Chereads / Cheese and Sweets (BL) / Chapter 31 - 31

Chapter 31 - 31

"WAIT!"

Lunch time ng Sabado. Sumabay sa kanya si Desiree pababa ng elevator.

"Hmm? Bakit?" Pinindot ni Theo ang G button bago sumulyap sa katrabahong hindi mapakali.

"Ano kasi... puwede makipagpalit ng schedule sa 'yo bukas? Kung okay lang sana..."

Hindi siya nakaimik. Araw ng Linggo kinabukasan at iyon lang ang bonding time nila ng nobyong si Soto. Wala iyong naging palya magmula nang maging sila.

"Please..." Yumuko pa si Desiree. Pinagdikit ang kamay na parang nagdarasal. "Emergency lang talaga. Importante ito sa akin... ipapa-check up ko si Papa," dagdag pa.

Pero mukhang mapupunta siya sa alanganing sitwasyon dahil sa nakikiusap na dalaga.

"Ha? Bakit anong nangyari? Alam na ba sa Admin Office?"

"Oo... at sinabi sa akin na ako nang bahalang maghanap ng karelyebo. Pero kung hindi ka puwede... si Sorito na lang."

"Pwede ako, puwede ako..." halos paulit-ulit pa niyang sabi. Ayaw niyang abalahin nito si Soto dahil may plano itong gawin. At paglalaba iyon na sana ay tutulungan niya.

"Talaga? Thank you very much!"

Napayakap pa si Desiree sa kanya. At saktong pagbukas ng elevator sa Ground floor ay naroon naman ang nakatayong si Soto.

Agad napadistansiya si Theo sa dalaga para lapitan si Soto na noon ay umiwas ng tingin.

"Soto... ano---"

"Sa bahay na lang tayo mag-usap, aakyat na ako."

Naguguluhan naman si Desiree pero kumapit pa rin ito sa braso ni Theo.

"Tara na, Theodore. Ilibre kita ng lunch."

Hindi niya pinansin ang dalaga kundi mas inuna niyang sundan si Soto na papasakay ng elevator.

"Makikipagpalit siya ng schedule kaya magkasabay kami at..."

Tiningnan lang siya ni Soto na para bang hindi ito interesado bago pumasok doon. Mas lalo tuloy siyang nataranta. Hinarang na niya ang sarili sa pagitan doon.

"Soto, alam mo namang ikaw lang, di ba?"

Dito na lumapit ang natatawa ng si Soto. "Oo na, oo na basta huwag ka lang eskandaloso," at pagkatapos ipinagtulakan pa si Theo papunta sa lobby.

Ang nakasunod namang si Desiree ay isinawalang-bahala lang ang nasaksihan pero pagkalabas lang ay inilabas ang pinuslit na selpon at kinontak ang receptionist ng Supreme Garden Heights na si Alena.

"Alen, hindi ba magkapatid sina Theo at Sorito?"

"Ha? Sinong may sabi niyan? Magkamukha lang pero hindi sila blood-related... nu ka ba! Mas higit pa sila sa inaakala mo."

"Anong ibig mong sabihin?" Si Desiree na noon ay nakamatiyag lang kina Soto at Theo na nagtatawanan patawid ng kabilang kalsada.

"Girl, give up na. Hindi si Theo ang para sa 'yo. Daming iba diyan, mga kagaya ko---char!"

"Ewan ko sa 'yo! Bahala ka. Isumbong kita kay Karina."

"W-Wait, walang ganyanan. Nananapok pa naman ang bruhang 'yon. Akala mo amazona, kung magselos. Pasalamat siya mahal ko siya."

"Sige na, sige na. Kayo na ang nagmamahalan. Basta may plano ako. Balitaan na lang kita kapag naging successful," at ibinaba na nito ang tawag.

***

Nakapangalumbaba si Soto habang pinagmamasdan ang nobyong kaharap na kumakain. Plano niya itong usisain tungkol sa nabanggit nitong schedule pero nagkasya na lang siya sa pagtitig dito. Ang sarap nga naman kasing panoorin habang isinusubo nito ang hotdog na order. Siya kasi tapos nang kumain at pinakbet ang napili niya.

"Itigil mo nga 'yan, Soto... tinitigasan ako."

Napalinga tuloy siya sa paligid ng karinderya dahil sa sinabi nito. Nang makitang mayroong ibang naroon ay saka niya ito tinadyakan sa ilalim ng mesa.

"Aray! Mamaya ka sa akin pag-uwi."

Nag-init ang pakiramdam niya. Gets niya iyon at na-e-excite siya sa isiping iyon. Pero para maiwala iyon, nilagok niya ang tubig na nasa baso ni Theo at pagkatapos tumayo na.

"Sige, iihi lang ako... basta ba galingan mo mamaya, bebe ko," ganti niyang kumagat-labi pa at saka umalis na patungong palikurang nasa kanang bahagi ng kainang iyon.

Hindi naman sila lumalagpas sa halikan kapag nasa trabaho. At isa iyon sa nagustuhan niya kay Theo. Hindi lang niya inaasahang susundan siya nito.

"Akala mo ba... matapos mo akong akitin palalagpasin kita?"

Napasinghap siya lalo pa't narinig na may pinunit ang binata. Alam na alam na niya kung ano iyon kahit hindi siya lumingon.

"Hoy, Theo! Hindi ito ang oras para diyan. Masikip dito at isa lang ang puwede---" aniyang hindi nagawang ituloy dahil niyapos na siya nito na may kasamang paghimas.

"A-Anong ginagawa mo?" Nagpumiglas pa siya pero dinilaan lang siya ni Theo sa leeg. Ang sumunod na nangyari ay nagtakip na lang siya ng bibig dahil mula sa likuran ay binabayo na naman siya ng magaling niyang kasintahan. Talagang hindi pumayag na hindi makaisa.

Itinagong mabuti ni Theo ang ginamit na condom sa basurahan. Nakangiti pang naghugas ng kamay sa lababong nasa loob din ng comfort room na iyon. Pagkatapos tahimik silang lumabas ni Soto na para bang walang nangyaring anumang kamunduhan sa pagitan nila.

Sumapit ang uwian na kinailangang magpahuli ni Theo. Nautusan kasi siyang mag-asiste sa kanilang building engineer. May sira ang fuse breaker ng isang unit sa 28th floor at iyon ang dahilan kung bakit naantala ang maaga niya sanang pag-uwi.

Gustuhin man niyang abisuhan si Soto ay hindi niya magawa. Inabot sila roon nang mahigit tatlong oras at talagang pawisan siyang bumaba. Sa init ng loob ng unit, nerbiyos at pag-aalala, halu-halo na. Ang gusto lang niya ngayon ay malamang naghihintay ang kasintahan sa kanya.

Patakbo pa siya para marating ang locker room. Nagpalit siya ng t-shirts at agad na sinilip ang selpon. Walang mensahe pero may limang missed calls mula sa nobyo. Naloko na. Siya tuloy itong hindi magkandaugaga sa kaka-dial lalo na at ring lang nang ring ang kabilang linya.

Pindot na naman siya ng elevator. Pababa na iyon at nang marating na ang Ground floor, patakbo na naman siyang lumabas. Pero wala siyang natanaw na naghihintay sa kanya. Walang taong nakatayo kung saan nakaparada ang motor niya.

Mabilis siyang nagsuot ng helmet at nagpasiya na lang umuwi. Puro overtake pa nga ang ginagawa niya. Mabuti na lang at narating niya ang apartment na walang sumisita sa kanya.

May susi siya ng bahay kaya malaya siyang nakapasok. Nang nasa loob na siya, linga siya nang linga. Bukas naman ang ilaw pero wala roon si Suzette. Wala rin si Soto. Malinis din ang dining area. Lampas nang alas nueve sa orasan doon. Kumakalam na rin ang sikmura niya pero ininda niya iyon at tinungo ang silid nilang magkasintahan.

Noon lang siya napangiti nang masilayan itong himbing na himbing. Hawak nito ang selpon at nakabaluktot ng higa. Nahaplos nang husto ang puso niyang lumapit dito.

"Nandito na ako..." pagkaupo ay sabi niya. Dinampian niya ito ng halik sa noo at sa labi. Nang maramdaman niyang gumaganti si Soto ay agad siyang nahinto. Nang mapagtantong tulog na tulog pa rin ito ay namumula ang mukha niyang napaayos nang upo.

Shit! Ano na naman bang ginagawa ko?