MARAMING buwan pa ang lumipas...
Hindi na nasundan ang paggising ni Soto nang maaga. Balik siya sa dating gawi na sa tuwing hapon na lang sila nagkikita ni Theo. Pero kapag sumapit ang Linggo at walang trabaho doon naman sila malayang nagagawa ang gusto---ang pagtambay maghapon sa apartment, ang pamamasyal kapag sinipag pero madalas talaga nasa higaan lang sila, sa kusina, sa sala.
At isang tanghaling makulimlim ang panahon, naabutan sila ng ama niya sa ganoong ayos. Nasa sala sila ni Theo at naghahalikan.
"Anong kalokohan 'to?"
"Papa!" Naitulak ni Soto si Theo. Mabilis ang ginawang pagtayo para lapitan ang amang nakaduro.
"Papa... sorry."
Napahawak sa sentido ang tatay na si Sancho. Kitang-kitang ang pagtiim-bagang nito. Siguradong ayaw magproseso sa utak nito ang nakita at walang emosyong nagwika, "Lumayas ka!" Itinuro nito ang pintuan. "Kayong dalawa. Ayoko muna kayong makita."
"Tatang..." Lalapit pa sana si Theo pero tinalikuran na ito ni Sancho. Tinungo ang hapag at binasag ang nahawakang baso.
"Umalis na kayo hangga't matino pa ang pag-iisip ko dahil baka mapatay ko lang kayo."
Noon binalingan ni Theo ang namumutla na si Soto. "Tara na..." aniya pero inilingan lang siya nito.
"Ikaw na lang ang umalis."
Siya naman ang umiiling. Hinawakan ito sa magkabilang balikat. "Hindi, hindi. Sasama ka sa akin. Please, Soto..." at hinatak na nga niya ito papalabas ng bahay.
Walang masyadong confrontation ang naganap pero ramdam na ramdam ni Theo ang sobrang takot. Maging si Soto ay namumutla pa rin kahit na nakalayo na sila roon.
Magkahawak ng kamay, narating nila ang tabing-dagat sa kakalakad. Pareho kasi silang walang nadalang pera pati selpon ay wala. Tahimik lang sila pero nagkatinginan din nang marinig ang pagkalam ng sikmura.
"I'm sorry..." halos sabay nilang sabi.
"Bibihira namang magalit si Papa. Kalmado siyang tao at isa pa maunawain siya kaso..."
"Hindi normal sa kanya itong meron tayo, tama ba?"
Napaiwas ng tingin si Soto. Bumitiw ang kamay niya sa pagkakahawak nila at naglakad siya palayo.
"Oo, alam ko naman. Ako talaga ang dahilan ng pagkasira ng relasyon ninyo ng pinsan mo... tapos ngayon naman si Tatang."
Malakas ang pagkakasabi ni Theo. Hindi mahangin kaya siguradong malinaw iyong makakarating sa pandinig ni Soto.
"At kung nahihirapan ka na sa ganito, handa akong itigil 'to. Oo, handa ako lagi para sa 'yo!"
Napahinto si Soto. "Nakikipaghiwalay ka na?" Pumihit siya at malalaki ang hakbang na muling nagsalita. "Ganyan ba talaga? Kapag nahihirapan na sa hiwalayan agad ang punta?"
Diretso ang tingin niya kay Theo. Galit siya. Masama ang loob niya. "Susukuan mo rin ba ako?" At pagkatapos pinagpapalo niya ito sa dibdib.
"Napilitan ka lang naman sa akin, di ba?"
Nabasa niya ang sakit sa mga tingin ni Theo pero inambahan niya ito ng suntok.
"Tangina sa napilitan! Bawiin mo 'yan!"
Ginantihan siya nito ng suntok. Natumba siya at nadamay rin si Theo. Nagpagulung-gulong tuloy sila sa buhanginan. Nagsapakan sila. Walang gustong magpatalo. Pero dahil mas malaki nang di-hamak ang bulto ng pangangatawan ni Theo sa kanya, natatalo siya nito at mabilis napupunta sa ibabaw.
Mayamaya huminto na si Theo. Hinihingal. Napatitig siya sa pasang mukha ng kasintahan. Hinaplos iyon.
Ganoon din naman si Soto. Hindi na rin naman siya makalaban. Napagod din siya away nilang parang mga bata.
"Ayoko ng break up, gusto ko sex after fight." Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas para sabihin iyon pero ang gusto lang niya ay maramdaman ulit ang pagkabaliw ni Theo sa kanya.
"Wild, huh?"
Napangisi pa si Theo at matapos niyon, pinadapa na siya nito. Ramdam niya ang pagmamadali sa kilos. Sa pagbaba nito ng suot niyang shorts, sa paghimas at paghampas sa katambukan doon. Napapikit na siya hanggang sa namalayan na lang niyang nag-uumpisa na itong kumikiskis. Umuungol. Nagmumura.
"Ah, Soto... mahal na mahal kita... putangina!"
Napakapit na nga siya sa buhangin nang daganan na siya nito at umpisahan siyang bayuhin. Mabilis. Tila mauubusan. Sabik na sabik na parang ayaw siyang pakawalan. Nakapatong na rin ang kamay nito sa kanya. Dinilaan siya sa leeg, sa tainga.
"Masarap ba akong tumira? Ha? Soto?"
Tango siya nang tango. Napapahiyaw siya sa sobrang sarap sa tuwing huhugutin nito tapos isasagad din naman agad pabalik. Nakakaliyo rin na parang ang sarap isigaw na ulit-ulitin iyon ni Theo pero hindi alam kung paano. May gusto siyang gawin pero mas nangingibabaw ang nakakalasing na sensasyon. Ang excitement na baka may makakita sa ginagawa nila. Parang naging parami nang parami yata ang sexual fantasy niya sa buhay mula nang maging sila ng binata.
"Oh, Soto... ahh!"
Naging mas mabilis ang pag-indayog ni Theo. Pero sa pagkakataong ito, hindi siya papayag na walang sabihin. Luminga na nga siya at paungol sa boses ay nasabi niyang, "Halikan mo ako... gusto kong hinahalikan mo ako, Theo."
Pinagbigyan nga siya ng kasintahan. Marahas ang naging halikan. Lasang dugo pero wala na siyang pakialam. Basta ayaw niyang huminto si Theo hangga't hindi nila nararating ang gusto nilang pareho.
Pero ilang ulos lang huminto na ang binata. Umalis na sa pagkakadagan. Narinig niya rin na nagpagpag na ito ng kamay. Inakala niya tuloy na tapos na pero hindi pa pala. Dahil bigla siya nitong pinaupo nang patalikod sa kandungan nito.
Naguguluhan siyang napalinga. Hilig talaga nito sa patalikod.
"Anong pinaplano mo?"
Hindi siya sinagot. Nagkagat-labi lang ang loko niyang nobyo at pagkatapos sinibasib na naman siya nito ng halik.
Napaungol na siya nang maramdaman ang pagdakma nito ang naghuhumindig niyang alaga. Ilang pagtaas-baba rin ang ipinagkaloob nito sa kanya. Napaliyad siya.Talagang pinaliligaya siya. Hindi na niya napigil ang pag-angat ng puwetan niya. Nagpagiling-giling na siya. Hindi na siya sigurado.
Doon na pinakawalan ni Theo ang labi niya. Pinasok siya nito ulit. Dinidilaan siya nito sa puno ng tainga habang sinasabi kung gaano siya ka-hot sa posisyong iyon at kung gaano siya kasarap.
Nang mag-angat at baba na siya ng katawan, hinawakan na siya ni Theo sa baywang. Sinasalubong na rin nito ang bawat galaw.
Sinasabayan din iyon ng pagmumura at kung anu-ano pang malalaswang salitang noon lang niya narinig.
Hingal na hingal silang bumagsak ng higa sa buhanginan.
"I love you talaga!" nasabi pa ni Theo.
"Ako rin." At umusog siya rito.
Ilang minuto lang, may paisa-isang patak ng tubig ang tumama sa mukha nila. Nang dumami iyon ay napabangon na sila. Magkahawak-kamay na tumakbo upang maghanap ng masisilungan.
Isang barung-barong ang nakatiwangwang lang doon ang kaagad nilang pinasukan. Pinagkasya nila ang mga sarili roon nang hindi mabasa. Nagyakap sila. Muli na namang tumunog ang tiyan nila. Talagang gutom na sila.
Nang tumila ang ulan, takbo ulit sila paalis doon. Tila may hinahanap si Theo pero ipinaubuya lang niya ang desisyon dito. Nang marating nila ang tindahan at nakisuyo itong makikigamit ng telepono. Mabuti at mabait ang batang bantay. Inabot agad nito ang selpon at ilang minuto lang may kausap na roon ang binata.
"Hello! It's Theodore... yes, Uncle. Can we go to your place? Yes, something happened. But I don't have anything here so... I got it. Ba-bye."
Maraming ulit na nagpasalamat si Theo sa batang tindera bago ito sumulyap sa kanya.
"Tara! Sakay tayo ng taxi."