Alyanna's P.O.V.
"Nay, malayo pa ba tayo? Kanina pa kong nangangalay dito sa pwesto ko eh," reklamo ko kay Nanay at sinimangutan lang ako kaya hindi ko na lang kinulit at baka makurit pa ko sa tagiliran. Masakit pa naman mangurit yang matandang yan.
Dumungaw na lang ako sa may bintana at feel na feel ang sariwang hanging tumatama sa mukha ko. Napapansin ko rin na naglalakihan din naman pala ang mga bahay dito. Akala ko kasi porket nasa probinsya ay mga bahay kubo yung house, ganun?! Hehehe, akala ko lang pala...
May mga nadaanan din kaming mga establishments pero hindi kasing taas nang nasa Manila at may malls din dito, Astig! Mga five or six yata yung nakita kong malls dito,. Ayos din naman pala eh. Natigilan pa ko nang huminto ang jeep na sinasakyan namin sa may tapat ng pedestrian line. Naka-stop pala ang sign yung sa taas na color red ganun kaya biglang huminto. Kita ko pang ilang sasakyan na sunod-sunod na tumigil. Pero nagtataka ako bakit walang mga traffic enforcers na nakabantay.
Kung sa Manila yan kapag walang traffic enforcers.. Ayy tiyak! Daan kung daan kala mo'y mga hari at mga kaskasero!
Pansin ko lang na mga disiplinado mga tao dito at talagang sumusunod sa traffic rules. Mapuntahan nga ang Mayor dito para mabigyan ng jacket! Joke, Hahahaha
Nagulantang ang buong sistema ko nang may malakas na tunog ng drum ang biglang umalingawngaw. Bigla tuloy akong napatingin para hanapin kung saan ba nagmumula yung tunog na yun. At napatingin ako sa tabi ng pedestrian nang may sunod sunod na tao ang nagmamartsa. Wait? Banda? Anong meron?
"Hindi ko pala nasabi sa'yong piyesta dito sa lungsod nila, kaya ha'yan at may ganyan silang keme," sabi ni Nanay at natawa pa ko sa ginamit niyang term na "keme" HAHAHAHA. Saan naman kaya niya natutunan yun? Samantalang palagi lamang siyang sa bahay.
Nagulat pa ko nang sumunod sa banda ay mga batang naka-costume na pang-ethnic. May mga adults na hawig din ang costumes sa mga bata. Yung sa mga girls ay simpleng saya na color light brown na may iba't ibang designs tapos yung pang-itaas naman ay ganun din. May mga beads sila sa ulo, kamay, leeg at sa paa. Nakakatuwa silang tingnan habang mga nakangiti sa mga nanonood sa kanila habang rumarampa.
Bigay na bigay din sa paglakad ang mga kalalakihan na-half naked at nakasuot ng wa-waiitt ? wh--what? Ano yun? Lampin ba yun? Or diaper large?? Seryoso ba silang yun lang ang suot??!!! Yung suot nila may hawig nung sa costume ni Darna ba yun? Ahh basta parang ganun.
"Nay, ano yung suot nung boys sa likod?" Sabay turo ko dun sa mga lalaking naglalakad na naka-lampin na mahaba sa unahan at likod. Hahahaha. Ang bad ng nasa isip ko.
"Anong lampin ang sinasabi mo? BAHAG ANG TAWAG DUN!!!!" 'Di makapaniwalang sambit ni Nanay Lolit sakin nasabi ko pala yung nasa isip ko akala ko imagination ko lang.Hahaha kaya yung ibang mga pasahero tuloy napatingin sakin sabay bungisngisan. Tsk. Masama bang magkamali?. Yan ang hirap sa mga Pinoy eh. Judgemental masiyado.
Tumingin na lang ulit ako sa may bintana at tinanaw ang mga naka-costumes. Napukaw ang atensiyon ko sa isang lalaki na ibang-iba sa lahat. Bakit ko nasabi?
Well, mestiso siya 'di gaya ng iba na ang balat ay kulay tsokolate.
Kapansin-pansin din na halos silang lahat ay maliliit ang ilong at medyo dapa 'di gaya nung lalaking yun na pwedeng ipanlaban sa mga naggagwapuhang mga celebrities sa sobrang tangos ng ilong.
At makikita rin sa kanila ang nangingitim nang mga ngipin at para bagang may something silang nginunguya. Ano kaya yun? Samantalang yung isa naman ay dinaig pa ko sa sobrang puti at linis na ngipin. Ilang beses kaya siyang magsepilyo? Hihingi lang sana ako ng advice. Hikhikhik
Kulot din ang buhok nila at itim na itim na 'di gaya nung gwapong lalaking yun na sobrang unat ang buhok at medyo blonde. Ayyy teka? Sinabi ko bang gwapo siya? Tsk. Sabagay bawal naman ako tumanggi dahil totoo namang GWAPO ANG ISANG YUN.
Ang pagkakatulad lang niya siguro sa mga kasamahan niya ay pare-parehas silang walang sapin sa paa. Sana ako na lang yung semento! hmmmmmp, landi hahaha.
Dahil sa pagtitig ko sa kanya. Namalayan ko na lang bigla niya kong nilingon at tiningnan ng masama. Kinabahan ako bigla sa paraan ng pagtitig niya sakin na parang malaking kasalanan ang mahuli niya kong nakatitig sa kanya.
Halaaaa! Tumingin lang naman ako!!! Masama ba yun???
"PURAAAWWWWW!!!" Sigaw ng isang babae na animo'y pinagpopost ito dahil may hawak siyang camera. Siguro'y kakilala niya.
Pero teka lang.... Ano daw sabi ni ate girl??? PURAW? Name ba yun nung gwapong masama-kung-makatingin.? Anong klaseng pangalan yun??? Ang bantot naman. Sige na nga..Ok na sakin yun hahaha, gwapo naman siya kaya accepted pa rin.
Hmmmmmm, Puraw pala huh. Bet ko siya ng slight. Hihihihi