Chereads / PURAW (Ang Gwapong Mangyan) *ongoing* / Chapter 10 - Chapter 7 (Babaeng-hypnotizer)

Chapter 10 - Chapter 7 (Babaeng-hypnotizer)

Puraw's P.O.V.

*Kringggggg*Kringgggg*

Pupungas pungas kong binato ang alarm clock sa kung saan at dahan dahang bumangon sa'king kama. At natulala sa kung saan. Lutang moments. Ganyan ako parati kapag gigising sa umaga. HAHAHAHA.

1 minute....

2 minutes.....

5 minutes.....

"A-Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhhwwwwwwwwwwwww," sabay talon bigla with matching suntok-suntok pa sa ere para mabuhay ang dugo ko.

Dumeretso na ko sa banyo para maligo. After few minutes lumabas na rin ako at naglakad nang naka-tapis papunta sa walk in closet kung saan nakalagay ang susuotin kong jersey for this year's Interhigh.

Pinagmasdan ko ang uniform namin sa laro. Kulay green na may highlight na puti, nakalagay sa unahan ang logo ng school ko. MinSCAT. At sa likod nito ang apelyido ko at ang malaking numero. 22.

Lewis. Number 22. Captain Ball. Forward.

Bilis nga naman ng panahon ohh. Akalain mong kami ang hinirang na depending champion at heto ngayon ay muling lalaban para madepensahan ang titulo.

Nilagay ko muna sa aking bag ang jersey. Mamaya ko na lang susuotin sa mismong laro dadaan pa naman kasi ako kay ate sa school para humingi ng baon.

Pandagdag kahit may pera naman talaga ako. Ayoko kasi masiyadong ginagastos ito kaya iniipon ko baka magamit kapag may emergency. Kahit na madadatong mga magulang ko, hindi naman ako spoiled tulad ng ibang teenager na bili dito, bili doon.

Marunong ako magpahalaga ng pera na pinaghirapan mismo ng mga magulang ko. Saka na ko magpapasagapa sa luho kapag sarili ko nang pera ang ipanggagastos ko.

Nagsuot na lang muna ako ng puting v-neck at pantalon at rubber shoes. Nagpapogi sa salamin then okay na! Walang kupas ang kakisigan! HAHAHA.

Bumaba na ko at nadatnan sa may dining table ang tatay kong nagkakape at nagbabasa ng diyaryo.

Nagpapakahirap pa bumili nun kahit paulit-ulit kong sinasabi na puwede naman sa online mas latest pa. Pero ayaw daw niya, mas maganda pa rin daw nang may nahahawakan. Tss.

Habang nasulyapan naman ako ni Nanay na naghahanda na ng pagkain para sa'min. Nginitian niya ko kaya sinuklian ko ito ng mas malaking ngiti. Para dama.

"Gandang umaga, nak!"

"Good morning, Nay." Kaya napatunghay si Tatay sa'kin at ngumisi.

"Nandiyan ka na pala. Come beside me and eat your breakfast. Me and your mom are going to watch you play later. So do your best, ok?!" Tumango na lang ako sa kanya at umupo na laang.

Diretso na talagang magsalita ng tagalog. HAHAHA. Parang dati laang parang pinilipit ang dila sa hirap magbigkas ng tagalog. Tutor bagá naman ang Nanay, kaya yun sa sobrang pagmamahal sa asawa pinilit na matuto. Iba talaga ang pag-ibig. Oh oh! Your willing to do the things that makes your partner happy. Cheesy dude.

"Galingan mo anak huh?! Ichicheer ka namin ng tatay mo," masiglang pahayag ng Nanay kong maganda kaya tumango-tango ako sa kanya at ngumiti.

Magana akong kumain kasama sila. Tinanong ko kung anong oras umalis si ate. Sabi ni Nanay ay maaga raw dahil marami pa 'tong aasikasuhin sa school.

Doon kasi sa mismong school na pinapasukan ko siya nagtatrabaho. 19 years old ako at siya naman ay 26 years old na. At very successful pero walang lovelife. Sabi naman daw niya, career muna aatupagin niya bago ang bagay na yun.

Nagpaalam na ko sa dalawa pagkatapos kumain. Susunod na laang daw sila at susuportahan ang laro ng kanilang unico hijo. Lumabas na ko sa gate namin at naghintay ng tricycle.

Wala akong kotse hindi dahil wala akong pambili actually limpak-limpak ang pera ko sa bank account ko pero hindi ko man laang ginagalaw. Kahit ang Tatay ay nagkukusang magsabi sa'kin na bibilhan niya ko ng kotse pero mariin akong tumanggi sa alok niya.

Sabi ko kasi mas gusto ko na laang mag-commute dahil malapit laang din naman ang school ko mula dine sa bahay. Kaya bakit pa ko bibili ng kotse? Para magyabang, ganun? Tss. No way mas magandang mag-commute dahil sampung piso laang ang pamasahe kaysa sa pampagasolina ng kotse tapos pang carwash pa, 'di'ba? Dagdag gastos!

Atleast ang katwiran ko, nakakatulong pa ko sa mga tricycle driver na marangal na nagtatrabaho para sa pamilya nila.

Few minutes had passed at may tricycle na ang huminto sa tapat ko.

"Sa'n ka,toy?"

"MinSCAT po kuya."

Tumango lang siya kaya sumakay na ko. Ilang minuto pa ay nandito na ko sa tapat ng school kaya binigay ko na ang bayad kay kuya at bumaba na.

Naglakad na ko papuntang Registrar's Office para bisitahin si ate. Nang nasa tapat na ko ng office niya ay kakatok na sana ako pero napalingon ako sa gawing kaliwa at nakita ko siyang naglalakad papunta sa harap ko kaya inalis ko na ang kamay ko sa may pinto at hinarap siya.

"Oh, ba't nandirine ka? Kala ko ga may laro ka tutoy?" Napaismid ako sa pagtawag niya sa'kin ng totoy na kahit paulit-ulit kong sinabi na tawagin niya ko sa pangalan ko dahil ang tutoy ay para laang sa bata. Tss, ang kulit talaga ng lahi nire!

"Hihingi ako ng baon, 'te. Manunood ka ga ng laro ko?"

"May pera naman tapos hingi pa ng hingi. Tss. Oh! Isang daan laang huh! Wala akong barya. At oo siyempre manunood ako ng laro mo noh!!! Hihihihi." Sabay abot niya sa'kin ng 100 pesos.

Ganyan lang talaga ang halaga na hinihingi ko sa kanya everytime na nanghihingi ako. Mura laang naman tinda sa school na pagdadausan ng laro ko. Kaya tamang bottled water at banana cue ay solved na solved na ko!

"Sa'n ka pala galing, 'te?"

"Ahhh, sinamahan ko laang ang anak nina Mr. and Mrs. Navarro. Kukuha ng entrance exam."

"At kailan ka pa nagbigay ng special treatment sa estudyante? Kahit nga ako na kadugo mo hindi mo nga laang natulungan nung nagpa-enroll ako dine."

"Hahaha, ngayon laang 'toy!!! H'wag kang high blood diyan at sadyang pinausap laang ng mag-asawa na kung pupuwedeng i-assist ko ang anak nila dine."

"Tss, sige na. Papalit laang ako ng uniform namin sa laro para deretso na ko sa gym nila doon."

"Ok, galingan mo mamaya huh?! Pag 'di laang! May sapok ka mamaya sa'kin. Susunod ako doon tatapusin ko laang mga gagawin ko dine."

Tss. Tumango na laang ako at tinalikuran siya at pumunta ako sa malapit na C.R. para magpalit. Sinuot ko muna ang alas ko at mamaya kung sakaling magiging mainit ang laban ay mas lalo ko pang paiinitin. Tsaka ko pa laang sinuot ang jersey ko.

Lumabas na ko ng gate at papara na sana ng tricycle pero napalingon ako sa likod ko nang narinig ko ang mabilis na mga yabag papalayo. Nakita ko ang isang babae na nakatalikod sa'kin at hinahabol ang lalaking naka-jacket. Dahil sa curiosity ko ay tumakbo rin ako para maabutan sila. I have 2 hours pa naman bago ang laro kaya napagpasyahan kong tulungan na laang ireng si Ate.

Mukhang nanakawan ata dahil kita kong nasa kamay ng lalaking hinahabol niya ang cellphone na wari ko'y pagmamay-ari ng babaeng nakablack shirt.

Nagulat ako nang matisod ang magnanakaw kaya pupuntahan ko na sana sila pero napahinto ako sa ginawa ng babae. Sinapok niya ng malakas ang magnanakaw at sa sobrang lakas napatumba pa ito.

"BADTRIP ka! Pinahabol mo pa kong hayop ka!" Rinig kong sabi nito at dama kong galit na galit siya sa lalaki. Ano ka?! Nakaw ka pa huh?! Buti nga sa'yo.

At sinuntok niya ulit ito kaya dumugo ang nguso. Grabe, sumuntok ahh. Babae pa ga ire? Nakakatakot pamihado ireng awayin dahil lalapat kaagad ang kamao niya sa mukha mo. Masiyadong brutal...

"MA'AAAAMM!!! H'WAG PO!! TAMA NA!!! SORRY PO SA GINAWA KO!!!" Sigaw nito nang aambahan sana ulit siya ng suntok.

"Pasalamat ka mabait pa ko ngayon dahil kung naabutan mo kong may saltik! Tiyak, nasa hospital ka na ngayon naghihingalo at baka nga siguro 50/50 ka pa! Umalis ka na sa harap ko kung ayaw mong triplehin ko pa 'yang pasa mo!" Napalunok ako dahil sa malamig niyang banta ay parang sigurado siyang yun nga ang mangyayari kung sakaling bad mood ito. Ayyyy, ibaaa! Tss. Basagulera. Ekis sa'kin yan...

Kaya sa takot ng lalaki ay tumakbo ito ng mabilis at animo'y nakakita ng multo sa sobrang putla. Wala ka pala sa isang ire ehh.. HAHAHAHA.

Pinagpag niya ang damit niya at napalingon sa'kin. Teka.... Parang pamilyar sa'kin ang mukha niya.

Ayyy, SHETE!!! Siya yung babaeng-hypnotizer sa jeep! Buhay nga naman, oh Oh! Akalain mo nga naman at nagtagpo pa ang landas namin. Ano ga naman ireng tadhanang ire! Ayy, kamalas ko naman!

Nagulat siya nang napatingin sa'kin. Pinagmasdan ko laang siya at napansin kong may itsura rin naman ang isang 'to.

Maputi siya at medyo matangkad. Slim ang katawan at mahabang buhok na kulay blonde. Umaalon pa ito sa lakas ng hangin at minsan pa'y tumatama ang ilang hibla nito sa hugis puso niyang mukha. May makakapal na kilay, matangos na ilong at mapupungay na mata. Ang ganda ng mata niya, kulay green. Tapos ang kinis din ng mukha niya at walang makikitaang pores man laang.

Tss, anak-mayaman. Kahit walang kolorete ay kapansin-pansin pa rin ang ganda niya at napatingin ako sa labi niyang kulay rosas. Pero hindi ako nagpahalatang apektado ako ng ganda niya. Sino siya? Para pagpantasyahan ng isang tulad ko?!

"Tsk," umiling ako at pinapahiwatig na 'di ako nasiyahan sa nasaksihan ko. Kahit sa loob-loob ko ay nagsasabing humanga ako sa tapang niya.

"A-ahmm, nin--ninakaw kasi y-yung cellphone k-ko kaya binigyan ko lang ng leksyon," paliwanag niya sa'kin. Alam ko. Nakita ko nga 'ika ng isip ko.

"Don't explain yourself, Miss. I don't even know you so I don't care either," malamig kong sabi. Ayoko laang ipahalatang concern ako dahil baka iba ang isipin nire.

"Alyanna," lahad niya ng kamay pero sinulyapan ko lang ito at tiningnan siya.

"So? I'm not interested." Tinalikuran ko na siya. Dahil wala nang dahilan para manatili ako doon tutal nakuha na niya ang cellphone niya. Hindi kami close para kausapin ko siya, noh?!

"PUUUUUUURAAAAAAAAAAAAWWWW!!!!!!!!!"

Takte! Nagulat ako nang sinigaw niya ang pangalan ko. Paano niya nalaman yun??? Stalker ko ga ire? Napalingon ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

(*Author's Note: Hello!!! translate ko lang ibang words dito.

Nandirene~nandito

Ire~ito.

At kung nagtatanong kayo kung bakit "laang" instead of "lang" talaga dapat pero dine ho sa amin ay ganito sadya. Tapos "ga" instead of "ba" like kumain ka na ga? (Kumain ka na ba) Ewan ko po pero sadyang ganun talaga dito. Hehehehe yun lang!! Salamat*)

Alyanna's P.O.V.

Hindi siya nagsalita matapos kong isigaw ang pangalan niya pero kita ko pa rin ang masamang tingin na ipinupukol niya sa'kin. Bigla na lang siya pumara ng tricycle at dali-daling sumakay rito kaya nataranta ako.

"Ayy,, Sandali ho!!! Pasakay din!!!!" Sigaw ko kaya tumigil ulit ang tricycle kaya pumasok na ko sa loob at tumabi kay Puraw na masama pa rin ang tingin.

Sumiksik ako sa kanya at naamoy ko ang pabango niya. Lalaking lalaki! Shemsss!

Diretso lang siya nakatingin sa daan kaya ginaya ko na rin siya pero kita ko pa rin sa peripheral view ko ang kagwapuhan niya. Kinikilig ako! Medyo nanginginig ang kalamnan ko dahil nakatabi ko siya pero deadma lang. Chance ko toh!!! Bwahahahaha.

"Sa'n kayo 'toy?neng?" Tanong sa'min ni Kuya Driver.

"Kuya sa may harap lang po ako ng OM," sabi ng katabi ko at hindi ko napalagpas ang amoy ng hininga niya. Sweet mint. Ang bango niya! Grabe!!! Nahiya tuloy ako sa pagtabi sa kanya dahil feeling ko amoy pawis na ko.

"Ikaw neng sa'n ka?" Natauhan ako bigla nang tanungin ako ni Kuya.

"OM din ako kuya," sagot ko kay Kuya kahit hindi ko naman talaga alam kung saan yun pero wala ehhh, gusto ko makasama 'tong gwapong 'to!

Ipinaandar na niya ang tricycle at umarangkada na. Samantalang napalingon sa'kin ang katabi ko kaya natulala na naman ako nang malapitan kong napagmasdan ang kabuuan ng mukha niya.

Alyanna, h'wag tutulo ang laway mo!!! Dahil mapapahiya kang babae ka!!!! Feel ko na talagang namula ang pisngi ko dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa'kin. Grabeeeeee!!!!! Hindi ako makahinga ng maayos!!!! Can someone help me here???? Feeling ko nasusuffocate na ko!!!!!

"Are you stalking me, Miss?" Suyang turan niya sa'kin.

"N--no! O-of course not. Sadyang doon din ang punta ko kaya h'wag kang assuming!"

"Tss. Then why did you know my name?" Tanong niya kaya bigla akong kinabahan.

"Aa-ahhhmm, na-nakasuot k-ka kasi ng I.D. na--nabasa ko lang, hehehe," utal-utal pa ko sa sobrang kaba. Naiintimidate pa ko dahil sa titig niya!!!

Umismid na lang siya. At nakahinga naman ako ng maayos dahil tumalab ang alibi ko. Hindi na siya lumingon sa'kin kaya sa labas na lang ako tumingin.

Maya maya pa't huminto na rin ang tricycle sa tapat ng isang gate. Kaya bumaba na ko at nagbayad. Ganun din ang ginawa ni Puraw pero hindi na niya ko pinansin at mabilis na naglakad papasok sa gate. School pala toh. Nagmadali na lang din ako para maabutan siya. Ang bilis naman maglakad nun..

Huminto lang siya saglit nang may isang lalaki ang kumausap sa kanya. Kaya tumabi ako sa kanya nang 'di niya namamalayan kaya napatingin sa'kin ang kausap niya.

"Wow, pare! Girlfriend mo?" Sabay turo niya sa'kin kaya napalingon sa'kin si Puraw.

"No, i don't know her."

"Ohhh, ganun ba... Hi, ako nga pala si Jordan Blake Bezuidenhout. And you are?"

"Aa-ahhhmm, Alyanna Gwen Navarro," sabay tingin sa katabi ko. Nilaksan ko talaga para marinig niya ang pangalan ko.

"Nice, your name suits you, beautiful! Anyway, nandito ka ba para manuod ng laro namin?" Uminit bigla ang pisngi ko sa compliment niya sa'kin at napatingin sa kabuuan niya. Gwapo. Clean cut hair. Maputi rin at maganda ang katawan.

Pero siyempre loyal pa rin ako kay Puraw my loves!!! Hikhikihikhik...

"E-ehhh, yeah manunuod nga ako."

"Tss. Tama na yan. Tara na bro may laro pa tayo," masungit na sabi ni Puraw at nauna nang maglakad sa'min. Tamo toh! Iniwan ako!!! Jealous siguro?! HAHAHA. Puraw.... H'wag masiyado pahalata!! Kenekeleg eke!!!!

"Don't mind him. Ganyan talaga yan kapag oras ng laro pero mabait 'yang bestfriend ko na yan. Sabay ka na sa'kin papasok ng gym."

"Ahhhh, siguro nga... Sige tar---"

"Hey! You two!!!! Mag-uusap na lang ba kayo diyan??? Ta' na!!!"

Kaya napatalon ako sa gulat nang lumingon siya sa'min kaya bigla na lang ako hinila ni Jordan sa braso kaya nagpatianod na lang ako.

Ikli naman pasensya nang isang yun. Kitang nag-uusap lang naman ehh!!! Galit na galit?! Hayaan na nga, ichicheer ko na lang siya mamaya para ganahan ang my loves ko! Bwahahahahahaha!!!!!!