Chereads / I Claim You MINE / Chapter 5 - Chapter 3

Chapter 5 - Chapter 3

Third person POV

Pagdating sa apartment ay dala dala parin ni Glenda at inis sa mapangahas na lalaking yon.

"Ang kapal talaga ng pagmumukha ng gunggong na yon! Gago siya!". Nagpupuyos sa galit na turan niya sa sarili habang tinatanggal ang kanyang uniporme at sabay lagay sa mga gamit na hawak hawak niya.

"Oh, bakit nakabusangos na naman yang mukha mo? Ano bang nangyari sayo?". Nagtatakang tanong ng kaibigan niyang si Kate.

"Eh paano ba naman kasi hindi ako magpupuyos sa galit kung dinaanan ka ba naman ng pagkasama samang panahon na may kasama pang ipo ipo". Paliwanag pa ni Glenda.

"Teka,teka nga lang? Kwentuhan mo nga ako ng mabawasan yang bigat dyan sa dibdib mo!". Naguguluhang pagpapakalma parin ni Kate sa kaibigan.

At para mabawasan nga ang inis ni Glenda ay kinuwento niya ang lahat lahat sa kaibigan.

"Really? Ang gwapong hot na investor ng school siya yung naka banggaan mo rin dati? Wow! Friend...destiny talaga!" Kinikilig na hiyaw ni Kate sa kaibigan.

"Anong destiny yang pinagsasabi mo? At tsaka never akong magkakagusto sa lintik na gunggong na iyon ano? Bastos pa!". Hindi parin maawat awat na inis ni Glenda sa binata.

"Alam mo friend, baka lunukin mo yang sinabi mo pagnagkataon.". Paalala ni Kate sa dalaga.

"Ay naku! Hinding hindi ako magkakagusto doon and that is final!". Paninigurado kong sabi kay Kate na ngingiti ngiti parin.

"Huwag kang magsalita ng patapos friend, hindi natin alam ang panahon. Ika nga sa kasabihan diba! " the more you hate, the more you love!". Paliwanag pa nito sa kay Glenda.

Bigla nalang napa "tssk" si Glenda sa tinuran ng kaibigan. At derederwtsong pumasok sa banyo ng makapaligo. Pagkatapos maligo ay bumaba siya at tinulungan ang kaibigan sa paghahanda sa kanilang dinner.

"So, friend maiba ako.talaga bang sure kana na hindi mo na ererenew ang contract mo dito at babalik kana sa pinas? Eh nanghihinayang pa naman ang lahat sayo lalo na ang boss natin". Pag iiba ni Kate sa usapan.

"Oo nakapag desisyon na ako, tatapusin ko nalang itong buwan na ito. Kakailanganin na din kasi ako ng mga magulang ko doon, lalo na matatanda na sila. Tsaka tama na siguro ang 2 taon na pagtatrabaho ko dito. Tsaka meron narin ako inapplyan na paaralan na pagtuturuan ko. Inaantay nalang ako na matapos dito at makauwi. As in fixed na ang bago kong pagtuturuan.". Pagpapaliwanag ko kay Kate.

"Mamimiss kita friend, baka nga hindi rin ako magtatagal dito at susunod agad ako sayo". Paninigurado ni Kate sa kaibigan.

"Basta magsabi ka kapag pauwi kana para masundo kita sa airport huh?". Ngiti kong turan sa kaibigan ko sabay yakap sa kanya.

Honestly, ready na talaga ang lahat para sa akin sa pagbabalik ko sa pinas. Pati ang papasukan kong paaralan, ang RJE University. Pag aari daw ito ng isang sikat na sikat na tao sa buong mundo dahil sa angking talino sa pagnenegosyo. At dahil sa batambatang edad ay Bilyonaryo na.

Pagkatapos kumain ay nagpasya kaming manuod muna ng palabas ng kaibigan ko. Isang oras lang ang nakalipas ng makaramdam ako ng antok na. Nauna akong umakyat sa kwarto kesa sa kaibigan ko.

Pagladating sa kwarto ay agad nagring ang phone ni Glenda. Si mama niya pala ang tumawag.

"Hello ma, kumusta po kayo jan?!". Unang bati ni Glenda sa kanya.

"Mabuti naman anak, ito namimiss kana namin. Inaantay na namin ang pag uwi mo." Masayang sabi ng mama ng dalaga. Hindi maitatago ang saya at pagka miss sa dalaga.

"Malapit na po ma, huwag kayo mag alala". Pagbabalita ni Glenda sa ina.

"Oh siya sige anak...magpahinga kana at tatandaan mo na lagi ka mag iingat dyan". Paalala ng nanay ni Glenda.

"Opo, kayo din dyan. Ikumusta niyo nalang ako kay papa at Shane." Pagtatapos ni Glenda sa usapan. Sabay lapag ng kanyang mobile phone sa table na malapit sa kanyan higaan.

***********

Hindi parin makapaniwala si Rob na makikita parin niya ang dalagang naka ingkwentro niya noong nakaraang araw. At ang nakakainis pa noon ay mas lalo pa yata nadagdagan ang galit ng dalaga sa kanya. Paano ba naman kasi hindi niya mapigilan ang sarili hueag itong halikan habang panay ang dakdak sa kanyang harapan. Pero imbis na marindi siya sa sinasbai nito ay parang musika pa ito sa kanyang pandinig kaya naman hindi niya maiwasan na mas lalo itong inisin tuloy.

Nararamdaman na naman niya ang biglang pagtibok ng kanyang puso. Sabay himas sa kanyang labi na kanina lang ay nakalapat sa labi ng dalaga. Nangingiti parin siya sa alaalang hinalikan niya ng mapangahas ang malambot na labi ng dalaga. Hindi din nakaligtas sa kanyang mga mata kanina ang animoy kamatis na pisngi ng dalaga dahil sa pamumula gawa ng paghalik niya rito.

"Philip! Arrange my flight going to U.S then going back to Philippines. I need to visit my parents first before I head back to Philippines.". Tawag ng binata sa kanyang right hand/bestfriend sa Pilipinas.

Usually, habang nandito kasi siya sa ibang bansa for some important matters ay si Mr. Philip Navarro ang inaatasan niya lagi sa pagpapatakbo ng kompanya sa Pilipinas.

"Noted bro. So, ibig bang sabihin niyan eh magparty tayo pagdating mo?!". Aniya sa kabilang linya.

"Alright! Just have some fun, I will hang up now". Pagtatapos ni Rob sa tawag. Sabay lapag sa table ng kanyang phone at humiga na sa kama.

Total na settle na ang bagong project na ininvesthan niya ay aasikasuhin naman muna niya ang mga naiwang trabaho sa kompanya niya. It's been nearly a month narin siya nandito sa Dubai.

Maya maya pa ay biglang sumagi sa isip ang mukha ng dalaga. Bakit parang namimiss niya ito. Ayaw pa sana niyang bumalik sa Pilipinas ng maaga pero hindi pwede kailangan na siya doon.

Nasisiguro naman niya at pinapangako sa sarili na hindi ito ang huli nilang pagkikita ng dalaga. At sa panahon na yon, sisiguraduhin niya na maganda na ang kahihinatnan nito.

"Just wait for me sweetheart!". Bulong ni Rob sa sarili sabay hikab at maya maya pa ay nakatulog sa siya ng mahimbing. Siguro dahilan sa pagod nitong mga nakaraang araw.

_____________________________________