Chapter 16 - Revenge

Franscene Point Of View

Medyo nanibago ako dahil wala na ang ibang mamamayan ng Charhelm dito.

"So, you're here." It's Ford, sino pa ba?

"So? What you doing here?"

"Tatanungin ko lang kong kamusta ka? Huling mag kasama kasi tayo nong nasa mission pa tayo."

"Duh? So, you mis me? Com'on tell me hindi naman kita aasarin." Shocks, pinapagsabi ko ba? Tumawa naman siya sa mga pinagsabi ko. Sabi ko na nga ba, e dapat talaga 'di ako nag tanong. Is so kahihiyan kaya.

"Paano kong sabihin kong, oo na mis kita?" Napatigil naman ako sa sinasabi nitong isa.

"Ofcourse you do, because I'm hot and no one can refuse my beauty though." Napataas ang kilay ko nang tumawa siya ng tumawa sa sinasabi ko.

"What's funny huh?"

"You are. You're really funny. Nice joke huh?" Napasimangot ako sa kanya dahil wala siyang kwenta kausap!

"Don't talk to me anymore!" Hindi ko na siya pinansin at iiwan ko na sana siya kaso pinigilan n'ya ako.

"What?!" Inis na tanong ko sa kanya.

"Ikaw naman pikon ka kaagad." Nakita ko rin si Jess Lloyd na palapit sa amin kasama n'ya si Windy.

"Bakit kayo lang? Saan si Leigh, Hiro and Wayne?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi mo ba alam na umalis sila?" Umiling naman ako kay Wendy.

"Pupunta silang isla Aleutina tayong apat ang naiwan dito. Kailangan nating maging alerto baka dumating ang mga black enchanted." Sagot naman ni Jess Lloyd.

"Oh I see, so una na ako para maka pag sanay ako." Tinignan ko lang naman ng masama si Ford.

"Problema mo?" Inirapan ko naman siya bago umalis na. Naiinis ako sa kanya na ewan!

Nakalimutan ko na din 'yong kasalanan n'ya dati 'yong hinalikan n'ya ako.

"Saan kaya ako pwedeng maka pag ensayo? Yong hindi ako magugulo or what?"

Lumakad ako palayo sa Palace para na rin maka pag ensayo.

Kaso napa hinto ako sa paglalakad ng isang malakas na pag sabog ang narinig ko. Agad akong napatakbo ng makita kong sa harap mismo ng Palace ang sumabog.

Lumapit ako doon at wala namang kahit anong nandoon. Dumating na rin si Queen Harley.

"Marahil ay isa itong patibong." Unti-unti rin nawala ang apoy nito at tanging isang bato na may nakaukit na mga salita doon.

But I can't understand any word na nakaukit don.

"Mag handa kayong lahat." Nagka tinginan naman kaming apat. Jess Lloyd, Ford and Windy.

"Paparating na sila at sana maipanalo natin ang labang ito." Then nawala na sa paningin namin si Queen Harley.

"What will happen?" Windy asked.

"Isn't obvious we need to get ready because Black Enchanted are after us." Sagot sa kan'ya ni Ford na ikinataas ko lang ng kilay.

"Attitude ka ngayon, huh? Nagtatanong lang naman ako. Bahala ka nga d'yan!" Bago lumakad na siya palayo sa amin.

Tumingin naman ako kay Jess Lloyd na naiiling lang bago umalis na rin.

"Ikaw hindi ka pa ba aalis?" Tanong ko kay Ford kasi naka tingin lang siya sa akin.

"Aalis lang ako kapag nauna ka. Mahirap na baka ma pahamak ka."

"For your information kaya ko ang sarili ko! Hindi ko na kailangan pa ng tulad mo!" Sagot ko sa kan'ya na ikinangisi n'ya naman na mas lalo kong ikinainis. Hindi ko lang pinapahalata sa kan'ya.

"Really huh? Pagkakaalala ko ilang beses kitang ni ligtas." Napa irap naman ako sa sinabi n'ya.

"Hindi ko naman sinabi na iligtas mo ko!" Sagot ko sa kanya.

"Okay, enough! Basta ito lang gusto kong sabihin mag-iingat ka."

"Kahit hindi mo sabihin gagawin ko naman." Bago iniwan ko na rin siya. Kong ano-ano pinagsasabi!

******

Windy Point Of Views

Ginamit ko ang ability ko sa pagpapalutang ng mga bagay. Sana lang ma control ko na ng maayos ang ability ko.

"Hey!" Hindi ko pinansin si Jonh Ford kasalukuyan ko kasing itinataas ang isa sa mga bato.

"Hoy! Anong gagawin mo?" Kay Jonh Ford ko kasi pinapapapunta ang batong malaki.

"Hwag mo naman saktan 'tong pogi kong mukha. Marami pating naiinlove dito."

"Ibabato ko talaga 'to sa'yo kapag 'di ka tumigil!" Tumilapon ang bato sa likod ni Jonh Ford.

"Papatayin mo ba ako?"

"Hindi! Kaso napaka ingay mo! Alam mo namang nag co-concentrate ako tapos nanggugulo ka."

"Sorry naman." Napa hawak naman siya sa batok n'ya.

"Bakit ba kasi akong ginugulo mo? Hindi ba tumatalab 'yang kahanginan mo kay Ilisha? Kaya ito nanggugulo ka sa akin. Akala ko ba gwapo ka? Bakit parang 'di naman na a-attract sa'yo si Ilisha." Sinamaan n'ya naman ako ng tingin.

"What? It's true." Pang-aasar ko pa sa kanya.

"Hwag ka ngang mang-asar. Alam ko namang na po-pogian sa akin si Ilisha kaya lang tingin ko nahihiya siya." Parang halos masuka ako sa pinagsasabi nitong ugok na 'to.

"Ang sabihin mo hindi ka talaga n'ya gusto! Dyan ka na nga!" Iniwan ko siya at naglakad ako malapit sa batis na nandito.

May naramdaman akong kakaiba parang may ibang nandito. Halos 'di ako maka galaw ng makita ko si Jake na naka tingin sa akin.

"Are you close with him?" What?

"Jake? Saan ang reality warping! Hindi mo alam ang mangyayari kapag napasa kamay 'yon ng ama mo." Naka titig lang naman siya sa akin.

"I went here to spy." Napatigil naman ako.

"Jake, don't you remember me?" Tinignan n'ya naman ako ng ilang segundo bago umiwas.

"I don't know but every time I'm here parang may kakaiba akong nararamdaman. Kapag nasa Black Enchanted territory ako I feel empty."

"Jake because these land is your home. Bumalik kana at labanan mo kong ano mang nasa isipan mo na gumugulo. Kailangan ka namin." Dapat talaga kinalaban ko na siya, e. Ang tanga ko sa lagay na 'to pero umaasa pa rin ako na bumalik siya sa dati.

"Can I?" Agad naman akong tumango sa kanya.

Ipinikit n'ya ang mga mata at dinama ang paligid.

"I hope na maging okay kana. Sana rin maalala mo na ang lahat. Piliin mo ang tama at hindi ang mali. Hwag kang papalamon sa kadiliman." Unti-unti n'yang binuksan ang kanyang mga mata. Ngumiti ako sa kanya at naka titig lang naman siya sa akin.

"Aalis na ako," nag-iwas siya sa akin ng tingin. Hahayaan ko lang ba siya? Dapat ko siyang mahuli pero—

"Gusto ko lang sabihin na bukas darating ang mga Black Enchanted. Sasakupin na nila 'tong buong Charhelm." Sa isang kisap mata wala na akong nakita kahit anino n'ya.

Bakit n'ya sinabi sa akin ang mga 'yun? Pero kailangan naming mag handa para bukas o kailangan ko bang mag tiwala sa mga sinabi n'ya?

*****

Wayne Point Of View

Malapit na kami makarating sa dalampasigan. Kitang-kita na kasi namin dito ang karagatan.

Kaso napa hinto kaming lahat ng may sumalubong sa aming mga Black Enchanted.

"Tingin n'yo ba makaka alis na lang kayo ng ganon-ganon?" Umatras naman kami.

Kilala ko siya, siya 'yong isa sa mga babae na kasama ni Jake.

"Tingin mo rin ba papalampasin namin ang ginawa n'yo!" Si Hiro ang sumagot sa kanya na ikinangisi naman nitong babae.

"Gusto ko ang sagot mo. Sa totoo lang gusto ko na rin 'to matapos." Napatingin naman ako sa mga nasa likuran namin na takot na takot. Lalo na ang mga batang nandito. Lumapit ako sa kanila at tanging si Hiro ang nasa unahan.

"Hwag kayong mag-alala, I will protect all of you." Tumingin naman ako kay Hiro at tumango sa kanya.

Pinalibutan ni Hiro ng Ice ang paligid nila except sa aming mga nasa likuran. Sa loob sila ng Ice na pabilog maglalaban para walang madamay. Pero kailangan kong gumawa ng paraan. Lalo na baka masira ang ginawa ni Hiro lalo na mag-isa lang siyang makikipag laban.

Kailangan kong tumulong. Napatingin naman ako sa karagatan.

"Sumunod kayo sa akin." Nagtaka naman ako ng makita kong pati ang iba na nasa malayo sa amin ay nagtatakbuhan sa amin.

Napansin kong nagkakagulo rin sa hulihan. Mukhang may kalaban si Leigh.

"Sumunod kayo sa akin!" Sigaw ko sa kanila. Tumakbo naman ako palapit sa dagat. Mabuti nalang sumunod sa akin sila.

Nasa harap na kaming lahat ng dagat.

"Tubig dagat protektahan mo silang lahat." Unti-unti namang tumaas ang alon at pinalibutan ng tubig ang buong paligid kong saan kaming lahat naka tayo. Parang naging isang barrier ito.

"Hwag mo silang pababayaan kahit anong mangyari." Nagkaroon ng butas ang dinaraanan ko para makalabas ako sa loob ng barrier.

Napatingin ako kay sa ginawang Ice na bilog ni Hiro nasa loob sila nito naglalaban. Unti-unti na itong nabibiak.

Nakita ko ring may kalaban si Leigh isa rin 'to sa mga kasama ni Jake dati.

"Hiro!" Tuluyan na ngang nabasag ang ginawang barrier ni Hiro. Naka labas don ang babae na kalaban ni Hiro.

"Mukhang hindi mo kaya ang ability ko!" Napatingin naman siya sa akin. "Ikaw naman ngayon!" Lumapit siya sa akin at agad akong umiwas sa kanya.

"You can't beat me!" Agad akong naglaho na parang bula. Ginamit ko ang ability ng tubig na water mimicry.

Agad ko siyang sinipa sa likod natumba naman siya. Sumugod naman si Jared at pinatamaan ito ng mga ice na matutulis ang hugis.

Pero agad din siyang naka iwas pero may isa siyang 'di naiwadan. Kaya naman may sugat siya sa tagiliran.

Darkness ang ability n'ya at nag co-control ito ng mind kailangan n'yang 'di maka focus para 'di n'ya ma control ang utak namin.

"Hiro!" Tumango ako kay Hiro agad naman siyang gumawa ng napakalaking tipak ng Ice. Kinukuha n'ya ito sa pamamagitan ng ability kong tubig.

Halos mag Ice na rin ang buong paligid namin. Hanggang sa nakarating ito sa katawan ng babaeng kalaban namin. Binalot ng Ice ang buo n'yang katawan at hi di na siya naka kilos pa. Para na siyang naging isang rebolto.

Lumapit ako sa kanya.

"Anong gagawin natin sa kanya?" Tanong ko kay Hiro.

"Hayaan na natin siya. Kailangan na nating maka alis. Hindi natin alam ang nangyayari sa Charhelm." Agad naman akong tumango sa kanya.

Palapit na rin sa amin si Leigh na may dugo ang kanyang kasuotan.

*****

Leigh Point Of View

Malapit na rin kami makarating sa dalamapasigan.

Nasa hulihan lang ako medyo malayo ako sa kanila para makita ko ang safety nila.

Kaso napahinto ako ng tumilapon ako kong saan!

Agad akong napabangon at pinakiramdaman ang paligid.

"Mis me bitch?" Nong narinig ko ang boses n'ya gusto ko na siyang patayin. Humarapa naman ako sa kan'ya at ngumisi.

"Ofcourse I do, sino ba namang hindi ka mamimis? Gustong gusto na kaya kitang balatan ng buhay mother fucker!" Gigil na gigil talaga ako sa bababeng 'to! Gusto ko talaga siyang sakalin at ipakain sa hayop.

"Oh com'on the feeling is mutual bicth!" May dala siyang patalim at agad n'ya akong sinugod. Umiwas naman ako sa mga pag sugod n'ya.

Bago tinaasan siya ng kilay ng 'di n'ya man lang ako nasugatan.

"Endra walang wala ka sa kakayahan ko! Hindi kasi dapat ganyan. Gusto mo bang turuan kita kong paano pumatay huh?" Agad kong hinila ang kamay n'ya bago sinipa siya sa tagiliran. Tumalbog siya sa di kalayuan.

Kinuha ko na man ang patalim n'ya na hawak kanina nabitawan n'ya kasi nong hawak ko ang kamay n'ya.

Lumapit ako sa kan'ya at ngumisi.

"You can't kill me!" Tumayo naman siya at napuno ng usok ang paligid namin.

"So, akala ko ba walang gamitan ng ability? Ano 'to? Pinatunayan mo lang sa akin na mahina ka talaga pag dating sa skills!" Nawala siya sa paningin ko dahil sa dilim ng paligid.

Nakikita ko pa naman ang paligid umupo ako at pinakiramdaman ang paligid.

Dumampot ako ng buhangin.

Naramdaman kong asa likod ko na siya papalapit unti-unti kong itinapon ang buhangin na nasa kamay ko kanina.

Naging lava ito at napasigaw siya sa init nito. Kumuha ako ulit ng lupa at hinipan ito naging isa itong ipo-ipo at naipon lahat doon ng mga usok.

Unti-unting nag liwanag ang paligid.

"Kong ikukumapara ang ability mo sa ability ko walang wala yan whore!" Lumapit ako sa kanya at sinakal siya.

Nabitawan ko rin siya agad ng may nilabas na naman siyang patalim. Nag agawan kaming dalawa sa patalim na 'yun.

Tanging mga lakas lang namin ang makakaalam kong sinong masasaktan sa amin. Tinutok ko kay Endra ang patalim na hawak n'ya bago inapakan ang paa n'ya.

Naramdaman ko ang pag agos ng likido sa mga kamay ko. Unti-unti kong binitiwan siya.

Puno ng dugo ang katawan n'ya dahil siya ang nasaksak sa aming dalawa.

"Atleast we're fair now. Naka ganti na ako sa pang b-bwesit mo sa akin." Iniwan ko na siya at lumapit kila Hiro.

Parating na rin ang mga sasakyang pandagat na susundo sa amin.

Nag padala kasi ng mensahe si Hiro kanina sa Aleutina na hanggang dito na lang talaga namin sila mahahatid.

Kailangan kasi kami sa Charhelm at nag agree naman sila na sila ang susundo.

"Hinihiling ko sa karagatan na bantayan kayong lahat at protektahan kahit anong mangyari." Napangiti ako kay Wayne.

"Ganon din ako, handa ring protektahan ng lupa kayong lahat." Sumakay na silang lahat sa sasakyang pandagat. Sobrang laki nito parang barko rin.

Mismong dagat ang nag adjust para maka daong lang dito sa tapat namin. Lalo na mababaw lamang ito mukhang inutusan ni Wayne na maging malalim dito. Pero walang wave ang dagat kaya malayang naka sakay ang mga white incantation.

Tinignan lang namin sila habang dinadala sila mismo ng dagat papalayo. Hanggang sa makarating na sila sa kalagitnaan kaya naman naging normal na rin ang karagatan. Nagkaroon na ulit ng mga waves.