Franscene Pov
"Hoy! Flake? Bakit nandito ka rin?" Tanong ko sa kapatid ko hindi ko inaakalang nandito rin siya sa academy.
"Ano ba naman Fire malay ko basta paggising ko nalang nandito na ako," napairap nalang ako sa kanya.
"So, kailangan nating makapunta sa Charhelm Palace," napahinto naman siya at nag-isip.
"Fire, chill. Hindi ba pwedeng enjoy mo na natin ang 1 week natin dito," napairap na naman ako sa sinabi nya.
"Okay, bahala ka!" Lumakad na ako paalis. "Fire pwede chill lang umiinit ang palagid." Sinamaan ko nalang siya nang tingin.
Kong kelan kailangan ko nang kakampi para makaalis dito kaso wala lang din akong napala.
Pumunta na ako sa dorm at tumambay do. Gusto ko nang maka puntang charhelm hindi ko inaakala na meron rin pala ditong academy bukod sa palace.
"Fire anong problema mo?" Tanong sa akin ni Windy na inirapan ko nalang.
"Duh? Bakit kong sasabihin ko matutulungan mo ba ako/niyo?" Tanong ko sa kanilang lahat na hindi naman umimik. Sabi ko na nga ba wala talaga akong mapapala.
"Okay tutulungan ka namin. Ano ba yon?" Napangiti naman ako at napatingin kay Wayne.
"Really?" marahan naman silang tumango. Napangisi ako kahit naman pala papaano may mapapala din ako sa kanila.
"Okay kailangan nating tumakas dito. Pupunta tayong Charhelm palace," nagkatinginan naman sila na hindi nila alam kong anong sinasabi ko.
"Ganito kasi 'yan bukod sa school na 'to may Palace dito at 'yon ang charhelm at sa tingin ko marami pang lugar dito na hindi natin alam." Pagpapaliwanag ko sa kanila kahit kasi ako ngayon ko lang nalaman na meron pala dito sa underworld na acedemy.
"Sige, alam mo ba kong saan ang daan papunta doon?" 'yun na nga, e. Tanging si Flake lang ang may alam kong saan ang daan pa punta doon.
"I don't know but magagawan naman siguro natin 'yan nang paraan. Ano go ba kayo?" Nag-aalangan man sila pero umuo parin sila.
"Kailangan siguro natin magdala nang mga pagkain baka gutumin tayo," suggest naman ni Leigh. Nagligpit na ako nang mga dadalhin kong gamit kahit sa totoo lang wala naman akong dalang gamit.
"Anong oras ba tayo tatakas?" Tanong ni Windy. Nag-isip ako nang magandang oras kong anong oras.
"I think 1:00 am sa tingin ko kasi tulog na sila pati 'yong guard." Marahan naman silang tumango at nagpatuloy na sa pagliligpit.
"Kailangan mamaya maitago natin ang presensya natin. Para walang makaramdam sa atin." Sabi naman ni Leigh. Tama naman siya lahat sila may powers dito at malakas ang pakiramdam.
"Gamitin mo ang power mo Leigh. Earth ka kaya kayang kaya mo mapigilan 'yon pati na rin ikaw Windy dahil hangin ka." Sabi ko sa kanila. Lumabas muna ako para hanapin si Flake gusto ko kasing malaman nya na aalis ako. Baka sasama siya diba.
Agad ko rin naman siyang nakita kasama nya 'yong tatlo pang lalaki na classmate namin. Maliban sa isang classmate namin hindi nya kasama.
Agad silang napatigil nang maramdaman nila ang presence ko.
"Hi fire," bati sa akin ni Ford. Alam ko na ang name nila dahil matandain ako pagdating sa mga pangalan.
"Jess Lloyd Flake Shuck! Gusto kitang makausap!" Napa woah naman silang lahat dahil na rin sa hindi ko pag pansin kay Ford. Tsaka hindi rin nila alam na kuya ko si Flake. Magkaiba kami nang lastname at ginawa talaga namin 'yan para hindi malaman na mag kapatid kami.
Lumapit naman sa akin si Flake at hinila ako.
"Ano bang problem mo?"
"Narito ako para sabihin sa'yo na aalis kami mamaya pupunta kaming charhelm." agad naman siyang napatigil at tinitigan ako.
"Nababaliw ka na ba? Hindi natin alam kong anong haharapin natin doong buhay! Tsaka dinamay mo pa pati mga kasama mo!" Agad ko namang tinabig ang kamay ko na hawak nya.
"Bahala ka! Sa ayaw at sa gusto mo pupunta kami doon! Kong ayaw mong sumama hindi kita pinipilit!" Lalakad na sana ako pero pinigilan nya ako.
"Mapanganib sa labas maraming mga nilalang na hindi natin alam kong anong kakayahan!" Humarap ako sa kanya at tinitigan siya.
"Kahit ano pang sabihin mo aalis kami!" Lumakad na ako paalis pero napahinto ako nang magtanong siya.
"Hindi na ba talaga kita mapipigilan sa gagawin mo?" Mahinahong tanong niya sa akin. Hindi na ako humarap pa sa kanya at sinagot na lang ang sinabi nya na may diin.
"H.I.N.D.I.N.A." at lumakad na ako papunta sa dorm namin.
Naabutan ko silang tapos na sa pagliligpit nang mga gamit. Naalala ko ang sinabi ni Flake na nandadamay lang ako. Totoo naman walang mga alam itong mga kasama ko about charhelm pero dahil sa akin tatakas sila at sasama sa akin.
Kumain mo na kami bago nahiga sa aming mga kama. Malayo pa ang oras dahil 6:00 pm palang. Nakakaboring na paghihintay.
Windy Pov
Sa totoo lang nakikiayon lang ako sa kanila. Nababahala rin ako dahil baka may kong anong mga nilalang ang nasa labas nitong academy.
Pero hindi naman ako natatakot dahil may mga kapangyarihan kami ang kinakabahala ko lang kapag mahuli kami. Siguradong parurusahan kami nito.
Nagbasa nalang muna ako nang books habang naghihintay ng oras. Nakakamis din mag facebook hindi kasi gumagana dito ang phone ko. Ayaw ngang mag-open.
Naisip ko tuloy bigla ang mansion kamusta naman kaya 'yon? Siguro ngayon kasalukuyan na 'yong kinukuha nang magaling kong auntie.
Nagbabasa rin nang libro si Wayne si Leigh naman nagsusulat si Ilesha naman mukhang malalim ang iniisip.
Kaya, kaya naming mag-usap sa isip? Ganon kasi ang mga napapanood kong mga fantasy.
Pagpatak nang 1 am agad na kaming lumabas. Gumawa nang barrier si Wayne para hindi kami makita nang sino man. Parang nagiging invisible kami at ako naman ang nagtago nang presensya namin sa pamamagitan nang hangin.
Si Ilesha ang nakakaalam nakakaalam kong saan ang main gate nito palabas dahil na rin hindi ako mahilig lumabas kaya wala akong alam.
Sa hinaba haba nang nilakad namin narating na rin namin ang gate nang school.
Napatigil kaming apat ng makita na namin ang gate. Ano kayang nasa labas nito? Walang bantay maliban sa isang dragon na nasa labas. Pero hindi nya kami nakikita dahil sa ginawa ni Wayne at kong sakali mang makita nya kami magagawan 'yon nang paraan ni Ilesha at ni Leigh.
Dahan-dahan kaming lumabas na hindi nakikita nang dragon. Pero hindi pa rin kami nakakaalis kahit anong gawin namin.
May nakita kaming isang portal ito na siguro ang lagusan palabas nitong academy.
Sabay kaming pumasok sa loob nang portal at bumungad sa amin ang isang.
Bakit ganito? Bigla akong nilamig dahil na rin sa snow.
Tinanggal na rin ni Wayne ang barrier na ginawa nya.
"Fire masyadong malamig.." sabi naman ni Leigh na agad gumawa nang barrier si Ilesha para hindi kami lamigin.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang nakarinig kami nang isang alulong nang isang lobo i think.
Huminto kami lalo na nang pinalibutan kami nang mga lobo. Hindi sila lamang pangkaraniwang lobo na hayop sa tingin ko taong lobo sila..
Parang handang-handa na nila kaming sakmalin nang hindi nila naituloy dahil sa barrier na ginawa ni Ilesha. Nasunog ang kanilang mga balat at parang naging isa silang maamong tupa.
"Ngayon kong ayaw nyong masaktan ituro nyo sa amin kong saan ang daan papuntang Charhelm Palace." Pagtanong ni Ilesha sa kanila agad silang nagka tinginang lahat. Pero may isa sa kanila na lumakad at parang sinasabi na sumunod kami.
Mga 30 minutes rin siguro ang nilakad namin bago namin narating ang bukana. Doon na lamang huminto ang lobo at nagbago nang anyo.
"Hindi ko na kayo maihahatid pa masyadong malayo ang charlhelm aabutin kayo nang tatlong araw. Dito ko na lamang kayo inihatid sa bukana nang aming lugar at kapag nakalabas kayo ibang bahagi na naman iyon nang underground." Marahan siyang tumango at umalis na.
Lumabas na kami nang bukana at iba na namang lugar ang napuntahan namin. Isa siyang parang paraiso napakaganda nang mga halaman napakaraming paru-paru at mga ibon nagliliparan na iba-iba.
Habang naglalakad kami hindi namin namalayan at nakaapak kami sa isang patibong. Nalaglag kami roon at naitali kaagad nang mga halaman ang aming mga kamay at paa. Sa lagay namin ngayon lahat kami ay naka bitin.
May isang babaeng lumabas napakaganda nya para din siyang isang dyosa. Pero bukod sa kanya pero pa siyang mga kasama para silang isang tribu at siya ang reyna.
"Sino kayo? At anong ginagawa n'yo rito? Hindi kayo nababagay dito mukhang ibang lahi kayo," sabi sa amin nang dyosa na hindi ko alam ang pangalan.
"Galing kaming Clafton Academy at kailangan naming makapunta nang Charhelm Academy." Hindi naman sila agad umimik sa sinabi ni Wayne.
"Hindi pinapapasok ang sinuman sa Charhelm Palace na walang pahintulot nang reyna." medyo nangangalay na ako sa position ko kaya tinitigan ko si Leigh. Agad naman kaming nakababa lalo na nong inutusan nya ang mga halaman na kalagan kami.
Lahat sila ay namangha nang makita nila ang nangyari.
"Kakaiba sila Zera mukhang hindi lamang sila pangkaraniwan dito." Hindi naman talaga pangkaraniwan ang lahat nang nandito lahat kayo kakaiba.
"Tama ka Esmos hindi sila pangkaraniwan dahil isa sila sa magtataguyod sa ating mundo." Napatingin kaming apat sa kanya dahil sa kanyang sinabi.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong naman ni Leigh.
"Malalaman n'yo ang lahat nang sagot kapag nakarating kayo sa Charhelm. Ipapahatid ko kayo sa aking alaga para makarating kayo kaagad sa Mad Forest."
"Mad Forest?" Agad na tanong ko.
"Ang susunod na lugar dito ay Mad Forest bago kayo makakarating nang Charhelm tatlong lugar pa ang inyong madadaanan." Salamat naman at nagka edeya kami kong saan ang Charhelm kahit na hindj ko alam kong anong gagawin namin doon.
Wayne Pov
"Mag-iingat kayo dahil ang Mad Forest ay kabaligtaran nang nandito." tumango naman kami sa kanya. Tama naman siya halata naman sa name nang lugar na mapanganib doon.
Sumakay na kami sa isang higanting ibon. Napapakapit ako dahil ang bilis nang lipad pero napakaganda pala lalo na kapag tumingin ako sa baba.
Matagal rin kaming lumipad bago kami ibinaba nang ibon sa isang napakadilim na lugar.
Akala ko nong una madali lang pumunta nang Charhelm 'yong pala napakahirap kong alam ko lang sana.
Umalis na ang higanting ibon at iniwan na kami. Halos hindi namin makita ang isat-isa pero dahil na rin kay Ilesha nagkaroon nang liwanag. Gumawa siya nang bulang apoy na nagsisilbing liwanag namin.
Tumingin ako sa palatunguhan namin parang mga patay na ang mga puno dito. At sa tingin ko maraming matang nakatingin sa amin at pula ang kulay nang kanilang mga mata.
Napakapit ako kay Leigh dahil na rin sa natatakot ako. Kahit naman na may powers ako natatakot pa rin ako 'no?
Naghanda kaming lahat sa pagsugod nila. At nong gumalaw na sila papunta sa amin agad akong kumilos at gumawa nang tubig na nagsisilbi kong pang protekta.
Sa tingin ko mga bampira sila. Nadaplisan ang may binti ko nang hindi ko nalalaman. Kaya parang naging agresibo sila.
Gumawa nang malaking bulang apoy si Ilesha at agad nya itong itanapon sa kanila. Pero napakabilis nilang kumilos kaya hindi sila natamaan man lang.
Pero napatigil silang lahat nang gumawa ng dragon si Ilesha.
"Kong ayaw nyong masaktan sabihin nyo sa amin kong saan ang daan patungong charhelm!" Sigaw ni Ilesha sa kanila. Sa tingin ko hindi nya na na co-control ang kanyang kapangyarihan.
Hindi sila kumilos at nakatingin lang sa amin pero makikita mo sa kanilang mga mata ang bagsik. Parang gusto talaga nilang matikman ang dugo namin.
"Sabihin n'yo nalang sa amin hanggat hindi pa kami galit!" Sigaw din sa kanila ni Leigh.
"Kong ayaw nyong utusan ko ang mga hayop, halaman at lahat nang mga hayop na nasa ilalim nang lupa! Upang kainin ang inyong katawan!" Dagdag ni Leigh.
"Sabihin nyo na sa amin hanggat nagtitimpi pa ako! Kong ayaw nyong masira itong lugar nyo!" Sigaw ulit sa kanila ni Ilesha.
Agad naman silang sumunod at kumilos silang lahat. Pumunta kami sa isang puno at may butas iyon.
Hindi na kami nag-abala pang mag tanong at pumasok na roon.
Umikot ang paningin ko, nahihilo ata ako. Nagising akong nakaluhod at ganoon rin ang tatlo.
"Nakakahilo naman 'yon parang masusuka ako!" Agad na sabi ni Windy.
"Halika na kayo at maglakbay na tayo nasasayang ang oras!" Asik sa amin ni Ilesha at agad na lumakad paalis.
"Ilesha tapatin mo nga kami. Ano bang meron sa Charhelm Palace at napakahirap naman 'non puntahan." tanong ni Windy sa kanya. Sa totoo lang gusto ko rin 'yang itanong kay Ilesha pero hindi naman kami close.
Habang naglalakad kami hindi kami naka kilos bigla at parang mauubusan kami nang hininga.
Napaupo na ako parang malalagutan na ako nang hininga wala akong mahigop na hangin.
"W-windy," nahihirapan kong tawag sa kanya. Hinimatay na si Ilesha at parang ako hindi ko na rin kaya.
Pero mukhang nagawan na nang paraan ni Windy. Nakahinga na ako at ganoon rin si Leigh. Agad ko namang ginamitan nang power ko si Ilesha binuhusan ko siya nang tubig para magising siya. Sinamaan nya nga lang ako nang tingin ng magising siya.
At hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Kaharap namin ang sarili naming katawan.
"Anong ibig-sabihin nito?" Hindi ako makapaniwalang tanong. Sinugod ako kaagad nang sarili kong katawan. Parehong-pareho kami teka shadow ba 'to? Pero imposible naman.
Nilabanan ko siya at ganon rin ang ginawa nang tatlo.
'Yun nga lang ang pinagkaiba namin ay wala siyang kapangyarihan na katulad namin. Kaya nang ginamit namin ang kapangyarihan namin biglang nagbago ang anyo nila.
"Nagtataglay kayo ng kapangyarihan nang apat na elemento," sabi nang nakalaban ni Leigh.
"Kayo naman kaya n'yo kaming gayahin." tumingin naman sa akin ang nakalaban ko.
"Oo dahil 'yun ang aming kakayahan. Pero kapag may hindi kami nagaya na isa sa mga kakayahan nya. Babalik kami sa tunay naming anyo." Sagot nya sa tanong ko.
"Pero paano nyo nagawa na hindi kami makahinga?" Tanong naman ni Leigh.
"Lahat nang mga nilalang na hindi taga-rito ay ganon ang nangyayari. Iilan lamang ang nakakalampas dito at mapalad kayo dahil kasama kayo roon." Sagot naman nang nakalaban ni Leigh.
"Maaari n'yo bang ituro sa amin ang daan papuntang charhelm palace?" sabi ni Windy at ngumiti naman sila sa amin. Buti nalang talaga hindi sila mapanganib at mukhang ituturo na nila sa amin kong saan ang Charhelm.
As usual naglakad na naman kami pero huminto muna kami upang kumain.
Matapos namin kumain nagpahinga muna kami bago kami nagpatuloy sa aming paglalakad. Kunting tiis na lamang isang lugar nalang at mararating na namin ang Charhelm Palace.
Huminto kami sa aplaya. Hindi ko akalaing may aplaya pala rito.
"Kailangan nyong maglabay papunta nang pusod nang dagat kapag narating nyo na iyon at dinala nang ipu-ipu ang inyong sinasakyan mararating nyo na ang susunod na lugar dito." pagkasabing pagkasabi nya non ay may bangka na sa harapan namin at nawala na lamang siya nang parang bula.
Hindi ako makapaniwala na maglalakbay pa kami sa gitna ng karagatan.
Sumakay na kami sa bangka at agad ko na lamang ginamit ang aking kapangyarihan para dalhin kami sa pusod nang dagat.
Inaantok na ako at lumalalim na ang gabi pero wala pa rin kami nakakarating sa pusod nang dagat.
Humihikad na rin ang tatlo pero walang dapat matulog. Pero inaantok na talaga ako. Tumingin ako sa dagat at kinausap ito.
"Tubig dagat kapag nakarating na tayo sa pusod nang dagat gisingin mo kami." Pipikit na sana ako nang biglang mag salita ang dagat.
"Walang tayo!" what the?!!!!
"Oh sige kami nalang. Sabi ko nga walang tayo kaya wag mo na ako gambalain." Pumikit na ako upang makatulog na at makapahinga na rin.
Leigh Pov
Nagising ako dahil sa umaalog ang bangka at nagtatalsikan ang mga tubig.
Napidilat ang mata ko nang makita kong parang may bilog na umiikot ang tubig nang dagat. Agad kong nalaman na 'yon na ang sinasabi kanina nang babae na ipu-ipu at malapit na kami roon.
Nagising na rin ang tatlo dahil gawa na rin nang bangka. Humanda na kami at tumayo lalo na nong bumagsak ang bangka sa ilalim.
Akala ko mamatay na ako dahil tumama na sa akin ang tubig pero pagkagising ko nasa isang kalsada kami at nakahiga.
Pero basang-basa kami. Bumangon ako at pinagpagan ang sarili ko ganoon rin ang tatlo.
Pero napahinto kami dahil nasa gitna kami nang daan at may isang daan na nasa harapan namin at dalawang daan na nasa kabilaang gilid namin.
"Paano ito?" Kahit ako hindi ko rin alam ang sagot sa tanong ni Windy. Mahirap mamili sa tatlong daan lalo na kong hindi namin alam kong saan ang daan papuntang charhelm.
"Kayo saan ba?" Tanong sa amin ni Ilesha.. Sa tingin ko gitna pero hindi ko sure sa akin lang naman diba.
"Kaliwa?" Sabi naman ni Windy.
"Kanan." Kay Wayne naman. Paano ito?
"Gitna sa akin." Sabi ko naman sa kanila.
"Okay sa gitna tayo dahil dalawa kami ni Leigh." -Ilesha
"Paano naman natin na sisiguro na Charhelm Palace talaga ang daan papunta diyan?" Tanong ko.
"Alam nyo diba ang sabi kanina nang dyosa tatlong lugar lang daw ang madadaanan? Ibig-sabihin 'non kahit siguro saan tayo dumaan dito hindi tayo maliligaw dahil doon pa rin ang punta natin." May point si Wayne sa sinabi nya. Kaya pumasok na kami sa gitnang daan at nagpatuloy sa paglalakabay.
Mukhang wala namang ibang nilalang na nandito dahil napaka tahimik. Ramdam ko iyon dahil sa ability ko kaya kahit papaano hindi ako na bahala.
Lumakad pa kami nang lumakad nakakapagod na nga. Sa tinagal tagal na naming sigeng lakad ngayon lang ako nakaramdan nang pagod.
Huminto muna kami para mag pahinga kahit sila ay napagod na rin..
"Kong kaya lang sana nating mag teleport ! Hayy!" Halatang pagod na sabi ni Wayne. Kong pwede nga lang sana para hindi na kami ngayon nagpapakahirap mag lakbay.
Gusto ko rin malaman kasi kong anong meron sa lugar na ito kaya sumama ako sa kanila. Ito nga ang dami ko nang nalaman about sa mga lugar dito. Pero 'yung Charhelm Palace talaga ang gusto kong makita.
Pagkasabi palang sa amin ni Franscene agad akong na curious sa lugar na 'yun. Nabasa ko rin kasi iyon sa isa sa mga classmate ko nang hindi ko sinasadya. 'Yung isang babaeng classmate namin si Minah 'ata 'yun naka sulat kasi sa notebook nya ang salitang Charhelm.
Nang makapag pahing na kami at sa tingin namin bumalik na ang lakas namin nagpatuloy na kami sa aming paglalakad. Habang tumatagal lumalamig ang temperature at may nadaanan kaming mga putol na tulay.
Nakaalis naman kami roon sa pamamagitan nang hangin. Wala na rin kaming nadaraanan na mga puno parang naging deserto na siya. At init na naman ang tumambad sa amin. Kong kanina palamig nang palamig ngayon naman sobrang init.
Ginawan nang paraan ni Wayne pero nakakapagtaka dahil hindi ito gumana kahit ano pang gawin nya. Kaya ang sumubok si Windy upang magkaroon nang hangin pero hindi iyon naka sapat dahil hindi rin tumagal ang hangin at nawala na ito.
Halos maubos ko na ang baong tubig ko dahil sa sobrang init.
Hindi kaya mali ang napuntahan namin? Hwag naman sana dahil sayang ang pagod namin para dito lang.
Tagaktak na ang mga pawis namin pero hindi na ako magtataka pa kong balewala lang ito kay Frascene.
Masakit na ang mga binti ko sa kalalakad pero pinipilit ko pa rin dahil baka kunting tiis nalang din diba malapit na.
May isa pa kaming nadaanan na tulay at nagbago na ang temperature at may mga halaman na rin akong nakikita. Ngunit mga halaman lang walang mga puno at tama lang ang temperatura nya hindi malamig at mainit.
Naglakad pa kami na naglakad sasabihin ko na sana sa kanila na tama na muna. Pero tumigil sila at parang may tinitignan tumingin rin ako sa tinitignan nila.
Hindi ako makapaniwala na nandito na kami tanaw namin mula sa malayo ang palasyo.