Chereads / PURAW (Ang Gwapong Mangyan) *ongoing* / Chapter 4 - Chapter 1 (Welcome to Calapan City)

Chapter 4 - Chapter 1 (Welcome to Calapan City)

Alyanna's P.O.V.

"Welcome to Calapan City." Bungad sa akin ni Nanay Lolit, ang mayordoma ng aming tahanan pero masasabi ko bang tahanan yun? Tsk.

Ni wala na nga atang pakealam sa akin mga magulang ko eh. At hindi man lang ako ma-kumusta dahil laging busy sa mga trabaho nila.

Buti pa si Nanay Lolit, palaging nandiyan para sa akin. Siya na nga nagpalaki sa akin dahil maski ako hindi maasikaso ng mga magulang ko. Tsk. tama na nga ang drama baka umiyak pa ko dito.

Anyway, kabababa ko lang sa barko na sinakyan ko papunta nga dito sa lugar na toh. Infairness, fresh ang hangin 'di tulad sa Manila na nakakasulasok ng amoy. Mygosh!

So ito pala yung Calapan...Hmmmm, mukhang mag-eenjoy naman siguro ako ng paglipat dito. Ganito kasi yun, may usapan kasi kami ng mga magulang ko na magtitino na ko kung 'di niyo kasi natatanong may pagka-basagulera ako. Oo! Wala naman pakealam mga magulang ko kaya keri lang. Hahahaha...

Bad ba? Ayy sa totoo naman eh!!! Tsk.

So yun nga, usapan namin na dito muna ako titira kasama si Nanay Lolit para bantayan ako at siyempre para magpakatino daw? Titino nga ba?? HAHAHA...

Napatigil ako ng pag-iisip nang may kumulbit sa balikat ko. "Miss, ikaw ba si Alyanna Gwen Navarro?" Magalang na tanong ni kuyang hindi ko naman kilala. "Opo, ako nga bakit alam niyo name ko?" Sabi ko nang polite mode, siyempre magalang din naman ako noh! Kahit naman takaw ako sa gulo marunong pa rin naman ako kumausap ng maayos. "Ahhh, nahulog niyo po kasi itong I.d. ninyo," sabay abot niya sa akin ng I.d. ko kaya kinuha ko naman sa kamay niya at nagpasalamat.

"Oh, akin na yang mga gamit mo Alyanna, at nang makasakay na tayo ng jeep papunta sa bahay na sinasabi ng mama mong pamana ng lolo't lola mo,"alok sakin ni Nanay Lolit kaya hindi na ko tumanggi, marami-rami rin kasi yung dala ko. Dalawang maleta ba naman at isang handy bag. Pero siyempre yung isang maleta lang binigay ko atsaka yung handy bag.

Naaawa na ko kay Nanay eh matanda na nga pagbibitbitin ko pa ba ng mga gamit ko. Kaya hawak-hawak ko pa rin yung isa kong maleta.

Tapos hawak-kamay kami naglakad sa terminal ng jeep at tricycle sa may harap ng mismong Calapan Port. Tapos agaw-pansin pa sakin ang napakalaking billboard sa harapan at nakalagay ang "Maligayang Pagdating sa Oriental Mindoro," tapos giliw na giliw pa ko sa mga pictures ng naka-collage at nakapalibot sa mga salitang yun. Makukulay kasi at sarap pagmasdan, parang feeling ko kapag nakatingin ako dun ay napakainit na ng pag-welcome sakin ng mga taga-don kahit wala pa naman akong kilala.

"Bilisan mong maglakad para makasakay na tayo agad," bulong sakin ni Nanay na akala mo nama'y may makakarinig na ibang tao ng sinasabi niya. Eh dikit na dikit nga siya sakin.

Kaya binilisan ko na ang lakad habang hawak siya sa braso at hila-hila ko ang maleta ko. "Nawan! Nawan! Nawan! Nawan!" Malakas na sigaw nung konduktor na talagang pinanindigan ang pagsisigaw dun habang nag-aabang ng mga pasaherong nagbaba rin sa barkong pinagsakyan ko.

Nakaupo na kami kaagad sa jeep ni Nanay Lolit at buti na lang hindi pa masiyadong masikip kaya maginhawa pa ang pakiramdam ko. "Nay, ano yung sinasabi nung konduktor sa labas? Nawan daw eh? San yun?" Tanong ko kay Nanay na busy sa pagtitingin sa mga gamit namin na nakalagay lang sa baba. Tiningnan niya ko na parang may mali akong sinabi.

"Anong Nawan? Baka Naujan! Pauso ka?" Sarkastikong banggit niya sakin. Malay ko bang Naujan pala yun. Eh sa Nawan parinig ko eh!!! Tssk.

(*Pronounce: Naujan~Naw-han*)

"Sabi ko nga ho hindi na magtatanong, si Kuya Konduktor kasi hindi ayusin ang pronouncing! Yan tuloy pati ako nadadamay!!" Bulong ko pero narinig pa rin ng matanda kaya takot pa kong pinandilatan ng mata.

Kaya nanahimik na ko. Habang naghihintay ng mga pasahero para mapuno ang jeep at nang makalarga na, sabi yan ng driver. HAHAHAHA

Pinagmamasdan ko na lang ang lahat ng sakop ng paningin ko. Ang nakikita ko lang naman ay pa-ilan ilang mga sasakyan at nagtataasang mga puno.

Hindi masiyadong maingay dito at payapa lang ang lahat.

Sana kung ganito lang sa Manila, edi hindi sana nakakatakot tumira dun. Paglabas mo lang kasi ng bahay, kakabahan ka na at baka may mang-holdap na agad sa'yo bigla. Haissttt

Maya maya pa't umandar na rin ang jeep. Nasa bandang kanan ako at sa mismong likod ng upuan ng driver habang si Nay Lolit naman ay nasa kaliwa at kaharap ko. Parehas kaming nasa unahan at medyo sikip kami dahil sa mga gamit namin pero nakakahinga pa naman.

"Ate, paabot po ng bayad," mahinang sabi sakin ng katabi ko habang inaabot sakin yung bayad daw niya. At dahil kailangan ko na ngang maging good girl, kinuha ko yun at inabot sa driver.

At dahil nga ako ang nasa unahan, aba'y ako na rin ang naging taga-abot ng ibang pasahero ng mga bayad nila.

Talaga namaaan ohhhhh! Badtrip! Pagpasensyahan mo na Alyanna, kasalanan mo rin naman dahil dyan ka pa umupo. Yan tuloy ginawa ka nilang taga-abot ng mga bayad. Tsk. As if naman may tip ako na makukuha dito kung sakali... Hay naku!

At buti naman naubos din ata mga barya nila at wala nang nangahas magpa-abot ng bayad. Bigla naman nag-abot na rin ng bayad si Nanay Lolit para sa amin. "Bayad po, dalawang Dulong Bayan," sabay bigay niya ng bayad sa konduktor na katabi nung driver. Yun din yung konduktor na sumigaw kanina ng "Nawan" daw hehehe. Di ako makaget over HAHAHAHA. Laughtrip.

Hayyyyy, ano kayang mangyayari sakin dito? Sana naman maging mabait sakin si Lord at padaliin lang ang pagtira ko dito... 1st time ko lang dito sa probinsya.

Bahala na nga...