Chereads / I Claim You MINE / Chapter 2 - Prologue

Chapter 2 - Prologue

Biglang nagising si Aling Lucy sa pagkakatulog ng marinig niya ang kanyang panganay na anak na si Glenda na umiiyak. Bumangon siya at lumapit sa bata para tanungin kong napano ito at kung ano ang nangyari bakit siya umiiyak.

"Anak! Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo? Sabihan mo si mama?" Nag aalalang tanong ni Aling Lucy sa 7 taong gulang na batang si Glenda.

"Ayoko pong mag asawa, ma". Biglang sagot ng batang si Glenda habang humihikbi at pinapahid ang mga luhang maragasang dumadaloy sa kanyang pisngi.

Biglang niyakap ni Aling Lucy ang bata sabay hagod sa kanyang likod.

"Bakit mo naman nasabi yan anak? Hindi ka naman mag-aasawa pa kasi ang bata mo pa." Pag aalo ni Aling Lucy sa batang sige parin sa pag iyak. Parang nadudurog ang kanyang puso tuwing nakikita niya ang kanyang mga anak na umiiyak. Bilang ina, mas masakit yun para sa kanya.

" Eh, kasi po diba kapag mag-aasawa kana ay hihiwalay kana sa magulang tapos dadalhin kana ng asawa mo po sa malayo?". Humihikbi paring turan ng batang si Glenda sa kanyang butihing ina.

Si Glenda ay may kapatid pa na isa na lalaki, si Shane. Si Shane ay limang taong gulang naman at dalawang taon lamang ang kanilang agwat.

Para tumahan ang batang si Glenda, ay pinaliwanag ni Aling Lucy ang ibig sabihin noon. Ayaw niyang sa murang edad ng kanyang anak ay tumatak na dito ang takot na balang araw ay hihiwalay ito sa kanila. At gusto lang niya sa ngayon ay ang ma enjoy ng mga bata ang buhay bata ng walang inaalala.

Mahirap man sa buhay ay naitataguyod naman nila Aling Lucy at Mang Nestor ang magkapatid.

Si Aling Lucy ay isa lamang mabuting maybahay. Samantalang si Mang Nestor ay nagtatrabaho bilang isang guard sa isang kompanya. Kahit papaano ay natutustusan din naman nila ang pangangailangan ng mga bata sa paaralan at sa kanilang pang araw araw na gastusin.

Si Glenda, sa murang edad ay may plano na sa buhay. Gusto niya na makatapos ng pag-aaral na maiahon sa kahirapan at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Marami siyang pangarap na balang araw ay unti unti niyang tutuparin iyon...para sa kanyang mga mahal sa buhay.

*******

😊👍