Hapon na ng matapos si Glenda sa pagtuturo. Agad siyang nag impake ng kanyang mga gamit at nilock ang pinto ng room bago tuluyang nilisan at mag abang ng taxi pauwi. Binati pa siya ng guard at tinanong kung kailangan ba niya ng taxi.
Akmang tatawag na sana ito ng taxi ng may biglang huminto na sasakyan sa tapat niya at niluwa noon ang mukha ng binata.
"Get in!". Utos nito sa kanya.
Alanganin pa sanang gumalaw si Glenda pero nakita na niyang parang nanlilisik ang mga mata ng binata. Kaya mabilis siyang pumunta sa kabilang pintuan ng sasakyan at agad na sumakay.
Bahala na. Yun nalang ang tanging naisa isip ng dalaga bago tuluyang makapasok sa naturang sasakyan.
"What take you so long?". Walang emosyong tanong sa kanya ng binata.
Bigla siyang nairita sa tanong nito. Akala mo naman eh pinag aantay siya.
"Hoy Mr. Echeverry!...".hindi na natapos na sasabihin no Glenda dahil hinarang na siya ng halik ng binata.
"Its Rob!". Pagtatama ulit nito sa dalaga.
" Rob na kung Rob!". Naiiritang sagot naman ng dalaga.
"Anong bang pinagpuputok ng botse mo,huh?". Tanong pa ulit ng dalaga sa lalaking nagmamaneho.
"Haven't I told you that I will wait for you? Look what time is it now? Don't you know that I waited for more than 3 hours already?". Hindi mapigilang bulalas ng binata na ikinainis masyado naman ng dalaga.
" For your information Mr. Echeverry...hindi ko po sinabi sa inyong hintayin ninyo ako, ano ho? At para malaman niyo na kahit kayo pa ang may ari ng skwelahang ito ay hindi ko kinukunsente ang mga wala namang kwentang bagay.". Matapang na sagot naman ni Glenda sa binatang parang akala mo gusto ng pumatay sa talim ng mga matang ipinukol sa kanya.
Maya maya pa ay biglang pinaharurot ng binata ang sasakyan.
"Mr. Echeverry...dahan dahan naman sa pagmamaneho. Gusto mo bang magpakamatay, huh?". Sigaw ni Glenda na ngayon ay nakakapit na sa pintuan ng sasakyan.
"Mr. Echeverry!!!!...Robbbb!!!ano ba? Ihinto mo ang sasakyan!". Nanginginig ng sigaw ng dalaga sa kanya.
Pagkarinig sa sinabi ng dalaga, saka palang binagalan ni Rob ang sasakyan.
"Kung gusto mong magpakamatay, magpakamatay kang mag isa mo at wag mo akong idadamay sa kalukuhan mo!!". Litanya ng dalaga sa binata.
Biglang ihininto ng binata ang sasakyan sa gilid ng daan.
"Am sorry!". Yun lang at hinalikan na naman siya ng binata. Halik na nakakaliyo at banayad. Hindi yung halik na mapag parusa.
Kusang tumugon si Glenda sa paghalik. Maya maya pa'y huminto na sila ng kapwa pangapusan ng hininga. Walang ni isa man sa kanila ang nangahas na nagsalita.
Pinakiramdaman nila ang isa't isa..hanggang sa....
"I'm sorry/Sorry!". Magkapanabay na sabi nila sa isa't isa.
Ilang sandali pa silang huminto ng mamaya pa ay sinimulan ulit paandarin ni Rob ang sasakyan.
"Nagugutom kana ba?". Kapagkuway pukaw sa kanya ng binata.
Bigla siyang napalingon dito. At tumingin naman ito sa kanya.
"I'm hungry, so we have to eat firt before I drop you off to your house!". Sunod na sabi ng binata sa kanya.
Napatango nalang siya, at hindi na umimik hanggang sa makarating sila sa isang restaurant. Agad naman lumapit sa kanila ang isang waiter ng makaupo na sila.
Binigyan sila agad nito ng menu at saglit umalis. Maya maya pa ay nakita ni Glenda na bumalik ulit ito. At this time, ay binigay na nila ang inorder nila. Tahimik silang kumakain dalawa.
*****
Mahigit kalahating oras din ang byahe nila ng marating nila ang bahay ng dalaga. Akmang bubuksan na sana niya ang pinto ng biglang kinuyumos na naman siya ng halik ng binata.
"Ikaw Mr. Echeverry huh, nakakarami kana talaga huh?". Panenermon ng dalaga nito.
"Tskk! That' s your punishment for making me wait that long today!". Sabi nito sabay kindat sa kanya.
"Aba't!.....u.hhmmmmm!!!". Magsasalita pa sana siya ng isa pa ulit na halik ang iginawad nito sa kanya. This time ay mas matagal at banayad ang halik nito.
Kung hindi pa pinutol ng binata ang mismong halik ay baka makalimot na naman sana ang dalawa sa huwesyo.
"Have a good night sleep!". Aniya sa dalaga at tuluyang pinakawalan siya at lumabas na ng sasakyan.
Inaantay muna niyang maka alis ang binata bago magpasyong pumasok sa loob. Nagtatanggal na siya ng kanyang heels ng biglang may nagsalita sa kanyang likuran.
"Ahmm...sino yung naghatid sayo ate?" Tanong sa kanya ng kanyang kapatid na si Shane.
"Ah...eh...kaibigan ko!". Tipid na sagot niya sa kapatid. At tuluyang binaklas na ang kanyang heels na suot.
"Ang astig ng kaibigan mo ah! Ang angas ng dating ah! Baka naman manliligaw mo yun ate huh, hindi ka lang nagsasabi!". Pambubuska nito sa kapatid.
Inirapan ni Glenda ang kapatid at tuluyang pumasok sa loob. Sinalubong naman agad sila ng kanyang butihing ina. At iginiya sa kusina ng makapaghapunan na.
"Ma, hindi na po ako kakain, busog pa ho ako!". Tawag niya sa mama niya sabay panhik na sana sa ikalawang palapag sa kanyang kwarto.
"Ma, busog pa kasi yan si ate dahil kumain sila ng ka-ibigan niya sa labas!". Tatawa tawang turan ng kapatid sa kanilang ina.
Pinanlakihan niya ito ng mata at tuluyan na siyang pumasok sa kanyang kwarto.
Naghanap siya agad ng damit pantulog para makapag shower at makapagpahinga ng maaga. Masyadobg maraming nangyari ngayong araw na ito.
Pumasok na siya sa banyo at naligo. Pagkalabas ay agad namang tumunog ang phone niya. At ng tingnan niya ito ay ang kaibigan pala niyang si Kate.
"Hello!". Sagot niya sa kabilang linya.
"Oy, friend, kumusta kana? Namiss na kita sobra!". Rinig niyang sabinsa kanya ng kaibigan.
"Miss din kita Kate, so ano kelan ka babalik dito? Tamang tama meron pang vacancy dito.!". Dagdag niyang turan sa kaibiganm
"Tamang tama, nagfile na rin ako ng termination contract and guess what?!".pambibitin pa ng kaibigan sa kanya.
"Ano?"..medyo excited na sabi niya. Naexcite narin siya sa sasabihin nito.
"I will be there within this week to friend.....!!!!" Masayang pagbabalita ng kanyang kaibigan.
"Talaga! Sige ipasa mo agad sa email ko ang resume mo para ako na mismo ang magpasa dito para sayo." Biglang sabi niya sa kabilang linya.
Tuwang tuwa naman angbkaibigan niya. Sa wakas ay magkasama parin sila sa trabaho soon.
"Sige friend...salamat...I love you and I miss you friend! Muuwaahh!!". Dinig niyang sabi ng kaibigan.
Matagal pa silang nag usap ng tuluyang ng ibaba at pinatay ang tawag. Sakto naman ibababa na na sana ang kanyang phone ng may message na nag pop in sa screen niya. Akala niya ay message ng kaibigan.
Pero unknown number ang nakalagay.
" Thank you for today" ....
"Have a goodnight sweetheart!"
Isa lang ang sumagi sa isip niya, ang binata. Pero paano niya nalaman ang number niya?
Tinulugan nalang niya ang katanungang iyon.
_______________________________________