Chereads / PURAW (Ang Gwapong Mangyan) *ongoing* / Chapter 6 - Chapter 3 (Happy Fiesta)

Chapter 6 - Chapter 3 (Happy Fiesta)

Puraw's P.O.V.

Kinilabutan ako sa misteryosang babae sa jeep kanina. Sobra kasing makatingin, parang matutunaw ako eh. Nakakainis! Ayoko pa naman ng tinitingnan ako... Nasusura ako sa kung paano siya tumingin. Nanghihigop bagá ng kaluluwa yung feeling na nakaka-hypnotize? Para siyang ganun, kaya sinamaan ko na lang ng tingin para matakot.

At mukha ngang natakot sa tingin ko kaya bumaling na lang sa babaeng makulit na nasa harap ko at nagpipicture. Childhood friend ko siya kaya malakas ang loob kung sigawan ako. Tss. Kung iba yan ay malamang nabigwasan ko nang isa.

"Hoy, KangKang!! Tigil-tigilan mo na nga yang pagpipicture-picture mo!!! Naaalantana sa'yo yung mga kasama ko sa paglalakad, Ayyy!!! Magtigil kana! Hindi na Nakakatuwa!!!" Sita ko sa kanya kaya taranta siyang tumigil sa ginagawa at nag-peace sign sa mga kasama ko. Tss... Isip-bata

"Hoy ka din Puraw Lewis! 'di'ba sabi ko sa'yo h'wag mo ko tatawagin sa palayaw ko!!! Kasura ka naman ehhh!!! Kitang maraming tao!!!! Tawagin mo kong Danica!Danicaaaaaaaa!!!" Hiyaw niya sa tenga ko kaya feel kong nabingi ako sa sobrang lakas ng boses niya. Dinaig pa yung drum na malaki na nasa unahan namin sa sobrang lakas ng volume....

"Huwag mo nga kong sigawan! Nakakarindi yang bunganga mo! At talagang buong pangalan ko ang sinigaw mo huh!! Kung maglagay ka na lang ng nganga diyan sa bibig mo para manahimik ka naman!" Pangaral ko sa kanya.

Pero tingnan mo 'tong isang toh! Nag-make face pa sa harap ko mukha namang tsonggoloid!!! Parang timang lang!

(*Author's Note: May mga words po akong nilagay dito at mga panibagong words pa or term at mga expressions na kaming mga taga-Mindoro lang ang may alam o kung alam niyo man? Edi ayos! Maiintindihan niyo toh!!*)

(*Translate: Nasusura~Naiinis/Nayayamot*)

(*Word meaning: Nganga~yan po yung pagkain ng mga Mangyan, parang pa-oblong yung shape niya na color red yung balat pero yung loob niya kulay brown actually hindi naman talaga yang kinakain totally kasi hindi naman nila yan nilulunok. Parang nginangata lang nila sa bibig ng matagal kaya yung kulay nung bibig ng mga Mangyan may pagka- itim na namumumala-mula.*)

Ito na siguro ang pang-limang taon na pagsama ko dito sa parada kasama ang aking mga Ka-Mangyan...

Taon-taon kasi pumaparada kaming mga tribong Kamangyanan para sa pakikilahok ng pagdiriwang ng Kapiyestahan dito sa Lungsod ng Calapan. Kung nagtatanong kayo kung bakit naiiba ang itsura ko sa kanila. Dahil 'yon sa kadahilanang half American ako. Ang Nanay ko ay tubong Hanunuo Mangyan samantalang ang Tatay ko naman ay American citizen. Kaya ako ang resulta, wala ngang naniniwala na Mangyan ako pero no pakels ako! Basta Mangyan ako! And I'm proud of it.

Lakad lang ako with confidence. Ngiti rin ako ng ngiti sa mga nanonood samin. Hi fans!Hahaha

Lihim akong sumulyap sa babaeng-hypnotizer. Buti na lang paandar na yung jeep na sinakyan niya. Hindi naman siguro magtatagpo mga landas namin noh? Imposible. Malawak din naman 'tong Calapan.

Patungo na kami sa gate ng Oriental Mindoro National High School o para mas maikli OMNHS/OM. Dito gaganapin ang Opening Remarks ng programa ni Mayor Armando Paluan. Hanga din ako sa alkalde ng lungsod namin, masiyadong maaasahan at napakabukas-palad lalo na sa mga tulad kong Mangyan.

Heto na nga't natatanaw ko na ang malaking gate sa harapan ng OMNHS. Sa bawat gilid ng gate ay ang matataas na pader na sa bandang baba ay semento na pininturan ng light brown at yellow na nagmistulang mural painting tapos sa taas nun ay bakal na. Nang nakarating na ang lahat sa mismong gate, sumalubong sa amin ang mga flash ng camera at mga bisita na animo'y manghang-mangha saming mga gayak.

"Halaaaa!!! Ang cucute ng mga bagetss!!"

"Ang gwapo ni kuya!! Kyahhhhhh!!!"

"Kuya, akin ka na langgggg!!!"

Nakakarindi naman sigawan ng mga babae sa harapan. Ngayon bagá lang sila nakakita ng poging Mangyan??tss.. Guys, ako lang toh huh! Ako lang toh!!

"Hoy, naiwan ka na ng mga kasama mo! Ayun na sila ohhh!! Papuntang oval! Pa-V.I.P. ang peg!" Sita sa'kin ni Danica Villa a.k.a. Kangkang..

Hala! Napag-iwanan na nga ako, tss. Masiyado kasing ninamnam mga papuri nila, yan tuloy naiwan na...

Ok lang, atleast gwapo...Ano connect? HAHAHA...

Nawili na ko sa iniisip ko kaya tumuloy na lang ako sa paglalakad. Kita ko sa gilid yung malaking gymnasium na pinagdadausahan minsan ng liga. Diyan ako madalas maglaro ng basketball kasama mga tropa ko. Bukas start na ng interhigh at kasali ako dun. Malamang, ako Captain ng school varsity namin. Kaya todo practice rin ako, kami kasi ang depending champion last year kaya medyo pressured ako para makarating ng championship.

Nakikita ko na ang malawak na oval. Yung ginagamit sa track and field, ganun. Oval tawag namin diyan kasi parang oval-shaped. Tanaw din mula rito ang malalaking letters ng O R I E N T A L M I N D O R O na kulay dilaw na pina-highlight pa dahil sa bundok na nasa likod nito.

Sa bawat gilid naman ay mga bleachers at marami nang tao ang nakaupong naghihintay sa pagdating naming mga pumarada.

Sadyang napakalaking selebrasyon toh para saming mga taga-rito kung kaya't mga bigatin din ang bisita na nasa mismong unahan sa baba ng gitnang bleacher na kaharap ang ang isang mini-stage na may backdrop at nakalagay ang malaking tarpaulin ng Happy Fiesta Calapan City!

Viva! Sto. Niño!

Calapeño Ako!

Minsan pa'y naulinagan ko ang pamilyar na mukha na prenteng nakaupo sa unahan katabi ang kapita-pitagang mayor ng Calapan. Tss. feeling artista.

"Maligayang Kapiyestahan Lungsod ng Calapan! At para simulan ang programa, inaanyayahan ko sa harapan upang ibigay ang kanyang welcome speech, bigyan natin siya ng masigabong palakpakan, ang Tatay ng bawat Calapeño!!!Mayor Armando Paluan!!!" Masiglang pakilala ng M.C. kung kaya't sabay-sabay kaming pumalakpak habang naglalakad paúnahan si mayor.

"... Muli, Happy Fiesta sa ating lahat!!! Bago ko ibaba ang mic gusto ko lang tawagin din dito sa unahan ang ating kaibigan na malaki ang naging parte upang maisagawa ang magarbong pagdiriwang na ito, palakpakan natin... Walang iba kundi si Mr. Rassie Lewis!!!" Ngising sabi ni Mayor habang taas-noo naman kung maglakad ang ama ko na akala mo'y siya ang pinakamahalagang tao sa mundo.

Yabang, tss..Oo,tatay ko nga yang kanong tinutukoy ni Mayor Armando. Close sila kasi si Tatay ay isang malaking investor dito sa Calapan. Siya ang isa sa mga rason kung bakit biglang taas ng economic rate ng Calapan City.

Pinagpasyahan ko na lang umalis dun dahil sa malamang kung ano-ano lang sasabihin dun ni Tatay. Hindi sa may problema ako sa kanya huh, sadyang ayoko lang na nandoon ako dahil tiyak tatawagin lang nun ako sa stage para ipagmayabang ako sa lahat. Eh, naiinis nga ako sa atensiyon. Gusto kong manatili bilang low-profile na tao.

Uuwi na lang siguro ako. Nakakatamad na dito eh... Kinuha ko na lang ang cellphone ko sa bulsa at balak tawagan ang nasa unahan sa speed dial...

*Ring...Ring...Ring...Ring*

"Hello, Nay"

"Oh, napatawag ka? Tapos na ba program diyan sa school?"

"Hindi pa Nay, kasisimula pa lang ho. Uuwi na po ako diyan sa bahay. Nabuburyo na ko dine eh."

"Ahhh, ganun bagá.. Ayy, siya sige at ipaghahanda kita ng paborito mong balatong."

"Yowwn!!!Yan gusto ko sa'yo Nay ehhh!!! Sige ho, uwi na ho ako agad diyan!"

"Ayy, sige mag-iingat ka."

"Sige po Nay babye."

Sabay baba ko ng linya. Excited na kong umuwi kaya dali-dali akong pumara ng tricycle sa labas ng gate. Hindi na ko makapaghintay sa balatong na luto ni Nanay.. Hihihihi

(*Translate: Ang balatong po ng Mindoro ay munggo sa tawag ng taga-Maynila. Ang salitang "dine" naman ay "dito".*)

(*Ang mga Mangyan ay isang pangkat etniko ng mga Pilipino sa Pilipinas." Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman ang tangkad. May iba't ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan.

Source: Wikipedia*)