Alyanna's P.O.V.
Sa sobrang kaba ko sa pagtitig sakin ni Puraw the Great pati kalamnan ko na-windang kaya sa babaeng may hawak ng camera na lang ako tumitig at habang pinagmamasdan ko silang dal'wa na nagtatalo yata ay hindi ko mapigilang hindi sumulyap-sulyap dun sa isang mukhang inis na inis na kay ate girl dahil makikita sa mukha niya na super salubong ang makapal niyang eyebrows...
Tapos tila enjoy na enjoy pa ang isa na inisin siya lalo. Pero napansin kong lalo siyang nagmukhang gwapo sa paningin ko. Luhh, ano tong sinasabi ko?? Nagmumukhang patay na patay ako sa mokong yun, Eh kung makatingin nga akala mo'y mangangain ng buhay!
Hindi ko na sila pinansin pa dahil nakita ko nang nag-green ang traffic light so ini-start na ni Manong Driver ang engine kaya tumuloy na kami sa byahe.
"Nay, ano po tawag dun sa mga naka-costume kanina?"
"Mangyan ang tawag sa kanila, pinaniniwalaang sila ang kauna-unahang tribo na nanirahan dito sa Mindoro."
"Ahhh, ganun ba... so Mangyan pala."
Si Puraw kaya Mangyan din?? Imposible, siya lang naiiba dun eh! Baka sumali lang sa parada, ganun! Haissttt, ano bang pakealam ko kung Mangyan siya!? Iba na toh, Alyanna! Masiyado mo nang iniisip ang lalaking yun! Eh sa hindi mo nga alam kung magkikita pa kayo ng isang yun eh!! At hindi ko na gugustuhing magtagpo pa mga landas namin...hmmmppp!!!
Hindi ko na tinanong si Nanay tungkol dun kaya dumungaw na lang ulit ako sa may bintana at kitang-kita ko kung paanong ang lugar na ito ay masasabi kong malinis at pinatingkad pa ang kagandahan dahil sa iba't ibang puno kung kaya't sariwa ang hangin. Tanaw na tanaw ko rin ang bundok sa may gilid ko at parang ang lapit lang kung titingnan pero ang totoo malayo-layong lakbayin yun kung sakaling pupuntahan ko.
After 45 minutes...
Nakarating din kami dito sa may palengke ata toh? Dulong Bayan daw toh sabi ni Nanay na parte ng Nawan!charr, Naujan pala!
"Nay, dito na ba tayo?"
"Hindi pa sasakay pa tayong tricycle pa-Nag-iba."
"Huh? Nag--iba? Nagiba?"
"Nag-iba! Hindi nagiba! Doon ang bahay na sinabi ni Mama mo."
"Parang ang weird naman,Nay... Na-Nag-iba?? Astig!" Natatawa kong sabi kaya sinamaan ako ng tingin ni Nanay Lolit at pinagsabihan na manahimik na at tulungan ko na lamang daw siya sa mga gamit namin kung kaya't kinuha ko na ang mga maleta ko at bag at pinagtulungan naming isakay sa tricycle at ready to go na sa NAG-IBA!!!
"Nay!"
"Ano na naman ba???"
"Hehehe, tatanong ko lang po kung bakit parang ang dami niyong alam tungkol sa lugar na toh?"
High blood kasi kaagad tss.
"Dito ako nakatira dati at namahala rin sa bahay ng lolo't lola mo noon na titirhan mo na ngayon."
"Ahhh, kaya pala!...yung Nag-iba ba Nay, part din ba siya ng Calapan?"
"Oo naman, yun ang pinakadulo ng Calapan kasi pagkalampas nun, Naujan na.. yung Naujan, municipality lang 'di gaya ng Calapan na lungsod...naintindihan mo?? Kung i-search mo na lang kaya sa Google para 'di ka na tanong ng tanong diyan! Hay naku! Para kang Mangyan!"
"Luhh, sinong Mangyan?? Ako??? My gosh! Sa ganda kong toh! Tatawagin niyo kong Mangyan!!! Nay, hustisya!!!!!"
"Ang arte mo! Expression yun dito! Hindi ko naman literal na pakahulugan na mangyan ka! Ibig sabihin nun masiyado kang inosente sa paligid at parang bago ka palang nakarating sa isang lugar kung kaya't manghang-mangha ka diyan!"
"Eh Nay, sa totoo namang bago lang ako dito eh!!!"
"So ibig sabihin, mangyan ka nga?"
"Naaaaayyy!!!! Sabing hindi ako MANGYAN ehhhhhh!!!!!!!!"
"Kung hindi ka mangyan, h'wag mong ipakitang mangha ka masiyado at feeling inosente! Mapaghahalataan ka nga talagang mangyan! Mangyan sa mga bagay-bagay!!!!"
"Tss... K fine! Ise-search ko na lang para manahimik na kayo!!!"
Duhhh, masiyado akong maganda para mapagkamalang Mangyan!! Pero bakit yung si-----Luh!!! Ano ba Alyanna!!! Tigil-tigilan mo na sabing isipin yun! Haissttt, ano bang nangyayari sa'yo???
"Nandito na po tayo..." mahinahong pahayag ni kuyang driver ng tricycle.
Tinulungan ko na lang si kuya na ibaba yung mga maleta ko at pagkatapos sumunod kay Nanay na nanguna nang maglakad papasok sa isang gate. Tss, 'di manlang ako hinintay!
Malaki yung gate at may nakaukit na Navarro's Residence. Masiyado nang luma yung pintura niyang kulay mint green siguro sa sobrang busy ng mga magulang ko, hindi na naasikasong i-renovate ito. Pumasok na ko at bumungad sa akin ang napakagandang garden at may fountain pa sa gitna.
Ang ganda niya kasi alagang-alaga yung mga halaman at iba't ibang kulay ng rosas!!! Favorite ko ang rose kaya sobrang humanga ako sa arrangement ng mga iyon. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na hindi toh naaasikaso nina Mama, siguro hindi lang binigyan ng pansin yung gate sa unahan...
Grabe, parang magandang ideya na dito ako patirahin ni Mama ahh... Ayos na ayos na kong nakatingin lang sa mga halaman...nakakarelax at naaalis lahat ng stress ko.
"Hi..."
Napatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa gilid ko.
Maganda siyang babae at hula ko'y kaedadin ko lang siya. Morena ang isang toh pero halatang makinis. Gusto ko rin ang hubog ng mukha niyang maliit lang at may dimple. Ang cute niya at naka-ponytail ang mahabang buhok tapos singkit yung mga mata niya at pinkish ang labi. Hanggang baba ko lang siya at nakasuot ng malaking t-shirt at short na black. Ngiting-ngiti siya sakin na akala mo'y magkakilala kami. Naiilang ako sa isang toh. Hindi ba siya titigil kakangiti?
"He--heello? Sino ka? Bakit ka nandito? Trespassing ka ahh!"
Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko pero nakangiti pa rin. Weird,tss.
"Ayy, hindi po ako trespassing kasi ako po yung anak ng caretaker nitong bahay. Minsan po'y tumutulong ako sa paglilinis dito. Ako po si Annie Rose L. Calivara. Maari niyo po kong tawaging Aning. Kayo po ba si Ms. Alyanna Gwen Navarro? Ang nag-iisang anak ni Mr. Robert Navarro at Mrs. Bernadette Navarro?"
"Bakit mo alam?"
"Ahh kasi po sila tumutulong sakin ngayon sa pag-aaral ko. Actually parehas kami ng kambal ko na scholar ng mga magulang mo. Kaya sobrang nagpapasalamat ako sa pamilya niyo kasi mababait kayo at handang tumulong saming mahihirap."
"Mga magulang ko lang ang mabait. Hindi ako! Nananapak ako ng kumakanti sakin," malamig kong komento kaya't biglang bumakas sa mukha niya ang takot at napaatras pa.
Wala ka pala eh. Hahaha
"Aaa--ahhh ga--nun po ba?? Hehehehe, nakakatakot ka naman po pero h'wag po kayong mag-alala kilalang-kilala po ang pamilya niyo rito kaya maraming masisiyahan sa pagdating niyo. Sayang nga lang at hindi mo kasama mga parents mo."
"Wala nga silang oras sa anak nila ehh, makapunta pa kaya dito?? Mahalaga ang oras sa kanila dahil bawat segundo ay may masasayang na pera kung hindi nila pagtutuunan ng pansin ang negosyong sumira sa relasyon naming pamilya," nasusuya kong sabi at nalungkot pa ko dahil alam kong hindi na magagamot ang sama ng loob na nasa dibdib ko.
Sila ang kailangan ko pero parati silang wala sa tabi ko. Wala nga akong alaala nung bata pa ko na naging kasama ko sila. Nasanay na ko na laging si Nanay Lolit ang umaattend ng mga program sa school. Bakit pa ko malulungkot? Eh, sanay na sanay na ko 'di'ba?!
"Hindi ka dapat nagagalit sa kanila... Ginagawa naman nila yun dahil para sa'yo rin yun... Masuwerte ka nga dahil nakukuha mo lahat ng bagay na gugustuhin mong makuha... Eh kami nga, iisipin pa kung paano kukuha ng pera pambili ng pagkain kinabukasan.... Pero siguro nga'y masiyado kang kinain ng galit diyan sa puso mo kung kaya't hindi mo nakikita ang sakripisyo ng mga magulang mo sa'yo... Actually hindi naman sila ang lumalayo sa'yo ehh dahil ang totoo ikaw mismo ang lumalayo sa kanila... Sige ka, baka pagsisihan mo yan sa huli. Sa sobra mong paglayo, magulat ka na lang na nawala na sila ng tuluyan sa'yo."
Sa sobra mong paglayo, magulat ka na lang na nawala na sila ng tuluyan sa'yo....
Sa sobra mong paglayo, magulat ka na lang na nawala na sila ng tuluyan sa'yo.....
Sa sobra mong paglayo, magulat ka na lang na nawala na sila ng tuluyan sa'yo....
Sa sobra mong paglayo, magulat ka na lang na nawala na sila ng tuluyan sa'yo...
Sa sobra mong paglayo, magulat ka na lang na nawala na sila ng tuluyan sa'yo.....
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*
Paulit-ulit yun sa tenga ko... Nanlamig ako at kinabahan bigla sa huling sinabi niya. Masiyadong pinabilis nun ang tibok ng puso ko at parang nakikipag-unahan sa karera.
May side ng isip kong tumatanggi sa lahat ng sinabi niya at nagmamatigas samantalang ang kalahati nama'y biglang binalot ng kaba at takot at pagkuwa'y naniniwalang baka yun nga ang mangyari kung mananatili akong bulag sa paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sakin ng mga magulang ko at bigla na lang ako magsisi sa huli.
Pero sadyang pinanindigan ko ang manatiling matigas sa ganoo'y hindi niya makita na apektado ako sa sinabi niya ngunit ang totoo'y nanginginig na ang tuhod ko kaya't napahawak ako ng mahigpit sa maleta ko...
"Wala kang karapatan para pagsabihan ako tungkol sa mga magulang ko. Dahil ikaw! Kahit salat kayo, magkakasama pa rin kayo ng mga magulang mo!May oras sila para ipadama sa'yo ang aruga ng isang magulang!! Pero AKO!!!!WALA! Nasa akin nga ang lahat, pero MAG-ISA LANG AKO!!!! Wala akong nasasabihan ng mga nararamdaman ko... Kaya h'wag kang umastang ang dami mong alam!!! Hindi ikaw ang nasa katayuan ko kaya manahimik ka na lang!" Ani ko sa kaniya kaya natigilan siya sa mga sinabi ko at napayuko na lang sa pagkapahiya...
Masiyadong madada! Wala namang alam sa totoong nararamdaman ko!!! Tss... Ayoko pa naman ng pinapakealaman ako sa buhay ko!!! BUHAY KO TOH!! Ako lang ang may alam kung papaano mabubuhay sa sarili kong paraan. Wala kang karapatan para diktahan ako sa kung anong dapat kong maramdaman sa mga magulang ko...
Dahil sa inis, tinalikuran ko na siya at padabog kong binuksan ang pinto ng bahay.
"Oh, ba't ang tagal mo? Umakyat ka na doon at sa may gilid sa kanan, pangalawang pinto. Yun ang magiging kwarto mo... Matulog ka na rin muna para makapagpahinga, naging malayo rin ang naging byahe natin... Gigisingin na lang kita kapag oras na ng tanghalian..."
Kaya sinunod ko na lang ang sinabi ni Nanay Lolit at hindi na umimik pa, masiyado akong napagod sa pagsasalita kanina kaya umakyat na lang ako sa 2nd floor ng bahay. Hindi rin naman ako nahirapan hanapin ang kwarto ko dahil sa may pangalan ko yung pinto at parang pinasadya... Pasalampak ko nang hiniga ang katawan ko sa malambot na kama at ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pagod sa byahe dahil umalis kami sa Maynila nang gabi na at nakarating dito ng umaga.
Pagod na ang katawan ko at pigang-piga na rin ang utak ko kakaisip..
Naiinis ako sa sarili ko... Naguguilty ako masiyado sa pakikitungo ko kala Mama at Papa... Totoong galit ako sa kanila pero kanina--- sa sinabi ni Aning... Biglang naisip kong nagkamali ako....
Hayyyssstt... Ayoko nang mag-isip....
Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako... Nasasaktan ako masiyado! Kapag kaharap ko mga kaaway ko, mukha akong matapang at kayang magpataob ng mas malalaki sakin pero Sheeettt!!!! Kapag usapang pamilya!!! Hinang-hina ako!! Para akong batang naagawan ng candy....
Ayoko nitong nararamdaman ko, nakakapanghina---- Kainis!
Sa sobrang pag-iyak ko 'di ko namalayang nakatulog na ko ng may sakit sa pusong hindi ko alam kung gagaling pa ba.....