Chereads / PURAW (Ang Gwapong Mangyan) *ongoing* / Chapter 8 - Chapter 5 (Aning&Maleng)

Chapter 8 - Chapter 5 (Aning&Maleng)

Alyanna's P.O.V.

*Ringtone*

Loving can hurt

Loving can hurt sometimes

But it's the only thing that I know....

Napabalikwas ako sa higaan nang biglang tumunog ang paborito kong kantang "Photograph", paborito ko kaya ginawa kong ringtone hehehe.... Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at sinagot yung tawag ni Mama--

"Hello, Ma?"

"Kumusta ang byahe niyo ni Manang?"

"Ok lang..." Natatamad kong sabi.

"Ahhh, ganun ba... Buti naman at ligtas kayong nakarating diyan. Nga pala nakilala mo na ba yung dalawang kambal nina Aling Salve? Yung caretaker ng bahay..."

"Yung isa lang ang nakita ko.. si Aning... Why?"

"Ahhh, alam mo naman na sigurong scholars natin yung si Annie Rose at Marlyn."

"Ok...then?" Marlyn pala yung isa...

"I just want to remind you na ang usapan ay usapan. Kailangan mong magpakatino para ibalik ko sa'yo mga luho mo or else---"

"Yeah yeah yeah.... I know that Ma. H'wag niyo nang ipagdiinan. Nandito na nga ako 'di'ba?!"

Tss. I don't care kung bastos man ang dating pero naiinis na ko! Kailangan pa bang ulit-ulitin yun? Hello, kagigising ko lang tapos yun agad ibubungad sa'kin. Hayys!

"Yeah fine, ipinapaalala ko lang in case you forgot the reason why you're in that place. As I was saying, sila ang magbabantay sa'yo sa school na papasukan mo. Mababait naman sila so you can be friends to them. By the way, I already passed your requirements and you just need to be there tomorrow for the interview and entrance exam. Pasasamahan na lang kita sa kambal na pumunta don."

"I'm not a 5 years old kid para pabantayan niyo, Ma! I can handle myself. Tss."

"No, sasamahan ka nila sa Minscat and that's final."

*Toooot...Toooot...Toooot...*

What the---?! Grrrrrr..... Badtrip ka talaga Ma!!!!!!! Ayaw daw ng bastos pero binabaan ako ng tawag. Tss...

I just checked my phone kung anong oras na ba, and it's already 12:00 noon... Eksakto lang pala ang pagtawag ni mader... Dahil nga naramdaman ko na ang pag-alburuto ng mga alaga ko. Bumangon na ko at pumunta sa banyo para maghilamos saglit then bumaba na ko.

Nakita ko nang naghahanda si Nanay Lolit para sa tanghalian. Hahaha, ok good mood na ko basta pagkain!... Hikhikhik...

Pero napakunot ang noo ko nang nasilayan ko ang matamis na ngiti ni Aning na akala mo'y walang atraso sa'kin at sarap na sarap pa ang pagkakaupo dahil nakasampa pa ang isang paa sa upuan.

Wow, feel at home ahhh... May katabi siyang kahawig niya rin pero kulot naman ito pero bagay sa kanya. Siya na siguro yung tinutukoy ni Mama na Marlyn daw na kambal nitong si Aning...

"Oh, Alyanna buti nagising ka na... Ipagigising pa sana kita dito kay Aning. Nagkausap na raw kayo niyan kanina," bungad sa'kin ni Nay Lolit habang inilalagay na ang paborito kong adobong manok sa isang mangkok. Sherep nemen!!

Natatakam na ko kahit pinagmamasdan ko pa lang.

Bago pa ko makaupo sa silyang katabi ng kay Nanay ay bigla na lang ako hinigit nitong si Aning sa katabi nitong upuan. Pinausog niya si Marlyn at ako ang pinaupo sa upuan nito. Bale pinagigitnaan ako ng dalawa dahil nasa kanan ko siya at sa kaliwa naman si Marlyn habang si Nanay naman ay nasa katapat kong upuan.

"Ma'am Alyanna, dito ka na tumabi sa'min nitong kambal ko. Nga pala, s'ya si Marlyn Daisy L. Calivara," at hinarap nga ako nitong si Marlyn at ngumiti sa'kin.

Ok, magkambal nga sila.... Naiilang ako sa paraan ng pagngiti ng dalawang toh, ang creepy kase...

"Hi po, Ma'am. Tawagin niyo na lang po akong Maleng. Hehehe... Pasensya na po kung medyo may pagkadaldal itong si Aning huh, sana po maging friends tayong tatlo," sabay abot niya sa'kin ng kamay niya.

Buti pa ang isang toh mukhang matino-tino 'di gaya ng isa sa kanan ko nakakabanas ang bibig...

"Ahmmm, Ma'am Alyanna sorry nga po pala kanina kung nasabihan ko po kayo ng hindi maganda huh, promise po izi-zip ko po mouth ko kapag nasobrahan na ang daldal. Hehehe," bulong sa'kin ni Aning kaya napatingin ako sa kanya.

"Ok na sa'kin yun. H'wag mo na lang ulitin dahil pumapatol ako sa babae. Kumain na tayo," at biglang umiwas ng tingin dahil natakot sa sinabi ko. Hahahaha, nakakatawa talaga reaction nito pag natatakot. Mukhang natatae... HAHAHA.

Hindi na nga kami umimik pa at pinagsaluhan na lang ang pagkain sa hapag. Natutuwa naman ako sa kambal na toh dahil magana kumain. Ginanahan din tuloy ako at dahil na rin siguro sa pagod sa byahe at naparami pa ng kain. Haissttt, sira na naman diet ko nito...

~*~

"Ma'am Alyanna sama ka samin ni Aning... Uuwi muna kami sa bahay, kukunin namin mga gamit namin kasi tinawagan kami ng Mama niyo para sabihin na bantayan ka. Para hindi raw hassle sa'min kaya sa bahay niyo po muna kami tutuloy," masiglang tugon sa'kin ni Marlyn.

Nandito kasi kami sa may garden pagkatapos kasi kumain sinabi ni Nanay na dito nga muna kami sa labas para makapag-bonding daw dito sa dalawang kambal at para hindi namin siya maistorbo sa pag-aayos ng bahay.

"Oo nga Ma'am Alyanna, sumama ka na muna sa'min. Malapit lang naman yun dito kaya hindi ka mapapagod," udyok pa nga ni Aning na pinagsalikop pa ang dalawang kamay habang nagpa-puppy eyes....

Tss! pinagkaisahan na nga po ako ng dalawa... May magagawa pa ba ko? Kung alam kong mangungulit lang sila ng mangungulit kung hindi ako papayag.

Sabagay, gusto ko rin naman lumibot dito sa lugar na toh. Kaya imbis na umimik pa ay kusa akong tumayo na lang papunta sa gate. Nagtaka pa ko kasi nanatili pa sa kinauupuan nila ang dalawa habang nangunguwestiyon ang tingin.

"W--what?! Akala ko ba pupunta tayo sa inyo? Anong tinutunganga niyo pa d'yan? Let's go! Tss," masungit kong sabi habang nakatingin sa dalawa kaya natatarantang sumunod sa'kin ang dalawa palabas ng mansyon.

"Ahhh, Ma'am Alya---"

"Just Yana. Call me Yana, ako kasi ang nahihirapan sa inyo sa pagbanggit ng pangalan ko. Masiyadong mahaba and don't call me Ma'am. Super feminine ang dating," putol ko sa sasabihin sana ni Aning kaya tumango na lang siya sa'kin at ngumiti. Here we go again with that freaking smile. Kinikilabutan ako, grabe!

"Ahhh, Ma'a-- I mean po... Y--ana? Ok lang po ba kung sasakay tayo ng paragos? Maputik po kasi papunta sa'min baka madumihan kayo," mahinahong sabi ni Maleng.

"Cut that "po". Magkaedad lang siguro tayo. Anyway, anong paragos ang sinasabi mo Maleng? Is that what you call car, bus,..or something vehicle here??" At seryosong tinitigan ako ng dalawa at biglang---

*HAHAHAHAHAHA*HAHAHAHAHA

*HAHAHAHAHAHA*HAHAHAHAHA

*HAHAHAHAHAHA*HAHAHAHAHA

*HAHAHAHAHAHA*HAHAHAHAHA

*HAHAHAHAHAHA*HAHAHAHAHA

*HAHAHAHAHAHA*HAHAHAHAHA

"W-what??? Why are you laughing at me??" Naiirita kong sabi sa kanila pero hindi man lang sila natigil sa pagtawa at naiiyak pang humalakhak si Aning habang hawak ang tiyan niya.

*death glare*

Nagulat sila dahil seryoso na ko at pinakita ko talaga sa paraan ko ng pagtingin na masisira ang buhay nila kapag hindi pa sila tumigil kakatawa. Kaya mangiyak-ngiyak pa silang pinigilan ang sarili dahil kung hindi makakatikim talaga sila sa'kin.

"Ahhhh ano kase Y--yana.... Yung paragos kasi na sasakyan natin--- ano ahmmmmmm----"

"H'wag mo na iexplain Maleng, ipakita na lang natin sa kanya. To see is to believe kasi. HAHAHA."

At hinila nga ako nitong si Aning at sinabayan naman kami ni Maleng. Ano ba kasi yung paragos na yan?! May nalalaman pang--to see is to believe, Duh!! May super powers ba yun kaya need ko na lang makita para maniwala na may nag-eexist na sasakyan na ganun?!

Hila-hila pa rin ako ni Aning papunta sa sa isang WHAT?? Rice field? Habang si Maleng naman ay humiwalay sa amin dahil kukunin daw niya ang magdadala sa'min sa kanila. Yung paragos na ba yun?

"Aning, ba't nandito tayo? Seriously, palayan?!"

"Chillax ka lang Yana kasi pagkalampas natin dito sa palayan papasok pa tayo dun sa gubat na yun sa harapan natin. Malayo-layo rin yun kaya kailangan natin sumakay sa----"

"Hiiiiiihhhhhh, ttssk...ttssk...ttssk.... Hiiiiiiiihhhhhhh....." hindi naituloy pa ni Aning dahil biglang sumulpot si Maleng at parang nagbebeat box na ewan then I was really surprised na may kasama siya pagbalik niya.

Seryoso?? H'wag mong sabihing yan ang tinutukoy nilang magdadala sa'min sa kanila!!! What the--- Grrrrrrr.....

"Oh, ayan na pala si Maleng ehhhh.. pinakain mo na ba yan Maleng??? Malalagot tayo kay Itay kapag nangayayat yang kalabaw..." Hindi ako makapagsalita dahil ngayon ko lang nakita for the first time ang nakikita ko palagi sa aklat ng HEKASI .....Mygosh!!!! Totoo ba toh?????

"Ohhhhh myyyy!!!!! Its that really the carabao??? Our National Animal here in the Philippines???? Grabe!!!! Sa wakas!!! Nakikita ko lang yan sa libro ehhhh then boom... Meron pala kayo niyan? Pwede ba ko magpapicture sa kanya???? Please??? Iinggitin ko lang mga friends ko sa Manila!!! Hikhikihikhik..."

Gulat na gulat sa'kin ang dalawa dahil sa sinabi ko. Hindi ba sila makapaniwala na first time ko lang talaga makakita n'yan...

Naalala ko pa nga nung Grade 9 ako nagkaroon kami ng field trip tapos nakita namin dun ang endangered na monkey-eating eagle or mas kilala bilang Philippine eagle.

Grabe ang iyak ko nun dahil ewan ko ba I have really this attitude na I'm very fond to those things or animals na first time ko lang makita in my bare eyes.

Para sa'kin kasi napakalaking pribelehiyo yun sa'kin at hindi ko dapat palampasin. I treasure those small things kahit hindi man halata sa personality ko pero I admit that I'm still that girl having a soft side of me na sa ganitong sitwasyon ko lang ipinapakita.

Hindi ko na sila hinintay pang sumagot sa'kin kahit kitang-kita ko namang nawiweirduhan sila sa paraan palang ng pagtitig nila.

*click*click*click*

"Ohh, ayan, ang cute naman nitong kalabaw niyo!!! I'm really sure maiinggit mga friends ko."

"Ahhh hehehe Yana, tara na ilalagay ko na yang kalabaw sa paragos... Yan kasi ang hihila nun habang sakay-sakay tayo," at kinuha na nga ni Maleng ang tali ng kalabaw at hinila ito papunta sa isang gawa sa kahoy na sasakyan ba yun??

Ang Astig! HAHAHAHA.....

Itinali niya ang kalabaw dun sa may unahan ng paragos daw para siyang kalesa ang dating pero walang gulong dahil ang magsisilbing gulong nito ay flat na kahoy tapos sa ibabaw ay parang papag na pinaliit lang at hugis parisukat. Kasya naman kaming tatlo.

"Sure ba kayong kaya tayo ng kalabaw?? Tatlo kasi tayong sasakay..."

"Don't worry Yana, kasi malakas 'tong kalabaw namin... Kaya chill ka lang at mag-enjoy sa ride natin," energetic na sabi ni Aning at sumakay na nga kami.

Nakakatuwa pa nga si Maleng dahil ginawa na naman niya yung tunog kanina kaya biglang lumakad na ang kalabaw. Ganun siguro ang ginagawa para mapasunod yun.

~*~

Ilang minuto rin ang tinagal namin. Hindi naman ako na-bored kasi ang ganda ng tanawin. Maraming puno then masarap pa sa tenga ang mga huni ng ibon. Sariwang simoy ng hangin at tinatangay pa ang mga buhok namin, kulang na nga lang magpa-photoshoot kami ehhh.

Ibang klase pala talaga rito sa probinsya. Kaya siguro mas pinipili ng iba na dito tumira kaysa sa mga syudad and urban places kasi nga payapa rito at iwas sa mga gulo.

Natanaw ko na ang nag-iisang bahay, yun na siguro ang bahay nila. Maliit lang siya at gawa sa pawid ang bubong habang flywood naman ang buong bahay. Simple lang pero ramdam mo ang presensya ng sinasabing "tahanan".

Pagkababa namin sa paragos ay dali-dali akong hinila ni Aning papunta sa pintuan ng bahay nila.

Kapag ba talaga excited siya, kailangan palaging dapat manghila? Grabe, magkakapasa na ang braso ko sa sobra niyang higpit humawak... Habang si Maleng naman ay busy sa pag-aasikaso ng kalabaw nila.

*Tok*tok*tok*

"Inay! Itay! Nandito na po kami ni Maleng... May kasama po kami..."

Bigla ngang sumulpot sa harapan namin ang isang babaeng kung itatantsa ko ay nasa mid-40s. Morena siya pero alam ko na kung saan nagmana ang dalawang kambal. Masasabi kong maganda ang kanilang ina kahit nasunog na sa araw ang balat nito at malamang nagbabanat din ng buto para sa pamilya dahil napaka-firm ng mga braso.

Binigyan niya kami ng genuine smile. Ok, mag-iina nga sila....

"Pasok kayo, ikaw na ba yan, Ma'am Alyanna??? Wow, ang ganda ganda mo lalo sa personal. Ako si Salvacion Calivara. Maari mo kong tawaging Inay Salve."

Ang gaan ng loob ko sa kanya. Ang swerte naman ng dalawang kambal sa kanya...

Pumasok na nga kami sa bahay at nagulat ako sa sobrang linis at maaliwalas sa loob. Bumungad sa'min ang sala nila na may dalawang mahabang upuan na gawa sa kawayan tapos sa gitna nun ay lamesa.

"Halika, Yana upo ka... Pasensya na huh, maliit lang tong bahay namin pero malinis naman toh dahil hands-on si Inay dito," sabi ni Aning kaya naupo na kami at iniwan kami saglit ni Inay Salve dahil maghahanda raw siya ng meryenda. Maya maya pa ay dumating na rin si Maleng at umupo sa tabi namin.

Nilinga ko ang mata ko sa pader na flywood ng bahay nila at punong-puno ng mga pictures nilang pamilya. Mukhang masaya sila sa lahat ng pictures. Napabuntong hininga na lang ako dahil naalala kong ang family picture lang namin sa bahay ay noong baby pa ko. Nawaglit ko ang pag-iisip nang pumasok ang hula ko'y padre de pamilya ng bahay na ito.

"Itay!"

"Itay!"

Sabay tayo ng dalawang kasama ko at nagmano sa tatay nila.

"Nandito na pala ang mga prinsesa ko."

Napatingin siya sa'kin kaya nahihiyang tumayo ako at ginaya ang ginawa ng kambal--nagmano rin, masabihan pa kong walang galang eh... Ayoko namang isipin nilang napakawalang modo ang nag-iisang anak ng mga Navarro.

"Ahhhh, Itay, siya nga pala. Siya po si Alyanna Gwen Navarro," sabi ni Maleng sa tatay niya kaya ngumiti ako ng pilit at humarap sa kanya.

"Aba, dalagang-dalaga ka na ahh!! Ako si Roberto, tawagin mo na lang akong Itay Obet," ngumiti siya sa'kin na parang manghang-mangha siya dahil nakilala niya ako.

"Kakain na tayo!! Tara na dito," sigaw ni Inay Salve sa kusina. Kaya masaya kaming pumunta doon...

"Wowwww Inay!!!! paborito namin yan ahh... Mukhang marami-rami kaming makakain niyan ni Maleng," giit pa ni Aning at hinila na naman ako para tumabi sa kanya. Natatawa naman ang kambal niya at si Itay Obet sa likod namin.

"Ahmm, pwede pong itanong kung ano pong tawag dito sa niluto niyo po?" Kabado kong sabi kasi napatingin sa'kin ang magkambal at bungisngisan ng bungisngisan.

Tss, sabi na sa'yo Alyanna manahimik ka na lang at kumain. Tanong ka pa ng tanong, mapaghahalataan kang sinaunang tao at walang kamuwang-muwang sa mga bagay-bagay.

"Ahhh, nak...tinatawag namin yang pinikpik. Gawa yan sa saging kaya healthy yan. Yan ang hotcake namin dito dahil hindi naman namin afford ang hotcake...Hahahaha, nagustuhan mo ba?" Masayang tanong sa'kin ni Inay. Saglit pa, at parang lumutang ang puso ko dahil tinawag niya kong anak.

"Opo, sobrang nagustuhan ko po. Maraming salamat po pala rito," magana ko pang kinain ang niluto niya at sayang-saya silang mag-anak habang nakatitig sa'kin.

Kumain kami at nagkuwentuhan. Napakadaldal ng dalawang kambal habang nakikinig naman kami ng mga magulang nila sa mga kuwento nilang nakakatawa kaya miski ako napatawa na rin.

At sa mga oras na yun naramdaman ko ang pakiramdam ng magkaroon ng isang masaya at kumpletong pamilya. Salamat sa kambal dahil dinala nila ako rito at mainit na tinanggap ako sa kanilang tahanan.

Sana hindi na matapos ang ganitong feeling. At this moment of my life, masasabi kong ngayon ko lang na-feel ang maging buo at masaya kasama ang pamilyang hindi ko man kadugo ngunit ipinaramdam sa akin ang tunay na kahulugan ng "pamilya."

(*Song: Photograph by Boyce Avenue*)