Puraw's P.O.V.
Pagkatapos ko silang pagsabihan nagmadali na ko papasok ng gym at hindi ko na hinintay pa sila.
Ito namang bestfriend ko masiyadong malapit agad dun sa babaeng yun. Tss. Pagsasabihan ko yun mamaya baka ma-distract laang s'ya sa laro namin. Nakuuuu! Kapag nakakakita pa naman yun ng mga tipo niyang babae ay parang nauulol. Kapag kami natalo sa kakirihan niya, sasamain s'ya sa'ken!
Matagal na kaming magkaibigan niyan kasama si Kangkang. Half-Australian, half-pinoy si Jordan habang si Danica ay purong Pilipino naman. Simula pa lang n'ong elementary kaming tatlo na ang magkakasama.
At hanggang ngayong magfi-first year college na kami ay magsing-dikit kaming tatlo kaya pati school na papasukan at kurso na kukunin ay pare-parehas kami. Sa MinSCAT Lab High kami nagtapos ng senior high school at yun nga napagpasyahan naming tatlo na manatili sa MinSCAT hanggang college.
BS Business Ad kaming lahat dahil kung hindi niyo natatanong ay lahat din ng mga magulang namin ay mag-business partners kaya masayang-masaya sila nang sabihin namin na susunod kami sa mga yapak nila. Para naman daw may tumulong sa kanila sa pagmamanage ng kompanya.
Pagpasok ko pa lang sa entrance ng gym ay bumungad na sa akin ang hiyawan ng mga taong naroon. Mukhang tamang-tama ang dating ko dahil magsisimula na ang laro namin. Tumabi sa'kin ang dalawang tukmol. Tss.
Hindi ko na sila pinansin at dumeretso na lang sa mga kasamahan ko na nakaupo sa ibabang bleachers. Halatang nagsisimula na rin magbigay ng advice ang coach namin habang hawak ang isang board at pen. Nag-angat siya ng tingin sa akin.
(*Translate: tukmol- loko*)
"Oh, nandiyan ka na pala Puraw! Lumapit na kayo rito ni Jordan." Kaya lumapit na kami ng bestfriend ko. Sumulyap naman ako kung kasama niya pa si Ano?-- At mukhang umupo na sa katabing bleacher namin.
Nakita kong tumingin siya sa'kin kaya sinamaan ko ng tingin kaya biglang umiwas. Tingin ka pa! Dukutin ko 'yang mata mo! Tss.
Alyanna's P.O.V.
Iniwan na ko ni Jordan nang tinawag na sila ng coach nila kaya umupo na lang ako malapit sa inuupuan nila para siyempre makita ng malapitan ang my loves ko. Hikhikihikhik.
Pero sadyang ipinanganak lang talaga ang isang yun sa sama ng loob at mangangain kung makatingin. Kaya hindi ko na lang siya muling tiningnan.
Sobrang ingay dito sa loob dahil sa dami ng tao. Okupado na ang lahat ng upuan sa bawat gilid. Maraming may hawak ng tarpaulin at cartolina para sa mga sinusuportahan nila. Kita ko sa kabila ang isa pang grupo na wari ko'y makakalaban nila Puraw. Naka-white jersey sila at may nakatatak na logo at malalaking letra ng DWCC.
Napatingin ako sa bulsa ko nang may nag-vibrate. Naalala ko bigla na dapat ko pa lang sabihin sa kambal na narito ako sa OM. Tiningnan ko nga ang cellphone ko at tama nga ako dahil nagtext na si Maleng na nagtatanong kung tapos na ko. Nag-reply ako na nandito ako sa gym ng OM. Pagkatapos kong maisend yun ay nilagay ko na ang cellphone ko sa bulsa. Nagitla ako nang makita ko sa harap ang lalaking naka-white jersey na wa-wait?? Papunta sa'kin?! Luhh... Kaya napatayo ako bigla at hinintay siyang makalapit.
"Hi! I'm Mark Dave Silva. The Captain Ball of DWCC varsity team...And you?"
"A-ahh I'm Alyanna. Hehehe," napahawak ako sa batok ko dahil sa hiya lalo pa't agaw atensiyon ang pagkausap niya sa akin. Maging ang mga naghihiyawan kanina ay natahimik din.
"Hahaha, you're cute. Anyway, what school ka?"
Ngumuso ako. "A-ahmm, MinSCAT eh."
"Ohhh, so magkalaban pala ang school natin ngayon kung ganun. Pero puwede mo naman siguro akong suportahan 'di'ba?"
"E-eehh? A-aahmm kas--"
"Ehem."
Napalingon ako sa pamilyar na boses na yun. Anong ginagawa niya rito? Akala ko ba kinakausap sila ng coach nila? Bakit siya nandito?
Rinig ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Dama ko ang kaba ng mas lumapit pa siya sa tabi ko. Anong ginagawa niya???? 'Di ba nga hindi naman niya ko pinapansin, eh bakit siya nandito??
"She's not going to support you, dude. She's mine." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ssh--she's m-mine daw? Hindi naman ako bingi dahil rinig na rinig ko yun. Tila may kung anong kiliti ang naramdaman ko sa tiyan ko. Naestatwa ako. Totoo ba toh?
"Woow! The Captain is here. Puraw! The last time we met ay noong finals pa at tinalo mo lang naman ang team ko. Tsk. But I'm gonna make sure na kami na ang magiging champion ngayon," aniya ng nanunuyang tinig kaya napasinghap ako.
So mortal enemy pala silang dalawa sa basketball. Pero wait, magkalaban sila, tapos MinSCAT ang team ni Puraw so ibig sabihin parehas kami ng school. Whaaaaaaaaaaw!!!!!! Makikita ko siya palagi!!!!!
Napangiwi si Puraw at mariing tumitig sa kanya. "Let's see kung matatalo mo ko. As far as I remember ganyan din ang sinabi mo noon. May the best team win." At hinila na niya ko sa upuan nila.
"H'wag kang mag-isip nang kung ano. Pinasundo ka lang sa'kin ni Jordan. Maybe because he's already fond into you. Tss," bulong niya sa'kin kaya napanguso ako dahil nag-expect ako.
H'wag ka kasi masiyadong mag-expect Alyanna dahil masakit. Nabura lahat ng kilig ko kanina at napalitan ng kung anong mabigat na pakiramdam ng panghihinayang.
Kung hindi kaya sinabi ni Jordan na sunduin ako ay pupuntahan niya pa rin kaya ako? Siyempre, Alyanna tinatanong pa ba yan? Hindi mangyayari yun. H'wag ka nang mangarap. Hayyyssstt.
Umupo na lang ako sa tabi nila ng kateam niya. Si Jordan naman ay seryosong kinakausap ng coach nila kaya siguro si Puraw ang lumapit sa'kin.
Iniwan na ko doon ni Puraw at mga kateam niya at nagusap-usap sila. Malamang strategies yun kung paano nila maipapanalo ang game.
*Tiiiiiiiiiingggggggggggg*
Tumunog na ang buzzer. Hudyat na magsisimula na ang 1st quarter. Tumayo na si Puraw at Jordan kasama ang tatlo nilang kateam, I bet sila ang first five na maglalaro. Nagpunta na sila sa mismong court pero nagpaiwan si Jordan at lumapit sa akin.
"Hey, lahat ng bolang maipapasok ko sa ring para sa'yo yun," malambing niyang turan. Natigilan ako. Anong ibig sabihin ng isang toh?
"A--ahhh h-hehehe.. Sige, good luck."
At kumindat pa sa'kin bago sumunod sa team niya. Medyo nailang ako. Tss, hindi ako manhid para hindi maramdaman ang mga gano'ng moves ng mga lalaking interesado sa babae.
Hindi ko napansin ang pag-upo ng isang babae. Medyo nakatagilid siya sa'kin kaya hindi ko masiyado makita ang mukha niya.
"Puraaaaawww!!! Jordaaaaan!!!" Sabay kaway niya kaya napatingin sa direksiyon namin ang dalawa. So they knew each other.
Bigla akong nakaramdam ng pagkairita lalo na nang nakita ko ang dalawang ngumiti sa katabi ko.
Ito ang unang beses na nakita ko si Puraw na ngumiti and napakaaliwas ng mukha niya kaya feeling ko ayos lang sa'kin kahit maghapon ko siyang titigan pero it's sickening me to know na hindi ako dahilan ng mga ngiting yun.
I know it's really too fast pero I know myself when I like someone or not. And right now I like him and I want to know him more because he's kinda mysterious to me.
Umayos na sila ng puwesto kasama ang kabilang team. Ramdam ko ang tensiyon sa pagitan ni Puraw at nung Mark Dave. Silang dalawa ang mag-jujump ball.
Ngayon lang ako napansin ng katabi ko kaya napalingon siya sa'kin. Shemmms! Siya yung kasama ni Puraw sa parada.
"Hi."
"H-hello."
"Danica Villa nga pala. Ngayon laang kita nakita dine ahh. Taga-minscat ka ga re'n?" Pigil ang pagtawa ko kasi natutuwa ako sa accent niya.
"A-ahh, yeah Minscat nga. I'm Alyanna Gwen Navarro. He-hehehe,' ngumiti siya sa'kin.
And yeah, I admit that she looks good. Maikli ang buhok na hanggang balikat lang tapos itim na itim pa. Morena at maganda ang hubog ng katawan. Makakapal na kilay at matangos din ang ilong. Natural na kulay ng rosas ang labi at kapansin-pansin sa kanya ay ang malalim niyang dalawang dimple sa magkabilang pisngi.
"Ayos! Mag-cheer tayo sa team natin para manalo sila!"
"Sure."
Napabalikwas ako sa upuan nang biglang tumambad sa harap ko ang mukha ng dalawang kambal.
Kailan ba ko masasanay sa mga ngiti nila? I have creepy feelings na may gagawin silang kalokohan sa'kin kapag nasisilayan ko ang ngisi ng dalawa.
"Yana! Bakit ka nandito huh?! Paano mo nalaman ang lugar na toh? Paano kapag naligaw ka? Edi malalagot kami sa Mama mo! Then worse matatanggalan kami ng scholarship. Tapos hindi na kami makakapag-aral sa college. Malulungkot si Inay at Itay. Tutulong na lang kami sa palayan kasi isisisante ng Mama mo sa pagkecaretaker ang Ina---"
"Can you please calm down, Aning! Your voice is too loud. I'm gonna explain it to you... later. But for now let's enjoy the game...please," mariin kong pakiusap kaya natigilan silang dalawa. Kita ko pa ang malalim na paghugot ng hininga ni Aning dala siguro ng walang tigil niyang pagsasalita kanina.
"Pfffft." Mahinang tawa ng katabi ko. Kaya napatingin ang dalawa rito. Hindi siguro nila napansin kanina dahil sa'kin lang sila nakatingin.
"Magkakilala kayo?" Naguguluhang tanong ni Maleng.
"Ngayon ko lang siya nakita dito. Kasama niyo pala siya Maleng," ani Danica. Ohh, I forgot na parehas pala ang school nila noon so malamang magkakakilala na silang tatlo.
"Ahhh, oo anak siya ng amo ng Inay. Dine na siya papasok sa'tin," turan ni Aning na mariing pa ring nakatingin sa akin.
"Nice, kitakits sa pasukan," sabay tingin sa'kin ni Danica kaya nginitian ko naman siya.
Umusod ako para makaupo na ang dalawang kambal. Nagfocus na ko sa laro at kita ko na lamang na ang puntos nina Puraw sa kalaban. Ang bilis naman.
Takbo rito, takbo doon at palitan ng shoot ang dalawang team. Halata kong nagkakainitan na sila dahil kung hindi aagawin ni Jordan ang bola ay ipapasa naman niya ito sa kasama at mabilis namang kikilos si Puraw para maishoot ang bola sa ring.
"GO DIVINISTA!
'DI MAGPAPATALO!
D-W-CC!"
"GO DIVINISTA!
'DI MAGPAPATALO!
D-W-CC!"
"GO DIVINISTA!
'DI MAGPAPATALO!
D-W-CC!"
"GO DIVINISTA!
'DI MAGPAPATALO!
D-W-CC!"
(*di-dabulyu-sisi*)
Paulit-ulit na cheer ng mga supporters nang kabila. Kaya kita ko ang marahas na paghatak ng bola ni Mark Dave na nasa kamay ni Puraw. Foul yun ahh! Hindi man lang tumawag ang referee. Madaya!
Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Puraw nang tuluyang naagaw sa kanya ang bola.
"Hey, anong ibig sabihin ng DWCC?" Bulong ko kay Maleng na nasa kanan ko habang katabi niya si Aning na nasa dulo at nasa kaliwa ko naman si Danica.
"Ahh, Divine Word College of Calapan."
"Ahhh ok."
At nagpokus na kong muli sa laro. Masiyadong nagmamadali ang mga kilos ni Puraw dahil kapag kakuha niya kaagad sa bola ay ishoshoot na niya ito kaagad.
"Prrrrrrrtttttt...."
Tapos na ang 1st quarter. Hindi ko man lang namalayan dahil tutok ako sa laro nila. 35-12, lamang na lamang ang team ni Puraw.
Saglit lang sila nagpahinga at tinawag na muli sila sa court. Tuloy-tuloy ang lamang nila Puraw hanggang sa mag-3rd quarter.
Seryoso na ang lahat lalong lalo na ang team ng DWCC. Pilit silang humahabol at kita kong pagod na rin si Mark Dave pero tuloy pa rin para makapuntos. Si Puraw at Jordan naman ay nagpahinga muna at pinalitan ng dalawa pa nilang kasama.
Siguro'y reserve ang natitirang lakas para sa huling quarter. Hirap nga naman na walang pahinga sa laro.
Unti-unting nakahabol ang team ng kabila kaya todo hiyawan ang audience. Maging kaming apat nina Danica at dalawang kambal ay napatayo na rin at sabay-sabay nagchicheer sa team ng school namin.
Naks! Namin... Doon na rin naman ako papasok eh kaya mabuting suportahan ko na sila.
Tumunog nang muli ang buzzer. Huling quarter na lang ang natitira at magkakaalamanan na kung sino ang mananalo. Medyo kinakabahan na ako pero tiwala akong mananalo kami.
Ipapanalo yun ni Puraw tulad ng sabi niya kanina. Dalawang puntos na lang ang lamang ng team namin at pusta kong makakahabol ang kabilang team kung hindi pa papasok sina Puraw at Jordan sa 4th quarter.
"Back to the ball game," tawag nang announcer. Malakas na ang kabog ng dibdib ko na sinabayan pa ng malakas na tunog na nagmumula sa sound system at dama kong maging ang mga katabi ko ay ganun din ang nararamdaman.
Kita ko sa gilid ang sabay na pagtayo ng dalawang inaabangan ng lahat. Medyo madilim na ang mukha ni Jordan, taliwas sa masayahing personalidad na nakita ko sa kanya kanina. Samantalang nanatiling kalmado ang aura ni Puraw pero dama ko na seryoso na siya sa pagkakataong ito.
Mukhang dito na magsisimula ang totoong laro.
"It's showtime," mahinang sabi ni Danica ngunit nadinig ko pa rin. Mukhang alam niyang may mangyayaring kapana-panabik kung kaya't nakangisi siyang nakatingin sa court. Kumunot ang noo ko.
Bumalik na ang dalawa nilang kateam sa upuan nila at lumakad na si Jordan papasok sa laro habang si Puraw naman ay---
What the heck!
Dahan-dahan niyang hinuhubad ang shorts niya. Naging dahilan ito kung kaya't mas lalong nagsigawan ang lahat ng nasa gym. Anong ginagawa niya? Bakit siya naghuhubad? Anong balak niya?
"Whhaaaaaaaaaaa!!!!! Ito na ang hinihintay natin!!!!!!! Go Purawwwwww!!!!"
"Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw!"
"Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw!"
"Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw!"
"Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw! Puraw!"
Grabe ang mga tao sa pagsigaw sa pangalan niya. Nanlaki pa ang mga mata ko nang tuluyan na niyang naalis ang short at tinapon sa kung saan.
Again, WHAT THE HECK!!!!!!!
BAHAG! Nakabahag siyang maglalaro? Seryoso ba siya?! Ngayon lang ako makakakita nang nakahabag tapos maglalaro ng basketball.
Lalo lang lumalim ang pagkagusto ko sa kanya. Hindi ko maintindihan pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kung patuloy akong makakatuklas ng mga bagay tungkol sa kanya, sigurado akong mas lalala ang sitwasiyon ko.
At natatakot ako kung mangyayari yun. Dahil alam ko ring walang patutunguhan ang damdamin ko sa kanya. Masasaktan lang ako sa huli.
Bumuntong hininga ako. Pumasok na sa laro si Puraw. At humanga ako sa kakisigan niya. Grabe, bagay na bagay sa kanya ang nakabahag.
"Hindi ba, bawal ang ganun? Kasi dapat naka-uniform?" Tanong ko kay Danica kaya napatingin siya sa'kin.
"Ahhh, d'yan siya nakilala ng lahat. Dahil siya laang ang natatanging Mangyan na nakasali sa basketball dito. Pumayag naman ang mga nag-organize ng Interhigh, respeto na rin sa kinabibilang katutubo ni Puraw. Ang Nanay niya ay purong Mangyan at ang Tatay niya ay Amerikano," paliwanag niya.
Natulala ako. So that answer why he's part on that parade. Kasi talagang nasa dugo niya ang pagiging Mangyan. Pero hindi pa rin ako makapaniwala. Ang gwapo niyang Mangyan. Shemmss!
Ano pa ba ang dapat kong malaman tungkol sa'yo, Puraw? Napakamisteryoso mo sa'kin at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang epekto mo sa'kin.
Naging mas mainit ang quarter na toh. Naging mas aktibo na ang galaw ni Puraw habang si Jordan ay mas dumagdag ang bilis. Wow, humanga ako sa teamwork nila. Namiss ko tuloy ang maglaro ng basketball kasama ang tropa ko sa Manila.
Ilang minuto pa ang tinagal ng laro. Muntikan pa ngang magkapikunan ang dalawang captain ng magkabilang team.
"Prrrrrrrtttttt....."
Tapos na ang laro. At panalo sila Puraw! Hindi na muling nakabawi pa ang team ng kabila.
"Yeheyyyyyyy!!!!!/Ayooooooos!" Sabay na sigaw ng kambal kaya napatawa kaming dalawa ni Danica. Nanalo sila Puraaawwww!!! Panalo kami!!!!
Nagtatalon ang lahat lalo na ang supporters ng school namin. Maging kaming apat ay hindi na rin napigilan ang magtatalon sa kasiyahan.
Nagkamayan na ang dalawang team sa gitna. Lumapit na sa upuan ang ibang kateam nina Puraw upang uminom at magpahinga.
Palapit na rin sa kinaroroonan namin ang dalawang naging dahilan ng pagkapanalo ng MinSCAT Basketball Team. Hindi nakapaghintay si Danica at tumakbo na papunta sa dalawa. Nanikip ang dibdib ko nang mahigpit na yumakap si Danica kay Puraw.
"Purawwww! Congratss, ang galing mo!"
"Ouch naman Kangkang! Nandito ako ohh! Nag-effort din naman ako," emote ni Jordan kaya napatawa si Danica at binigyan din ng mahigpit na yakap.
Hindi ko na pinansin ang tawag ni Jordan kay Danica dahil nanatili pa rin sa'kin ang imahe ni Danica habang yakap-yakap si Puraw. Siguro sobrang close na close talaga silang tatlo. Hayyyssstt, masarap siguro magkaroon ng kaibigan na susuportahan ka sa lahat...
Napabalik ako sa reyalidad nang magtama ang tingin namin ni Puraw. Nandoon na naman ang pakiramdam na sumibol sa dibdib ko. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok nito. Nanlalamig ang mga kamay ko.
Lumakad siya papunta sa'kin. Hindi ko alam kung anong itsura ko pero parang hindi na ko makahinga at naestatwa na lang bigla dahil papalapit siya sa'kin. Heto na.... malapit na.... ilang hakbang na lang niya at magkakalapit na kami.
"Nay.. Tay.. Ate.." Napalingon ako sa likod ko dahil nilampasan niya ko.
Akala ko ako ang tinitingnan niya... Assuming ka na naman Alyanna!
"Congratss anak!" Turan ng isang maliit na babae na hula ko'y Nanay niya. At oo nga't nakikita ko ngayon sa Nanay niya ang tipikal na itsura ng Mangyan. Pero sa kabila nito'y kapansin-pansin ang parehas na kulay ng mata nila ni Puraw.
"You did great, young man." Sigurado akong Tatay niya ito. Matangkad at halos ng feature ng mukha maging ang kulay ng balat ni Puraw ay namana niya dito.
"Hey Pooh! Congratss! Buti naman at hindi sayang ang 100 pesos na bigay ko sa'yo!" Nagulat ako. Bakit nandito si Dr. Jamaica?
"H'wag mo nga akong tawagin sa pangalan ng oso! Tsaka h'wag kang ba-oy kapag binigay mo na h'wag mo nang isumbat, Ate!" Ani Puraw.
Magkapatid sila? My gosh! Hindi ko na ma-process lahat ng nalalaman ko.
"Hey, Yana nagtext na ang Nanay Lolit mo. Kailangan na natin umuwi. Baka abutin tayo ng dilim dine. Mahirap pa naman makasakay," bulong ni Maleng.
Kaya naglakad na ko at tinalikuran na sila Puraw. Mukhang masaya naman siya dahil nanood ang buong pamilya niya sa laro nila.
"Hey, uwi na kayo?" Humarang si Jordan kaya napatigil ako.
"Ahh, oo eh.. Hinahanap na kami sa bahay. Baka gabihin kami sa byahe."
"Bakit saan ba kayo?"
"Nag-iba."
"Aww, ang layo nga... Sige ingat kayo. Salamat sa panonood ng laro namin. Pupunta ba ulit kayo sa finals?"
"Naku, mukhang hindi na. Kaya lang naman ako nagawi dito dahil nagpa-enroll muna ako sa Minscat."
"Wow! Same school naman pala tayo. Sige sige, kita-kita na laang sa pasukan. Malapit na rin naman."
Tumalikod na ko at humarap sa kambal. Hindi na ko nakapagpaalam kay Danica dahil kita kong busy siya sa pagkausap kay Puraw at sa pamilya nito. Close siya sa kanila kaya malamang kung magiging sila ay pabor na pabor ang pamilya ni Puraw kung sakali.
Ok, Alyanna... Tama na ang kahibangan dahil talo ka na. May Danica na yun...
Ang plano ay mag-aral ka at magtino at hindi kasama ang magkagusto ka sa gwapong Mangyan na yun...