KALAT na ang dilim nang makababa sila ng taxi sa tapat iyon ng isang condominium. May katagalan din kasi ang naging biyahe dahil inabot sila ng bigat ng trapiko. Talagang tiba-tiba ang drayber sa kanila. Pumatak sa pitong daan ang metro nito sa loob lang nang mahigit isang oras.
At heto nga si Soto, hindi maiwasang mag-alalang tiningala ang nobyo. Wala silang pambayad at hindi niya alam kung paano nito iyon gagawan ng paraan.
"Hey, hey! Bakit ganyan? No worries, okay?" Inakbayan pa siya ni Theo. Kinausap din nito ang drayber na maghintay saglit. Sakto naman ang paglabas ng isang lalaki sa entrada ng condominium.
"Ayan na pala si Uncle Dom..." Kumaway pa si Theo dahilan para lumapit ito sa kanila.
Ang tinawag nitong Uncle Dom ang nagbayad ng pamasahe. Matapos niyon, iginiya na sila sa lobby. Kung anu-anong pa ngang pang-uusisa ang sinabi. Tinanong din kung bakit pareho silang may pasa.
Siyempre, sinabi ni Theo ang totoo. Hindi nga lang lahat. Hindi ang private na eksena sa pagitan nila kundi ang tungkol sa relasyon nilang nabuking.
Mula sa pagpasok at paglabas ng elevator, matamang pakikinig lang ang ginagawa ni Soto sa walang patid na pag-uusap ng magtiyo. Sa wikang Ingles iyon at hindi niya nga halos maintindihan ang iba.
Huminto rin naman ang mga ito nang pumasok na sa condo unit. Sinalubong sila roon nang hindi pamilyar na amoy pero nag-alburuto pa rin ang tiyan nila sa gutom.
"Dear, are you done yet?"
"Hai!"
Japanese iyon ng "Oo" galing sa boses-lalaki mula sa kusina. Nagkatinginan tuloy ang magkasintahang Soto at Theo. Noon natawa ang tiyuhing si Dom.
"Oh, that's my boyfriend. Izumi and I are dating since college. Yeah, just like you two our relationship has ups and downs but we're still here, can't leave each other."
"Come on in! The food is ready."
Sumilip pa si Izumi sa kanila na noon ay naghahanda na ng plato at kutsara sa hapag. Payat ito at kapareho halos ni Soto ang body built. Medyo mahaba nga lang ang buhok. Mapusyaw din ang balat na kagaya ni Theo.
Umupo na silang lahat. Nasa harap ang kanin at ulam na mabango ang pagkakaluto.
"Itadakimasu!"
Iyon muna ang sinabi nina Izumi at Dom na ibig sabihin, 'let's dig in' o kaya naman 'thanks for the food' ang nakaugalian ng mga Hapon bago kumain.
"You two eat this, it's chicken teriyaki. And this one is miso soup."
Tanggap lang sila nang tanggap kung anong ilagay sa plato nila. Wala nang hiya-hiya. Gutom na gutom sila para tumanggi.
Pagkatapos doon, iginiya naman sila isang silid-tulugan. Maalaga ang magkasintahang Izumi at Dom. Binigyan din sila ng tig-isang iced pack para iyon sa pasa at pineapple juice din na ininom din nila agad. Ipinaghanda rin sila ng malinis na damit pantulog. Nagbilin muna ng kung anu-ano bago nagdesisyon ang mga itong bigyan na sila ng privacy.
Dito lang sila nagkaroon ng pagkakataong asikasuhin ang mga sarili. Nagtulungan sila. Marahan ang bawat pagdampi ng iced pack. Paminsan-minsan mahihinto at mauuwi iyon sa titigan.
Hindi na nakatiis si Theo. Hinawakan na nito sa batok si Soto para siilin ng halik. Pareho silang guilty sa nangyari. Pareho nilang gustong mag-sorry pero hindi nila masabi.
Nalaglag na nga ang hawak nila nang gumanti ng halik si Soto. Nasundan iyon ng mga ungol. Nangingibabaw na naman ang pagnanasa.
Hinubaran na nila ang isa't isa. Mahihinto saglit ang halikan tapos magsusunggaban ulit.
Hanggang sa itinulak na siya ni Theo sa kama at ang mga halik nito ay naging pagdila, sa leeg, sa dibdib. Pababa nang pababa. Napaliyad siya. Pinaliligaya na naman siya nito. Ilang beses na iyong nangyari. Hindi. Hindi siya papayag na ito lang ang magtratrabaho.
Bumangon siya. Kitang-kita niya ang pagtataka nang mag-angat ng tingin ang nobyong naisturbo sa ginagawa.
"Soto? Ayaw mo ba?"
Hindi siya sumagot. Itinulak lang niya si Theo sa kama. Ginaya niya kung paano siya nito hinimod, dinilaan mula leeg pababa. Hindi nag-iingay ang binata pero dinig na dinig niya ang malalalim nitong paghinga. Isinubo niya ang matigas na matigas nitong alaga. Wala pa rin itong sinasabi. Pinadaan na niya ang dila sa ulo niyon tapos lumipat siya sa dalawang bilog. Humalik. Sumipsip.
"Aahh... kapag inuulit mo 'yan baka hindi ko na kayanin."
Lihim siyang napangiti. Inulit nga niya. Lalo lang napaungol si Theo. Hinawakan na siya nito sa buhok. May kasama na iyong pagsabunot.
"Ahh... upuan mo, Soto. Gusto kitang makita sa ibabaw ko."
Nagulat siya sa suhestiyon ng kasintahan. Pero heto at naging sunud-sunuran siyang umupo sa ibabaw. Siya pa ang nagkusang ipasok ang kahabaan doon. At nang mag-umpisa na ang paggalaw niya, napakagat na lang siya sa daliri. Hindi dahil kakaiba ang lahat para sa kanya kundi dahil naaakit siya sa itsura ni Theo. Ang paghanga sa mga tingin nito, ang pagnganga nito at pagkagat-labi. Parang gusto niya ring maranasang bayuhin ang binata. Ang sexy nito. Parang gusto niyang maging top ulit. Hinimas niya ito sa dibdib.
"Ang sarap talaga ng bebe ko..."
Dumagan na siya rito at pagkatapos sinibasib niya ito ng halik. Nasasarapan siya sa ginagawa. Pero ang nobyo niya bigla siyang sinagad.
"Sige pa, Soto... ulitin mo 'yon."
Napatitig siya sa boyfriend. "Alin doon bebe ko?" Sinadya niyang lambingan ang boses.
Nanlaki naman ang mata ni Theo at pagkatapos binayo siya nang sunud-sunod. Hindi niya iyon napaghandaan. Napalakas tuloy kumawalang ungol sa kanya.
"Ahh! Ganyan, Theo. Gawin mo lang 'yan, bebe ko."
Niyakap na siya nito. Hindi na siya tinigilan. Patuloy siyang sinasagad. Naghahalikan na rin sila. Isa sa mga gustong-gusto niya kapag pinaliligaya siya ni Theo.
"I love you, Theo. I love you."
Hinihingal na sila. Pawis na pawis na sila. Ang lagkit na rin sa ibabang parte nila. Ilang ulit ba naman silang nilabasan.
"Grabe ka sa 'kin."
Nasa ibabaw pa rin siya ni Theo. Nakasubsob nga lang ang mukha niya sa balikat ng binata pero nang marinig ang pagsinghot nito ay napaangat na siya. Sa maliwanag na buong kuwarto ay nakikita niya ang pamumula ng mata nito. Umiiyak ang nobyo niya. Nag-alala tuloy siya.
"Bakit? May masakit ba sa 'yo? Oy, Theo!"
Umiling ang binata. Tinakpan nito ng braso ang mata at nasabi nito, "Basta-basta ka na lang kasi nagsasabing mahal mo ako."
"Ang cute naman ng bebe ko!"
"Shit!"
Ramdam niyang matigas na naman si Theo sa bahagi roon. Dali-dali tuloy siyang umalis sa ibabaw nito. At kahit hindi siya mahilig magkumot ay napatalukbong siya para magtago roon.
"Soto..."
Hindi niya pinansin ang pangangalabit ng kasintahan. Nagtulog-tulugan siya. Mabuti na lang, may ugali itong hindi namimilit kaya kampante siya. Hindi lang niya inaasahan, papasok din ito sa kumot at magsasabi sa maharot na tinig ng, "Sige na, kahit sa pagitan lang ng hita mo..."
Wala na siyang nagawa kundi magpaubaya nang kumiskis na ito roon. Nagtakip na rin siya ng bibig upang hindi makagawa ng ingay. Baka kasi mapasama pa at magbago ang isip ni Theo. Iba pa naman kapag inumpisahan na siya nito.
Kinabukasan...
Wala na roon ang tiyuhin ni Theo at ang kasintahan nito pero may iniwan namang agahan sa mesa at sticky note na nagsasabing nasa trabaho na ang mga ito, na puwede silang mag-stay hangga't kailan gustuhin. Nag-iwan pa ng pera, susi, damit, tuwalya, at ilang mga magagamit tulad ng condom, toothpaste, sepilyo, sabon at shampoo.
Pero siyempre, matapos lang nilang kumain nagpasiya pa rin silang umalis. Babalik sila ng apartment.