Bahagyang napakislot si Rob ng maramdamang may tumatapik sa kanya. Pupungas pungas na nagdilat siya ng mga mata.
"Hi sweetheart! May masakit ba sayo!?" Tanong agad nito sa kanya.
"Anong nangyari sakin, bakit andito ka at bakit andito na ako sa loob ng kwarto ko? Diba kanina ay nasa..." biglang hinalikan siya ng binata dahilan para maputol ang sasabihin pa sana niya.
" Muntikan ka ng matumba ng nahilo ka, buti nalang at nasalo agad kita. Kasi kung may anong nangyari sayo at sa baby natin...mapapatay ko ang hinayopak na kaibigan mong iyon!" Matigas na saad ng binata.
"So, alam mo na pala? At ano namang problema mo kay Christian? Mabait naman yung tao at for tour information Mr. Echeverry siya ang tumulong sakin nong mahilo ako sa school at dinala ako sa ospital.!" Irap niya sa binata.
"I'm sorry sweetheart!" Yun lang ang tanging nasambit ni Rob sa dalaga. Sabay halik nito sa kanyang mga labi ng mariin.
Maya maya pa ay nakarinig sila ng pagbukas ng pinto. At mga tikhim ng nasa pinto. Bigla silang napakalas ng di oras. Nandon ang mga magulang niya, ang kapatid niya, si Kate na kaibigan niya, si Christian, at isa pang lalaki na sa tingin niya ay doctor.
"Kaya pala nagka junior agad si Mr. Echeverry kasi para palang tuko kung makakapit!" Saad ni Kate at biglang tawanan ang lahat.
Para namang nahihiya si Rob at umayos ng upo. Pero nanatiling nasa rabi parin ng dalaga..hawak ang kamay nito.
"So, alam mo na Ms. Montaner ang mga dapat mong isa alang alang ngayong 3 weeks pregnant kana. At iwasan mo ang masyadong stress. Makakasama sa baby yun!". Yun lang ang bilin sa kanya ng doctor na kaibigan pala ni Rob.
"At ikaw naman Mr. Echeverry! Hinay hinay lang bro,,,baka mamaya maging kambal pa iyan!" Biro ng doctor na sa kaibigan.
"Get out now Anderson!" Matalim na tinging ipinukol nito sa doctor na kaibigan. Iiling iling nalang ang doctor at nagpa alam narin sa kanila kay may aasikasuhin pa daw ito sa ospital.
Sumunod naring umalis si Christian, Kate, at sumunod na lumabas ang magulang at kapatid ni Glenda. Naiwan silang dalawa ng binata sa kwarto.
"Anong sinabi ng mga magulang ko nong malaman nilang ikaw ang nakabuntis sa kanilang anak?" Tanong niya sa binata ng makapagsulo sila.
Hinahalikan siya ng binata ng mariin.
"Rob, hindi ako makahinga, ano ba? Maiipit mo ang baby!" Pilit na iwas ni Glenda sa binata.
"Ano nga ang sinabi sayo ng mga magulang ko?". Ulit parin na tanong nito sa binata.
Hininto ni Rob ang paghalik sa kanya at hinarap siya.
"Isa lang naman ang sinabi nila eh!". Biglang sabi ng binata kapagkuwan ay hinalikan siyang muli.
"Ano ang sabi nila?" Nabibiting tanong ng dalaga. Sabay iwas sa mga halik nito sa kanya.
"Uhmmm..Rob.bbb!! Naman eh..ayusin mo nga ang pagsagot!" Naiinis na turan ng dalaga.
"Gusto nila pakasalan ko ang anak nila dahil kung hindi, ilalayo nila sa akin ang anak nila at ang baby!". Deretsong sagot ng binata sa kanya at sabay halik ulit ng mariin sa kanya.
" Sinabi nila yon?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalaga.
"Yeah!!!
"At ayoko rin naman mangyari na malayo ka sa akin at sa baby natin, kaya papakasalan kita!". Yun lang at naglumikot na naman ang mga kamay nito. Kung saan saan napupunta.
Hindi namalayan ni Glenda na nakapasok na pala sa loob ng damit niya ang kamay nito at malayang hinimas himas ang kangyang dungkot doon.
"Uhhhhmmm! Robbbb! Sandali!". Pigil ni Glenda sa binata pero parang wala yatang narinig ang binata. Ipinaglatuloy nito ang ginagawa sa kanyang katawan.
Hanggang sa namalayan nalang niya na kusang tumutugon ang kanyang mga labi sa mga halik nito na nakapag paliyo sa kanya.
Inilock muna ni Rob ang pinto saka muling bumalik sa dalaga at muling naramdaman nila ang pagmamahal sa isa't isa at sabay din nilang narating ang ikapitong langit.
Hapong hapong napagbagsak si Rob sa tabi ng dalaga. Ilang sandali pa ay sabay silang nakatulog ng may ngiti sa labi. Hapit na hapit ni Rob ang dalaga...at nakaunan pa ito sa mga braso ng binata.
*****
Nagising si Glenda sa sikat ng araw. Tiningnan niya ang orasan at napagtanto niyang late na siya sa pagpasok sa school. Akmang tatayo na sana siya ng may boses na nagsalita.
"And where do you think you are going lady?". Ani baritonong tinig.
Biglang napalingon sa Glenda sa pinanggalingan niyon. At nakita niyang si Rob na may dala dalang pagkain sa tray.
Nilapag ni Rob ang tray na may lamang pagkain at tinulungan siyang makaupo ng maayos. Pagkatapos ay agad agad siyang sonubuan nito ng pagkain.
"Nganga!" Utos nito sa dalaga.
"Ako na, kaya ko na!" Nahihiyang sambit ng dalaga at akmang aagawin ang kutsara sa binata. Pero inilayao lang nito ito sa kanya.
"Say ah!!" Pagpapasunod pa nito sa dalaga.
Walang nagawa si Glenda kundi ang sumunod at sinubuan na siya ng pagkain. Kasi kung magpupumilit pa siya ay wala rin naman mangyayari. Talo parin siya at sa huli ay ang binata parin naman ang masusunod.
Hindi lubos maipinta ang mukha ni Glenda sa sobrang saya. Ang lalaking mahal niya ay andito sa kanya at may bunos pa magkakababy na sila. Hindi man niya hiniling pero si God kapag mabuti ang ginawa mo ay susuklian din niya ng kabutihan at doble pa pag bumalik sayo. At para kay Glenda wala na siyang mahihiling pa.
*******
_______________________________________