Chapter 7 - Charhelm

Franscene's Pov

Sa wakas malapit na rin kami kunting tiis nalang. Mabuti nalang lahat kami nakarating ng buhay hindi ko naman alam na ganon pala ang pag dadaanan namin.

Dumaan pa kami sa tulay bago kami nakarating. Pero napatigil kaming apat ng may biglang apat na lalaki ang sumulpot sa arapan namin.

What the hell?

"Hi Fire," bati agad sa akin nong lalaki na I think si John Ford. Inirapan ko naman siya at hindi pinansin. Tumingin ako kay Llyod na ngayon ang laki ng mga ngiti sa labi at nang-aasar.

"Paanong ganon n'yo nalang kami na sundan?" Nagtatakang tanong ni Windy.

"We create a portal to teleport." sagot sa kanya ng isang lalaki na hindi ko naman kilala kong sino.

"Edi sana nagsabi kayo no? Para sana hindi na lang kami naglakbay at nakisabay nalang sa inyo." Naiinis na sabi ni Leigh sa kanila. Pero natawa lang sila.

Hindi na namin sila pinansin at tumuloy na kami sa paglalakad.

Natatanaw ko na ang mga kawal na nagbabantay sa labas ng Palace.

"Paano nga pala tayo makakapasok sa loob? Wala naman tayong permission." Tanong ni Wayne, yeah she's right. Kanina ko pa rin iniisip kong paano kami makakapasok sa loob.

"Don't worry makakapasok tayo sa pamamagitan ni Jake." Tumingin naman ako kay kuya at tinuro nya si Jake na walang imik. Parang may kakaiba sa kanya?

Nasa harapan na kami ng malaking gate ng palace ng harangin kami ng mga bantay na kawal sa labas.

Pero tumigil sila ng makita si Jake at may sinabi si Jake na hindi ko maintindihan. Tapos tumango ang pinaka pinuno ng mga kawal at binuksan ang gate.

What's with him? Bakit ganon nalang at pinapasok siya kaagad? I mean bakit pumayag agad sila na papasukin kami because of him. Is he belong to a prince or his really a prince? Gosh! Stop thinking nonsense Fire!

Na excite akong pumasok sa loob. Siguro sobra ng laki ng pinagbago nang loob nito. Halos hindi ko na nga maalala kong anong itsura nito nong huli kong punta.

Halos lahat kami napanganga ng makita ang loob except talaga don sa Jake parang wala lang sa kanya. His strange to me.

Mababa ang mga ulap dito sa loob ng Palace tapos una mong makikita ang garden na puno ng mga bulaklak at mga nagliliparan na mga fairies. Sumunod ang isang fountain at nanggaling ang tubig nya sa isang falls sa hindi kalayuan.

May arc din sa may unahan at may red carpit na papasok sa loob ng Palace.

Marami ding nagkalat na mga paru-paru at kumikinang rin ang buong paligid.

Gusto ko pa sanang makita ang ibang palagid pero tsaka nalang. Hindi ako pumunta dito para tumingin lang sa view.

Bumukas ang napakalaking pinto at bumangad sa amin ang isang napakagandang loob ng Palace. Sobrang ganda at hindi ko na ma explain kong paano. This place is really amazing that no one can't refuse to be here.

Sumunod lang kami kay Jake hanggang sa nakarating kami sa trono ng hari. Pero hindi hari ang naabutan namin kundi isang queen. Sobrang ganda at kilala ko siya kong sino. Siya si Queen Harley.

Sobra nyang ganda at hindi man lang siya tumanda. Kami kaya tatanda rin? Siguro hindi na. She's a fucking goddess and no one can defeat to her beauty.

"Jake sino sila?" Bakit kilalang kilala siya ng mga tao dito? Ano bang tawag sa amin? Hindi kami mga tao pero dahil hindi ko naman alam kong anong kami.

"Sila ang Princess," anong pinapagsabi nya na kami ang Princess? Halos lahat kami nangunot sa sinabi nya.

"What do you mean? Anong Princess? I know I'm beautiful like a Princess but I'm not a Princess anymore in this kind of world." Sabi ni Windy agad naman siya tinignan ni Jake at they snob each other. Natawa tuloy ako ng makita ang mukha nila na naiinis sa isa't-isa. Something fishy ah..

"Is it real? They are the Princess? Queen Harley asked. I know I'm a Princess. A Princess of Fire my mom is a Princess too. Dahil kapatid ng mommy ko si Queen Harley.

"Yah, I know I'm a Princess because I'm the only daughter of Elishana." Napatingin naman sila sa aking lahat sa akin at ngumiti sa akin si Queen Harley.

"Salamat naman at bumalik kana Fire ngunit na saan ang kapatid mo?" Lahat na naman sila nagtataka dahil hindi naman nila alam na may kuya.

"I'm here, didn't you remember me Queen Harley?" Lahat sila nagulat ng mag salita si Llyod na siya pala ang kuya ko.

Windy's POV

What the hell did they say? I can't imagine that I'm a Princess? Wala naman akong naalala na Princess ako. Pagkakaalam ko lumaki na talaga ako sa mundo ng mga tao pero ano 'tong mga nalalaman ko ngayon.

Dinala na kami sa bawat room namin at hiwalay hiwalay na kami. Pero kahit kailan walang may nagpaliwanag sa akin kong paano ako nandito? Why I am belong here? Why they say we are a Princess? Nandito ba ang mga magulang ko? Pero alam ko namang walang sasagot sa mga tanong ko.

Bakit ba kasi kami nandito? May mission ba kami? Pero naalala ko ng nasa academy kami may mission kami. Pero ano ng mangyayari dahil wala na kami don at basta nalang kami tumakas.

Tumingin ako sa kabuoan ng room ko maganda siya at sobrang laki. Pero ano naman ang gagawin ko dito? In-open ko ang mga curtain at bumungad sa akin at isang terrace. Pumunta ako sa terrace at pinagmasdan ang buong paligid ng Palace.

Kong iisipin mo parang walang problema ang Palace na ito dahil sobrang tahimik. Marami ring mga bata ang naglalaro sa baba at maraming kawal ang mga nakapaligid.

May lumapit sa aking isang kalapati at dumapo siya sa akin.

Pinagmasdan nya ako ng maigi at parang naiintindihan ko ang ibig nyang sabihin. Napatalon ako ng maintindihan ko talaga ang sinasabi nya.

"Ikaw ang isa sa mga magliligtas sa mundo natin. At ako, ako si Amina ang iyong taga pagbantay. Kong saan ka man ay naroon lang ako." napalunok ako sa sinabi ng Kalapati. Ibang iba talaga ang mundong ito kaysa sa mundo ng mga tao. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako?

"Anong pinapagsabi mo na kasama ako sa magliligtas nitong mundo nyo?" Alam ko may powers ako at hindi ko rin naman alam kong paano 'yun gamitin ng maayos. Tsaka mahina ako para maligtas itong mundo nila.

"Isa ka sa mga itinakda, kayong apat lamang ang naiibang kapangyarihan. Maliban sa reyna. Kayo lang ang makakatalo sa Black Enchanted." Wala talaga akong maintindihan sa pinapagsabi nya.

"Hindi ko maintindihan pwede bang ipaliwanag mo simula sa umpisa." Marahan naman siyang tumango sa akin kahit na kalapati pala marunong tumango?

"Nag simula ang lahat ng ito ay 50 years na ang nakakalapas." What the hell? 50 years? Sobra namang tagal non?

"Alam kong maraming tanong sa isip mo. Kong bakit ka kasama sa mga magliligtas ng mundo natin. Kasama ang iyong mga magulang dati sa mga nagligtas din ng mundo natin." Napatigil ako sa sinabi nya? Si mommy and daddy? Pero sila ba talaga ang tunay kong magulang o hindi?

"Walo silang nagligtas ng mundo natin at 30 years silang nakikipagsapalaran para matalo ang mga kalaban. Namatay ang iba sa kanila pero nabuhay ang tatlo. Ito ay walang iba kundi ang mga magulang mo at si Queen Harley." Buhay pa ang mga magulang ko? Pero hindi man lang sila nagpakita sa akin kahit isang beses lang man.

"Kayong apat ang anak nila at kayo ang panibagong magliligtas ulit sa mundo natin. Nabuhay muling si Venum makalipas ng 15 taon na pagkakamatay nya. Pero hanggang lumipas ulit ang limang taon walang paramdam si Venom. Pero alam naming lahat na may binabalak siyang masama. Walang ginawang mabuti si Venom gusto nyang angkinin itong buong mundo ng underworld. Pero kong wala tayong mga White Incantation walang pipigil sa pagsakop nya." White Incantation ba ang tawag sa amin?

"Tanging ang Charhelm lang ang lumaban kay Venom dahil ang ibang nasasakupan nitong mundo natin. Alam na mahirap kalaban si Venom dahil mahihina lang ang mga kapangyarihan nila. Pero dahil sa mga magulang mo sila ang pinaka kakaiba ng kapangyarihan dito sa mundo natin. Dahil nasa kanila ang elemento ng mundo. Kaya nahirapan si Venom at 30 years na naging magulo itong mundo. Akala namin hindi na matatalo pa si Venom pero napatay siya kapalit naman non ang buhay ng mga ibang itinakda." Nakakalungkot naman ng mga nangyari last 50 years.

"Matagal na namin kayong pinapaghanap dahil ang nagligtas sa inyo ang iyong ina at ang kapatid nitong si Aramis. Kaya rin sila nakaligtas dahil sila ang nagligtas sa inyo papunta sa mga tao pero namatay rin si Aramis dahil nasundan kayo ng mga kalaban. Pero para makatakas kayo kinalaingan kalabanin ni Aramis ang mga kalaban at tanging ang iyong ina nalang ang nagdala sa mundo ng mga tao upang kayo ay maligtas." I appreciate my mom effort but I can't understand bakit hindi siya nagpapakita sa akin? Bakit hindi man lang siya nagpakilala.

"Pero na saan ang mga magulang ko? Bakit hindi sila sa akin nagpapakita? Gusto ko silang makita." Nalungkot naman ang mukha ni Amina. Gosh nakikita ko talaga kong paano siya malungkot.

"Dahil sampung taon na rin silang nawawala. Walang nakakaalam kong saan sila at kong may kumuha man sa kanila. Pero nararamdaman ni Queen Harley na buhay pa sila pero hindi namin alam kong anong nangyayari sa kanila." Oh Shit! Ibig sabihin mga magulang ko talagang totoo ang kinalakihan ko sa mundo ng mga tao. Kaya ba hindi na sila nagpapakita sa akin? At tanging ang alam ko lang nasa ibang bansa sila?

Wayne's POV

Bumaba ako at hinanap ang garden na nasa bungad ng palasyo. Sobrang layo ng nilakad pa bago ko marating iyon. Sobrang daming fairy ang lumilipad sa mga bulaklak at tumago pa sila ng makita nila ako.

"Hwag na kayong tumago kita ko rin naman kayo tsaka 'di kaya ako nangangagat pft." Lumabas naman ang mga fairy sa sinabi nya at naka ngiti silang lahat sa akin.

"Marami kaming naririnig tungkol sa inyo na kayo ang itinakda." Sabi sa kanya ng fairy natutuwa ako kasi naiintindihan ko ang mga sinasabi nila. Hindi nga talaga ako normal na tao? Pero kamusta na kaya ang kapatid ko? Si mama okay lang kaya sila? Nakakain na kaya sila?

"Hindi ko nga rin alam kong paano naging kami ang itinakda at isa rin kaming mga Prinsesa." Lumapit naman sa akin ang isang fairy at tumayo siya sa mga kamay ko.

"Dahil ang iyong mga magulang ay isang Prinsipe. Nakakatandang kapatid ni Queen Harley si Aramis at siya ang iyong ama. Pero wala na siya dahil namatay din siya ng iniligtas nya ang mundo natin." Wala akong alam sa totoong mga magulang ko pero nalulungkot ako. Nalulungkot ako sa nangyari sa kanila.

"Bakit siya namatay? Malakas ba masyado ang mga kalaban?" Ang ibang mga fairies naman kanina na naglalaro ay umupo at parang nakikinig sa amin. Umupo ako sa gilid ng fountain. Gusto kong makarinig ng story about sa parents ko.

"Malakas ang mga taga Black Enchanted gumagamit sila ng spell na masama. At hindi sila patas sa pakikipaglaban kaya ang mga magulang nyo nahirapan ng kalabanin sila." Pero bakit? Kong ang mga magulang nga namin nahirapan na sila kalabanin? Ano nalang kapag kami? Wala pa kaming mga alam sa pakikipaglaban.

"Pero paano namin maililigtas itong mundo natin? Hindi nga namin alam makipaglaban at hindi pa kami bihasa. Siguro ang mga kalaban naghahanda nalang sila ng pagsugod dito." Agad naman nagtanguan sa akin ang mga fairy.

"Pero napapag-aralan naman 'yan kaya kailangan n'yo ng mag-aral. Kong hindi lang sana nawawala sila Menerva at Winter matagal na namin kayong natagpuan." Nagtaka ako kong sinong tinutukoy nila.

"Sino sila?" Tanong ko.

"Sila ang mga isa sa itinakda sila ang tumago sa inyo sa mundo ng mga mortal. Pero dahil walang nakakaalam kong saan kayo dinala nila kaya nahirapan kayong ipahanap ng reyna. Sampung taon na silang nawawala at walang nakakaalam kong na saan sila." Marami pa talaga akong hindi alam sa mundong ito kailangan ko na sigurong magbasa ng history dito.

"Sayang naman at hindi namin sila makikilala o makikita man lang. Sana makita na sila or bumalik na sila." Kahit ang mga fairies nalungkot din sa sinabi ko.

"Marami na ngang nakakamis sa kanila isa sila sa mga nagligtas nitong mundo natin. At buti nalang nauna kaming mahanap kayo bago pa kayo nahanap ni Venom." Ang pagkakaalam ko si Venom ang kalaban.

"Bakit nya kami hinahanap?" Papatayin nya rin siguro kami. Psh bakit pa ba kasi nabuhay 'yong lalaking yon?

"Upang patayin dahil alam nya kayo ang susunod na papatay sa kanya. Dahil kayo ang mga anak ng nakapatay sa kanya." Sabi ko na nga ba eh, buti nalang nga talaga nakita na agad kami.

"Bakit ba siya nabuhay muli?" Kanina ko pa sana gustong itanong ito pero nakakalimutan ko.

"Binuhay siyang muli ng kapatid nito sa pamamagitan ng pag-aalay ng dugo. Kailangan nyang pumatay ng isang maharlika sa mundo natin. Upang mabuhay itong muli at nagtagumpay nga siya at nakakuha rin siya ng dugo ng mahal na reyna kaya mas napadali ang pagkabuhay nya." Kaya naman pala. Ngayon naiintindihan ko na pero marami pa akong hindi alam kailangan ko talagang may matutunan. Kailangan makita ko si Leigh para mag kasama kami.

Kong bakit ba naman kasi hiwa hiwalay na kami ng room. Pero okay lang sana kahit hiwalay kami ni Fire and Windy 'wag lang si Leigh. Kahit pa paano close na kaming dalawa.

Pero bigla kong naalala si Hiro? Kilala nya pa ba ako? Hindi siya namamansin eh? Psh! Asar. Meron pa bang kami?

Leigh's POV

Nagtaka ako dahil nandito ako ngayon sa forest ng charhelm at nandito si Xian. Sabagay nandito ang amo nya kaya nandito rin siya at kapatid pala 'yun ni Fire.

Wala man lang akong alam sa mga nangyayari? Masyado akong inosente para sa pagiging Prinsesa at para rin sa mga nalalaman ko.

Ang dami ko pang hindi alam sa mundo na ito. Hindi ko rin alam kong ligtas ba ako dito? 'Yung pinsan ko naman kasing si Hero masyadong snobber hindi man lang ako pinapansin.

"Hey Xian may sasabihin ako sa'yo makinig ka nalang huh?! Hmp wala kasing makausap kasi naman wala naman si Wayne magkahiwalay kami ng room. Ano kayang ginagawa nila ngayon? Tapos ito ako ngayon nandito sa forest tapos kahit isa kang leon hindi man lang ako sa'yo natatakot. Siguro dahil 'yun sa special ability ko. Inaantok na ako Xian iiwan na muna kita dito hapon na rin kasi. Bukas babalik ako at hintayin mo ako, ah." Tumayo na ako at lumakad pero wala pa man ako nakakalayo ng mapahinto ako kasi nakita ko si Jake. Napatingin ako sa kanya pero hindi nya ako nakikita dahil medyo malayo ako sa kanya. At mukhang naka focus siya sa ginagawa nya.

Parang itim na usok ang powers nya at parang bumubuo ito ng isang illusion. Naging itim ang buong paligid nya at nakita kong pawis na pawis na siya. Aalis na sana ako dahil private nya 'yun pero napahinto ako ng nasa likuran ko ang kapatid ni Fire.

Hindi ko na sana siya papansinin ng hawakan nya ang braso ko.

"Remeber tayo ang itinakda at dapat na lalaban sa mga kalaban. We need to practice just beat me one more baby." Wow?! Just wow! Kahit wala pa naman akong alam kong anong meron sa amin. Okay kakalabanin ko itong ugok na ito. May pa baby pa siyang nalalaman.

"Okay, don tayo sa mas malayo!" Napangisi naman siya sa akin.

"Gusto mo talaga ng malayo no? Pft para makapag solo tayong dalawa." Inirapan ko siya at binilisan ko ang paglakad ko. Nakakainis naman nitong lalaki na ito.

Nandito na kami sa gitna ng gubat. Sabi naman ng Reyna okay lang kahit saan kami pumunta wag lang kaming lumabas ng charhelm. Hindi pa naman kami nakakalabas nito dahil nasasakupan pa ito ng Charhelm.

"Ano bang ability mo?" Kapatid nya naman si Fire ibig sabihin apoy rin.

"Light," light? Paanong naging light ang ability nya?

"Light how?" Sabagay ang apoy nagbibigay liwanag rin naman yun.

"Isn't it's obvious? Apoy si Fire and I am a Light." Yabang talaga nito at ang sungit. Inirapan ko naman siya sa sinabi nya.

"Ganito walang ability na gagamitin tanging self defense lang." Sagot ko sa kanya at agad naman siyang tumango at napangisi.

Yabang talaga nito kahit kailan.

Una akong sumugod sa kanya at sisipain sana siya pero nakailag siya at siya naman ang tumira. Aapakan nya sana ang paa ko pero hindi nya nagawa susuntukin ko rin sana siya pero nahawakan nya ang kamay ko. Babalibagin ko sana kaya lang ang bigat ng kamay nya.

Pin-wersa ko siya at nabitawan nya ang kamay ko at umikot ako patalikod at sinipa ang binti nya.

Ngumiti naman ako sa kanya ng nakakaloko ng matumba siya.

Maglalaban pa sana kami kaya lang dumating si Xian at naintindihan ko ang ibig nyang sabihin. Kailangan na raw naming bumalik sa Palace dahil pinapaghanap na kami.

"Easy to beat." Pang-aasar ko kay Llyod habang naglalakad kami pauwi. Halata sa mukha nya ang inis at ako naman natatawa sa reaction nya.

Nakarating kami sa Palace na hindi man lang umimik si Llyod.

****