Franscene Pov
Magkakasama kaming tatlo naglilibot dito sa buong campus. Oo, tama kayo nang basa akala ko isa itong kaharian 'yong pala school. Pero alam kong bahagi pa rin ito nang underworld, ang napuntahan ko kasi ang kaharian nang underworld hindi itong school.
May kasama kaming mga kawal at ang nag to-tour sa amin ay isang fairy.
"Dito nag-aaral ang mga katulad nyong may mga special abilities na hindi kayang gawin nang isang normal na tao." Kwento nya sa amin habang naglalakad kami sa ground. Nakikinig lamang kami sa kanyang sasabihin.
"Sa buong school apat lamang ang section dito dahil nahahati sila sa tatlo. Ang may mga abilities na katulad ng pagbabasa nang isip, pag te-teleport, pagpapalit nang anyo, at pagpapagalaw nang bagay ay nasa iisang section. Ngunit napakadami nila kaya ang section nila ay nahati sa tatlo iilan lamang ang hindi binayaan nang ganong ability ngunit sila ang ellite."
So, kami ay isang Ellite Section na iba ang ability.
"At nasa sampo lamang kayong iba ang ability," napatingin naman sila kay Fairy or sa whatever her name. Ako naman nag ti-tingin tingin lang sa mga room na kumikinang sa sobrang kintab.
"Sino-sino po ba sila?" Tanong ni Wayne. Ngumiti muna sa kanya ang Fairy before sumagot.
"Malalaman nyo rin kapag nasa room na kayo." Tumango na lang sila bilang sagot.
Gusto kong makapunta nang maka punta nang Palace. Napatagal ko rin 'yong hindi nakita pero mukhang hindi ako pagbibigyan nang pagkakataon na makapunta doon. Mas minabuti ko na lamang makinig sa pinapagsani ni Fairy.
"Marami pa kayong dapat malaman ngunit sa tingin ko kailangan nyo nang magpahinga. Ihahatid ko na kayo sa inyong silid." Sumunod na lamang kami sa kanya. Medyo gutom na rin ako kaya kailangan ko na talagang kumain.
Iniwan na kami ni Fairy nang maka pasok kami sa aming silid.
"So, what's our plan?" Tanong ni Windy sa amin pero hindi ko siya pinansin sa halip lumabas ako nang silid ko. Gusto kong ma experience pa ito nang mas matagal dahil ngayon lamang ako naka punta rito.
"Ilesha where are you going? Are you out of mind?" sumunod pala sa akin si Windy.
"Mind your own business," at iniwan ko na siya. Napunta ako sa maraming mga student. Like what i expected nag bulungan sila at tumungin sa akin. Katulad din sila nang mga mortal na tao.
"Siya na ba ang isa sa mga transferre?" tanong nang isa sa student.
"Yes, she is and she have a special ability na kasama sa Ellite Section." dinig kong sagot nang kasama n'ya.
Hindi ko na lamang sila pinansin. Para saan pa? Tsk.
Habang naglalakad ako may napansin akong parang palabas nang school. Para siyang lagusan ngunit kakaiba.
Palabas na sana ako nang may humarang sa aking lalaki sa tingin ko ay isa siya sa mga bantay.
"Binibi hindi kayo maaaring lumabas hangga't walang pahintulot nang nasa itaas." Napataas nalang ang kilay ko sa tinuran nya. Tsk pati ako nagiging malalim na rin ang sinasabi.
Sa paglalakad lakad ko nalaman ko ang pangalan nitong school. CLAFTON ACADEMY pero iisa lang ang nasa isip ko gusto kong maka punta nang Charhelm Palace. 'Yan ang pangalan nang sinasabi kong kaharian dito sa underworld.
Ngunit paano ko siya makikita kong hindi ako dito makakalabas.
Total wala rin naman akong magagawa pa para makalabas bumalik nalang ako sa dorm namin.
Pagdating ko naluluto si Wayne nang makakain. Infearness huh, 'yong mga pagkain dito katulad din sa mga mortal kaya hindi na kami mahihirapang mag adjust.
Nakahiga lang ako sa couch nang biglang pumasok sa utak ko si Flake. Geez! Si Flake nga pala? Nandito na rin ba siya sa underworld or nasa mga mortal pa rin siya? Nasa Charhelm Palace na kaya siya?
"Lalim naman nang iniisip mo Franscene," biglang sulpot ni Leigh. Hindi ko siya pinansin hindi kami close para pansinin ko siya.
"Handa na ang hapunan kumain na kayo," hindi muna ako kumain pinauna ko sila. Nag-iisip ako kong paano ako makakalabas dito. Hindi ko p'wedeng gamitin ang kapangyarihan ko dahil may mga kapangyarihan rin ang mga narito.
---------------------------------------------------------------------------------
Windy Pov
Ano bang nasa isip ni Ilesha? Bakit parang may alam siya? Kailangan kong malaman kong ano 'yon.
Habang kumakain kami tahimik lang kami. Jeez! Napaka akward naming apat ni walang nagsasalita. Hindi naman kasi kami close tapos pagsasamahin kami sa iisang dorm. Like duh!
11:30 pm na pero hindi pa ako tulog at alam kong hindi parin tulog 'tong tatlo. Remember ang power ko ay wind malamang nararamdaman ko sila.
Sabay-sabay kaming naupong apat at nagkatinginan pero nag-iwasan rin. Iisa lang ang laman nang utak namin sa ngayon.
"Kuha lang ako ng tubig," dahilan ni Leigh.
"Beshy dahilan ka pa, e. Alamin na natin kong anong nakabalot na mysterious dito sa academy," sabi sa kanya ni Wayne. Napahinto naman siya at napakamot sa batok nya
"Oh? Ano pang hinihintay natin tara na," sabi naman ni Leigh.
Dahan-dahan kaming lumabas nang dorm at nakiramdam sa paligid.
"Windy at Leigh pakiramdam kayo dahil kayo ang may kakayahan na makarinig gayon din ikaw wayne dahil water ka." Sabi ni Franscene kay Wayne at ganon din sa amin.
Lumabas kami nang dorm nang mga student. Nasa ground na kami napakatahimik nang buong school at tanging mga alitaptap na lamang ang nagpapaliwanag sa buong ground.
Napatago kami sa punong nasa tapat namin nang may makita kaming mala ninja moves. At nakaitim siya na cloak hindi namin siya makilala pero napakabilis nang pagkilos nya.
Tinanguan ako ni Franscene na mauna dahil na rin sa wind ako maririnig ko ang mga footstep nya.
Sumunod sila sa akin ngunit hindi ko na maramdaman ang naka cloak na lalaki. Tumingin ako kay Leigh ganon rin siya hindi nya na maramdaman kaya hindi na kami nag aksaya pa nang panahon para sa kanya.
Pumunta kami nang library. Ngunit sarado na.
"Paano na 'to?" tanong sa akin ni Leigh. Paano namin to mabubuksan ang library.
"Guys may naririnig akong footstep," sabi ni Leigh. Halos pabulong lang ang pagsasalita namin kaya tumago kami sa may trashcan malapit dito sa may library. Buti nalang malaki tong trashcan at apat na piraso rin kaya nag kasya kami.
Dahil nga sa wind ako pinigilan ko ang paghinga nang tatlo at ako rin para hindi marinig. Pero na co-control ko pa rin ang pag hinga nila kaya hindi sila nawawalan nang malay.
Binubuksan nya ang library ngunit hindi nya ito mabuksan dahil parang may shield ito. Kahit na ginamitan nya na ito nang power nya. Pero ang power nya ay kakaiba. Para lang itong usok.
Nagtataka ba kayo kong paano ko nakita dahil nasa harapan nang library ang trashcan at nakita ko sa giwang nang trashcan.
Nawala ang lalaking naka cloak naging isa siyang usok at nawala na sa paningin pa namin. Kaya pala hindi ko na siya naramdaman kanina dahil para rin siyang hangin.
Tumayo kami sabay-sabay ng mawala na ang lalaki.
"Paano natin to mabubuksan?" Tanong ni Wayne.
"Sa tingin ko bukas nalang pumunta kayo nang library. Malaya pa kayong makakuha nang gusto nyo! Tsk. Don't waste our time for this!" Naiinis na sabi ni Franscene. Akala ko gusto nya rin yong ginagawa namin. 'Yong pala ayaw nya kaya napilitan na kaming bumalik nang dorm.
Kaya lang naman naisip kong pumunta nang library dahil na rin gusto kong malaman kong paano ako nagkaroon nang ganitong ability. Bakit ang parents ko hindi naman ganito? Or inilihim nila ito sa akin?
Kaya ba madalas wala sila? haist! 2:00 am na pala pero hindi pa rin ako tulog. Nakakainis ang tatlo tingin ko mahimbig na ang tulog. Pinilit ko nang pumikit para naman di ako mapuyat bukas.
---------------------------------------------------------------------------
Wayne Pov
Napakaaga ko nagising 5:00 am palang dahil ako ang magluluto. Next time talaga gagawa na ako nang schedule para dito.
Since water ang ability ko madali nalang din naman sa akin hindi ko na kailangan pang maghugas. Exact 6:00 am tapos na ang pagluluto ko. At 8:00 am ang klase namin ang tatlo naman tulog pa rin. Gosh! Ako ito bangag dahil sa 1:30 am na ako nakatulog at gumising pa nang 5:00 am.
Naligo na ako before ko ginising ang dalawa. Dahil 6:10 am nagising na rin naman si Franscene at siya ang sumunod sa akin naligo.
Kumain na ako nang ako lang mag-isa dahil si Leigh at Wind naghihilamos pa.
"Beshy wait for me," sabi naman ni Leigh sa akin tumango lang ako sa kanya. Matapos kong kumain sumunod naman ang dalawa 7:30 am na ako dapat papasok na ako kami ni Franscene dahil habang naliligo ako kanina kumain na siya. Kaso itong dalawa ang tagal. Si leigh naliligo palang dahil siya ang nahuli kumain si Windy naman nagbibihis na.
"Leigh pakibilisan na 30 minutes left nalang may class na tayo," naiirita na namang sabi ni Franscene. Hindi ko alam kong palagi ba talaga siyang galit or ano.
Matapos ang 20 minutes na paghihintay ayon tapos na si Leigh at exact 8:00 am before pa natapos at ito palakad palang kami papuntang room. First day of class late agad ang galing no?
Hindi ko maiwasan kabahan lalo na late kami. Mukhang nag start na sila nang klase.
Nasa may pinto na kami nang ellite nang wala man lang isang tumingin sa amin. Kong hindi pa ginamit ni windy ang ability nya at pinarating sa teacher namin.
"Kayo pala ang apat na bago? Masyado naman kayong maaga para sa second subject nyo," nag roll eyes si Franscene sa kaniya.
"Yah! Masyado kaming maaga," naiirita na namang sabi ni Franscene na agad napansin nang guro namin.
"Wala ka bang manners?" Tanong sa kanya nang guro namin na ikinataas nama nang kilay nya.
"I have but hindi para sayo! Dahil hindi ka naman-" bago nya pa masabi ang sasabihin nya tinakpan ko na ang bibig nya.
"Pasensya na po kayo ma'am," sinamaan naman ako nang tingin ni Franscene.
"It's okay, before we start again our descussion class." Sabi nya sa anim atang student na nasa loob. "Please come in," sabi nya sa amin pumasok naman kami.
"Please introduce yourselves to them," turo nya sa anim na student.
Nagulat naman ako nang makita ko kong sino ang isa sa mga student nila. At parang ganon rin ang reaction nang apat nang makita nila ang mga classmate namin.
Hindi ko akalaing nandito rin siya? Paano? Ibig bang sabihin may special ability din siya na katulad nang sa amin? Pero bakit hindi nya sinabi man lang sa akin? Hayy! Paano nya sasabihin? Hindi mo rin nga sinabi sa kanya na meron kang ganon din kapangyarihan.
"Please start," sabi nang teacher namin.
"Im Franscene Ilesha Rayne Ellite from now on just call me Fire! And if you don't call me like that you can feel a hell!" Napa woah naman yong mga boys sa sinabi nya. Pero hindi nya na ito pinansin at umupo na. Nakakainis naman nito bakit kailangan pang magpapakilala.
Hindi ko alam na may ganito pa pala dito? Sabagay academy na nga diba? Kailangan magpakilala sa isat-isa.
"Next," sabi nang teacher namin. Sumunod naman si Windy at ngumiti sa lahat hindi katulad ni Franscene este Fire pala na nakasimangot at parang galit. Sabagay lagi naman siyang galit, kailangan ko nang masanay na ganyan ang ugali nya.
----------------------------------------------------------------------------
Leigh Pov
Sumunod na nagpakilala si windy ayoko na sabihin basta nagpakilala na siya nakakatamad kaya. Ganon din ako kaya umupo na ako katabi ni Wayne.
"Sa mga bago kopyahin nyo na lamang ang schedule nyo. Goodbye"
'Yon lang yon? Sabagay late na kami hanggang 2 pm lang kasi ang class namin kaya may time pa kami makapag library.
"Wayne," tumingin naman sa akin si Wayne. "Bakit Leigh?" Tumingin ako kay Hero bakit ganon? Hindi nya man lang pinansin si Wayne.
"Nag-away ba kayo ni Hero?" Napatigil naman siya sa tanong ko. "Huh? Pagkakaalam ko wala, bakit?" Tumango tango nalang ako bilang sagot sa kanya. Bakit kaya ganon di sila nagpapansinan? Private ba relationship nila?
Mga ilang minutes na paghihintay dumating na ang teacher namin.
"Goodmorning, ang subject natin ngayon ay P.E means maglalaro tayo gamit ang inyong mga power." natuwa naman ako doon sa sinabi nya.
"Magpapalit ba kami sir nang pang shield na damit?" tanong nang isang lalaki. Tumango naman sa kanya yong teacher namin.
Lumabas na kami nang room para kunin sa locker namin ang shield namin na pang digma.
Color brown sa akin base sa power namin ang mga uniform namin sa P.E.
Nakakapagtaka talaga kong bakit hindi nagpapansinan tong dalawa?
"Cr lang muna ako before ako puntang gym," paalam ko kay Wayne tumango naman siya sa akin.
Pagdating ko sa Cr as usual ang daming girls na nag-aayos. May nag ma-make up. Pagpasok ko na pa tingin silang lahat sa akin.
Hindi ko sila pinansin at naghilamos na ako.
"O, siya pala ang new? Psh! Mukha namang weak. Haha" pinapagtawanan ba nila ako?
"Yeah, mukha palang wala nang binatbat." So, may mga ganitong attitude din pala dito? Sabagay di na ako magtataka.
"For your information im ellite section. May ellite section bang mahina? Pakihanap nga ang utak mo! Ang bobo mo kasi!" Sagot ko sa kanila at lumabas na nang cr.
Saan na ba ako napunta? Bakit parang naliligaw na ako? Nasa kakahuyan na kasi ako at marami akong naririnig na mga huni nang hayop.
Nabigla ako nang bigla may lumapit sa akin na leon. Hindi ko inaasahan yong pag lundag nya sa akin at napasigaw ako. Pero napakaamo nya sa akin para siyang pusa na naglalambing. What the. Kailan pa nagkaroon nang wild animals na naging maamo?
Hinaplos haplos ko ang ulo nya at nakahiga siya sa akin.
"Hmp! Tambay ka dito?" Nabigla ako nang may mag salita. Isa siya sa mga classmate ko pero hindi ko na tanda ang name nya.
"Ah, ewan ko ba dito ako dinala nang mga paa ko." Tumango naman siya sa akin.
"Close na pala kayo kaagad ni Xian." Napatingin naman ako sa kanya.
"Xian?" napatawa siya sa akin.
"Yang Leon, his name is Xian. By the way kanina ka pa hinahanap nong bestfriend mo," bestfriend ko? My gosh! Si Wayne. Dali-dali naman akong napatayo.
"Baby Xian alis muna ako hehe"a at hinaplos ko ang ulo nya before ako umalis.
Hinanap ko si Wayne pero hindi ko makita.
"Saan na ba nagpunta yon? Patay na ka cut ako nang subject." Paano ba naman kasi bakit ba ako nacutan sa Leon na yon.
Pumunta nalang ako nang dorm dahil wala nang klase. Pero ang naabutan ko lang na nandoon si Windy.
"Na saan sila?" tanong ko sa kanya.
"I thought hinahanap ka ni Wayne and Ilesha i don't know where she is. You know i have something to tell you, Ilesha is weird." Wala naman akong napansing kakaiba kay Ilesha. Hindi pa naman kasi kami close para malaman ko na may nagbago sa kanya. Hmp.
"Ahh. Ewan," hihintayin ko nalang na umuwi si Wayne. Uuwi rin yon mamaya. Para makapunta na kami nang library nang sabay.
----------------------