Chereads / The Four Powerful Element [Tagalog] / Chapter 15 - Mission Failed

Chapter 15 - Mission Failed

ranscene Point Of View

So, what the hell we're gonna do? Nasa kalaban na ang reality warping. Mukhang matatalo na kami sa labanang 'to.

Medyo disappoint sa amin si Queen Harley pero hindi n'ya ito pina halata sa amin.

"Mag pahinga na lamang kayo dahil alam kong susugod na dito sa atin sila Venom. Kailangan n'yo na rin mag ensayo para na rin maging handa tayong lahat. Hindi mananahimik si Venom lalo na na nasa kanya na ang reality warping." Tumango lang kami kay Queen Harley at umalis na rin siya.

Walang nagsasalita sa aming lahat. Kasalanan naman talaga namin dahil nag tiwala kami kaagad.

Naramdaman ko ring umalis na ang iba sa amin. Mukhang ako na nga lang 'ata ang naiiwan. Nakaramdam ako ng sakit sa part ko. Naiiyak ako na ewan!

Lumabas ako ng palasyo at tumingin sa kalangitan. Kulay green ito parang katulad sa aurora borealis.

"I'm sorry mom and dad hindi ko na 'ata kayo maiigaganti pa. Wala ng pag-asa pa, na disappoint ko rin ba kayo?" Ang tagal kong hiniling na sana maka laban ko sila at matalo.

Pero ito ako. Ako 'ata ang pinaka mahina sa lahat at walang nai ambag. Puro sarili ko lang ang iniisip ko.

"Sana naman bigyan n'yo kami ng lakas para matalo ang kasamaan. Para rin matapos na 'to. Ayokong masayang lahat ng sakripisyo n'yo para sa amin."

"Ilisha." Hindi ko pinansin si Jess Lloyd. I know it's him because of his voice.

Tumingin din siya sa langit katulad ko. Pumatak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Umiiyak ka ba?" Ayokong may makakita na kahit sino pa even my brother na umiiyak ako. Sanay akong malakas pero bakit ngayon nanghihina ako.

"I'm not crying! What do you think to me, a cry baby? Dzuh not in my vocabulary." Natuyo din naman kasi ang luha ko dahil ginamit ko ang ability ko. Ayokong makita ni Jess Lloyd na umiiyak ako.

"I know you're crying no need to hide Ilisha. I'm your brother after all. Tayo nalang ang nandito at mag kasama bakit 'di mo pa kayang sabihin sa akin? Hindi naman sa lahat ng oras na you need to be tough. Kailangan mo rin ng taong masasandalan at nandito lang ako." Hindi ako sumagot kay Jess Lloyd hindi ko kasi talaga alam kong anong isasagot ko sa kanya.

Hindi ako sanay na nag d-drama ako. Pero totoo naman 'yong sinabi n'ya na hindi sa lahat ng oras kailangan kong maging malakas. Kasi ang totoo nanghihina talaga ko.

I miss my parents so much then I promise to them I will avenge them. Pero paano ko pa magagawa 'yon kong ako mismo napaka hina ko.

Naramdaman ko na lang ang pag tap ni Jess Lloyd sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

"Ngayon ko napa tunayan na kuya pala talaga ako at you're still my little sister." Niyakap ko naman siya and this is the first time na ginawa ko 'to.

Paano ba naman kasi lagi akong hindi nakikinig sa kanya at never akong nag drama sa kanya.

*****

Windy Point Of View

I know they are disappointed to us. Alam kong malaki ang expectation sa amin ni Queen Harley at 'yong babae na kasama n'ya. Pero hindi siya nag pakita ngayon.

Gusto ko sana siyang makita kasi pamilyar siya sa akin at nong nakita ko siya parang may kakaiba.

Ako lang dito sa room ko at naka tingin lang ako sa labas ng bintana. Tinatanaw ko lahat ng nasasakupan nitong lugar na 'to.

Paano na kaya sila kapag dumating ang mga kalaban? Napa tigil ako sa pag-iisip ng dumapo sa tabi ko si Amina. Remember her? 'Yong kalapati na naiintindihan ko.

"Kamusta kana? Ang tagal na nating hindi nag kita." Tanong ko sa kanya. Sobrang naging busy kasi kaming lahat at mabuti na lang din ligtas siya.

"Ayos lang ako. Ikaw ba?" Napa tingin ako ulit sa labas.

"Hindi ko alam. Parang may kulang sa buhay ko siguro 'yon ang mga magulang ko. Never ko silang na kita nor nayakap man lang. Gusto ko ring malaman kong kamusta na sila. Kong na disappoint din ba sila sa akin dahil mission failed."

"Siguro naman hindi sila ma di-disappoint sa'yo. May mga bagay na mahirap talagang makuha kaya maiintindihan ito ng parents mo. Nanggaling na sila sa pagiging katulad n'yo kaya alam kong maiintindihan nila." Napangiti naman ako sa sagot ni Amina.

"Salamat kahit pa paano nabawasan ang bigat sa dibdib ko." Plus hindi ko rin matanggap na kalaban na si Jake. Pero sana bumalik na siya sa pagiging siya. Alam kong hindi n'ya gusto 'yong ginawa n'ya.

Nasa ilalim siya ng kapangyarihan ng ama n'ya kaya wala siyang magagawa don.

"Kamusta pala sa baba?" Tanong ko kay Amina minemean ko ang mga white encantation na naninirahan dito.

"Sa ngayon sila ay lumilikas. Kailangan nilang umalis dito sa lalong madaling panahon. Hindi natin alam kong kailan darating ang mga Black Enchanted." Mas mabuti na rin 'yon para maging handa kaming lahat.

"Ikaw din." Ngumiti ako kay Amina at tamango naman siya sa akin.

"Magiging ligtas ako," bago lumipad na siya palayo. Tinanaw ko na lamang siya hanggang nawala na siya sa paningin ko.

"Sana maging maayos na ang lahat. Mis ko na ang buhay na meron ako dati. Gusto ko rin maharap ang buhay ko sa kabila. Alam kong nasa kamay na ng tita ko ang mana ko siguro. Siguro pinalabas na nilang patay ako or what."

Pumunta na ako sa kama ko at humiga. Pumikit ako at sana maging maayos ang bukas.

*****

Wayne Point Of View

Bakit kailangan pang mangyari ang mga bagay na 'to? Sobrang namimis ko na sila mama at ang kapatid ko.

Sinisisi ko rin ang nangyari dahil kong 'di dahil sa akin 'di makukuha ang stone.

"Anong iniisip mo?" It's Hiro, kasama ko siya ngayon dito. Nasa labas kami ng Palace. Kami kasi ang naatasan na mag bantay sa kanila.

Kasalukuyang lumilikas ngayon ang mga White Incantation.

"Iniisip ko lang na kasalanan kong lahat ng nangyari." Naaawa ako sa mga pamilyang madadamay sa gulong mga mangyayari. Sana lahat maging ligtas ang lahat at sana kami rin.

"Hindi mo naman kasalanan. Walang may kasalanan." Hindi ako sumagot kay Hiro at naka tingin lang sa mga pamilyang nag liligpit ng kanilang mga kagamitan.

"Mamaya maglalakbay na tayo kaya 'wag mo na isipin ang mga nangyari. Walang may kasalanan." Bago tumayo siya at tinulungan ang iba na mag akyat ng mga gamit sa karwahe.

Kami rin kasi ang maghahatid sa kanila kong saan ang pinaka ligtas na lugar. Isang isla ang pupuntahan namin pero 'di ko pa alam kong saan ang daan. Tanging si Hiro ang mag le-lead sa amin.

Maiiwan dito ang iba pang mga nakakataas.

"Nandito ka lang pala," tumabi sa akin si Leigh. Kasama din siya sa maghahatid sa amin.

Si Ilisha, Windy, Jess Lloyd at Ford 'yong maiiwan dito. Kami naman nila Hiro at Leigh ang maghahatid sa Isla ng Aleutina.

Sa isla na 'yon hindi rin gumagana lahat ng ano mang kapangyarihan o salamangka. Kaso napakalayo ng isla na 'yun. Kaya kailangan naming mag madali bago pa kami maabutan ng mga Black Enchanted.

"Bakit may problema ba?" Tanong ko kay Leigh.

"Wala naman, handa ka na ba?" Marahan lang akong tumango kay Leigh. Hindi ko nga inaasahan na mapupunta ako sa daigdig na 'to at isa ako sa papasan ng daigdig na 'to.

"Tara na," aya sa amin ni Hiro. Sumakay ako sa isa sa mga kabayong nandito. Ganon din si Leigh at Hiro.

"Mauna na kayong dalawa sa hulihan ako." Tumango lang ako kay Leigh. Kailangan naming maka sigurado na ligtas ang lahat.

"Hindi mo pa sa akin nasasabi ang lahat. Yong sabi mong dito ka lumaki? Kaya sana kapag natapos na 'tong lahat dapat lahat tayo complete. Sabihin mo na rin ang lahat." Ngumiti naman sa akin si Hiro.

"Pangako sasabihin ko sa'yo at pangako magiging ligtas tayong lahat lalo ka na." Huling sinabi n'ya bago nag simulang mag lakad ang kabayong sinasakyan n'ya.

*****

Leigh Point Of View

Sa isla Aleutina kami pupunta napaka habang paglalakbay non. Pagkatapos kasi namin mag lakbay dito sa lupa sa karagatan na naman.

Tanging 'yun lang ang paraan para 'di mapahamak ang mga mamamayan nitong Charhelm.

Hindi e-epekto ang ano mang kapangyarihan doon at may barrier na nandoon na hindi mapapasok ng kahit na sino man.

Makakapasok lang kami don sa pamamagitan ni Wayne dahil nagtitiwala sa kanya ang karagatan. Ganon din sa akin ang lupa kaya kaming dalawa ang na atasan.

Sinama na lamang si Hiro dahil siya ang nakaka alam ng daan kong saan.

Aakyat na sana ako sa kabayo ng —

"Baby," napalingon ako at syempre alam n'yo na kong sino.

"Ginagawa mo dito?!" Inis pa rin ako sa kan'ya dahil sa kalandian n'ya na huli kami ng dating. Hindi namin na tulungan sila Wayne.

Gusto ko na rin bitayin si Endra kapag nakita ko siya. Hindi pa ako nakaka ganti sa kan'ya at talagang papahirapan ko ang babaeng 'yun!

"Hindi ka man lang ba mag pa-paalam sa akin? Nakaka tampo naman 'yan." With his reaction na sad pa ang mukha n'ya!

"Hwag mo kong inaartehan Jess Lloyd huh?!" Ngumisi naman siya sa akin.

"Kiss mo muna ako," hindi ko siya pinansin at umakyat na sa kabayo.

"Aalis na ako kaya 'wag kang mag inarte dyan!" Naka sad face na naman siya.

"Ba't ganyan ka baby? Hindi mo na ba ako mahal?" Hindi ko na alam kong anong gagawin ko sa lalake na bwesit na 'to!

"Mahal mo mukha mo!" Sagot ko sa kanya.

"I Love You Too, mag-iingat ka at mamimis kita." Nag simula ng mag lakad ang mga karwahe na nasa unahan ko tanging ako na lang ang naiiwan.

"Okay, umalis ka na nga!" Sagot ko kay Jess Lloyd na ngayon ay naka sad face pa rin.

Unti-unti na siyang nag lakad palayo sa akin.

"Jess Lloyd!" Tumalon ako pababa at hinabol siya.

"Baby!" Hindi pa rin siya humaharap na paka pababy talaga ng isang 'to! Gusto lagi mag pa baby!

"Jess Lloyd!" Hinawakan ko ang braso n'ya kaya na hinto siya. Hinila ko siya pa lapit sa akin at hinalikan ko siya sa pisnge.

"Mag-iingat ka rin baby," tulala naman siyang naiwan. Gosh, ang landi ko ano 'tong ginagawa ko? Akala ko ba galit ako sa kanya.

Malapit na sana ako kay Azure 'yong kabayo ko. Pinangalanan ko na para 'di ako mahirapan.

Kaso lang 'di ko namalayan na nasa harapan ko na rin si Jess Lloyd and guess what?

Hinalikan n'ya ako sa labi! Ilang segundo 'yong tinagal non at hindi ko alam kong anong gagawin ko.

"Bye baby," naka ngiti n'yang sabi sa akin.

"Jess Lloyd!" Hahabulin ko pa sana siya kaso tumakbo na siya palayo sa akin.

Walanghiya talaga 'yong lalake na 'yun!