtatambayan o 'di kaya nama'y doon ang lugar kung saan kami nag-aaral at kumakain. Nakakarelax din dahil nay ilog doon na nasa pagitan ng school at yung kabila ay gubat.
Hindi nga ako nagkamali dahil nandoon siya habang malalim na nag-iisip at tulala lamang na nakatingin sa ilog.
"Hey." Lapit ko sa kanya kung kaya't gulat niya kong nilingunan.
"Bakit ka nandito?" At ngumusong nagpahalumbaba.
"I graduated here, you know. Hinahanap ka nga pala ni Jordan--"
"Eh, bakit ikaw ang nandito at hindi si Jordan?" Tiningnan niya ko ngunit umiwas din kaagad.
"I want to give you something." At nilabas ko ang manuskrito na nasa bag ko
"Ano 'yan?" Mabilis niyang kinuha iyon mula sa akin at mariing pinagmasdan iyon.
"Binibigyan mo ko ng alkansya? Tamang-tama, kailangan ko nga matutong mag-ipon. Hahaha!" Napairap ako sa kanyang tinuran.
"Hindi iyan alkansya. Hindi mo ba nakikita 'yang mga nakaukit d'yan? Itabi mo 'yan at h'wag mong i-wala."
"Anong ibig sabihin nitong nakasulat?"
"It's up to you to find out." Nagkatinginan kami at binalik niyang muli ang tingin sa hawak na manuskrito.
"So, sasabihin mo na ba sa'kin kung anong nangyari kanina?" Kinuha ko ang isang upuan doon at tumabi sa kanya.
Nilapag niya ang hawak sa lamesa at tumingin sa malayo.
Dinig ko pa ang kanyang malalim na buntong hininga. Parehas naming pinagmasdan ang pag-agos ng tubig sa ilog at hinihintay siyang magsalita.
"Sakit ako ng ulo ng magulang ko. Nakikipagbasag-ulo sa kung sino-sino..Nakikipagbarkada." Yumuko siya at kinuha ang maliit na bato sa harap niya at binato iyon sa ilog. "Uuwing may bangas ang mukha. Kaya galit na galit sa'kin si Mama dahil sinasayang ko lang ang pera nila." Lumingon ako sa kanya at nakita kong umiiyak siya. Hindi ako nagsalita. Nais ko lang na samahan siya.
"Ang suwerte ko raw kasi lahat ng gusto ko nakukuha ko. Hindi nila alam mag-isa lang ako sa buong buhay ko. Yung mga magulang ko, inuubos ang lahat ng oras nila para paramihin ang kanilang pera. Ang tungkulin lang naman nila sa'kin ay ang sermunan ako.... Pintasin lahat ng mga mali ko.... Ang paalalahanan ako na magtino dahil makasisira lamang ako sa reputasyon nila."
Sa mga oras na iyon marahil ay napakasuwerte ko para makita ang pinakatatagong bahagi ng kanyang pagkatao. Nakilala ko siyang matapang na babae at matatakot ka na lamang na kalabanin siya ngunit sa likod ng maskara ay ang malambot na damdamin na nangangailangan ng kalinga at pagmamahal.
"Minsan may pagkakataon talaga na kaya tayo nahubog kung sino tayo ngayon ay dahil sa mga tao o sitwasiyon na naging rason kung bakit tayo ganito ngayon." Pinunasan niya ang tumulong luha sa kanyang pisngi at humarap sa'kin.
"Hindi ibig sabihin na nagkamali ka ay masama ka na at wala nang karapatang sumaya. Lahat ng bagay ay may dahilan kung bakit natin 'yon nararanasan.... We are the only one who can save ourselves from grief. It's up to you on how you handle it.... how to overcome those things. Life is taking risk to find happiness and satisfaction. Kung hindi nila maibigay 'yon... Hayaan mong ako ang gumawa no'n sa'yo." Tinitigan ko siya.
Bakas pa rin ang luha do'n. Napatulala siya sa sinabi ko at gano'n din ako dahil hindi ko alam kung bakit ko nasabi yo'n.
Tila nagkusang lumabas ang mga iyon sa bibig ko. Hindi ko maialis ang aking tingin sa kanyang mga mata. Nangungusap at maraming nais iparating.
Alyanna's P.O.V.
Life is taking risk to find happiness and satisfaction. Kung hindi nila maibigay 'yon... Hayaan mong ako ang gumawa no'n sa'yo.
Life is taking risk to find happiness and satisfaction. Kung hindi nila maibigay 'yon... Hayaan mong ako ang gumawa no'n sa'yo.
Life is taking risk to find happiness and satisfaction. Kung hindi nila maibigay 'yon... Hayaan mong ako ang gumawa no'n sa'yo.
Life is taking risk to find happiness and satisfaction. Kung hindi nila maibigay 'yon... Hayaan mong ako ang gumawa no'n sa'yo.
Life is taking risk to find the happiness and satisfaction. Kung hindi nila maibigay 'yon... Hayaan mong ako ang gumawa no'n sa'yo.
Nagpaulit-ulit lamang iyon sa utak ko at pinabilis ang tibok ng aking puso. Hindi magrehistro sa'kin ang lahat. Simula nang makita niya ko dito at damayan ako. Nakakatawa nga no'ng nakaraan lamang ay ganito rin ang naging ganap namin sa sementeryo. Nagkabaliktad lang dahil ako naman ngayon ang umiiyak.
Nanatili kaming nakatingin sa isa't isa at walang balak tanggalin iyon.
"Pur-aw? Alyanna? Anong ginagawa niyo rito?" Napalingon kami kay Danica.
Napatayo kami at hindi makatingin sa isa't isa na animo'y naiilang. Hindi ko alam ngunit batid kong namumula ang aking pisngi sa sobrang kahihiyan.
"Sinama ko lang si Alyanna sa dati nating tambayan." Baling sa'kin ni Puraw at makahulugang tumingin.
"Ah-ahh... o-oo ang ganda pala r-rito. Hehehe."
"Ahhh, bagá. Ayy siyá uwian na. Ta'na!"
Mabilis naman kaming kumilos. Nahuhuli ako sa kanilang dalawa.
"Hoy! Kanina pa kita hinahanap mandin." Sulpot naman ni Jordan kasama ang dalawang kambal.
"Ok ka lang? Umiyak ka ga?" Tanong pa niya.
"Pinaiyak ka ni Puraw?" Tiningnan ng masama ni Danica ang katabi na seryoso lang naglalakad at walang pakealam sa nangyayari.
"Ahhh, hindi... Wala ito.. Hahaha. Kinusot ko kasi dahil nangati kanina."
Napa-Ahh naman sila sa'kin.
Nasa gate na kami nang huminto si Puraw sa paglalakad kaya napahinto rin kami.
"Akin na 'yang bag mo." Hindi na nakaangal si Danica nang kunin ni Puraw ang bag niya.
Nilagay niya iyon sa balikat. Bumuntong hininga ako. Kung hindi mo sila kilala marahil mapagkakamalan silang mag-jowa.
"Ehem. Selos aring isa. Hihihi" bulong sa'kin ni Aning kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Naninikip ang dibdib ko at hindi ko maintindihan kung bakit naiinis ako.
Hanggang sa sumakay na sila ng tricycle. Si Jordan ay kumaway sa'kin na nakaupo na katabi yung driver. Nginitian ko siya at malamyang kumaway. Gano'n din ang ginawa ng kambal at pangisi-ngising sumusulyap sa'kin. Habang si Danica ay pumasok na sa loob.
Ang akala ko'y lilingunin pa ko ni Puraw ngunit tumabi na siya kay Danica at hindi na kami tiningnan.
Napabuga ako ng hangin. Siguro naaawa lang siya sa'kin kanina at walang ibig sabihin lahat ng kanyang sinabi.
Masakit umasa... Yung hulog na hulog ka na pero hindi ka naman pala sasaluhin...