Chereads / The Four Powerful Element [Tagalog] / Chapter 12 - Preparation

Chapter 12 - Preparation

Franscene Point of view

Nasa ground kami ngayon at pinapag-aralan naming mabuti kong paano gamitin ang aming ability.

Kailangan naming matalo ang Black Enchanted.

"We can create a big impact kong pag sa-samahin nating lahat ang ability natin." Windy suggested.

"Yea, I know and we can change the weather." I replied.

"But we're not complete." Jess Lloyd added. Yes, we're not complete, Jake is not with us. I realized now that he's important. His ability is darkness.

"We need to find him," I disagree.

"Nope, masyadong dilikado sa labas. Hindi tayo pwedeng gumawa ng bagay na 'di pinag-isipan ng mabuti."

"Yeah, I agree with you sis." I rolled my eyes. I don't want to talk with them but I have no choice kun'di ang kausapin silang lahat.

Napatigil kami ng dumating si Queen Harley may kasama siyang babae. She looks familiar to me.. She's so beautiful too. In my entire life ngayon lang ako nakakita ng kasing ganda n'ya.

Kong 'yung nakita ko si Queen Harley she looks beautiful to my eyes but damn this woman is so fucking gorgeous.

Nakangiti sila sa amin.

"Pumunta lang ako dito para ipaalam sa inyo na may importante kayong dapat gawin." Walang nagsasalita sa amin hinihintay lang namin si Queen Harley sa mga susunod n'ya pang sasabihin but the woman with her is the one who speaking now.

"I'm glad that I meet all of you. I want to say this mission is so important. Nakasalalay lahat ng buhay na nandito including all of you." I'm curious about this mission.

"This mission is dangerous but you need to win this battle. You need to find the reality warping stone." Leigh gasp after that.

"Anong meron sa reality warping?" Windy asked.

"Reality warping is the most powerful ability. No one can defeat that powerful ability even the ability all of you have." Queen Harley explained.

"But reality restoration can defeat that ability." Tumingin ako kay Leigh. Why did she know about this, even me didn't know about that ability.

That woman smile to leigh.

"Yes, but you need to find that because Venom wants that ability. Kapag napunta sa kanya 'yun wala na tayong magagawa pa."

"But you said earlier that reality ressurection can defeat that ability?" I said.

"Yes, but we didn't know who have that kind of ability." Yes, she's right we didn't know.

"Goodluck girls and boys. I know you all can do it. You can find that stone in the mount of hallstatt." That mount known as very dangerous because no one can return alive.

"But that mountain is so dangerous." My brother is the one who's talking.

"Yes, I trust all of you that you can do it all. You need a teamwork to achieve all of trials. Good luck I will take my leave now." Then a snap of her finger she disappeared.

"Bukas sa ika apat ng umaga kayo maglalakbay." Umalis na si Queen Harley.

Bakas sa mga mukha namin ang kaba. Marami na kaming napagdaanang pagsubok ng kapatid ko pero ito ang pinaka matindi. Pero para sa mga parents ko na nag buwis ng buhay gagawin ko 'to.

Ayoko ng maulit pa ang dati..

******

Windy Point of View

Halos mag hapon kaming nagsanay para sa mission namin bukas.

Nakatingin lang ako sa kalangitan na ngayon ay papalubog na. Maya-maya lang maghahari na ang kadiliman.

Wala akong kausap kahit isa dahil busy sila sa kani kanilang ginagawa tanging ako nalang ang nagpapahinga.

Tanging si John Ford lang ang close ko dito. Hindi ako sanay sa mga ginagawa ko dahil lumaki ako na lahat ng gusto ko nakukuha ko.

I'm a spoiled brat but I didn't know that I will end up like this.

I remember 'yung babaeng kasama ni Queen Harley kanina siya 'yung babaeng nag patulog sa akin.

When I first saw her I didn't think about her beauty but when I saw her again that she's so beautiful.

I have this feelings that I saw her before maliban sa nakita ko siya nakaraan. Ang gaan din ng loob ko ng nakita ko siya kanina lalo na ng ngumingiti siya.

"Lalim ng iniisip, a." Tumabi sa akin si John Ford na puno ng pawis. Mukhang tapos na siya mag insayo.

"Iniisip ko lang 'yong babae kanina sobrang gaan kasi ng pakiramdam ko sa kanya."

"Talaga? Hindi kasi siya nagpa kilala." Kaya nga hinihintay ko siyang magpa kilala kanina pero wala.

"Siguro may dahilan kaya 'di siya nagpa kilala."

"Siguro nga," tumingin siya sa kalangitan. Kaya napatingin din ako.

Kapag tumitingin ako sa kalangitan naaalala ko si Jake. Lalo na kapag ganitong gabi it's bacause his ability is darkness. Kaya pala nong una ko siyang makita parang may dark aura na nababalutan siya.

Naiintindihan ko na rin kong bakit ganon ang ugali n'ya. Kong bakit may pagka dark dahil nga siguro 'yun sa ability n'ya pati na rin siguro sa mga naranasan n'ya.

"Windy," hindi ako tumitingin kay John Ford at nakatingin lang ako sa kalangitan.

"Alam mo may nagbago sa'yo. Sobrang laki ng pinagbago mo simula ng dumating tayo dito charhelm."

"Alam ko," marami talagang nagbago sa akin. Hindi ako 'yung dating Windy na ang iniisip lang 'yong sarili.

"Natutuwa akong makita 'yung side mo na ganito." Kababata ko si John Ford kaya alam n'ya 'yung ugali ko masyado akong maarte sa mga bagay.

Pero hindi dahil dito sa mga naranasan ko ako nagbago. Nagbago ako dahil sa mga ala-ala ko. Ala-alang kinalimutan ko na pero pinaalala ni Jake lahat ng 'yun.

Sa totoo lang ngayon ko lang din nalaman na siya pala 'yung nakalaban ko na pinaalala lahat ng sakit na naranasan ko.

Lahat ng sakit na naranasan ko kinalimutan ko 'yung lahat at ng dahil don kaya naging maka sarili ako.

Pero hindi ko inaakala na kapag bumalik pala ang lahat ng sakit na 'yun magbabago ako ng ganito. Babalik 'yung dating ako.

Naranasan ko 'yong mga panlalait sa akin ng relatives ko at kong gaano nila ako ka ayaw na hindi ako welcome sa family nila. Buong akala ko ampon ako pero ang totoo hindi ako ampon totoong mga magulang ko ang nagpalaki sa akin.

Pero 12 years ko na silang hindi nakikita. Gusto ko silang makita pero ayaw kaming pag tagpuin ng tadhana.

May tumulong luha sa mga mata ko ng maalala ko lahat ng hirap na pinagdaanan ko. Pero nagpapa salamat ako dahil don naging matatag ako. 'Yun nga lang ng dahil don naging masama din ang ugali ko.

Pero ngayon na realize ko na, na dapat 'di ako nagpapadala sa mga ganong bagay. Tama si Jake na dapat 'yung mga happy moments lang ang iniisip ko dahil darating ang araw na ang mga ala-alang 'yun ang gagamitin sa akin para mapa bagsak ako.

******

Wayne Point of View

"Focus," mag kalaban kami ngayon ni Hiro. Pareho kaming may hawak na espada.

"Times up," pareho kaming umupo na dalawa sa lupa.

"Napagod ka ba?"

"Hindi naman enjoy nga, e." Sumulyap lang sa akin si Hiro ng saglit.

"Sana maging succesful 'yung mission natin." Hindi ako sanay sa mga ganitong bagay lalo na hindi 'to ang kinalakihan ko.

"I know we can, trust me." Kahit pa paano gumaan 'yong pakiramdam ko ng sabihin 'yan ni Hiro.

"Alam mo ang tapang mo kasi parang tingin ko kaya mo lahat." Ngayon ko lang na realize na hindi ko pa pala talaga kilala ng lubusan si Hiro.

"Hindi naman. Ayoko lang matalo sa labang 'to. Alam kong ikaw rin." Tumingin siya sa akin saglit. "Ayokong masayang 'yong mga pinag hirapang simulan ng mga parents natin." He's right.

Sana man lang makita ko ang parents ko kahit picture man lang nila. Alam kong 'di ko na sila mayayakap pa.

"Curious lang ako Hiro nakita mo ba ang parents mo? Alam kong dapat 'di ko na 'to brining-up but gusto kong malaman."

"It's okay, hindi ko sila nakita like you. Hindi ko sila na kasama pero nararamdaman ko sila dati. Alam kong wala na sila non pero sobra akong natutuwa nong nagpaparamdam sila. Pero matagal na bata pa ako non." Halos pareho lang pala kami ni Hiro.

"Yung ama mo nakita ko sa litrato."

"Talaga? Gusto ko siyang makita."

"Nasa museum nitong charhelm ang mga litrato n'ya. Gusto mo puntahan natin?" Nag nod ako sa kanya.

Tumayo kaming dalawa bago hinawakan n'ya 'yong kamay ko. May spark na naman akong naramdaman ng hawakan n'ya 'yong kamay ko.

"Alam kong matutuwa ka kapag nakita mo siya." May kaba sa dibdib ko na kunti lalo na ngayon ko palang makikita ang ama ko. Hindi man sa personal but atleast makikita ko pa rin siya kahit sa picture lang.

Mahaba pa ang nilakad namin bago kami nakarating sa museum.

"Pagkatapos nitong lahat may sasabihin ako sa'yo." Tumango lang ako sa sinabi ni Hiro.

Ang gusto ko lang muna ngayon ang makita ang ama ko.

Walang tao na nandito sa museum. Marami kaming nakita na mga ancient at mga statue.

Marami pa kaming dinaanan na mga pasilyo bago narating namin ang pinaka huling room nitong museum.

"Just open the door Wayne," dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

Punong-puno ng mga books sa loob nitong kwarto. Halos 'di ko na bilang lalo na ang tataas din.

Tinignan kong mabuti ang loob at napatigil ako sa malaking painting na naka dikit sa dingding.

Dahan-dahan akong lumapit sa painting at tinitigan ang lalaking naka drawing. Napaka kisig n'ya at naka suot siya ng pang Prinsipe na damit.

Hinawakan ko ang mukha n'ya habang tinitigan siya.

"Sayang 'di kita nakita." Nag-umpisa ng mag tuluan ang mga luha ko.

"Sayang 'di ko nadama 'yong mga yakap n'yo at 'di ko naramdaman ang pagmamahal ng isang ama na katulad n'yo. Pero kahit ganon mahal na mahal ko kayo at naiintindihan ko ang lahat."

"Natutuwa ako kasi kahit pa paano pinag bigyan pa rin ako na makita ko kayo kahit sa larawan lang." Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko at 'di ko na napigilan na umiyak ng tudo.

Naramdaman ko nalang na yakap ako ni Hiro.

"Ssshhh. I'm here hindi kita iiwan." Parang 'yung salita na binigkas n'ya isang gamot na hinilom lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

*****

Leigh Point of View

Nandito ako ngayon sa kagubatan at ang kalaban ko si Xian na ngayon ay tulog na. Mukhang napagod sa paglalaro namin.

"Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap Xian." Umupo si Lloyd sa tabi ni Xian at hinahaplos ito.

"Masyado ka bang pinahirapan ng babae na 'to." Bago tinuro n'ya ako inirapan ko lang siya.

"Tsk tsk tsk next time kasi Xian 'wag kana lalapit sa kanya."

"Wag mo ngang turuan si Xian ng pagiging masama ang ugali." Ngumisi naman siya sa akin at tumabi sa akin.

"Hindi ko naman siya tinuturuan pinapagsabihan ko lang. Baby natin si Xian, e." Halos masuka ako sa pinapagsabi ng ugok na 'to.

"Baby mo mukha mo!"

"Baby talaga kita." Minsan talaga hindi ko alam kong bakit 'di 'to nasasawa sa akin sunod ng sunod.

"Alam mo tumigil kana."

"Hindi ako titigil hangga't 'di mo ako tatawaging baby mo rin." Napa face palm nalang ako sa pinapagsabi n'ya.

Sobrang layo ng ugali nila ni Fire kong si Fire may pagka cold na masungit ito namang kapatid n'ya sobrang kulit at maingay.

"Hindi mangyayari ang bagay na 'yun."

"Paano kong mangyari? Gusto mo after makuha natin ang reality warping tatawagin mo na akong baby."

"Deal alam ko namang 'di 'yan mangyayari." Sagot ko nalang sa kanya and speaking of reality warping.

"Parang nakaraan lang pinapag-usapan natin ang reality warping." Pag-iiba ko ng topic para naman maging matino na 'yong usapan namin.

"Yes, I predicted again."

"You predicted?" I asked.

"Yes, alam mo bang lahat ng instinct ko tama. Tingin ko may ability ako na makita ang future at ang nakaraan. Pero limited nga lang." Wow..

"Paano namang nangyari 'yon?"

"Tingin ko sa parents ko. My mother ability is Fire and my father can read a mind." Oh? Imposible nga na nasa parents n'ya dahil ang ama n'ya kayang magbasa ng isipan. Maaaring 'yong relatives ng ama n'ya can foresee a future and past.

"You're too lucky to have that." Tumingin ako sa kanya at naka titig din siya sa mga mata ko. Napalunok siya at napaiwas.

"I'm not lucky to have this ability. You know what alam ko na ang mangyayari sa paglalakbay natin."

"Talaga? Edi maganda.. Maaari tayong mag tagumpay dahil sa ability mo." Umiling naman siya.

"Hindi pa rin. 'Yung mga nakita ko ay 'yong pagka talo natin na makuha ang reality warping at nakuha 'yun ni Venum. Hindi ko nakita kong paanong nangyari kong bakit n'ya nakuha."

"Siguro dapat tayo mag-ingat." Tumitig na naman ulit siya sa akin.

"I see in your eyes that you have a sibling." Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Wala akong kapatid." Buong buhay ko wala akong kapatid paanong may kapatid ako.

"But I see it in your past." May kaba sa dibdib ko at na curious ako sa kong sino mang kapatid ko.

"Pwede bang sabihin mo kong ano ang mga nakita mo?" Lumapit ako sa kanya para matitigan n'ya ng husto ang mga mata ko.

"Nakikita ko ang dalawang bata na mag kasama isang babae at isang lalaki. May dumating na isang lalaki sa tingin ko siya ang inyong ama bago may dumating pa na isang lalaki. May pinapag-usapan sila pero 'di ko maintindihan. Kinuha ng isang lalaki ang 'yong kapatid and they have a stone. Fúck I think this stone is a reality warping. Binago nila ang naka tadhana para sa inyo hindi kayo ma kikilala na mag kapatid at wala kayong matatandaan kahit na isa sa isat-isa." Tumulo ang mga luha ko sa mga narinig ko.

Paanong nagawa 'yun sa akin ng ama ko?

******