TIRIK na ang sikat ng araw pero heto at gusto pang humirit ng tulog ni Soto. Masakit din ang buong katawan niya dahil sa ibang klaseng trabaho sa gabi ang ginawa nila ng nobyo. Tinupad niya kasi ang huling usapan nila. Ito tuloy halos hindi siya makatayo. Expose rin ang kahubdan niyang nakadapa na enjoy namang pinapagmasdan ni Theo.
"Massage na lang kita."
"Ayoko nga! Baka ibang masahe pa ang mangyari."
"Pero kung hindi ka magbibihis talagang baka maiba nga." Pinadaan ni Theo ang kamay sa gulugod ng kasintahan. "Marami ka palang maliliit na nunal."
"Hindi ko alam. Hindi ko naman nakikita." Luminga pa si Soto habang sinasabi iyon.
"Sige, i-kiss ko bawat nunal mo para malaman mo kung saan..."
At iyon na nga ang ginawa ng binata. Ilang segundo lang tumatawa na ang nakikiliting si Soto. Malalalim na rin ang paghinga. Hindi lang kasi paghalik ang ginagawa roon, dinidilaan na rin.
Napakapit na siya nang mahigpit sa unan nang umabot ang mga iyon sa dalawang pisngi ng puwetan niya.
"T-Teka! Wait... ganyan karami?"
Umungol si Theo bilang sagot dahil naging abala itong basain ng dila ang butas doon. Hindi rin nagtagal dumapa na ito kay Soto. Humalik-halik na sa leeg.
"Hindi ka na ba naninigarilyo?" paanas nitong kumagat na sa puno ng tenga.
"Nalilimutan ko. Sobra tayong busy... wala na akong time kahit magsindi man lang--- aah!" Pinasok na siya ni Theo kaya nawala na sa kanya ang mga sinasabi.
"That's good! Mas gagawin pa kitang busy..." anitong bumibilis na ang bawat pag-ulos.
Ilang saglit pa at pareho na silang nalunod sa sarap ng mga sandali.
Nagpalit sila ng kobre kama nang matapos at saka lumabas na ng kuwarto para mag-agahan.
Kalalabas lang din ng bagong gising na si Suzette. May kausap ito sa selpon at pagkakita sa kanila ay nagsenyas ng 'wait' bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"Bakit ho Papa? Anong nangyari kay Carmina? Sige, sige, try namin."
Napatingin sa kanya si Theo matapos marinig iyon. "Sino 'yon?" tanong nitong mabilis niya namang sinagot.
"Step-mother namin... ano kasi, sa pangalan lang namin siya tinatawag at wala namang kontra si Papa---"
"Toto, kailangan daw tayo sa South. Si Carmina kasi nanganak at saktong birthday niya ngayon."
Dito siya inakbayan ni Theo. "Kuya ka na pala, e. Paano ba 'yan?"
At pagkatapos niyon, saka lang nagrehistro sa utak niya ang sinabi ng kapatid. Nanganak? Tama si Theo. Hindi na rin siya nagtaka kung magkaroon man siya ng bagong kapatid dahil bata pa ang step-mother niya. Hindi malayo sa edad ng Ate Suzette niya.
"Theodore, sasama ka. Gusto ka raw makausap ni Papa." Ngumiti na may kasamang panunudyo si Suzette at saka kay Soto naman bumaling. "Toto, mukhang sa kasalan na ang tuloy ninyo niyan kapag pumayag si Father." Humalakhak pa ang dalaga.
"Ate!" Si Soto na biglang nahiya.
"Oh! Maalala ko lang, next week... twenty four na kayo. Kung wala kayong maisip puntahan ng araw na 'yan... may napalunan akong movie ticket diyan. Ibigay ko sa inyo, gusto ninyo?"
"Puwede rin." Si Theo ang sumagot. Hindi pa nasusundan ang first date nila. Tamang-tama lang bago dumating ang araw na iyon siguradong nakaplano na siya. "Mga anong oras pala ang punta natin sa South, Ate Su?"
"After lunch puwede na. Papasok muna ako sa work. Wait ninyo text ko." Tumungo na ito sa banyo matapos niyon.
Ang naiwan doon na magkasintahan ay pumunta namang lababo upang magmumog. Imbes na bumili ng tinapay, nagprito na lang ng itlog at nagsangag ng kanin. Iyon na ang pinagsaluhan nila sa hapag na sinabayan naman ng kape.
Kagaya ng sinabi ni Suzette, mga bandang alas dose y media lang pinadalahan na sila ng mensahe na mauna nang pumunta sa Southbound. Heto nga matapos bumaba ng motor ay magkahawak-kamay sila habang naghihintay pagbuksan ng gate. Siyempre pa, dahil naabisauhan na ang amang si Sancho ay hindi sila nagtagal roon. Pinatuloy na sila nito. Hindi man magiliw ang pakikitungo pero walang mababanaag na galit mula rito.
"Kumain na ba kayo? Kuha na lang kayo diyan sa mesa kapag nagugutom na... sisilipin ko lang si Mina," sabi nitong marahang pinihit ang pinto ng master's bedroom.
Saka lang sila napatingin sa mesa. Marami-rami ang nakahain. May takip lang kaya kailangan nilang silipin isa-isa. Pero bago pa nila magawa ay muling nagsalita ang ama.
"Toto, gusto mo bang makita ang kapatid mo?"
Parang maiiyak pa si Soto nang marinig iyon. "Puwede po ba?" Nag-crack ang boses niya sa banda roon at nang tumango ang tatay niya ay tuluyan na ngang nalaglag ang luha. Ewan niya kung para saan. Siguro marahil matapos nang maraming buwan ay ngayon lang sila ulit nagkausap ng amang bihirang magalit.
"Sige na, tuloy ka sa loob."
Pagkapasok lang doon ni Soto ay si Theo naman ang binalingan ng matanda. "Isang taon na raw ang relasyon ninyo... hanggang kailan 'yan? Balak mo ba talagang manatili sa anak ko kahit na maraming manghuhusga sa inyo?"
"Si Soto lang ang gusto ko Tatang at kung hindi lang din siya, huwag na lang."
Mapanuyang tumawa si Sancho. "Alam kong nakakulong ka lang lagi sa bahay noon at bibihirang lumabas. Baka naman kapag napaligiran ka na ng maraming magagandang babae magbago na ang isip mo. Hindi mo pa naranasan, ano?"
Hindi iyon sumagi sa isip ni Theo. May isang nagtapat sa kanya at kung tutuusin puwede niyang paunlakan. Maganda rin si Desiree, maliit at payat din, pero ewan niya hindi man lang siya naapektuhan. Tanging kay Soto lang.
Sa una boses lang nito ang hinangaan niya. Nang makita niya ng personal ay saka naman niya naisip makipag-close. Nagkalayo na at lumipas na rin ang panahon pero nang muling makita ay ganoon pa rin ang pintig ng puso niya. Gusto na naman niyang mapalapit kahit na hindi man lang siya nito napapansin dahil sa iba ito nakatingin.
Nakatago lang siya sa isang tabi. Nagmamasid sa pakikipagtawanan nito kay Clare. Mapapahawak na lang siya sa dibdib dahil parang pinipiga iyon. Handa siyang maghintay ng time na para sa kanilang dalawa lang. Kinuwento niya ang lahat ng iyon sa ama ni Soto.
"Ang alam ko lang, siya pa rin kahit na dumating ang araw na ayaw na niya."
Napatakip ng bibig ang nasa likod lang ng pinto na si Soto. Narinig niya ang lahat. Gusto niyang lumabas para sabihing ganoon din siya. Mahal na mahal niya ang binata.
"O, siya siya! Kung gusto mong makita ang brother-in-law mo, sumunod ka sa loob."
"Talaga, Tatang? Thank you so much!"
Natawa siya sa narinig. Nahinto lang nang bumukas ang pinto. Muntik pa siyang maumpog pero ayos lang dahil nasa harap na niya ngayon si Theo. Saglit silang nagkatitigan pero nagkahiyaang umiwas din ng tingin nang magsalita ang nakahigang step-mother.
"Gusto ba ninyong kargahin si Sansan?"
Pero bago pa man nila magawa iyon, dumating na si Suzette. "Oy, ako muna. Ako ang ate."
Sa tulong ng dalaga, nakarga nang maayos ni Soto ang mumunting sanggol. Si Theo naman, panay kuha ng pictures. Napuno ng halakhakan ang maliit na silid doon. Nakamasid lang naman ang mag-asawang Sancho at Carmina.
Mga bandang alas tres y media nang makadama sila ng gutom. At sa pagkain naman nauwi ang atensiyon. Hindi nagtagal nauna nang magpaalam si Suzette dahil may lakad din ito. Sumunod naman ang magkasintahan.
"Ingat, ingat!"
Hinatid pa sila ng ama sa gate at hindi pumasok hanggang hindi sila nakakasakay ng motor. Kaway nang kaway si Soto at pagkatapos yumakap na sa likod ng nobyong si Theo.
Nagtaka pa siya nang mag-iba ang tinatahak nilang daan. Hindi naman niya magawang magtanong dahil baka hindi sila magkarinigan sa suot nilang helmet. Mahangin din kaya ipapaubaya na lang niya kay Theo ang lahat.
Sa tabing-dagat siya nito dinala. Agad na nag-init ang mukha niya nang maalala ang lugar na iyon. Wala na roon ang barung-barong kung saan sila dati sumilong. Walang ibang pagala-gala ng mga sandaling iyon. Tanging ang hampas ng mga alon ang kasama nila.
"Soto kapag ba nag-propose ako sa 'yo... tatanggapin mo ba?" Si Theo na hindi mapakali.
"Anong propose?" aniyang napasulyap sa kasintahan kahit parang may idea na siya. Ang kaso lang parang imposible dahil pareho silang lalaki.
Nagkamot si Theo sa batok. "Alam mo... 'yong parang kontrata na sinasabing akin ka na."
Natawa siya sabay kabig sa binata para yumakap. "Alam mo kahit walang kontrata sa 'yo na talaga ako." Tumingala pa siya at ngumuso na parang gustong magpahalik.
"Marry me, Soto. Be my wife."
Napaawang siya saglit at saka nagsalita. "Ginagawa mo akong babae lagi. Nakakainis ka!"
Hinalikan siya nito sa noo. "Pumayag ka na," at pagkatapos napunta ang halik sa labi, sa leeg, sa balikat. Kumakagat-kagat habang ang isang kamay ay pumasok nag-uumpisa nang buksan ang zipper ng pantalon ni Soto.
"Oo na... umm! Theo, huwag dito... baka may makakita."
Tumawa ang lalaki. "Mas gusto ko nga 'yon."
"Theodore!"
Wala na. May pagka-exhibitionist ang nobyo niya. Sa loob-loob niya, gusto niya rin pero hindi niya balak sasabihin.
"Okay, hindi na. Maglakad-lakad na lang tayo para malibang ako."
Hinawakan na siya nito sa kamay. Inangat iyon at nang mapunta sa bibig nito ay hinalikan. Pinanginigan pa siya sa gulat nang dilaan ni Theo ang palad niya.
"Cute!" anitong kinindatan siya.
Umiwas siya ng tingin. Hindi na naman kinakaya ng puso niya ang mga banat ng loko niyang boyfriend. Kailangan niyang ibahin ang usapan.
"Punta na lang kaya tayo sa mama ko."
"Ipapakilala mo na ako?" Parang nangislap pa ang mata ni Theo sa tuwa.
"Ako muna ang magmamaneho ngayon, okay ba?" sabi na lang niya at hinila na ito pabalik sa kung saan nakaparada ang motorsiklo.
Wala nang sinabi si Theo. Ibinigay lang nito sa kanya ang susi. At ilang saglit pa nasa highway na sila. Patungo iyon sa pinakamalaking sementeryo ng Kyusi.
Rest In Peace
Zelina Cruz-Ibañez
1972--2002
"Ma, nandito na ang paborito mong bunso." Natawa si Soto sa sinasabi niya. "Kuya na nga pala ako dahil nanganak na si Carmina. Ma, may kasama ako... si Theo," aniyang sumulyap saglit sa nobyong noon ay namumula ang tainga.
"Hello po!" Nag-bow si Theo at pagkatapos lumuhod. "Patawad po kung hindi babae ang nasa harap ninyo. Alam kong very special ang relasyon namin pero sana matanggap ninyo ako kahit na hindi kami makakabuo ng apo. Aalagaan ko po siya pangako," dagdag pang idinikit ang noo sa semento.
Nalaglag ang panga ni Soto sa ginagawang iyon ng nobyo. Ewan niya at parang nakita niya ang kamay na humaplos sa ulo ng kasintahan. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya ang imahen ng nakangiting ina. Pero pagkurap niya ay nawala iyon na parang bula.
"Mukhang approved ka na!" ang naisatinig niya dahilan para mapatayo si Theo at yumakap sa kanya na parang bata.
"I love you so much!" Ikiniskis pa nito ang mukha sa balikat ni Soto.
"Uwi na tayo?" suhestiyon naman niya na tinanguan nito.
Si Soto pa rin ang nagmaneho. Panay papuri ni Theo ang natanggap niya nang makarating sila ng apartment.
"Magaling ka rin sa overtake huh!"
"Ginaya lang kita."
Pagkapasok nila ng bahay ay bumungad doon ang malaking kahon. Nagkatinginan pa sila nang mapagtantong galing iyon kay Reynold.
Para malaman kung anong nasa loob ay pinagtulungan nilang buksan iyon. Hindi na siya nagtaka nang makita ang sangkaterbang libro, magazines at romance comics. Napakunot lang ang noo niya sa pamagat ng mga iyon.
•Guidelines On How to Become A Real Man
•How to Get a Girlfriend
•Dating a Girl and other Ideas
•Girl's Sensitive Spot
•How to Kiss A Girl
Naikuyom niya ang kamao. Talagang nananadya ang pinsan niya. Lantaran ang pagkadisgusto nito sa pinili niyang lovelife.
"Babasahin mo ba?" ang nakasimangot na tanong ni Theo.
"Wala akong balak. Itapon ko pa ang mga 'yan!" naiiritang niyang tugon pero bigla iyong kinontra ng katipan.
"Huwag! Ibenta na lang natin through online. Malaking pera din 'yan!" Tumawa na si Theo. Business minded pala ang isang 'to.
"Sige, ikaw ang bahala. Marami pa naman akong comics diyan."
Mabilis na bumalik ang sigla sa pagitan nila dahil sa napagkasunduang iyon.
"Pero Soto, anong gagawin natin sa mga 'to?"
Napatingin siya sa tinutukoy ni Theo. Transparent iyon na plastic. Madaling makita ang lubid, sinturon, at iba pang hindi pamilyar na hindi niya magawang pangalanan. Saglit pa siyang natigilan kung para saan nga ba ang mga iyon. At nag-init ang pisngi nang ma-realize ang purpose niyon.
"Ito dapat ang tinatapon," aniyang mabilis iyong inagaw sa kamay ng kasintahang naguguluhan.
"Bakit? Hindi mo ba type ang BDSM?"
Napatayo siyang dumistansiya sa ngayon ay nakangiti ng si Theo. Parang alam na niya ang ibig sabihin niyon. Kung magkatotoo man ay hindi niya ito papayagan.
Napapikit na siya nang tumayo na rin ito at pahakbang na lumapit sa kanya. Nagmulat lang siya nang maramdaman ang paghalik sa noo niya. Noon nagsalubong ang tingin nila ni Theo.
"Kahit isang beses lang, please..."
Muntik na siyang mawalan ng panimbang sa pakiusap na iyon habang sa isip niya ay paulit-ulit na niyang minumura ang pinsang si Reynold.
"Sige, basta isa lang."
Malawak ang pagkakangiting pumunit sa labi ng kasintahan. "The best ka talaga!" Pinugpog pa siya nito ng halik sa labi.
Napadasal na lang siya nang taimtim na sana hindi siya mahirapan sa gagawin nila.
****
Sumapit na ang kaarawan ng dalawa. Heto nga at nakapila sila sa sinehan pero walang hawak-kamay na nangyari. Dahil sa tuwing magtatangka si Soto, hindi naman puwede. Kung hindi nakahalukipkip ang lalaki, nakapamulsa naman ito o di kaya'y nakahawak sa handle ng backpack.
Hinayaan niya muna. Ipinokus na lang niya ang atensiyon sa palabas. Pero natapos na iyon at oras na rin ng tanghalian, wala pa rin. Para bang ang layo nito kahit na magkasama sila. Wala rin itong imik. Nauuna laging maglakad. Parang wala siya roon kung umasta ang binata. Ayaw niya nito. Naiiyak na siya. Hindi na nga niya napigil ang paghikbi.
"Soto? Anong nangyari? Bakit? Pagod ka na bang maglakad?" Inalog siya nito at nang hindi siya sumagot hinawakan siya ni Theo sa mukha. "Hey! Bakit ka umiiyak?"
"Hindi mo ako pinapansin. Hindi mo ako hinahawakan," himutok niya. Bahala na kung para siyang babae sa asal niya. Ang gusto lang niya ay mawala ang insecurities niya ng mga sandaling iyon.
"Tara sa Emerald Hotel at doon hahawakan kita hanggang sa ikaw na mismo ang magsawa."
Napaawang ang bibig niya pero sunud-sunurang tumango. Noon na siya nito hinatak patungong parking lot para sa mga motorsiklo at dali-dali silang silang sumakay papunta sa lugar na saksi ng kanilang first time.
Pagkalapat ng likod sa kama ay walang patid silang naghalikan. Nagtulungan na rin sa paghubad ng kasuotan. Handang-handa na. Kaso may plano si Theo na biglang naging abala sa pagbukas ng bag. Inilabas nito ang mga gamit. Itatali niya si Soto.
Napamasahe siya sa labi nang maging succesful ang ilang araw niyang pag-aaral kung paano gawin iyon. Napamura pa siya nang labasan siya agad kahit wala pa siyang nasisimulan.
"Shit... mababaliw ako!" aniyang dinaluhong na ang nobyong tigas na tigas na rin ang sandata.
Pinaghalik-halikan niya ito. Dinilaan. Hinimas. Pinisil. Lahat ng parte nito ay hindi niya pinagligtas. Kahit pa ang katas na lumabas. Nilunok niya. Sa kanya lang si Soto pati ang mga ungol nito.
"Ooh, sige pa, sige pa... Aahh, yeah! I love you so much, yes, bebe ko... more, yes!"
Natawa siya nang mahina. Pagbibigyan niya ang kahilingan ni Soto. Pinasok na nga niya rito ang lahat. Bumabayo. Sinasagad Paulit-ulit. Walang sawa.
"Happy birthday!" ang nasabi nilang pareho sa hingal na hingal na tinig at pagkatapos marahas na naghalikan. Nagpaligsahan sa pagsipsip at pagkalkal ng bawat sulok doon. Marami pang I love you ang nasabi nila bago sila huminto at parehong nakatulog.
Nang magising si Soto, may suot na siyang singsing sa kaliwang kamay. Nang umusog siya kay Theo at i-check ang kamay nito ay napangiti siya nang makitang pareho sila. Sinipat pa niya iyon at hinalikan.