Chapter 3 - Prologue

Alyanna's P.O.V.

"Ano, ALYANNA GWEN NAVARRO!!! Ganyan ka na lang ba parati??? Dadating ka dito sa bahay ng may bangas ang mukha! Aba, kabababae mong tao, hindi ka na ba naaawa sa amin ng papa mo? Kayod kami sa pagtatrabaho tapos ganyan ang dadatnan namin sa'yo? Puro sugat ang mukha!" Sigaw 'yan ni Mama na akala mo naman totoong nag-aalala if I know pera lang naman ang importante sa kanila.

Ayoko na lang makipagsagutan sa kanya dahil sawang-sawa na ko. Nakakarindi na ang makipagtalo dahil gusto lamang naman niya lagi ang nasusunod. Tsk

"Alam mo wala rin kwenta ang pagbubunganga ko rito eh. Mabuti pa, doon ka muna sa bahay natin sa Calapan, walang luxuries, cars, credit cards, ATMs! Mabuhay ka na ikaw mismo ang gagawa ng paraan para magkapera para matuto ka sa buhay at hindi ka asa lamang sa amin," bulyaw pa niya kaya't gulat na gulat akong napatingin sa kanya.

"Ma naman!! Grabe ka naman, AYOKO!!!! Hindi pupwede yang sinasabi niyo! Yun na nga lang kaligayahan ko eh. Tapos kukunin niyo pa sakin," pagmamakaawa ko kay mama kasi totoong yun lang ang enjoyment na meron ako at kapag nawala pa yun sakin....Ayyyy sa malamang hinding-hindi ko na kayang mabuhay pa!!!!!

Kaya naman sa sobrang desperada ko na pa-cute pa kong tumingin kay Papa na nakaupo lang habang nagbabasa ng diyaryo at walang pakealam sa diskusiyon namin ni Mama. Nagulat pa siyang tumingin sakin at todo paawa pa ko para kampihan niya ko. Pero hindi manlang natinag at bumalik na lang sa pagbabasa niya.

Tsk. Talaga naman ohhh!!! Ito ba ang kapalit ng pakikipagsuntukan ko!!! Kung ito man yun, baka naman pwedeng huwag na muna paabutin sa ganito! Promise, magpapakatino na ko!

Mukhang galit na galit na talaga si Mama sakin. Kasalanan ko ba talaga na sobrang lapitin lang talaga ako ng gulo. Kung hindi naman kasi tinuruan ako ni Papa ng basic martial arts dahil isa siyang black-belter ng taekwondo. Edi sana, hindi ko nagagamit sa gulo. Sisihin daw ba yun?!HAHAHA

"At nagagawa mo pang tumawa dyan! Wala ka talagang modong bata ka! Magsimula ka nang mag-impake ng mga gamit mo dahil bukas na bukas ay aalis kana dito at pupunta dun sa Calapan kasama ang Nanay Lolit mo!" At wala na talaga akong magagawa para baguhin ang desisyon niya.

Pero napaisip ako bigla, kanina pa si Mama sabi ng sabi ng Calapan, eh hindi ko naman alam ang lugar na yun. Hay naku!

Tatayo na sana ako sa couch nang pumasok bigla si Nanay Lolit na may dalang kape at binigay kay Papa.

"Oh, bakit naman kayong mag-ina ay sigawan ng sigawan dyan! Aba'y rinig na rinig ko yang mga boses niyo sa kusina," malumanay niyang sabi habang tinitingnan kami ni mama na hanggang ngayon ay nagpapalitan pa ng masasamang tingin.

"Yan kasing alaga niyo Manang, masiyadong fan ni Coco Martin kaya yan pati pakikipagsuntukan ay parang hobby na. Lagi na lang uuwi ng may bangas. Gawain ba yan ng dalaga?!!! My goodness!! Babae ka ba talaga?"

"Oh bakit nga ganyan mukha mo Alyanna?" Tanong pa ni Nanay kaya't inexplain ko na lang na napuruhan lang ako nung nakipag-away na naman ako sa basketball court, nagkadayaan kasi kaya nauwi sa suntukan.

"Kaya Manang, napagdesisyunan ko na doon muna kayo niyang batang yan sa Calapan at turuan niyo yan mabuhay ng di nakikipagpalitan ng kamao na daig pa ang boksingero! Doon ko na rin yan pag-aaralin ng college. Sa dati kong school. Walang kahit na anong luho! Maranasan man lang niyan ang hirap ng buhay. Hmmpf. Bukas na kayo aalis agad, doon kayo dumeretso sa bahay na pamana pa sakin ng lolo't lola mo," sabay tingin pa sakin ni Mama sabay irap. Duhh, so arte!

"Alam niyo kanina pa kayong Calapan ng Calapan! Saan ba yun, Ma?? My gosh! Pwede bang pakisabi muna kung saan banda yun ng Pilipinas or nag-eexist ba ang lugar na yan?," litong-lito kong sabi eh sadya naman talagang hindi ko alam kung saan yung Calapan na yun eh!

"Yun ang nag-iisang lungsod sa Oriental Mindoro nak," sabi bigla ni Nanay Lolit kaya napalingon ako sa kanya. Well, dito kasi ako lumaki sa Manila kaya malay ko bang sa Mindoro pala yun. Tskk... di'ba probinsya yun? So titira ako sa probinsya???? Luhhh, ang MALAS KO NAMAN!!!! Nakakainis!!!

"Doon ang lugar kung saan unang nagkita ang mama at papa mo at gumawa ng lovestory," kinikilig pang sabi niya kaya nanlalaking matang nagulat pa ko sa huling sinabi niya. Omoooo!!! So dun nagsimula ang lovestory ni mader at ni pader?? HAHAHAHA interesting!

Kung pupunta ba ko sa lugar na 'yon? Mahahanap ko rin kaya ang makakatuluyan ko???Omoooo!!!! Excited na ko kung ganon!!!!

Calapan, hintayin mo ko!!!! Paparating na ko!Hihihihihihihihi