Chereads / Cheese and Sweets (BL) / Chapter 33 - 33

Chapter 33 - 33

TALIKURAN. Nakaupo sa kamang puro puti lang ang kulay. Ewan ba naman kasi sa sarili ni Soto at imbes magpatawad ang nasabi lang ay, "Iparada mo nang maayos ang motor mo at may pupuntahan tayo."

Sunud-sunuran naman si Theo sa kanya kaya walang hassle niya itong nahatak sa lugar na gusto niya.

Mas kabisado niya ng Southbound. Ilang liko lang mula sa sakayan, mararating na agad ang tatlong palapag na apartelle. Alam niyang pinagtitinginan sila ng mga sandaling iyon pagkapasok pa lang pero wala lang sa kanya ang magsabing, "Twelve hours, dalawang order ng pancit guisado, at dalawang botelya ng tubig. Thank you and keep the change," sabay abot ng bayad sa na-shock na receptionist.

Matapos maibigay sa kanya ang papel kung saan nakasulat ang room number ay hinila na naman niya ang binatang hindi magawang kumontra.

Ngayon, nasa loob na sila ng apat na sulok ng silid na iyon. Wala siyang ginagawa. Tahimik na nakaupo. Hindi kumikibo.

"Soto..."

Umusog na si Theo papunta sa kanya. Yumakap pa nang mahigpit. Napahiwalay lang nang marinig ang mga katok sa pintong ilang hakbang lang ang layo sa kinauupuan nilang kama.

"Dumating na yata 'yong inorder mo." Si Theo pa rin na tumayo na para pagbuksan ang kung sinumang naroon.

Hindi nga siya nagkamali nang makita ang waiter. Dala nito ang dalawang styro at bote ng tubig. Matapos magpasalamat ay tinanggap na niya iyon. Nag-abot pa siya ng tip.

Pagkasara ng pinto at pagkalapag din ng pagkain sa mesitang nasa isang tabi ay muli niyang nilapitan si Soto.

"Galit ka pa rin ba?"

Hindi sumagot si Soto. Tumayo na para kunin ang isang styro at doon itinuon ang atensiyon. Sa gilid ng mata niya ay nakitang nag-uumpisa na ring kumakain si Theo.

Nang matapos doon, medyo kumalma na siya pero wala siyang sinabing hinarap ang selpon at nag-swipe nang nag-swipe. Kasama iyon sa plano niyang pagmamatigas. Para sa kanya, si Theo dapat ang sumusuyo kahit na siya itong nagkusang dalhin rito ang binata.

Naging tahimik ang sumunod na minuto at ang katahimikang iyon ang lalong nagpadagdag sa mabigat na atmospera. Nakadama na siya ng pagkainis lalo pa't wala siyang napala sa pag-iinarte niya. At heto, tuluyan na nga niyang inabala ang sarili sa mobile games. Ang tunog na mula roon ang nangibabaw.

"Soto, isa! Hindi pa rin ba tayo magkakaayos?" Napipikon na rin si Theo. Hindi na nga nito kinaya. Inagaw na ang selpon sa kasintahan at pagkatapos malakas itong itinulak sa kama. Napasinghap pa ito sa gulat pero hindi pa rin nagsalitang tumingin lang sa ibang direksiyon.

"Ano? Ganyan na lang? Dadalhin mo ako dito tapos dededmahin mo lang?" Nagagalit na siya. Hinila na niya pababa ang short pants nito kasabay ng underwear kaya madali na lang sa kanyang magawa ang kanina pang idinidikta ng pagkalalaki niya.

Inumpisahan na niyang umulos. Mabilis iyon. Nanggigigil at walang pag-iingat. Puro galit lang ang nangingibabaw. Ayaw niya sa lahat na nagpaliwanag na ay ayaw pa rin siyang paniwalaan.

"Sinabi ko na sa 'yo ang totoong nangyari, hindi ka pa rin makuntento?" at pagkatapos binilisan pa nang binilisan ang bawat paggalaw.

Dito na napahikbi ang nasasaktang si Soto. Tumingin na kay Theo at nagsalita na rin sa wakas. "Masakit, Theo... ayoko nito." Nagsisisi na siyang ginalit pa niya ang kasintahan. Hindi niya gusto na para bang wala na itong amor sa kanya sa tuwing sinasagad siya.

"Kasalanan mo 'to! Alam mong tapat ako sa 'yo tapos hindi ka nagtitiwala."

Lalo siyang napaiyak. Mas malala pa ito sa first time niya. Masakit ang lahat sa kanya. "Tama na, please..."

Dito na umalis si Theo sa ibabaw ni Soto. Nang makitang may dugo ang bedsheet ay iiling-iiling itong napaatras. Napahilamos pa sa sarili at dali-daling lumabas.

Sa abot naman nang makakaya ay pagapang ang ginawa ni Soto para maabot ang isang unan sa ulunan niya. Nang mapagtagumpayan ay yumakap siya roon at pabaluktot na humiga habang tahimik na lumuluha.

Hindi niya alam kung ilang oras siya sa ganoong ayos. Naulinigan na lang niya ang langitngit ng pinto pati papalapit na hakbang.

"I'm really sorry."

Napapikit siya sa narinig. Mula sa likuran ay naramdaman niya ang pagtabi ni Theo sa kanya. Niyakap din siya nito paulit-ulit na humihingi ng tawad.

Nakatulugan na niya iyon at paggising kinabukasan, mabilis siyang nagbihis. At sa pagkakataong ito, siya naman ang aalis nang walang paalam bilang parusa sa binata.

Pagkauwi ng apartment, pinaulanan siya ng maraming tanong ng Ate Suzette niya pero ni isa ay wala siyang sinagot. Pinatay niya ang selpon at nagkulong lang siya sa kuwarto.

Lumabas siya mga bandang tanghali para kumain tapos balik ulit sa higaan. Wala siya sa sarili ngayon. Ang gusto lang niya ay matulog nang matulog.

Gabi na nang muli siyang magising. Iyon ay dahil sa boses ng kapatid na nagyayayang maghapunan. Para siyang robot na umupo lang sa hapag. Namamaga rin ang mata niya. Dahil sa pag-iyak o sobrang tulog, alinman doon ay siguradong hindi makakaligtas sa ate niya.

"Toto, ano bang problema? Si Theodore, wala pa. Hindi pa rin ba kayo okay?" tanong ni Suzette.

"Hindi ko alam sa kanya, Ate."

At natapos na nga sila sa hapag na hindi na muling nag-uusisa ang dalaga.

Si Soto na ang nagpresintang maghugas ng pinagkainan. Sinikap pa niyang maging masaya sa harap ng kapatid para naman hindi na ito mag-alala pa.

Patapos na siya sa gawain nang bumukas ang screen door at ang hinihingal na si Theo ang bumungad doon. Napakurap siya. Hindi siya nananaginip lang. Inuwian pa rin siya ng kasintahan. Kagaya ng dati tuwing sasapit ang gabi. Pero ang kaibahan lang para itong basahan. Suot pa rin ang damit nito kahapon.

"Hinanap kita maghapon..."

Napalunok siya ng laway sa sinabi nito. Nagtatanggal na si Theo ng sapatos at patuloy lang ito sa pagsasalita.

"Sabi sa napagtanungan ko sumakay ka raw ng dyip. Hindi kita makontak, alam mo? Ganoon pala ang pakiramdam kapag hindi mo alam kung saang lupalop maghahanap."

Humakbang na ito papalapit sa kanya. Napaatras naman siya. Bigla siyang natakot kay Theo nang rumehistro sa utak niya ang galit nitong mukha, ang ginawa nito kagabi. Pero naging maagap ito at agad siyang niyakap.

"Patawarin mo ako sa nagawa ko. Sorry, Soto. I'm really really sorry. Mahal na mahal kita."

Hindi na siya makatiis. Pinarusahan na niya ito at heto na nga ang naging resulta. Sino siya para magmatigas pa rin? Lalo na at may kasalanan din naman siya kung bakit nauwi sa ganito. "Oo na, oo na... basta doon ka na sa hapag at ipaghahain kita."

Para itong batang sunud-sunurang umupo at excited naghintay sa kung anong ihahain niya. Chicken curry iyon. Sarap na sarap si Theo at nakadalawang pinggan din ng kanin. At siyempre pa heto na naman sa bagong hobby si Soto, ang pagmasdan ang nobyo sa pagsubo at pagnguya nito. Nanatili lang siya sa ganoon hanggang masimot nito ang nasa plato.

"I love you so much." Si Theo na nakipagtitigan na sa kanya.

Sampong minuto ang lumipas...

"Sabay tayong maligo?" pag-iiba ni Soto.

"Ibig bang sabihin pinapatawad mo na ako?"

Napatayo pa si Theo sa sobrang tuwa. Siya naman nasapo ang sariling noo. Hindi ba't pinatawad na nga niya ito kanina pa? Gusto yata sabihin pa niya.

"Oo, kaya tara nang maligo. Kasi kapag nagbago pa ang isip ko baka pati pagtabi sa akin matulog ay ipagbawal ko. Ang hapdi kaya ng ginawa mo sa akin kagabi." Tumayo na siya at nililigpit na pinagkainan ng kasintahan habang sinasabi iyon.

Umikot naman si Theo para yakapin siya at halik-halikan. Ilang saglit lang nabuhat na siya nito papuntang banyo.

Kasabay nang pagbuhos ng maligamgam na tubig sa kanilang kahubdan ay ang paghalik ni Theo sa noo niya, sa magkabilang mata, sa ilong, sa pisngi, tumagal lang nang kaunti sa labi tapos lumipat na sa leeg. Dumila. Sumipsip sa magkabilang dibdib. Maingat na. Para siyang sinasamba. Marahan ang bawat kilos. Hindi nagmamadali. Pababa nang pababa. Dinidilaan ang bawat madaanan.

Napakislot na si Soto nang pati puwetan niya ay pinuntirya. Hindi na masakit ang ginagawa sa kanya. Naghahatid na iyon ng kakaibang ligayang hindi niya maisalarawan sa iisang salita.

"Oh, Theo... ipasok mo na!" nagdedeliryong hiyaw niya.

Iyon lang talaga ang hinihintay ni Theo. Pinatay niya ang shower bago bumalik sa dapat gawin. Hindi niya pinatalikod si Soto kagaya ng mga nakasanayan niya. Binuhat na lang niya ito para magkaharap sila. This time, wala siyang ginamit na condom at bawat ulos niya ay mas ramdam niya.

Ilang beses siyang nilabasan pero ayaw niyang tigilan ang ginagawa lalo na at nakikita niya ang nakakaakit na nobyo. Ang pagnganga nitong nakakadala, ang pagpupumilit nitong maabot ang labi niya, ang pagdiin ng kuko nito sa balikat niya. Lahat ng iyon ay gusto niyang kabisaduhin, ingatan, pahalagahan, itago nang husto sa isipan niya. Napakasarap talaga nitong mahalin. Inabot na niya ang labi nito. At muli ay nilabasan na naman siya.

"Shit! Talaga! Isa pa ba? Parang gusto ko pa kaso nakakangalay pala 'to."

Natawa si Soto kasabay niyon ibinaba na siya ni Theo. Dito na siya kumapit sa batok nito at naglalambing na nagsalita, "May gift ako sa 'yo."

"Talaga?"

Sunud-sunod na tumango si Soto. "Itanong lang natin kay Ate kung saan niya nilagay. Happy anniversary!"

"Kaya ba pinuntahan mo ako kahapon? Nasira ko ang mood. Dapat sweet day 'yon. Oh, Soto... babawi talaga ako. Happy anniversary!" At muli ay sinakop nito ang labi ng kasintahan.

"Pero saglit lang... dahil one year na tayo, may gusto akong gawin."

"At ano naman iyon?" Naging attentive si Theo. Ang kamay nito ay pumipisil sa puwetan ni Soto.

"Gusto kong maranasan maging top ulit. Puwede ba iyon, bebe ko?"

Nanlaki ang mata ni Theo pero masyadong cute ngayon ang nobyo kaya nagpatuloy ang paglandas ng kamay niya sa katambukan nito at nang maabot ang butas doon ay sinagi-sagi. Pinasok niya ng isang daliri.

"Ohh... gusto ko 'yan. Yes!"

Dahil sa daing na iyon ni Soto ay pinagbutihan pa niya ang ginagawa. "Talaga? Ganito ba?" panunukso niyang nilabas-masok ang hindi lang isa kundi dalawa ng daliri.

Hindi na siya nito sinagot. Naramdaman niya ang pagkagat nito sa pagitan ng dibdib niya.

"Huwag mo akong kagatin. Huwag diyan, Soto...!"

Tumawa lang nang mahina si Soto. Hindi na nito muling binanggit ang hiling kanina. Iba na ang lumabas sa bibig nito. "Sa kuwarto na natin ituloy. Malambot doon..."

At siyempre pa, pagbibigyan siya ni Theo. "Sure!"

***

Akbay siya ni Theo nang pumasok sila kinabukasan sa trabaho. Pinipisil-pisil din siya nito sa balikat.

"Parang tumangkad ka," komento nito kaya napatingin siya rito.

"At nagkalaman ka rin kaya siguro nangalay ako kagabi," natatawa pang dagdag ni Theo kaya siniko na niya.

"Theodore Alcanza!"

"Oh, bakit, Sorito my wife?" Idinikit nito ang sarili sa kanya. Inalis na rin ang pagkakaakbay. Napunta na ang kamay nito sa baywang niya. Doon na pumipisil. "Ang lambot mo sa parteng 'to."

Napasinghap siya pero nasa katinuan pa rin siyang sinaway ang lokong kasintahan. "Theo nga! May CCTV... sige ka!" aniya kahit na ang totoo ay gusto niya ang mga paglalambing nito.

"Okay lang 'yan, tatakpan naman kita pag may ginawa na akong iba." Tumawa na naman si Theo.

Loko talaga ang boyfriend niya kaya naman para matigil ay hinalikan na niya ito sa pisngi sabay takbo pasakay ng elevator. Hindi na ito nakasunod dahil pinindot niya rin agad ang close button.

Pero pagdating niya ng locker room ay noon naman nag-vibrate ang selpon niya.

TU

Naisahan mo ako ha. Mamaya ka. Sagad!

Napangiti siya matapos mabasa iyon at nag-reply ng, 'Sige ba. Kahit ilang round pa.'

Pagka-sent lang niya niyon tumatawag na ang katipan. Nataranta tuloy siya. Sa huli ay sinagot pa rin niya.

"Hello, bakit? Magpapalit pa ako ng uniform. Sa lunch na lang tayo mag-usap."

"Pero seryoso ba 'yong text mo?" mula sa kabilang linya ay tanong ni Theo.

Hindi na siya nakasagot dahil mula sa likuran ay may yumakap na sa kanya. "Matigas, tuloy..paano 'to?"

Nanlaki ang mata niya nang maramdamdan ang tinutukoy ng binata. Ibinaba niya ang selpon saka pumihit para makaharap ang nobyong malaswa ang mga titig na ipinupukol sa kanya.

Walang sali-salitang hinatak niya ito sa loob ng utility room at pagkasarado ng pinto noon na siya lumuhod para paligayahin ang nasa pagitan ng hita ni Theo. Ilang minuto pa, maririnig na ang impit na mga ungol at ang paulit-ulit na I love you.

WAKAS...