Chereads / I Claim You MINE / Chapter 14 - Chapter 13

Chapter 14 - Chapter 13

Kinabukasan maagang nagising si Glenda. Dali dali siyang naligo at nag ayos ng mga dapat kakailanganin. Mamaya pala ay susunduin niya ang kaibigan. Mamaya pala ang dating nito at kailangan niyang pumunta sa airport para sunduin ito.

Pagbaba niya sa hagdanan ay naabutan niya sa kusina ang kanyang mga magulang at kapatid na nag aalmusal.

"Oh Glenda, anak hindi kaba muna mag aalmusal?" Tanong ng kanyang mama.

"Hindi na po, sa canteen nalang ako kakain malalate na po ako!". Sabi niya sabay halik sa mga ito.

Ang kapatid naman niya ay mamaya pa ang pasok non...isa siyang accountant sa isang kilalang banko.

Dali dali siyang lumabas ng bahay. Saktong pagkasara ng gate nila ay siya namang pagkakita niya sa sasakyan ng binata. Agad itong lumapit sa kanya at siniil siya ng halik.

" Bakit andito ka?". Takang tanong ng dalaga dito.

"As usual ihahatid naman kita papasok!". Sabay akay nito sa kanya papasok sa sasakyan.

"Rob, baka makita ka ng mga magulang ko magtaka yun sila!". Turan ng dalaga.

" Eh di maganda...para makilala na nila ang mamanugangin nila!". Sabay kindat sa kanya...at inumpisahang paandarin ang sasakyan.

Hindi nalang siya nagkomento po. Kahit anong sabi mo naman dito ay pihadong hindi rin ito makikinig sa kanya at susundin parin kung alin ang alam niyang gusto niya. Yan ang nalaman niya sa binata sa mga time na kasama niya ito.

Itutulak na niya sana ang pintuan ng sasakyan ng marinig niyang nagsalita si Rob.

"I don't wanna see you with another man!". Yun lang ang binitawan na siya nito kapagkuwan ay hinalikan na naman siya sa mga labi.

"Tsssk! Possessive masyado!" Napa smirk nalang siya sa tinuran ng binata sa pihit sa pintuan.

At dahil maagang pumasok ang dalaga ngayon ay naisipan muna niyang pumunta sa canteen at doon magbreakfast. Agad siyang pumunta sa counter at magbabayad.

Saktong kukunin na sana niya ang wallet niya ng bigla itong nahulog. At bago pa man niya nadampot iyon ay may mga kamay na biglang kumha non. Pag angat niya ng mukha ay pares ng mga mata ang sumalubong sa kanya.

"Hi!". Bati sa kanya ng lalaki.

"Hello! Thank you!". Sabay kuha niya sa wallet na hawak hawak ng lalaki.

"Ako nga pala si Christian. May I know your name?". Pagtatanong niya sa pangalan ng dalaga.

"It's Glenda". Ngiting sabi niya sa lalaki.

"Nice name, dito kaba nagtatrabaho?". He is referring to the University.

"Oo, bagong pasok lang ako dito." Paliwanang niya.

"Ah,, parehas pala tayo....dito rin ako nagtuturo, Psychology ang tinuturo ko." Nakangiting sabi ng binata sa kanya.

Pagkatapos niyang makuha ang mga inorder niya ay pumunta na siya sa upuan na bakante.

"Mine if I join you!?" Maya't maya'y tanong ng binata sa kanya.

Agad naman niya pinaunlakan iyo total siya lang naman ang nakaupo doon. Habang kumakain ay masaya silang nagkwentuhan sa mga iba't ibang bagay.

At napag alaman din niya na matagal na din pala talaga dito nagtuturo ang binata. Limang taon narin siya nagtuturo ng Psychology dito.

Pagkatapos kumain ay nagpasya na silang umalis. Habang naglalakad papuntang skwelahan ay may pares ng mga matang nakasunod sa kanila. Pinalinga linga niya ang sarili pero wala naman siya makita.

Nagkibit balikat nalang siya sa isiping iyon. Maghapong babag sa pagtuturo si Glenda. At dahil ngayon ang araw na susunduin niya ang kaibigan sa airport ay agad siyang umalis ng school. Total naipag paalam naman niya ito sa Dean dati pa.

Lulan ng taxi ay nagpunta siya sa airport. Mahigit 45 minutes din ang inabot nila bago makarating dahil may traffic.

Hindi rin nagtagal ay narinig na niya ang boses ng kaibigan.

"Friend!" Tawag nito sa dalaga.

Dali daling tumakbo si Kate para yakapin ang kaibigan.

"Kumusta ang byahe?". Tanong niya sa kaibigan. Sabay hug dito.

"Eto okay lang naman. Namiss ko na ang Pins friend!" Tuwang tuwang sabi niya na gumanti ng napakahigpit na yakap sa kanya.

"Oh siya, siya tara na at ng maihatid muna kita sa hotel mo." Biglang akay ng dalaga sa kaibigan.

Habang lulan ng sasakyan ay masaya silang nagkukwentuhan ng kaibigan. Sinulit nila ang mga time na hindi sila magkasama nito.

Maya maya pa ay nakarating narin sila sa hotel na inuukopa nito. Tinulungan niyang dalhin ang mga gamit ng kaibigan. Saktong natapos naman agad agad.

"Friend kain muna tayo sa baba, nagugutom na kasi ako!" Aya ng kaibigan ni Glenda.

"Sige, gutom narin naman ako!". Pagsang ayon naman niya sa kaibigan.

Sabay silang lumabas ng room. Dito nalang sila sa restaurant dito sa baba ng hotel na ito. May kilalang restaurant naman dito.

Saktong pagpasok naman nila sa restaurant na pakay ay siya namang paglabas ng taong kilala ni Glenda at may kasama pang babae na todo kung makalingkis sa kanya.

Biglang natigilan ang lalaki.

"Come on! Rob!!!" Maarteng turan ng babaemg kasama nito.

"Fuck!" Tanging nasambit ng binata.

Biglang nagtama ang kanilang mga mata. Biglang naikuyom ni Rob ang kanyang mga kamay.Hindi alam ni Glenda kung saan ibabaling ang kanyang paningin. Alam niyang titig na titig ang binata sa kanya. Derederetso lang sila ng kaibigan sa loob.

Samantala, napansin pala ni Kate ang biglang pagtahimik ng kaibigan.

"Friend, hindi ba si Mr. Investor yun yung nakasalubong natin? Yung sa Dubai?". Paniniguro niyang tanong sa kaibigan.

"Ah eh!..oo!" Yun nalang ang tanging sagot niya sa tanong ng kaibigan.

Habang kumakain ay walang imik si Glenda. Inaalala parin niya ang tagpong kani kanina lang. Ang sakit para sa kanya. Akala niya ay totoo ngang seryoso sa kanya ang binata. Yun pala ay meron palang kinakalantaring iba.

Matapos kumain ay agad na din siyang nagpa alam sa kaibigan na uuwi para makapag pahinga narin ito. At total weekend naman ngayon kaya may oras pa ang kaibigan na ayusin ang para sa kanyang pag pasok sa trabaho ss lunes sa mismong pinapasukan niya.

Sobrang nakaka stress ang araw na ito para sa dalaga. Dagdag pa yung nakita niya kanina sa restaurant. Ewan niya, pero may nararamdaman siyang sakit...at biglang may tumulong luha sa kanyang mga mata.

Dali dali siyang umakyat ng kwarto at doon pinakawalan ang mga luhang kanina pa panay agos sa pisngi niya.

Ang sakit, sobrang sakit. Ganito pala kapag nagmahal at masasaktan lang. Akala niya totoo ang lahat ng pinapakita ng binata sa kanya. May mahal pala itong iba. Hindi parin maawat awat ang mga luhang kanina pa masayang lumalandas sa pisngi niya.

Nakatulugan nalang ni Glenda ang pag iyak. Kinabukasan ay mugto ang mga matang bumangon siya at naghilamos.

Pagkakain ng almusal ay pupuntahan niya ulit ang kaibigan. Eksaktong isasara na niya ang gate ng kanilang bahay ng makita niya doon ang binata. Pilit niyang ignorahin ang presinsiya nito pero bigla siya nitong tinawag sabay hawak sa braso.

"Sweetheart! Let me explain!" May pagsusumamong tawag sa kanya ng binata.

"Bitiean mo ako Mr. Echeverry! Wala kang dapat na eexplain dahil walang tayo!" Matigas na saad ng dalaga na ikinatiim bagang ng binata.

"Please, makinig ka sakin...ang nakita mo sa restaurant kahapon ay mali yun. Kaibigan ko lang si Athena...nagpasama lang yun sakin!" Dagdag pa nito sa kanya.

"Pwede ba tigilan mo na ako? Pareparehas lang kayong mga lalaki...mga sinungaling!" Galing na turan ng dalaga sabay hiklas sa braso nitong kanina pa hawak ng lalaki.

"Dammit! Sweetheart...makinig ka naman sakin oh!" Ayaw parin paawat na sabi ni Rob. Pilit na niyayakap siya.

"Umalis kana Rob at ayoko ng makita pa pagmumukha mo! Magsama kayo ng hitad na babaeng yon.!" Yun lang at mabilis na niyang iniwan ang binata.

Sobrang sakit ng ginawa nito. Binigay na niya ang kanyang sarili dito dahil akala niya ay totoo ito sa mga pinapakita niya sa kanya. Yun pala ginagawa lang pala siya nitong latuan.

Hilam ng luhang lulan siya ng taxi papunta sa kaibigan. Bigla niyang pinahid iyon para hindi malaman ng kaibigan ang nangyari.

Hanggang sa matapos niyang tulungan ang kaibigan sa mga dapat asikasuhin nito ay pansamantalang nakalimutan ni Glenda ang sariling problema.

________________________________________