Chereads / I Claim You MINE / Chapter 15 - Chapter 14

Chapter 15 - Chapter 14

Habang abala si Glenda sa kanyang mga sinusulat sa school ay biglang nakaramdam siya ng pagkahilo. Dahan dahan niyang minamasahe ang kanyang ulo sa pagbabaka sakaling mawala din agad agad. Marahil ay dahil sa kulang siya lagi sa tulog.

Mag iisang buwan naring hindi nagpapakita sa kanya ang binata. Sa isip niya tama nalang din iyon para makalimutan niya ito agad agad. Sobrang masakit ang ginawa nito sa kanya.

Tatayo sana si Glenda para uminom ng tubig ng bigla na naman siyang nahilo at ngayon ay matindi na. At anumang sandali ay tuluyan siyang matumba.

Hinintay na lamang niyang kusang lumagapak ang kanyang katawan sa semento. Nang bigla nalang may sumalo sa kanya at biglang nagdilim ang kanyang paningin.

****

Sa isang banda, ay nandito sa bar si Rob kasama ang kainigan na si Philip. Nakakailang tungga na siya ng alak. Mag iisang buwan narin niyang hindi nakikita ang dalaga. Miss na niya ito.

"Pre! Lasing kana...tara ihahatid na kita!" Sabinng kaibigan sa kanya. Pero hindi siya nito sinagot at bigla nalang tumungga ng isa pang alak.

"Sh..oo..brang s.h.akit  pare! Bakit ayaw niya a.a.akong pak.kinggan, huh?" Lasing na turan ng binata sa kaibigan.

"Hayaan mo muna siya, maaayos niyo din yang ptoblema niyo, pero huwag sa ganitong paraan. Kung gusto mong bumalik siya sayo! Ayusin mo ang sarili mo, hindi tung lagi ka nalang naglalasing!?" Sermon ni Philip sa kanya.

Awang awa si Philip sa kaibigan, simula ng mangyari ang insedenting iyon ay hindi na siya kinausap ng dalaga at hindi pinakinggan lahat ng paliwanag niya.

******

Nagising si Glenda na puro puti ang pintura ng kwarto. Pinalinga linga niya ang kanyang mga mata at napagtanto niyang ospital pala ito. Akmang babangon sana siya ng may kamay na pumigil sa kanya. Pag angat niya ng tingin ay si Christian pala.

"Huwag ka munang magpupumilit bumangon, makakasama sa baby mo!". Agad na sabi ng  binata sa kanya.

Maya maya pa ay narinig niyang bumukas ang pinto at iluwa noon ang doctor.

"Congratulation Ms. Montaner. You are 3 weeks pregnant.!" Bungad sa kanya ng doctor.

Parang bomba iyong sumabog sa kanyang utak.

.....you are 3 weeks pregnant!!!....

Hindi niya alam kung ano ang gagawin gayong buntis siya.

Pinayuhan siya ng doctor kung ano ang mga dapat gawin at binigyan din siya ng resita ng mga vitamins para sa malakas na pagkapit ng baby. Tanging tango lamang ang naisagot ng dalaga.

Inalalayan siyang makabangon ng binata. Total pwede naman na daw siyang makauwi. Hinatid narin siya ni Christian hangga sa kanilang bahay.

"Thank you nga pala Christian huh, kung hindi dahil sayo baka kung napano na ang baby ko!". Pagpapasalamat ng dalaga sa binata.

"Walang anuman iyon!" Ngiting sabi ng binata habang nakatutok sa daan.

"Ahmm...Glenda kung hindi mo sana mamasamain...itatanong ko lang sana kung sino ang ama niyang dinadala mo!". Nag aalalang tanong ng binata kapagkuwan.

Tiningnan muna ni Glenda ang binata at bumuntong hininga at kinuwento ang lahat lahat sa binata.

"Alam mo, ng kaibigan lang Glenda...mas mabuti sigurong ipaalam mo din sa kanya ang kalagayan mo!". Suhestiyon ng binata sa kanya.

"Hindi kasi madali yang sinasabi mo Christian, at ayokong ipagsiksikan ang sarili ko sa taong hindi ako pinahalagahan. Makakaya ko namang buhayin ang baby ko ng mag isa!" Paliwanag niya at pinipigilan ang pagpatak na naman ng luha niya.

"Kung kailangan mo ng tulong andito lang ako!" Maya maya ay sabi nito sa kanya.

Tanging ngiti lang ang isinagot niya sa binata. Agad naman silang nakarating sa bahay nila Glenda. Pagkababa niya ay nakita agad siya ni Rob na nag aabang na pala sa labas ng bahay nila.

At ng makita siya na may kasamang lalaki ay biglang nandilim ang kanyang paningin at sinugod ng suntok ang lalaki.

" Rob!!! Ano ba? Tigilan mo nga yan? Awat niya sa binata na susuntukin na naman sana si christian.

Biglang dinaluhan ng dalaga si Christian. Tinulungan niya itong makatayo.

"Get away from my woman!" Matigas at nagngangalit na sabi ni Rob sa nakahandusay na binata. Putok ang labi nito.

" Pwede ba Rob, tumigil kana! Umalis kana dito. Magsama kayo ng babae mo!" Turan ng dalaga sa kanya.

"Gago ka Mr. Echeverry! Pagkakamali mong niluko mo ang babaeng ito.!" Pinilit na tumatayo si Christian.

"Dammm...!" Pagkarinig sa sinabinng lalaki ay biglang nag init ulit ang ulo ng binata at dinalubong ang lalaking putok ang labi.

Sinuntok pa niya ito ngbilang beses. Inawat ni Glenda ang dalwang lalaki pero tila wala silang narinig mula sa dalaga. Hinang hina na si Glenda at parang matutumba na naman siya sa pagkahilo. Huling tawag niya kay Rob bago siya babagsak sa semento.

"R.o.oo.b.b.b!!!!!". Nanginginig na tawag ni Glenda at unti unting nawalan ng malay.

Sakto namang napabaling ang binata sa gawi niya at nakita niyang anumang sandali ay babagsak ito. Hindi siya nagdalawang isip na takbuhin ang kinaroroonan ng dalaga.

Bago paman sumayad ang katawan ng dalaga sa semento ay nasalo na siya ng binata. Agad siyang binuhat at pinasok sa bahay.

"If anything happen to her, I will kill you!" Yun lang at iniwan na ni Rob si Christian at agad na kumatok sa bahay ng dalaga.

Nakita niyang pinagbuksan siya ng may edad na babae. Hinuha niya ay mama ito ng dalaga. Pagkakita sa walabg malay na dalaga ay agad niyang niluwagan ang pinto.

"Anong nangyari kay Glenda, anong nangyari sa anak ko?" Alalang tanong ng mama ng dalaga.

" Huwag po kayong mag alala!" Pagpapakalma ng binata sa nag aalalang ina.

Maya maya pa ay may tinawagan ang binata. Ilang minuto ang lumipas ay dumating ang tinawagan niya.

*******

Nagising ang dalaga na nasa sariling kwarto. Sapo sapo ang ulong babangon na sana ng maramdaman niyang may mga braso na nakadantay sa kanyang tiyan.

Napagawi siya sa may ari ng braso na iyo at nakita niyang si Rob ang nakapikit habang nakadantay ang kanyang braso sa tiyan ng dalaga.

Malaya niyang pinagmasdan ang mukha ng binata. Napaka amo nito kapag nakapikit. Pero nababakas niya ang panlalalim ng mga mata nito at ang medyo haggard na dating nito. May kung anong kirot ang naramdaman niya para sa binata.

Sobrang namimiss na niya ito. Hindi niya namalayan na hinahagod na pala ng kanyang kamay ang mukha ng binata. Biglang tumulo ang kanyang luha at bigla rin niyang pinahid ito. Niyugyog niya ang binata.

"R.o.bbb!" Gising ng dalaga sa nakapikit na binata.

"Hmmm!" Tanging ungol lang ang sagot nito. At mas lalo pa hinigpitan ang pagkakahawak ng kanyang braso sa dalaga.

Tinapik tapik niya ang binata para mas lalong magising ito.

_______________________________________